ACT ONE
Fake Freedom
Eight years later .
"Robyn ! Robyn!"
Iyon ang paulit-ulit nilang sigaw . Tsk nakakarinding hiyawan ! Nasa isang malawak na kwarto kami sa mga sandaling ito para sa isang test na madalas ginagawa sa lugar na ito. Napapalibutan ang boxing ring ng mga kapwa namin estudyante na hiyaw ng hiyaw. May kanya kanya silang manok sa labang ito at halata mo sa kanilang nagpustahan pa sila.
Sinundan ko ng tingin ang kalaban ko sa araw na ito . Isang kapwa ko estudyante. Her name is Liona . Mas matangkad siya sa akin at mas malaki ang pangangatawan . Naka-grappling stance siya at handa na akong atakihin . Halata sa galaw ng katawan niya na hinihintay na lang niya ang hudyat ng pagsisimula .
"Simulan na!" sigaw ng isang babae .
Sumugod agad siya at nagbitiw ng isang suntok na ang target ay ang ilong ko . Kasunod nito ay ang pagsipa niya ng malakas ng dalawang beses sa tagiliran ko dahilan para mabali ang tadyang ko. Sa pagyuko ko ay tutuhurin niya ang bibig ko . At sa pag-angat naman ng katawan ko ay susuntukin niya ang dibdib ko . Magdadala iyon ng pinsala sa puso at diaghpram ko at iyon ang magiging dahilan ng pagkamatay ko .
Oo, pagkamatay .
Hindi isang ordinaryong test ang gaganapin ngayon . Isa itong madugo at nakakamatay na pagsubok, kung saan isa lang ang dapat matira.
Bored na tinignan ko siya nang bigla siyang magbitaw ng isang straight job papunta sa ilong ko . I grabbed her hand and twisted it before giving her a swift kick in the rib . Uubo-ubo siyang lumayo sa akin . Naghiyawan na naman ang mga tao .
"Robyn ! Robyn !"
Dumiretso siya ulit at binalik ang stance niya . Kung tama ang kalkulasyon ko, susugod siya at huhulihin ang ulo ko, saka magpapakawala ng isang tuhod. Pero bago pa iyon tumama ay nakaabang na ang mga kamay ko . Sinalo ko ang tuhod niya saka ko siya siniko sa hita . Paika-ika siyang lumayo sa akin .
"Bwisit ! Papatayin kita !" sigaw niya saka sumugod ulit .
No, you won't.
Basa ko na ang galaw niya bago pa man siya sumugod kaya naman imposibleng mapatay niya ako . Maraming sumubok pero heto ako at mukhang madadagdagan na naman ang biktima ko .
Pagsugod niya agad kong nakuha ang kamay niya, pinilipit tapos binali ko iyon . Napahiyaw siya sa sakit . Maawain ako . Ayokong naghihirap ang biktima ko kaya naman sinuntok ko siya sa dibdib . Sentro sa puso .
Sa pagbagsak niya, isang hininga na lang ang nagawa niya bago pa huminto sa pagtibok ang puso niya . The crowd goes wild when her body hits the floor of the ring . Lumapit sa akin ang babaeng tumatayong tagapangasiwa sa laban namin at itinaas ang kamay ko .
"Panalo si .. Robyn !" she announced . Another cheer from the crowd but I didn't care . Wala ng bago sa hiyawan nila . Hindi naman sa pagyayabang pero hindi pa ako natalo. Maliban sa laban na iyon ..
"Robyn ! Robyn !"
Nakita kong bumukas na ang steel cage na nagkukulong sa amin sa isang boxing ring kaya naman agad akong lumabas roon . Humawi ang mga tao, pagbibigay daan sa akin habang binabati ako sa aking pagkapanalo . Walang lingong nagpunta ako sa locker room na nakakonekta sa kwartong iyon.
Pabagsak akong umupo sa isang upuan na katapat ng locker ko, mula roon, tanaw ko ang repleksyon ko sa salaming di kalayuan sa akin .
Hair, black as ink, tied in a long ponytail . Skin, white as snow . Lips, red as blood . Pointy nose . Two brown lifeless orbs staring back at me . Skinny body that looked fragile .
Who would have thought that she steals people's life?
Nadidismayang napatingin ako sa balat kong hindi natatakpan ng sports bra at spandex short na suot ko .
