Chereads / Azraeth / Chapter 7 - Chapter 6: Evil Guild

Chapter 7 - Chapter 6: Evil Guild

CHAPTER 6: Evil Guild

Kasulukuyang nasa labas ng Wild Forest sila Igriv at ang grupo niya. Hinihintay nila ang mangangalakal na poprotektahan at sasamahan maglakbay, hanggang sa makarating sa bayan ng Heporya.

"Igriv, bakit kaya mas pinili ng mangangalakal na 'yon na sa Wild Forest dumaan papunta sa bayan ng Heporya?" Tanong ni Sin.

"Kapag nasa bayan ka ng Fersolia at gusto mong mabilis kang makakapunta sa bayan ng Heporya, dapat sa Wild Forest ka dumaan. Kung hindi ako nagkakamali ay aabutin lamang ng apat na oras ang paglalakbay mula sa bayan ng Fersolia hanngang sa bayan ng Heporya, kapag ikaw ay dumaan sa Wild Forest. Baka nagmamadali silang pumunta sa bayan ng Heporya kaya nais nilang dumaan sa Wild Forest," pagpapaliwanag ni Igriv.

"Diba mabilis din naman sila makakapunta sa bayan ng Heporya kapag sumakay sila sa tren o barko?" Tanong pa ulit ni Sin.

Ngumisi si Igriv, "Baka ayaw nilang may makaalam na umalis na sila sa bayan ng Fersolia. Kaya hindi sila dumaan sa pampubliko na daan papunta sa bayan ng Heporya."

Nakuha ni Igriv ang atensyon ni Sin, " Ibig mo bang sabihin, may iniiwasan sila? O baka naman ay may mahalaga silang dala?"

Nginitian ni Igriv si Sin, "Bingo! Tama ka sa iyong hinala."

"Binibini, tama ang iyong sinabi."

Nang mapatingin sila Igriv sa nagsalita ay may nakita silang isang batang babae. Dilaw ang buhok nito at makinis ang balat. Base sa kaniyang itsura at sa suot niyang puting bistida na gawa sa sutla, siya ay isang anak ng mayaman.

Mabusisi siyang tinignan ni Sin, "Ikaw ba ang nagbigay ng misyon na protektahan at samahan ang mangangalakal sa paglalakbay, hanggang sa ito'y makarating sa bayan ng Heporya?" Tanong ni Sin.

Ngumiti ang batang babae at nagpakilala, "Ako nga 'yon. Ako si Crisha Leford."

"Ako si Sin, siya naman si Igriv, Little Fire at Little Thunder," pagpapakilala ni Sin sa kanila kay Crisha.

"Isa ka ba talagang mangangalakal? Ano yung binebenta mo?" Tanong ni Little Fire.

Ngumiti at umiling si Crisha, "Hindi ako mangangalakal. Sinabi ko lamang 'yon ay para walang maghinala sa misyon na ibinigay ko."

Sumeryoso ang mukha ni Crisha, "Ipapaliwanag ko na sa inyo ang misyon na ibinigay ko. Protektahan niyo ako sa nais na magnakaw sa aking gamit. Huwag na huwag niyo silang hahayaan na magtagumpay sa kanilang nais. Kapag nagtagumpay sila ay maraming buhay na mawawala. Maraming inosenteng tao na madadamay at mamamatay," seryosong sambit ni Crisha.

Ngumiti si Igriv, "Sabi ko na nga ba. Hindi normal na misyon ang ibinigay mo."

Napansin ni Igriv na puno ng pag-aalala ang mukha ni Crisha.

"Huwag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat para maprotekhan ka at ang iyong gamit," sambit ni Igriv.

Nakahinga ng maluwag si Crisha, "Salamat."

"Sumunod kayo sa'kin," pag-uutos ni Crisha.

Sumunod naman sila Igriv kay Crisha. Huminto sila sa paglalakad sa harap ng isang normal na karwahe. Gawa lamang ito sa kahoy at may dalawang kabayo.

"Siya si Victor. Ang personal na guwardiya ko," pagpapakilala ni Crisha sa may lalaking nagpapatakbo ng mga kabayo.

Tumango lamang si Victor sa kanila kaya sila ay tumango lamang din.

"Normal na karwahe lamang ang ating gagamitin para hindi tayo makaagaw ng atensyon. Sumakay na tayo, para maaga tayong makarating sa bayan ng Heporya," sambit ni Crisha.

Pagpasok nila sa loob ng karwahe ay namangha sila. Hindi tulad ng sa labas na normal lamang ang itsura. Ang loob ng karwahe ay napakagara at halatang masusi itong ginawa.

"Wow, ibang-iba ang loob ng karwahe sa labas na anyo nito!" Sambit ni Little Fire.

"Para akong nasa loob ng karwahe lang namin," sambit ni Sin.

Napatingin sila Igriv kay Sin, dahil sa sinabi niya.

"Mayaman ka rin ba, Sin?" Tanong ni Little Thunder.

