Chereads / Carmella / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Mella ikaw anong gusto mong drinks?" Tanong ng Ate Grace nya ng makarating na sa isang mamahaling restaurant sa Tragora Mall.

"Strawberry shake nalang Ate" Sagot nya at umayos ng upo. Pansin nya ang ilang mga matang pasulyap-sulyap sa kinauupuan nila. Alam naman nya kung bakit, halos naman lahat ng nakakakilala sa kanila eh tinatapunan talaga sila ng tingin, lalo na ang Ate Grace nya pero hindi naman pansin ng Ate nya ang mga mapang husgang matang nakasunod rito.

"Mike dito!" Tili ng Ate Lanie nya. Nakita nya si Mike ang boyfriend nito na taga kabilang bayan. Hindi na rin nya alam kung pang ilan na ba si Mike sa mga naging boyfriend ng kapatid, dahil highschool palang ito mahilig na itong magpapalit-palit ng boyfriend, wala kasing tumatagal na lalaki dito dahil masyado itong maarte at ma luho sa katawan at mayayaman lang ang sinasamaan nito para makuha nito ang luho sa katawan. Sa nakikita nya kay Mike tanggap na nito kung ano ang ugali ng kapatid nya dahil mahigit isang taon na ang relasyon ng dalawa at sana nga si Mike na ang huling lalake sa buhay ng Ate Lanie nya sa edad nitong bente tres masasabi nyang marami ng karanasan ang kapatid pagdating sa mga lalake. Alam nyang isa din ang Ate Lanie nya sa mga pinag tsitsismisan sa Bayan nila at madalas nyang marinig na katulad din daw ito ng Ate Grace nya at Ate Joan na pa iba-iba ng lalake at mahilig dumikit sa mga may pera. Ang Ate Joan naman kasi nya hindi sila kasal ng kinasama nito dahil sa pagkakaalam nya may naunang pamilya ang kinasama nito at nabuntis lang ang Ate Joan nya kaya nakisama na si Arman sa kapatid, at alam din nyang sa panahon ng kabataan ng Ate Joan nya ginamit din nito ang ganda at katawan para kumita hanggang sa mabuntis ito ni Arman, Kaya naman usap-usapan ang pamilya nya sa San Miguel ginagamit ng mga ito ang ganda para kumita. Sa tuwing ganitong kakain sila sa labas maraming mga matang nakamasid sa kanila dahil kilalang-kilala ang mga kapatid sa bayan nila. Minsan nakakaramdam sya ng hiya pero hindi nalang nya pinapansin ang mahalaga masaya sila at sama-sama.

"Saan mo pala balak mag OJT?" Tanong ng Ate Grace nya habang kumakain sila.

"Ah... sa Del Castillo Resort sana Ate" mahinang sagot nya.

"Bakit doon? Ayaw mo ba sa VincElla Hotel? May kakilala ako doon" sagot ng Ate nya na tila hindi man nagulat ng banggitin nya ang Del Castillo Resort.

"Oo nga anak huwag na sa mga Del Castillo maghanap ka nalang ng iba" sabat ng Nanay nya habang maganang kumakain.

"Gusto ko po kasing mapag aralan ang ganoong kalaking negosyo"

"Naku ah.. pag ikaw sa mall lang napasok pagka graduate mo tatamaan ka sa akin" sabat ng Ate Lanie nya habang nakapalupot kay Mike.

"Sa Hotel makakapasok si Mella at sigurado ako Manager agad ya " may pagmamalaking sagot ng Ate Grace nya.

"Oo nga matalino tong si Mella eh" dagdag naman ni Ryan at sinubuan pa ang Ate Grace nya sweet na sweet ang dalawa at walang pakialam kung maraming tao sa paligid. Ngumiti nalang sya at tinuloy ang pagkain.

