Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Carmella

🇵🇭Elizabeth_Darcy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.9k
Views
Synopsis
nn
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Bakit sa Del Castillo bakit hindi sa VincElla Hotel" Tanong ni May ng sabihin sa kaibigan na balak nyang gawin ang On-the-job training nya sa Del Castillo Resort ang nag-iisang resort sa bayan ng San Miguel na pag mamay-ari ng pamilya Del Castillo. Graduating student na sya sa SMU sa kursong HRM.

"Mas gusto kong matuto ng mga bagay bagay sa may beach" tanging sagot nya kay May na halos apat na taon na nyang kaibigan mula ng mag enroll sya sa SMU.

"Pero boring doon, hindi gaya sa VincElla Hotel andaming gwapong nag oover night, dagdag mo pa na makikita natin si Vincent Dela Merced doon"

"Ano ka ba may asawa na yon" saway nya sa kaibigan at inisa-isa ang gamit sa mesa at nilagay sa bag pack.

"Sulyap lang naman eh hindi naman kasalanan ang sumulyap"

"Bahala ka basta ako sa Del Castillo Resort ako papasok"

"Ano ngang dahilan?"

"Wala kailangan ba may dahilan?"

"Kung iniisip mo eh si Aiden Del Castillo huwag ka ng umasa matagal ng wala yon dito sa San Miguel at sa tingin ko hindi na babalik pa" sabi ni May na nagpahinto sa kanya sa pagalalagay ng mga gamit sa bag.

"Bakit hindi na daw sya babalik?"

"Hindi mo ba alam ang tsismiss na pinatapon sya ng Papa nya sa America dahil sa mga kabalastugan nya rito sa San Miguel" mabilis na sagot ni May sa kanya. Hindi sya kumibo.

"Kaya huwag ka ng umasa na makikita mo yon doon, dahil matagal na syang wala dito sa San Miguel" patuloy ni May.

"Ano ka ba, hindi naman sya ang sinasadya ko sa Resort, gusto ko lang doon" tanging sagot nya at nag paalam na sa kaibigan matapos maayos ang mga gamit.

Naglakad sya sa may guardhouse kung saan nya laging iniiwan ang bike nya, malayo-layo kase ang bahay nila mula sa unibersidad, sayang naman kung mamasahe pa sya kaya naman nag ba bike lang sya sa tuwing papasok ng eskwela, at aaminin nyang mag isa lang syang eatudyanteng pumapasok na naka bike. Karamihan kasi naka kotse, oh di kaya naman hatid sundo ng mga magulang. Alam naman nyang puro mayayaman at mga kilalang pamilya lang ang nakakapasok sa SMU, ang mga katulad nya na nakatira sa San Miguel na wala namang sinasabi sa buhay sa public school lang pumapasok, kaya lang naman sya nakapasok sa SMU dahil matalino sya nakakuha sya ng scholarship at ang kalahati ng tuttion ay ang Ate Grace nya ang nagbabayad.

"Mella! Madali ka andito ang Ate Grace mo!" Masiglang salubong ng Nanay nya pagpasok nya sa gate ng inuupahan nilang bahay, mula ng ipinanganak sya at nagka-isip sa mga paupahang bahay lang sila nakatira, wala silang sariling bahay.

"Ate Grace!" Masiglang tili nya ng makapasok na sa loob ng bahay at nakita ang magandang kapatid.

"Mella! Haba gumaganda ka ah, nagiging kamukha na kita" bati ng Ate Grace nya sa kanya at niyakap sya nito.

"Syempre naman Ate ikaw ang kamukha ko"

"Ano ka! Ako daw ang kamukha mo no!" Sabat ng Ate Lanie nya nginusuan lang nya ang kapatid.

"Kayo talaga oh, magkakamukha tayo" sabat naman ng Ate Joan nya habang karga-karga ang baby nito.

Lima silang magkakapatid, apat na babae isang lalake, anak ng Nanay nya ang Ate Grace, Ate Joan nya at ang Kuya Erwin nya sa unang asawa nito, nang maghiwalay ang Tatay ng mga ito at ang Nanay nila nakilala ng Nanay nya ang Tatay nila ng Ate Lanie nya at sila ang naging bunga, bata palang sya ng mamatay ang Tatay nya inatake sa puso at hindi na nag-asawa muli ang Nanay nya inasikaso nalang sila nito.

