Chereads / Worth of Billions (Filipino) / Chapter 1 - PROLOGUE

Worth of Billions (Filipino)

Venerish
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

"VIERA!"

Agad nagmulat ng mga mata si Eramor nang marinig niya ang pangalan ni Viera, ngunit imbis na makita ang babae ay malabo ang paligid. Mainit ang paligid at pinagpapawisan siya ng sobra. Naririnig niya ang mga napipitak na salamin, at ilang furnitures na bumabagsak sa sahig. Lumalagitik ang mga kahot dahil sa init ng apoy. Sigurado siyang nasususnog ang paligid, pero bakit napakalabo ng mga mata niya? Nararamdaman niya ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid, na para bang kahit anong oras ay matutumba siya.

Rinig niya ang sigawan at daingan mula sa iba't ibang dako ng lugar. May sumisigaw na lalaki, may sumisigaw rin na babae. Naririnig rin niya ang ilang putok ng baril sa 'di kalayuan. Nararamdaman niya sa bawat himaymay ng katawan niya ang kilabot. Hirap siyang huminga, pero hindi niya mawari kung dahil ba sa usok o bilis ng tibok ng puso niya.

Napahawak siya sa magkabila niyang tainga pero laking gulat niya nang mahiwa siya sa kaliwang panga ng kutsilyong hawak niya kaya agad niya itong inihagis, nagulat rin siya nang mapansing may suot siyang mga gloves. Sa pakiwari niya'y black leather iyon. Pinilit niyang makahakbang, pero natumba siya. Tila nilayasan siya ng lakas.

"Vi... Vie—" pinilit niyang makapagsalita, pero parang may pumipigil sa kaniya. Hinahapo siya at hirap ng huminga. Tila may humihigit ng malay niya sa kadiliman. Sa bawat sandaling lumilipas bumibigat ang mga talukap niya at lalo siyang inaantok na parang pinipilit siyang patulugin.

"Why now?" napasinghap siya nang may marinig siyang hindi pamilyar na boses. Hinanap niya ito at dahil malabo ang paligid, kinusot niya ang mga mata niya, nagulat siya nang may natanggal sa kanang mata niya. Isang hazelnut contact lense.

Nabato siya sa kinauupuan niya nang makita ang sarili sa repleksyon ng basag na salamin. Wearing her knitted sweater na binabalot ng dugo, kahit ang mukha niya ay marami ring dugo. Maski ang blue jeans niyang suot ay namamantsahan at nababalot sa napakaraming dugo. In that moment, saka lang niya narealize na hindi lang pala pawis ang tumatagaktak sa kaniyang pisngi, kundi pati dugo, na hindi niya alam kung kaniya dahil wala siyang nararamdamang sakit sa ulo. Nakikita rin niya ang green-eyed niya, at ang isa niyang mata na hazelnut ang kulay dahil sa hindi pa natatanggal na contact lense.

And the dead bodies around her made her confused even more. Was their blood is what on her clothes? Was it theirs? Sila ba ang mga sumisigaw kanina? How did these things happen?

Napapaligiran siya ng mga bangkay, may ilan pang lalaking tumitikho at umuubo ng dugo. Gusto niyang lapitan ang mga ito at tulungan kaya pinilit niyang makagapang sa kahit na anong paraan. Masyadong mainit sa loob, para siyang sinisilaban kahit walang apoy ang katawan niya. Kanina pa siyang nauubo sa usok dahil sa apoy na tumutupok sa karamihan ng gamit, sa kisame ay may mga apoy at kahit sa lapag.

Sa bawat paghakbang ng mga kamay at mga tuhod niya, nararamdaman niya ang malagkit na dugong sumasanaw sa sahig. Ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa unang lalaki na umuubo ng dugo. "Sir, ayos lang po ba ka—"

"Ar'ya idiot?" nabato siya nang marinig na naman niya ang boses na iyon ng isang babae sa loob ng ulo niya.

Napasapo siya sa magkabilang tainga at pumikit ng mariin. "Ye'll ganna help 'im?" Napapasabunot na siya sa buhok niya sa sobrang sakit.

Bakit tila may ibang tao sa katawan niya? Was she possessed?! Bakit pakiramdam niya ay may ibang tao siyang kasama na hindi niya nakikita? Bakit pakiramdam niya ay wala siya sa sariling katawan. Is all of these are just a dream? A nightmare? Why it doesn't feel real yet it is tooconvincing!

Iniangat niya ang kaliwa niyang kamay para alalayan ang bumibigat niyang ulo, pero laking gulat niya nang kunin ng kaliwang kamay niya ang baril mula sa lapag at binaril ang lalaki sa harapan niya.

She screamed with her lungs out! Lalo siyang nataranta. Mabilis niyang itinapon ang baril at umatras palayo sa lalaking binaril niya habang sumisigaw. "No! Sorry!" humagulhol siya ng iyak, "Hindi ko sinasadya! I'm so sorry" yumukod siya habang nakatakip sa magkabilang tainga ang mga kamay niya. "Hindi ko sinasadya" she cried, "Hindi ko... Sorry... Sorry"

Patuloy ang paghagulhol niya habang nakayupyop sa duguang sahig. "It wasn't me... It wasn't really me..." Bakit niya binaril ang taong tutulungan niya?

"Viera!" nag-angat siya ng ulo nang marinig niyang may tumatawag kay Viera. She's here?! Tila nagkaroon siya ng pag-asa! Kahit papaano ay nagalak siya even if she's in the middle of uncertainty about everything.

She has to call her! Kailangang marinig siya ni Viera! Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang mga tuhid niya sa takot at nanghihina siya.

"VIERA!" she called out desperately. Nang makatayo ng ayos ay pinanlakihan siya ng mga mata nang maramdaman niya ang malakas na kabog sa ulo niya. Dahan-dahan ang pagtibok pero masakit at mabigat iyon sa ulo. She groaned in pain. Mariin siyang pumikit.

"Viera... help—" nawalan siya ng balanse at tuluyang napahiga. Nakahandusay siya sa gitna ng mga bangkay, sa sahig na may sanaw na dugo at nababalot ng apoy ang paligid. Mainit, nakakasulasok, hindi siya makahinga. Mabigat ang pakiramdam niya na para bang wala siya sa sariling katawan.