Isinara ni Eramor ang pinto ng apartment niya, kasabay nito ang pagsasara din ng pinto sa katabing apartment. Nilingon niya ang lalaking nakaayos ang buhok at nakaitim na suit, pero wala siyang briefcase or anything. He has the aura of James Bond. Natawa siya sa thought. As far as she remember, iyon ang madalas panoorin ng pinsang niyang lalaki.
Ipinasok na niya ang susi sa sling bag. Baka kiligin pa siya dahil crush niya ito. Naglakad na siya papunta sa elevator. Dahan-dahan. Huminto siya sa labas ng elevator at napaisip, kaya hinintay na niya ang lalaki. Smiling at her self thoughtlessly. What is she doing anyway?
Bahagyang nagulat pa ang lalaki nang makita siyang nakatayo sa labas ng elevator. Tumikhim ito nang makalapit na siya sa elevator, napansin ng binatang hindi pumindot ang babae. Sa palagay niya ay mas bata pa ito sa kaniya. At maganda. Madalas niya itong makasabay sa elevator tuwing galing siya sa trabaho pero lagi pa rin siyang namamangha sa magkaibang kulay ng mga mata ng dalaga. Tila dagat at gubat.
Tinanguan niya ang dalaga nang mapansin siya nito. Siya na ang pumindot ng button. Nang makapasok ay pareho silang natigilan nang makitang walang lamang ang elevator. Pakiramdam nila ay ang sikip sa loob. Pinauna ng binata ang dalaga. Nang makalabas na sila ng elevator ay parang doon lang sila nakahinga ng malalim.
Tumuloy na sila sa kani-kaniyang lakad. Magkaiba sila ng direksyon kaya naman laking pasasalamat nila iyon, dahil baka lalo silang hindi makahinga kung parehong direksyon sila pupunta.
Sumakay agad ang binata sa sasakyan at natigilan. Bumuntong hininga siya at inilagay sa tainga ang Bluetooth earphone. "Reporting on duty, Sir"
"Manahimik ka Salazar" natawa ang binata sa tinuran ng station commander niya, "Lumalakad na ang kaso laban kay Mayor Tolentino, kaya siguraduhin mong hindi ka mahihiwalay sa kaniya. Anyway, hawak ni Viterbo ang kaso ni Viera Alejandro at ng Altaccioda. May nagtip na diyan sa tinutuluyan mong condominium huling namataan"
"Kapag may napansin akong kakaiba, sasabihin ko agad. See you on the court, sir" aniya.
"Sige, mag-iingat ka. Anim na buwan din natin itong pinaghandaan" pagpapaalala ni PLTCOL Alimango.
"Yes, sir. Ibababa ko na, Sir"
"Galen" agad na tawag ni Alimagno sa inaanak.
"Yes..." hindi alam ni Galen kung tiyo ba o sir ang itatawag niya, "Sir?"
"Huwag kang mamamatay agad" napangisi na lang si Galen, at saka naputol ang linya.
"Sana nga" mapakla ang mga ngiti niya sa labi. Ngunit matalim ang tigin niya sa daan. "Kapag natapos ko 'to, isusunod kita Viera" his pair of eyes are cold and fierce. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang mga nangyari 3 years ago.
Pinaandar na niya ang sasakyan, nang makaliko siya palabas ng parking lot ay nakita ang kapit-bahay niyang dalaga. He doesn't know himself, nang sundan niya ng tingin ang dalaga—smiling brightly, na animo'y walang problema. And he knew a lot about her. Eramor Nolanna San Lazaro, ang prodigal heiress ng isa sa mga kilalang pamilya sa Salmo Del Cielo Islands. The woman with innocent stares.
Nilagpasan niya ito, at bumalik ang tingin sa daan. Wala siyang oras na dapat sayangin. Ngayon mag-uumpisa ang operasyong gagawin nila. Isang pagkakamali, maraming masasawi.
Dumiretso si Galen sa isang coffee shop na araw-araw niyang dinadaanan, he has to be predictable in his target's eyes. This way, mababasa niya ang magiging plano ng mga ito. Kilala na nga siya ng mga cashier, at saulado a niya ang mga empleyado at shifts ng mga ito. Araw-gabi ba naman siyang dumaan doon.
Lumapit siya sa counter and give Alex a good morning smile.
"Mukhang maganda ang gising ni Mr. Bodyguard" bati ni Alex sa kaniya, "Americano and one cheese dough!"
"Salamat!" si Galen habang lumalakad paalis. Naupo siya sa tabi ng picture window, at least masisinagan siya ng araw. Hindi siya sanay ng indi naaarawan. Maya-maya pa'y dumating rin ang kape at tinapay niya.
He took his coffee, accidentally took a glance to someone who just entered on the shop—he choked. 'Viterbo?!' Napalingon sa kaniya ang ilang customer, at kahit si Alex ay rinig ang pagkasamid niya. Umiwas na lamang siya ng tingin sa mga ito, at palihim a tinignan ang kasamahang pulis— Alas Viterbo, ang nagmamanman kay Eramor San Lazaro.