Wala akong bagong sugat sa katawan .
Wala ni isang makagalos sa akin ulit, ni makadaplis kahit isang beses ay wala. Kaya ilag sa akin ang mga kasama ko dito sa loob . They are all scared of my abilities . Kaya kong mabasa ang galaw at atake ng kalaban ko . Kaya kong puntiryahin ang mga fatal points sa katawan nila . It's always a mismatch kahit pa sino ang kalaban ko .
Lumapit ako sa locker ko at mula roon ay kinuha ko ang isang maliit na notebook . Pinasadahan ko ang mga pangalan na nakasulat doon . Lahat ng pangalan ng mga kakilala at kakwentuhan na pinatay ko ay nakasulat sa unahang pahina ng notebook na ito . I wrote down yet another name .
LIONA
Pinasadahan ko ng tingin ang pahinang iyon . At least thirty names are listed here. Nineteen of these name were my batchmates, mga kasabay kong pumasok dito . Our age ranged from fifteen to twenty years old and I was only sixteen back then . We were trained for a year, we were taught how to fight just so we could kill each other on that bloody night .
We fought and the rest was history .
Ang ibang pangalan ay naisulat ko noong inilaban ako sa kung sino mang malas na napili niya. Sa pagkakataong ito, si Liona . She's my 30th victim. Binuklat ko pa ang notebook at lumantad sa akin ang pangalang matagal ko nang gustong guhitan.
JOSEPHUS DAEMON
Simula ng mapadpad ako rito ay ito na ang pangarap ko . Ang linyahan ang pangalan niya sa notebook na ito.
After staring at his lifeless body, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo kung mangyayari iyon . Kahit 'wag ko na maalala ang kahit na ano patungkol sa pagkatao ko, basta mawala lang siya sa landas ko, ayos na ako ro'n .
Bumukas ang pinto at pumasok si Vayne . Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad papunta sa akin . Isa pa ang babaeng ito sa mga gusto kong mawala sa landas ko eh !
"Robyn, magpahinga ka na . Kakausapin ka ni Ama mamaya, " sabi ni Vayne . Umismid ako sa kanya kaya naman naaasar siyang lumabas ng kwarto . She can kill me but for some reason, hindi niya ni minsang sinubukan, sa hindi ko malamang dahilan .
Napabuntong hininga ako ng maisip kong haharap na naman ako sa matandang iyon .
Ano na naman ba'ng kailangan ng matandang iyon?
*****
Nakahiga ako ngayon at kasalukuyang nakatingin sa puting kisame ng silid ko . Sa mga nakalipas na oras na pagpapahinga ay pilit kong inaalala ang walong taon na nanatili ako sa loob ng Institusyon . Walonh taon nang pakikipaglaban para lang mabuhay at makarating sa araw na ito.
Hindi marahil nakatiis si Vayne sa balitang ilalabas na daw ako ni Tanda . Hinintay niya talaga ako sa labas ng locker room kanina para lang mang asar dahil sa balitang iyon . Mag ingat daw ako dahil kaya na niya akong maabot sa labas . I just smirked at her . Baligtad ata ang utak ng babaeng iyon .
Nang narinig kong tumunog na ang orasan ay mabilis akong tumayo at nagpunta na sa banyo para maligo . Ito ang araw na pinakahihintay ko , ang araw ng paglaya ko mula sa impyernong ito. Alam kong isa lang itong pekeng kalayaan dahil may naghihintay pang panibagong impyerno sa labas nito, pero maituturing ko pa rin itong kalayaan. At least hindi ko na makikita ang mga mukha ng mga tao dito .
Habang nasa ilalim ako ng shower, hindi lingid sa kaalaman ko na may mga taong nakatingin sa akin and I fucking hate the attention .
Lumapit sa akin si Gwenneth, isang magandang babae na mas bata sa akin. She's just nineteen years old pero siya ang nangunguna sa standing ngayon sa batch nila . But who cares ? I have my own records to brag!
"That's my shower, Robyn," she said . Wala akong masabe sa kaangasan at kayabang ng babaeng ito sa katawan niya .
"I can't see your name in here," I said with my usual cold voice . I glanced at her for a second and continued rinsing my body .
"Siguro mas maganda kung ilalapit ko pa ang mukha mo sa shower para matanaw mo . Malabo na yata ang mga mata mo," she said . Nakarinig naman ako ng hagikgikan sa likuran ko .