"Ako? Hindi ako mayaman. Pero yung pamilya ko, oo. Mayaman sila. Sobrang yaman," sambit ni Sin.

Tinitigan ni Crisha si Sin, "Isa ka bang Arclight?"

Nagulat si Sin dahil sa tanong ni Crisha sa kaniya, "Paano mo nalaman?"

Nanlaki ang mga mata ni Crisha dahil sa sinabi ni Sin, "Tama nga ang hinala ko! Isa kang Arclight! Bakit ka nandito? Diba dapat nasa palasyo niyo lamang ikaw?"

Mas lalong napukaw ang atensyon nila Igriv kay Sin, dahil sa sinabi ni Crisha.

Mapait na ngumiti si Sin at palihim niyang kinuyom ang kaniyang kamay, "Mahabang istorya. Umalis ako sa amin para matutong mamuhay mag-isa."

"Sin, marami bang pagkain sa palasyo niyo?" Tanong ni Little Fire.

Mahina na tumawa si Sin, "Oo. Sobra. Kaso hindi kasingsarap ng luto ni Igriv ang mga pagkain doon."

Biglang nawala ang saya sa mukha ni Little Fire nang sabihin ni Sin na hindi kasing sarap ng luto ni Igriv ang mga pagkain sa palasyo nila.

"Marami bang magandang babaeng ibon doon?" Tanong ni Little Thunder.

"Mayroon naman, kaso walang phoenix doon," sagot ni Sin.

Nawala rin ang saya sa mukha ni Little Thunder dahil sa sinabi ni Sin.

"Sin, marami bang malalakas na wizard sa palasyo niyo?" Tanong ni Igriv.

"Oo, marami. Pero ang pinakamalakas sa kanila ay si papa. Isa siyang Grand Wizard," sagot ni Sin kay Igriv.

Mayroong pitong walong yugto ang pagiging wizard. Ang una ay Novice Wizard. Ang Novice Wizard ay tanging mahihinang spell palang ang kayang gamitin. Ang sunod ay Advanced Wizard. Kaya na ng Advanced Wizard na gumamit ng mahirap na spell ngunit hirap pa nila itong gamitin.

Ang sunod sa Advanced Wizard ay ang Profecient Wizard. Kasalukuyang Profecient Wizard si Igriv. Kaya ng Profecient Wizard gumamit ng mahirap na spell ng hindi nahihirapan. Hindi sila nauubusan ng enerhiya agad, tulad ng Novice at Advanced Wizard.

Expert Wizard ang sunod sa Profecient Wizard. Kaya ng Expert Wizard gumamit ng Spell ng walang kahirap-hirap. Ang sunod naman sa Expert Wizard ay Grand Wizard at Divine Wizard.

Kaya ng Grand Wizard mag-cast ng curse spell at forbidden spell. Ngunit kapag ginamit nila ito ay may maaari silang mamatay. Kapag ang Divine Wizard naman ang gumamit ng curse and forbidden spell ay hindi sila mamamatay. Magtatamo lamang sila ng malaking pinsala sa kanilang katawan.

"Maghanda kayo! May paparating," seryosong sambit ni Igriv.

"Sin, protektahan mo si Crisha. Kami na ang bahala sa mga paparating," sambit ni Igriv kay Sin.

"Seryoso ka bang kalaban ang paparating?" Tanong ni Sin.

"Tama si Igriv, Sin. May paparating na kalaban. Pamilyar ako sa amoy nila. Miyembro sila ng Evil Guild," pagsangayon ni Little Fire kay Igriv.

Ang Evil Guild ay ang mga guild na hindi sumusunod sa batas na ginawa ng Magic Council. Kalimitan sa ginagawang misyon nila ay pagpatay o pagnakaw.

"Diyan lang kayo sa loob ng karwahe. Kami na ang bahala sa mga Evil Wizard na ito," sambit ni Little Thunder.

Nang lumabas sila Igriv sa karwahe ay nag-cast ng light barrier si Sin. Kaya nabalot sila ni Crisha ng protective light barrier.

"Pumasok ka sa loob ng karwahe. Protektahan mo sila Crisha at Sin. Kami na ang bahala sa kanila," sambit ni Igriv kay Victor.

Mabilis naman na sinunod ni Victor ang sinabi ni Igriv. Pumasok siya sa loob ng karwahe.

Ngumisi si Igriv, "Lumabas na kayo. Alam kong nandiyan lamang kayo sa paligid. Simulan na natin ang laban natin!"

Mabilis na lumabas ang mga evil wizard sa pinagtataguan nila. Nang makita nila si Igriv at ang mga alaga niya ay napatawa sila.

"Anong ginagawa ng isang bata sa delikadong gubat na ito?" Tanong ng isang evil wizard.

"Dinala mo pa talaga ang mga alaga mo, bata hahaha!"

"Patayin niyo na ang batang 'yan at kunin niyo na ang curse death gem sa anak ni Askov!" Utos ng lalaking nakasuot nasa gitna.

