Chereads / Azraeth / Chapter 6 - CHAPTER 5: Unang Misyon

Chapter 6 - CHAPTER 5: Unang Misyon

CHAPTER 5: Unang Misyon

Ngumiti si Igriv, "Nakapagdesisyon na ako. Simula ngayon ay ka-team na kita, Sin."

"Ikaw na ang bahala sa pagpapagaling sa amin. Kami naman ang bahala sa pag-atake sa ating mga kalaban. Galingan natin, para marami tayong matapos na misyon!"

Labis na sumaya si Sin dahil sa sinabi ni Igriv, "Sige!"

Tinahak nila Sin ang daan papunta sa tirahan ni Igriv. Habang sila ay naglalakad ay tinatanong ni Sin si Igriv tungkol sa Azraeth Guild.

"Igriv, ilang taon ka noong sumali ka sa Azraeth?"

"Sampung taong gulang ata ako noong sumali ako sa Azeaeth," sagot ni Igriv.

"Igriv, sino ang pinakamalakas miyembro ng Azraeth?"

"Siyempre, ako! Ako ang pinakamalakas sa lahat! At balang araw, ako na rin ang magiging pinakamalakas sa buong Jetian!"

Ngumiti si Igriv nang matanaw na niya ang bahay niya, "Malapit na tayo sa bahay ko. Kita mo 'yang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy? Ayan ang bahay ko! Ako lang ang gumawa niyan," proud na sambit ni Igriv.

"Tinulungan ka kaya namin, Igriv!" Sabat ni Little Fire.

"Kaya nga," dagdag pa ni Little Thunder.

Namangha si Sin nang makita niya ang bahay ni Igriv. Maganda ang bahay na ito kahit na gawa lamang ito sa kahoy.

"Tara, pasok na tayo," pangaanyaya ni Igriv kay Sin.

Ngumiti at tumango naman si Sin kay Igriv. Pagpasok ni Sin sa bahay ni Igriv ay bigla siyang natigilan at halos malaglag ang kaniyang panga sa sahig.

"T-Tao ba talaga nakatira rito?" Tanong ni Sin.

Napakaraming kalat ang makikita sa bahay ni Igriv. Kahit saan ka mang direksyon tumingin ay may makikita kang kalat.

"Medyo?" Patanong na sambit ni Little Fire.

"Anong medyo? Mukha ngang hindi tao ang nakatira rito!" Sambit ni Sin.

"Medyo kasi hindi naman buong tao si Igriv. May dugo siya ng Phoenix at Dragon. Kami naman ni Thunder ay isang Mythical Creature. Bale, kalahating tao lang ang nakatira rito," pagpapaliwanag ni Little Fire kay Sin.

Tumango si Igriv, "Oo nga no? Ngayon ko lang na-realize 'yon. Kalahating tao lang ang nakatira rito. Ang talino mo rin pala minsan, Little Fire."

Proud na ngumiti si Little Fire, "Ako pa ba? Normal na sa aming mga dragon na maging matalino."

"Mas matalino naman kaming mga Phoenix kaysa sa inyong mga dragon na puro lamang away ang gusto," sambit ni Little Thunder.

"Ano naman kung puro away ang gusto namin? Normal na sa amin 'yon kasi pinanganak kami na malakas, pinanganak kami para makipaglaban."

"Mas malakas pa rin kaming mga phoenix kaysa sa inyong mga dragon."

"Mas malakas kaming mga dragon!"

"Mas malakas kaming mga phoenix!"

Mabilis na pinagbabatukan ni Sin sila Little Thunder at Little Fire para tumigil ang dalawang ito.

"Tumahimik kayong dalawa!" Sigaw ni Sin.

"Ikaw, Igriv."

Tinuro ni Igriv ang sarili niya, "Ako?"

"Oo ikaw. Sana kahit na lalaki ka at kalahating tao ka lang ay marunong kang maglinis ng bahay mo! Ang dumi-dumi ng bahay mo! Parang inuuod na nga 'to!"