Napabuntong hininga ako dahil alam ko na ang kahahantungan ng eksenang ito .
"Kakatapos ko lang kanina Gwenneth . Isang bangkay lang sa isang araw ang gusto ko . Kaya do yourself a favor . Stay away from me," banta ko sa kanya .
"Come on, Robyn ! There's no harm in trying . At malay mo, dumating na ang oras mo para magpahinga .. habangbuhay,"
Bago pa niya mahila ang buhok ko , I grabbed her hand and broke it . Napahiyaw naman siya sa sakit . Agad sumugod ang mga alipores niya sa akin.
"Stupid kids .."
I grabbed my towel and put it around me bago ko harapin ang mga babaeng pasugod na sa akin . Binato ko ang naunang babae ng sabon sa mukha na kinabali ng ilong niya. Bumagsak ang sabon sa sahig at naapakan pa ito ng isa pang babae kaya nadulas siya pero bago pa siya makatayo ay sinipa ko na siya sa sikmura at iniuntog ang ulo niya sa tiles . 'Yung tinamaan naman ng sabon sa ilong ay napaluhod na lang sa isang tabi.
Two down, one to go .
Si Gwenneth na lang ang natitira . Well tuturuan ko lang sila ng leksyon . Ayokong baliin ang nakasanayan kong hindi pagpatay kapag hindi kailangan .
Nakita ko 'yung ibang naliligo ay humawi para bigyan-daan kaming dalawa . Kipkip niya ang braso niya habang naglalakad paatras at palayo sa akin . I could smell her fear . Dapat lang ! Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na lahat ng tao sa batch ko, mapa babae man o lalaki ay ako ang pumatay . Ganyan dito sa Institusyon, kung mahina ka ikaw ang mamamatay . It's survival of the fittest.
"Ganito rin ba ang ginawa mo kay Harold?" Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya . How dare she mentioned him! Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko nang mapansin ang pagkatigagal ko .
"Binali mo muna ang mga buto niya bago mo siya pinatay? Anong klaseng kaibigan ka?" sabi pa niya .
Ikinuyom ko ang kamao ko para itago ang panginginig nito . Kung kanina , nag-aalinlangan ako kung papatayin ko siya, ngayon hindi na ! I'll fucking break all of her bones !
Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang pumasok si Vayne sa loob ng banyo. Tumahimik ang lahat .
"Robyn pinapatawag ka na ni Ama!" she announced .
Muli kong nilingon si Gwenneth, "Say thank you to Vayne, Gwenneth . Kung hindi siya dumating , bali-bali na sana lahat ng buto mo," I said and left the shower room .
Nagbihis ako at pumunta kay Tanda. Dala-dala ko ang maleta ko gaya ng sinabi sa akin kanina . Handa na akong lumabas dito . Kumatok muna ako bago pumasok .
"Kamusta Robyn?!"
Tumingin lang ako ng diretso sa kanya bilang sagot sa bati niya . I'm not very fond of this man in front of me, in fact I always wanted to put bullets between those brown eyes and watch them turn lifeless . Itinuro niya ang upuan sa harap niya at doon ay umupo ako .
"Isang masaya at nakakalungkot na pangyayari ito sa akin . Masaya dahil ikaw ang ipapadala namin sa labas and I'm very proud of you for that , my sweet Robyn . But at the same time, nalulungkot ako dahil hindi na kita makikita rito sa loob ng Institusyon," lintanya niya .
Pinigilan kong hindi umirap dahil sa sinabi niya. Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. I just want to get away from here.
Bumuntong hininga siya dahil alam niyang hindi ako magsasalita . I managed to behave myself for the last eight years. Kapag kakausapin nila ako tango at iling lang ang madalas nila makuhang sagot mula sa akin. Marahil ay nasanay na siya kaya naman hindi na siya nagpumilit pang kausapin ako.
Binuksan niya na lang ang kanyang drawer at mula doon ay inilabas ang isang brown envelope at iniabot sa akin . Kinuha ko iyon at inilabas ang mga papeles at iba pang dokumento .