"Kumusta Mella" bati naman ni Ryan boyfriend ng Ate Grace nya. Isa itong negosyante sa Maynila, katunayan nga ito ang tumutulong sa kanila pera nito ang ginagastos nila sa pang araw-araw. Walang trabaho ang Nanay nya nag-aalaga lang ng anak ng Ate Joan nya, wala di naman maayos na trabaho ang Ate Joan nya nagbebenta lang ng mga kung anu-ano online at alam nyang hindi sapat yon, may trabaho ang kinakasama nito na si Arman sa pagawaan ng cellphone sa may Tragora Mall. Ang Kuya Erwin naman nya wala ding maayos na trabaho hindi naman sa tamad ito kungdi tila ito laging tulala mula ng iwan ng dating kinakasama at dinala ang anak ng mga ito. Hanggang ngayon wala pa silang balita sa pamangkin nya kaya naman hinahayaan nalang nila ang Kuya nila kung ano man ang gusto nitong gawin sa buhay para lang makalimot kahit papano sa nawalay na anak nito. Ang Ate Lanie naman nya na syang tunay na kapatid nakapag tapos ng vocational course sa tulong ng Ate Grace nila, nagtatrabaho na rin naman ito sa isang boutique sa Tragora Mall, at alam nyang sa mga pampaganda at mga mamahaling gamit palang ng kapatid kulang na kulang na rito ang kinikita nito, kaya naman malimit lang nito kung abutan ng pera ang Nanay nila. At sya naman bilang bunso sa kanilang lahat, ginagawa ng Ate Grace nya ang lahat para makapag tapos sya ng pag-aaral. Nakagraduate ng Culinary ang Ate Grace nya sa Maynila sa tulong ng boyfriend nito at sya naman ngayon ang pinapaaral ng mga ito, kahit eskolar sya malaki-laki parin ang binabayaran nila sa eskwelaan lalo na ngayong malapit na syang maka graduate. Pinagpapasalamat nyang mabait ang boyfriend ng Ate Grace nya at mukhang totohanan na ang relasyon ng mga ito, dahil nagpaplano na ang dalawang magpakasal.

"Hello po Kuya" Magiliw na bati nya rito.

"Magbihis ka na Mella kakain tayo sa labas" Sabi ng Ate Grace nya. Sa tuwing uuwi ng San Miguel ang Ate Grace nya lagi sila nito pinapakain sa labas o di naman kaya pinapasyal kung saan at pinamimili ng mga kung anu-anong mga gamit na nais nitong ibili sa kanila. Minsan nahihiya sya sa boyfriend nito dahil alam naman nyang pera ng boyfriend nito ang ginagamit nito para sa kanila.

"Kaya pala pula ang labi ni Nanay eh" biro nya sa ina at mabilis na tumakbo sa silid para mag bihis.

Dalawang palapag ang inuupahan nilang bahay, sama-sama silang lahat doon tatlo ang kwarto, dalawa sa itaas. Ang isang silid ay sa kanya at sa Nanay nya at ang isang silid naman sa Ate Lanie nya, sa ibabang silid naman ang Ate Joan nito at ang kinakasama nito't anak, sa may sala lang ng bahay nila natutulog ang Kuya Erwin nya.

"Iba talaga pag mamahaling sasakyan" sabi ng Nanay nya habang pasakay na sila sa puting Montero na nakaparada sa may gilid ng kalsada, at umaagaw ng pansin sa mga ilang kapit bahay nila, at kahit hindi nya lingunin ang mga ito alam nyang pinagbubulungan nila ang pamilya nila lalo na ang Ate Grace nya. Malimit lang umuwi ng San Miguel ang Atw Grace nya at alam na alam nyang sa tuwing darating ito humahaba ang leeg at nguso ng mga tsismosang kapitbahay nila.

Hindi maganda ang reputasyon ng Ate Grace nya sa bayan ng San Miguel, bago ito nakarating ng Maynila kung kani-kaninong mayayaman muna sa bayan nila ito sumama, at hindi lingid sa kaalaman nya na halos matatandang may asawa ang mga kinasama ng Ate nya, kaya kung tignan sila ng mga kapitbahay nila ay tila mga salot at may sakit na nakakahawa. Alam nyang ginagawa ng Ate Grace nya ang bagay na yon para sa kanila, para kahit papano'y hindi na sila magugutom pa tulad ng mga bata pa sila na halos ilang araw na hindi sila kumakain dahil wala silang pera.

Maganda ang Ate Grace nya, maamo ang mukha, makinis ang balat nito, hindi ito katangkaran tulad nila ng Ate Lanie nya na matatangkad, marahil nagmana ito sa side ng Ama nito. Sa edad na bente syete ng Ate Grace nya masasabi nyang hindi nya magawang bilangin sa mga daliri ang mga kinasama nito at may mga ilang nasirang pamilya dahil sa inosenteng mukha ng kapatid. Isa na ang pamilya Del Castillo sa mga pamilyang nasira ng kapatid para lang mabigyan sila nito ng maayos na buhay.