"Igriv, inuuod na nga talaga yung bahay natin. Tignan mo itong nahanap ko na uuod sa bulok na karne, na itinago ko sa ilalim ng sofa natin! Ang cute niya diba?" Tanong ni Little Fire habang pinapakita niya yung uuod na nakita niya sa bulok na karne.

"Oo nga! Ang cute niya. Simula ngayon ang pangalan niya at Little Maggot!" Masayang sambit ni Igriv.

Kinuha ni Sin ang walis tambo nila Igriv at mabilis niyang hinampas ang uod sa kamay ni Little Fire kaya ito ay namatay.

Biglang natigilan sila Igriv sa ginawa ni Sin, "Bakit mo pinatay si Little Maggot?" Tanong ni Igriv kay Sin.

"Mandiri ka nga! Ang dumi-dumi kaya niyang. Puwede ba, Igriv? Umalis na muna kayo sa harap ko. Nanggigil ako sa inyo. Bumili muna kayo ng makakain natin. Lilinisin ko na muna 'tong nakapakadumi mong bahay!"

Magsasalita pa sana Igriv ngunit mabilis siyang tinulak ni Sin papalabas sa bahay niya. Papasok sana siya ngunit mabilis na sinara ni Sin ang pinto.

"Little Fire! Little Thunder! Tulungan niyo ako!  Buksan niyo yung pintuan!"

Napatigil si Igriv sa pagsigaw nang makita niyang bumukas ang pintuan at inilabas nito sila Little Fire at Little Thunder na inihagis papalabas ni Sin.

Mabilis na yumakap si Little Fire kay Igriv, "Igriv! Ang sama niya! Palayasin mo siya sa bahay natin! Dapat hindi ka nalang pumayag na patirahin siya rito!"

"Sa wakas. Wala na yung tatlong hindi marunong maglinis ng bahay," sambit ni Sin sa kaniyang sarili.

"Paano ko ba sisimulan 'to? Napakadumi talaga rito."

Hinubad ni Sin ang suot niyang damit na pangpatong at ang kaniyang maliit na palda na suot kaya ang natira na lamang na suot niya ay sandong puti at maikling short.

Huminga ng malalim si Sin, "Kaya ko ito!"

Kinuha ni Sin ang walis tambo at nagsimula na siyang linisin ang napakaruming bahay ni Igriv.

Mabilis na lumipas ang oras. Gabi na at tapos na rin linisin ni Sin ang maruming bahay ni Igriv.

Bumukas ang pinto ng bahay ni Igriv at pumasok dito sila Igriv na may dalang karne ng hayop at iba pang sangkap pangluto.

Biglang natigilan sila Igriv nang makita niya yung bahay niya. Ang dating nakaruming bahay niya ay naging malinis na. Kahit saan kang direksyon tumingin ay wala kang makikitang dumi. Dahil na rin sa sobrang linis ng bahay niya ay puwede ka na magsalamin sa sahig nito.

"Wow, Igriv. Ang pogi ko pala," sambit ni Little Thunder nang makita niya ang itsura niya nang mapatingin siya sa sahig.

"Igriv, mukhang napagod ng sobra si Sin. Nakatulog na siya sa sofa natin. Hindi rin pala masamang patirahin natin si Sin. May pakinabang din pala siya," sambit ni Little Fire.

Lumapit si Igriv kay Sin na nakatulog na sa sofa dahil sa sobrang pagod. Hinawi ni Igriv ang buhok ni Sin na tumatakip sa kaniyang mukha.

"Little Thunder, kumuha ka ng kumot sa kuwarto ko," sambit ni Igriv.

Mabilis naman na sinunod si Little Thunder ang utos ni Igriv.

"Igriv, pati yung kuwarto mo ay malinis din. Lahat ng mga damit mo na malinis na tinatamad kang itupi ay nakatupi na," sambit ni Little Thunder.

Kinuha ni Igriv ang kumot kay Little Thunder at kinumot niya ito sa natutulog na si Sin.

"Suklian naman natin ang ginawa ni Sin. Ipagluluto ko siya ng masarap!"

Pumunta si Igriv sa kusina at nagsimula siyang magluto. Nagising si Sin dahil sa mabango na pagkain na naaamoy niya. Nagtaka siya nang makita niyang may kumot na nakabalot sa katawan niya.