Biglang natigilan si Igriv ng makita niya ang seal ng mga kalaban niya. Pulang bungo na may itim na rosas sa bibig ang kanilang seal.

"Red Skull Black Rose Guild," sambit ni Igriv.

Ang Red Skull Black Rose Guild ay isang evil wizard. Sila ay kilala sa pagpatay ng mga tao.

Biglang natigilan ang pinuno ng grupo ng mga Red Skull Black Rose Guild, dahil sa sinabi ni Igriv.

Hinubad ni Igriv ang damit niya at naghanda na siya para makipaglaban.

"Azraeth Guild!" Sigaw ng isa sa mga kalaban ni Igriv.

"Sampu ang kalaban. Little Fire, Little Thunder! Inyo ang apat akin ang anim!" Sigaw ni Igriv habang siya ay sumusugod sa kalaban.

"Fire Dragon Punch!" Sigaw ni Igriv.

Nabalot ang kanang kamay ni Igriv ng pulang apoy. Mabilis na sinugod ni Igriv ang malapit na kalaban sa kaniya at sinuntok niya ito sa tiyan. Nagtamo ng malubhang sugat sa tiyan ang sinuntok ni Igriv at tumalsik ito sa puno na dahilan nang pagkawala ng malay nito.

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ng mga kalaban ni Igriv dahil sa takot nang masaksihan nila ang ginawa ni Igriv.

"H-Huwag kayong matakot sa kaniya! Mag-isa lang siya!" Sigaw ng pinuno ng grupo ng kalaban nila Igriv.

Ngumisi si Igriv nang marinig niya ang sinabi nito, "Hindi ako mag-isa lang."

"Battle Mode Transformation!" Sigaw ni Little Fire at Little Thunder.

Ang maliit nilang katawan ay napalitan ng malaking katawan. Nabalot ng apoy ang buong katawan ni Little Fire samantalang nabalot naman ng kuryente ang katawan ni Little Thunder.

Inipon nila Little Fire ang mga bumabalot sa katawan nila sa kanilang bibig. Nang matapos nila itong maipon ay ibinuga nila ito sa kanilang kalaban.

"Fire Dragon Roar!"

"Thunder Phoenix Roar!"

Dahil sa lakas ng atake nila Little Fire ay nagtamo ng maraming sugat ang mga kalaban nila. Sinamantala ni Igriv ang pagkataranta ng mga kalaban nila.

"Blazing Roar!"

Binugahan ni Igriv ng pinaghalong apoy at kuryente ang mga kalaban niya na kasalukuyang nasusunog at nakokoryente sa atake nila Little Fire.

Dahil sa ingay na nadidinig ni Sin sa labas ay labis siyang nag-alala kanila Igriv. Binuksan niya ang bintana ng karwahe at sinilip niya ang nangyayari sa labas.

Napatulala siya sa nakita niya labas. Nakita niya si Igriv na walang suot na damit kaya kitang-kita ang anim na abs nito. Namula ang pisngi ni Sin dahil sa naisip niya na bakit damit lang ang hinubad ni Igriv.

Mas lalong napatulala si Sin nang makita niya sila Little Thunder na naka-battle mode. Hindi na cute ang itsura nila. Nakakatakot pa.

Halos malaglag ang panga ni Sin nang mapansin niya ang mga tao na nasusunod na nakokoryente. Napakalaking parte ng Wild Forest ang nasunod dahil sa ginawa nila Igriv.

"L-Ligtas na ba tayo, Sin?" Tanong ni Crisha.

Nginitian ni Sin si Crisha, "Ligtas na ligtas."

Bumalik sa pet mode sila Little Fire. Tatanungin sana ni Igriv ang mga miyembro ng Red Skull Black Rose kung sino ang nag-utos sa kanila na harangin sila nila Crisha sa daan. Ngunit namatay na ang mga ito. Naging abo na sila.

Lumabas sila Sin sa karwahe para punhatan sila Igriv. Paglabas nila Sin ay nanlaki ang mga mata ni Sin.

"Light Barrier!" Malakas na sigaw ni Sin.

Nabalutan ng Protective Light Barrier sila Igriv kaya nasangga ang paparating na atake ng kalaban.

Napatingin sila Igriv sa umatake sa kanila. Nakita niyang buhay pa pala ang pinuno ng grupo ng Red Skull Black Rose.

"Thunder Ball!" Sigaw ni Igriv.

Nagkaroon ng limang maliliit na bolang kidlat sa kamay ni Igriv. Itinutok niya ang kamay niya sa pinuno ng grupo ng kalaban niya.

"Release!" Sambit niya.

Mabilis na tumama ang limang maliit na bolang kidlat sa katawan ng kalaban ni Igriv. Nakoryente ito hanggang sa mamatay.

"Muntik na ako roon," tinignan ni Igriv si Sin, "Salamat, Sin."

Ngumiti si Sin, "Walang anuman. Isa tayong team."

Napangiti si Igriv sa sinabi ni Sin, "Tama ka. Isa nga tayong Team."