Pinasadahan siya nito ng tingin habang lumalakad papunta sa kabilang mesa. And there is Eramor, coming inside — for the first time. Nagtake-out ito ng kape at tinapay. Hindi niya pinansin si Eramor sa paglabas, not until Alas swiftly took Eramor's wallet from her sling bag. What the...! Nagtatalo ang isip ni Galen sa ginawa ng kaibigan.
"Miss!" si Alas na mabilis lumabas, na kunwa ay concern. 'This knucklehead!' Pasimple niyang tinignan ang dalawa. Nakangiti ng malapad si Alas habang iniaabot ang wallet ni Eramor. Tumayo na si Galen at lumabas ng shop.
"I'm Alex" Galen almost clear his throat, alam na niya ang mga padali ng kaibigan. Sumakay na siya sa kaniyang kotse at bago umalis ay nagtext kay Alas. Nilagpasan niya ang dalawa without taking glance, not until lumagpas siya sa dalawa at sinilip ang rearview mirror.
Kinuha ni Alas ang cellphone nang makalagpas si Galen, hindi niya napigilang matawa. Muli niyang tinignan si Eramor. He has to be careful. This woman is someone nobody should touch. "Uh, salamat ulit sa... Wallet" nahihiya nitong pagpapasalamat.
Magsasalita pa lang siya ulit, but the woman just left him. Tama nga ang nakalagay sa profile nito. The heiress is unapproachable. Mailap at higit sa lahat, hindi palakaibigan. Kailangan niyang makapasok sa buhay ito, para malaman niya kung nasaan si Viera.
Habang nasa loob ng taxi, hindi mapakali si Eramor. Pakiramdam niya ay may hindi tama habang tinatahak ang kalsada na patungo sa lugar na sinasabi sa sulat. Panay ang lingon niya sa magkabilang gilid ng kalsada. Napansin iyon ng taxidriver, kaya nagumpisa siyang magsalita na baka sakaling makakatulong sa paghinahon ng dalaga.
"Ma'am, ang ganda po ng mga kulay ng mga mata n'yo" natigil sa pagkibot si Eramor, matamang tinitigan niya ang matandang taxidriver nakangiti ito ng malapad at alam niyang natutuwa talaga ito. Hindi gaya ng iba kapag napapansin ang magkaibang kulay ng mga mata niya. Kung hindi nagtataka ay parang nawiweirduhan.
"Ah... Sa... Salamat po" alinlangan niyang sagot.
"Sa tanang buhay ko po ay ngayon laang ako nakakakita ng ganyang mga mata. Blue ang kaliwa ta's green ang kanan" masigla ang boses nito. Hindi niya mapigilang mapangiti rin. "Ay, Ma'am nandito na po tayo" agad na nilingon ni Eramor ang paligid, kasunod ang unahan ng taxi. Warm Hand Spa.
Bumaba si Eramor sa taxi habang inaayos ang sling bag niyang maong. Malamig ang dumadamping hangin sa kaniya, kaya naman ibinaba niya ang sleeves ng pullover jacket habang tinitignang mabuti ang kabuuang façade ng Warm Hand Spa. Mas maliwanag ang ilaw nito kaysa sa iilang establisiyemento sa tabi nito. Halos kakakagat pa lang ng dilim ay parang hatinggabi na sa lugar.
"Regular dito si Viera? Malapit ba s'ya dito?" wala sa loob niyang imik. Nagpalinga-linga ang dalaga, pero walang ibang makikitang spa kundi iyon.
Tahimik ang paligid pero may pailan-ilang sasakyan ang dumadaan, ngunit walang kahit anong anino ng tao. Kung sabagay, North Avenue ang pinuntahan niya. Masyadong malayo sa kabihasnan ng Manila, mababa naman ang crime rate sa lugar, at isa pa kampante siyang hindi siya ipapahamak ni Viera. Huminga siya ng malalim, at sa pagbuga niya ng hangin, isinama na niya ang kabang nararamdaman niya noong nakasakay pa lang sa taxi.
Itinulak niya glass-door, at kita na niyang inaabangan na siya ng babae sa frontdesk, "Good evening, Ma'am" nakangiting bati nito. Makapal ang make-up at nakabuknay ang buhok. Mint green ang suot nitong uniporme, at masakit iyon sa kaniyang mga mata. Mas napansin niya ng malapitan na singkit ang mga mata nito. An east-Asian.
"Magpapamassage po ba kayo?" tuwid ang pananagalog nito, pero naroroon ang ibang accent. Napatunayan niya sa sariling Hapones nga babae nang mabasa niya ang pangalan sa nameplate nito, Ishikawa Reika. "Ito po ang aming iniooffer" kinuha nito ang manipis na brochure, at iniabot sa kaniya ng dalawang kamay. "Pwede rin po ang combination"
Mas maganda kung kay Miss Leone ka magpapa-ventosa.
Naalala niyang binanggit iyon sa sulat ni Viera kaya naman sinunod niya ito, "Ito na lang ang sa'kin" itinuro ni Eramor ang Ventosa.