Tumayo siya at pinuntahan niya yung pinanggagalingan ng amoy. Hindi namalayan ni Sin na nakating na siya sa silid kainan ng bahay ni Igriv.

"Nandiyan ka na pala, Sin. Ipapagising sana kita kay Little Fire. Halika na, sumabay ka na samin kumain," sambit ni Igriv kay Sin.

"Wow! Ang daming pagkain!" Manghang sambit ni Sin nang makita niya ang mga niluto ni Igriv.

Umupo si Sin sa harap ni Igriv, "Salamat nga pala Sin sa paglinis ng bahay ko."

Ngumiti si Sin, "Walang anuman."

"Kumain na tayo, Igriv. Kanina pa ako nagugutom," sambit ni Little Fire.

Mahinang tumawa si Igriv, "Sige. Kanina pa rin ako nagugutom.

"Salamat sa pagkain!" Sambit nilang lahat at nagsimula na silang kumain.

Para bang naging magkakaaway sila dahil ang bibilis nilang kumain. Walang gustong magpatalo sa kanila, kahit na si Sin na magandang babae. Hindi mo aakalain sa likod na magandang anyo niya ay ang babaeng para bang mandirigma kung kumain.

Hindi rin nagtagal ay naubos na ang mga niluto ni Igriv. Makikita sa mga mukha nila na satisfied sila sa mga nakain nila.

"Oo nga pala, Sin. Maghanda ka na. Kasi bukas ay kukuha na tayo ng misyon," sambit ni Igriv.

"Sige! Yung mahirap na misyon agad ang kunin natin para malaki ang pera na makuha natin!" Masayang sambit ni Sin.

"Igriv, doon ba ako sa bakanteng kuwarto matutulog?" Tanong ni Sin.

"Oo."

"Punta na muna ako roon. Maghahanda na ako para sa misyon bukas!"

Pagpasok ni Sin sa kaniyang kuwarto ay humiga siya sa kaniyang kama.

"Naging miyembro na ako ng Azraeth Guild at nagkaroon na rin ako ng tirahan sa Alfegrio. Ang sunod kong gagawin ay maging isang malakas na wizard. Papatunayan ko sa papa ko na kaya ko rin maging malakas na wizard."

Kinabukasan.

Kasalukuyang naglalakad ngayon sila Igriv papunta sa Azraeth Guild Hall. Maagang nagising si Sin kanina ayon kay Igriv, pero lingid sa kaalaman niya ay hindi natulog si Sin. Hindi siya nakatulog dahil hindi na siya makapaghintay na kumuha ng misyon kinabukasan.

Pagdating nila Igriv sa Azraeth Guild Hall ay sinalubong agad sila ng mga nag-aaway na miyembro ng Azraeth Guild. Makikisali sana si Igriv away ngunit mabilis siyang nahatak ni Sin papunta sa Mission Board.

Ang Mission Board ay ang mga talaan ng mga puwedeng kunin na misyon.

"Hi, diba ikaw yung bagong miyembro ng Azraeth? Ako nga pala si Selene."

Siya si Selene Lumiere. Isa siyang Painter Wizard. Kaya niyang bigyan ng buhay ang mga ipininta niya.

Ngumiti si Sin, "Ako nga 'yon. Ako si Sindria."

"Kukuha ka ng misyon?" Tanong ni Selene.

"Oo, ikaw rin ba? Kukuha ka rin ba ng misyon?"

"Tapos na. Nakakuha na ako misyon," sagot ni Selene.

"Sin, may ka-team ka na ba? Kung wala pa, welcome na welcome ka sa team namin."

Mabilis na hinatak at itnago ni Igriv si Sin sa kaniyang likod, "Akin siya, Selene."

Biglang namula ang pisngi ni Sin dahil sa sinabi ni Igriv. Nang makita naman ni Selene ang pamumula ng pisngi ni Sin ay may nabuong konklusyon sa kaniyang isipan.

Ngumiti si Selene, "Isa ka ng ganap na binata Igriv. Sin, Ingatan mo 'yan si Igriv. Puro away pa naman ang nasa isip niya."