"Simula ngayon, ikaw na si Robyn Studt . Iyan na ang mga legal documents mo na maaari mong gamitin sa oras na lumabas ka ng Institusyon . Sa labas may naghihintay sa'yong sasakyan . Dadalhin ka nila sa bago mong tahanan at doon ka mananatili . Para naman sa una mong misyon, sila na din ang bahala magbigay ng impormasyon," sabi niya .
Kinuha ko ang isang school I.D . May picture ko ito at ando'n na rin ang bagong pangalan ko . Iniangat ko ito at ipinakita sa kanya .
"Para saan ito?" Takang tanong ko . Aren't I too old for studying? Ngumiti siya sa akin .
"You're only twenty three years old, at least live a normal life when you don't have your job. Mag-aral ka ng para kang isang ordinaryong bata."
Natameme ako sa sinabi niya pero nang makabawi ay napailing ako . Iba na talaga ang tama sa utak ng matandang 'to, "I'll never be a normal girl anymore Tanda, you know that ! But here I thought I am free from this hell hole once I got out of those rotten gates, mukhang hanggang sa labas ay abot mo pa din ako ng mga malalansang galamay mo," Mapait kong sinabi sa kanya . Ngumiti lang siya sa akin .
"You will never be free from us, Robyn . You will have your freedom but I assure you, it will just be a fake one," Gusto ko talagang bumunot ng baril at pasabugin ang bungo niya para mawala ang ngiting iyon pero kinalma ko ang sarili ko.
Someday Robyn . Magagawa mo rin 'yan !
"So hanggang sa paaralan na ito ay bantay-sarado ako? Gano'n ba ang ibig mong sabihin, Tanda?"
Nagkibit-balikat lang siya sa akin bilang sagot kaya tumango ako .
"Hindi ka ba natatakot, Tanda?" tanong ko sa kanya habang pinapasok ko ang envelope sa maleta . Kunot noo naman niya akong tinitigan .
"Saan naman ako matatakot, Robyn?" tanong niya .
Tumayo na ako at nginitian siya bago naglakad papunta sa pinto . Pero bago ako lumabas ay hinarap ko muna siya . Bakas sa mukha niya ang gulat .
"Pinakawalan mo na kasi ang pinakamatapang at ang pinaka pasaway sa mga alaga mo," sabi ko sa kanya, "You should know, kahit alaga mo, kapag natutong lumaban, mangangagat sila." dugtong ko saka ako tuluyan ng lumabas ng opisina .
Pagkasara ko ng pinto ay nagpakawala ako ng hangin para kalmahin ang sarili ko . My hands are shaking . Nagsisimula na naman ang panginginig ko and it's all because of Josephus.
Wala sa loob na napalingon ako sa pinakamalapit na bintana and I saw the Institution's cemetery . Libingan ng mga talunan . Who am I kidding ? May isang tao roon na hindi nararapat sa himlayang iyon . Dapat ay ako ang nasa pwesto niya .
Iniwan ko ang mga gamit ko sa dalawang lalaking mag hahatid daw sa akin saka ako pumunta sa sementeryo. Mukhang ngayon na ang huli naming pagkikita kaya naman susulitin ko na.
Madamo sa bahaging iyon ng Institusyon . Wala naman kasing naglilinis dito . Nakita ko ang pamilyar na lupa matapos kong dumaan sa mga nagtataasang talahiban . Malinis doon . Walang talahib . Wala ding damo . Kapag may pagkakataon kasi ay pumupunta ako rito at tumatambay. Nililinis ko na rin ito .
Umupo ako sa lupa kahit pa naka dress ako . Hinarap ko ang semento na nagsisilbing lapida niya .
HAROLD
"Lalabas na ako .. Pa'no ba 'yan? Iwan ka na rito," bulong ko sa kanya . I smiled at the thought of him, my knight in shining armor . Masaya akong nakilala ko siya pero madaming beses na hiniling kong hindi na lang sana .
I stayed for ten minutes . Sinundo na ako ni Vayne kaya naman napilitan na akong tumayo . Pinagpag ko ang damit ko .
"It's not like you to be so sentimental Robyn . Hindi lang naman si Harold ang pinatay mo sa mga kaibigan at kakilala mo," she said to me . Napataas ang kilay ko sa sinabi niya . Ngayon na nga lang niya ginamit ang bibig niya kung anu-ano pang basura ang sinasabi niya .