Mabait naman si Ryan sa kanilang lahat, wala itong kiming tulungan sila dahil mahal nito ang Ate Grace nya. Malaki ang agwat ng edad ni Ryan sa Ate Grace nya, hindi rin ito ka gwapuhan at medyo may kakaiba sa style ng pananamit nito, mahilig itong magsuot ng terno ternong kulay at pansin nyang paborito nito ang kulay purple na kakaiba dahil lalaki ito, pero balewala na lahat yon dahil mabait naman ito at nabibigay nito ang lahat ng kailangan ng Ate nya isama pa na pati sila nahahambunan sa natatanggap ng kapatid mula kay Ryan.

Matapos silang kumain namasyal pa sila at kung anu-ano nanaman ang mga pinagbibili ng Ate Grace nya para sa mga kapatid at sa Nanay nila. Wala namang reklamo kay Ryan at tila natutuwa pa ito dahil masaya ang Ate Grace nya.

"Pupunta ako sa washroom" paalam nya sa mga ito habang namimili parin sa loob ng kilalang boutique.

"Sige txt nalang kita kung asan kame" sagot ng Ate Lanie nya na nagsusukat ng jacket.

"Oo sige" sagot nya at mabilis ng naglakad palabas ng boutique.

Habang naglalakad napatingin sya sa magandang sapatos sa may show window ng Charles and Keith boutique. Napangiti sya. Ilang beses na ba nyang nadaanan ang sapatos na yon at sa tuwing madadaanan nya napapangiti sya.

"Pag may trabaho na ko mabibili rin kita" bulong nya at nagtuloy na sa paglalakad nang bigla syang bumunggo.

"Ouch! Hey! Use your eyes bitch!" Galit na sita sa kanya ng nakabunggo.

"Sorry, pasensya na" paumanhin nya sa babaing nakabunggo.

"Duh!" Maarteng sagot nito sabay palantik pa sa mga kamay nito na mukha bagong manicure pa ang mga kuko. Maganda ito at mukhang may kaya sa buhay, halata sa pananamit at kilos.

"You done?" Tanong ng lalaking lumapit sa kanila.

"Yes, babe let's go" yaya nito at kinawit sa braso ng lalaking bagong dating ang mga kamay. Napasulyap sya sa lalaki, ganoon din ito sa kanya, nagkatinginan sila at pakiramdam nya huminto ang ikot ng oras ng makilala kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan nya at nakatingin sa mga mata nya. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ang lalake at buti nalang mabilis syang nakabawi bago pa makahalata ang kaharap.

"What happened?" Tanong ng lalake habang sa kanya parin nakatingin.

"Nothing babe, let's go I need to buy something" maarteng sagot ng babae at hinila ito. Naiwan syang nakatulala at nakasunod ng tingin sa dalawa. Nakita nyang sinulyapan sya muli ng lalake kaya naman mabilis syang nag iwas tingin at nagtuloy na paglalakad.

Pagdating nya sa washroom kaagad syang pumasok sa cubicle, napasandal sya sa pinto at humugot ng malalim na paghinga. Totoo ba ang nakita nya? Totoo ba na nakita nya si Aiden Del Castillo sa San Miguel? Ibig bang sabihin nito bumalik na si Aiden Del Castillo sa bayan nila?

Hindi sya maaring magkamali si Aiden Del Castillo ang nakita nya, hinding-hindi nya makakalimutan ang gwapong mukha nito, kahit pa sabihing mahigit limang taon na ang nakakalipas mula ng huli nyang makita ito sa bayan nila. Sa pagkakaalam nya pinadala sa America si Aiden ng Papa nito para doon tapusin ang pag-aaral nito, at nangyari yon matapos ang malaking eskandalong kinasangkutan ng pamilya nya at ni Aiden.

"Aiden Gabrielle Del Castillo" sambit nya sa pangalan nito at napapikit ng mariin sa mga mata. Ano nang mangyayari sa kanila ngayon bumalik na si Aiden sa bayan nila?