"Huwag ka mag-alala Selene, kayang kaya akong ingatan ni Sin. Kahit na masugatan ako sa away ay kaya niya akong pagalingin."

"Hello miss, bago ka lang ba rito? Ang ganda mo naman. May ka-team ka na ba? Kung wala pa ay welcome na welcome ka sa team ko at pati na rin sa puso ko na ikaw ang sinisigaw," sambit ni Maverick.

Siya si Maverick Astele. Isa siyang Foxian. May dugo siya ng Nine Tails Fox. Ang kapangyarihan niya ay illusion. Dahil may dugo siya ng fox, ang itsura ni Maverick ay napakagwapo at mapangakit. Bawat araw ay iba-iba ang mga nagiging kasintahan niya. Siya ang pinakababaero sa Azraeth Guild.

"Lumayas ka sa harap ko, Maverick. Akin si Sin."

Biglang natigilan si Maverick dahil sa sinabi ni Igriv. Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Igriv.

"Igriv, nagbibinata ka na. Nasa tamang landas ka na. Palaging mo lang tandaan na huwag mong iputok sa loob, kung ayaw mo pang maging ama," sambit ni Maverick kay Igriv.

Naguluhan si Igriv sa sinambit ni Maverick sa kaniya, samantalang namula naman ang pisngi ni Sin dahil dito.

Biglang tumalsik si Maverick ng suntukin siya ni Tiara, "Huwag mong dumihan ang isip ni Igriv!"

"Tiara my loves!" Sigaw ni Maverick habang siya ay tumatalsik papalabas ng Guild Hall.

"Hi, Tiara! Alis na muna ako. Tatapusin ko na muna ang misyon ko," pagpapaalam ni Selene.

"Hi rin Selene," sambit ni Tiara.

"Igriv, huwag kang maniniwala sa pinagsasabi ni Maverick ha? Huwag ka rin dumikit sa kaniya kung ayaw mong mahawa ng kalandian niya. Maliwanag ba?"

Tumango si Igriv.

"Igriv, ano yung pinagsasabi mo na sa'yo si Sin?"

Ngumiti si Igriv, "Ayaw ko kasi siyang maagaw sa'kin. Akin na siya. Ka-team ko na siya."

"Kaya ba kayo nandito kasi kukuha kayo ng misyon?"

"Oo!"

"Sige, kumuha na kayo ng misyon. Basta sundin mo ang sinabi ko ha? Huwag kang dumikit kay Maverick at huwag mo rin pakinggan ang mga pinagsasabi niya," sambit ni Tiara kay Igriv at umalis na siya.

"Ano kayang magandang kuning misyon? Hmm, pumatay ng Tier 5 Python King, 20,000 gold coins ang reward. Mangolekta ng isang daang bulaklak ng Star Flower, 15,000 gold coins ang rewards. Humuli ng buhay na Tier 4 Unicorn, 50,000 gold coins ang reward," sambit ni Igriv habang maiging tinitignan ang mga misyon sa mission board.

"Igriv, ito nalang kaya. Samahan at protektahan ang mangangalakal sa paglalakbay hanggang sa makarating sa bayan ng Herpoya, 100,000 gold coins ang reward. Kapag nagkaproblema raw sa pagalalakbay ay magiging 500,000 gold coins ang reward. Ito nalang, Igriv!" Masayang sambit ni Sin.

"Igriv, yung sinabi nalang ni Sin ang gawin nating misyon. Madali lang pero malaking pera ang reward!" Mungkahi ni Little Thunder.

"Sige! 'Yan nalang ang kunin nating misyon!" Sambit ni Igriv.

"Hi Igriv, hi Sin. Kamusta? May nakuha na ba kayong misyon?" Tanong ni Hae.

"Ito Hae. Gusto naming kunin yung misyon na ito," kinuha ni Igriv ang napili nilang misyon sa mission board at binigay niya ito kay Hae.

Si Hae ang nagaasikaso sa mga kinukuhang misyon ng mga miyembro ng Azraeth Guild.

"Tara na, Sin. Simulan na natin ang unang misyon mo!"