"'Wag kang mag-alala Vayne dahil hindi kay Harold at Liona matatapos ang pagpatay ko sa mga kakilala ko . Kakilala rin kita, kakilala ko rin si Tanda . Malay niyo sumunod na kayo," I smirked at her . Halata namang nabigla siya sa sinabi ko .
"P-pinagbabantaan mo ba kami? Pasalamat ka kung hindi lang dahil kay Ama matagal na rin sanang pinagpipyestahan ng uod 'yang katawan mo,"
I smiled at her again . Nakakatuwa ang reaksyon niya, "I do really enjoy talking to you Vayne . Sa tinagal ko rito , ito na ata ang pinakamahabang kwentuhan natin . Tignan na lang natin kung kailan ako sisipaging totohanin ang mga sinabi ko . But for now, take it as a .. advanced call . At least when it happens, you know , you had it coming," Tinapik ko ang balikat niya saka ako naglakad pabalik sa sementadong bahagi ng Institusyon.
Sa paglabas ko, iiwanan ko lahat ng alaala ko rito . I'll start again but one thing will never and won't change . Josephus' head, is mine .
___________________
Andito na ako ngayon sa labas . Nakatingin lang ako sa itim na sasakyan na naghihintay at magdadala sa akin sa isa na namang impyerno .
"Kailangan na nating umalis, Miss Robyn," sabi nung isang lalaki .
Bumuntong hininga ako at sumakay sa limo pagkatapos sulyapan ang gate ng Institusyon sa huling pagkakataon . Babalik ako rito . At sa pagbalik ko, sisigiraduhin kong hindi na hihinga ang matandang iyon.
Napakatahimik ng byahe, tumingin ako sa labas ng bintana , halos thirty minutes na simula ng umalis kami sa pinaka trangkahan ng Institusyon pero hanggang ngayon ay andito pa rin kami sa lupang nasasakupan nito . Puro matatayog na puno ang nakapaligid dito, at kung hindi ka sanay sa aming larangan, hindi mo mapapansin ang mga sniper na nagtatago sa mayayabong na dahon ng mga puno. Halata mong ayaw talaga nilang magpatakas ng mga bihag mula sa loob dahil sa mga kalibre ng baril na hawak nila . Tanaw ko rin dito ang dagat na saksi sa araw-araw na pamumuhay namin dito .
Naalala ko ang ilang beses kong pagtatangkang tumakas dito pero hindi ako nagtatagumpay . Hindi nila ako pinatay dahil alam nila na kay Tanda sila sasagot . Sa hindi ko malamang dahilan, ako ang paborito ni Tanda sa lahat ng bata sa Institusyon, kaya marami rin ang nagtatangka sa buhay ko dahil sa inggit but then again they would end up dead whenever they go near me.
Kung hindi ako nagkakamali ay sixteen years old ako ng mapadpad dito . Ang natatandaan ko ay nasa ospital ako ng halos isang linggo bago nila ako nakuha . Ang sabi ng Doktor ay nagkaroon daw ako ng amnesia dahil na daw sa contusion at brain swelling na natamo ko sa isang aksidente . Dalawang buwan daw akong comatose. After one week, ay bigla na lang may sumulpot na mga lalaki at nagpakilalang mga social workers at dahil wala nang nag-claim na guardian ko ay ibinigay ng ospital ang custody ko sa kanila .
Hindi ko alam kung anong buhay ang meron ako bago nila ako nakuha . Lagi akong napapaisip tuwing inaalala ko ang buhay ko bago ako magising sa ospital bed pero sasakit lang ang ulo ko kaya naman itinitigil ko .
Curious lang talaga ako dahil wala naman akong balak bumalik sa pamilya ko kung meron man . Nakakalito kasi kapag wala kang alam na kahit anong impormasyon tungkol sayo . Itinawag lang nila sa akin ang pangalang Robyn dahil iyon daw ang pangalan ko. Pero hindi ko alam kung totoo ba iyon. Sino ba talaga ako ? Ano'ng totoo kong pangalan ? Sa'n ako nakatira? May pamilya pa ba ako? Anong dahilan bakit ako naaksidente ? Bakit walang naghahanap sa akin ?
There's too many questions inside my head but at the end of the day I will always end up wondering, if they hadn't found me at the hospital, will I be free? Siguro oo, iba ang takbo ng buhay ko. Ibang iba sa madugong impyernong kinakasadlakan ko ngayon .
#aienma