"Sige po" kinuha ng babae ang brochure saka dinampot ang telepono, "Itatawag ko na po sa available—"
"Ahm, pwede ba kay Miss Leone?" pagaalinlangan niyang tanong. Bahagyang natigilan ang babae, ibinaba nito ng marahan ang telepono at ngumiti ng mas matamis, it almost creep her out—no, IT is already creeping her out. Iba ang ngiti nito. Para kay Eramor it was a malicious smile na may ipinahihiwatig. Bumibilis ang tibok ng puso niya at nanginginig ang mga tuhod niya sa kaba. Hinigpitan niya ang hawak sa strap ng sling bag na para bang doon nakadepende ang balanse niya. Nagbago na ang isip niya, hindi na siya magpapamasahe. "P-pwede namang sa iba na lang kung... Kung hindi available"
"Hwag po kayong mag-alala," nakangiti pa rin ito sa kaniya, pero hindi nawawala ang takot niya rito. "Sumunod po kayo sa'kin, sa pupuntahan po nating kwarto naroon po si Miss Leone"
Nag-alinlangan siyang sumunod, pero naniniwala siya kay Viera na hindi siya nito ipapahamak. Sumunod siya kahit na hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Madalas imasahe ni Miss Leone si Miss Viera..." bigla nitong imik, hindi naman sumagot si Eramor dahil hindi naman niya alam ang sasabihin. "Hindi po kayo nagkakaiba ng katawan ni Miss Viera" nakita niya ang pag-ngisi nito. Kilala na si Viera sa Spa, at nasisigurado niya sa sariling regular customer nga ito rito.
Pumasok sila sa makitid na pasilyong mint green ang kulay ng pader, hindi siya gaanong nasisilo dahil malamlam ang kulay ng ilaw at nakakaantok. Wala pang isang minuto ay nakarating na sila sa dulo kung nasaan ang pinto.
"Nandito na po tayo" si Ishikawa nang lingunin siya nito.
"Misu Reon, Darekaga anata no sonzai o motomete imasu" bahagya siyang namangha sa pagsasalita ni Reika.
May nagsalita mula sa kabilang pinto, ngunit salitang Hapones. Nilingon siya ni Reika habang nakangiti, ilang sandali pa ay binuksan rin nito ang pinto. Naunang pumasok ang haponesa saka siya sumunod.
Namangha siya sa halimuyak ng silid. Tila amoy bulaklak na may kasamang insenso. Malamlam ang ilaw, at nakakaantok sa gaya niyang antukin. Humahalo rin sa amoy ng kwarto ang scented candles. Hindi matapang ang amoy, lalo siyang naiingganyong dumapa at magpaventosa.
"Ikaw ba si Eramor San Lazaro?" nilingon ni Eramor ang pinanggalingang boses, a woman with a sweet red smile ang bumati sa kaniya. Iba ang kulay ng unipormeng suot nito.
Maroon ang kulay ng blouse, at sa nameplate nito ay nakasulat na Miranda, Leone
Nginitian niya ng pilit ang babae at tumango, "Ako nga" lumapit ito sa kaniya. Inakay siya ni Leone na maupo sa coffe table sa sulok. "Okay na kami dito, Reika" si Leone. Yumuko si Reika saka lumabas ng kwarto.
"Uminom ka muna ng tsaa" saka nagsalin si Leone sa dalawang tasa. "Magandang inumin yan bago ang pagpapaventosa" ikinalingon ni Eramor. Umiinom na ito ng kaniyang tsaa, tinignan niya ang kaniya, "Masarap 'yan promise" dugsong nito. Alam niyang kinukumbinsi siya ni Leone, pero hindi naman siya makakatanggi.
"Babangon ang inner peace" natigilan siya sa sinabi ni Miss Leone, nang tignan niya ito ay humihigop na itong muli kaniyang tsaa. she repeated what Leone said in her head.
Tinignan niya ang tsaa, nagulat siya dahil nakakalhati na siya agad, ni hindi nga niya ito halos nalasahan. "Ano bang " natigilan siya nang biglang nawala ang boses niya. Namimilog ang mga mata niyang nilingon si Leone na kalmado na tila walang nangyayaring hindi maganda. Sumisikip na ang dibdib niya hanggang sa nanlalabo na rin ang paningin niya. Tila kumot ang takot at kaba kung balutin siya. Nanginginig ang mga kamay niya na pinilit niyang inaangat para alalayan ang ulo niyang bumibigat.
Nararamdman niya ang pagtagaktak ng pawis niya. "Miss..." hindi niya maituloy ang pagsasalita, ni hindi niya alam kung may lumabas nga bang boses sa bibig niya. Everything is getting blurry and dark.
"Sleep well, Era" Hanggang sa nawalan na siya ng balanse at tuluyang bumagsak sa sahig. Pilitin man niyang makatayo ay hindi niya magawa. Umiikot ang paligid at unti-unting bumibigat ng nga talukap niya.
"Maghahanda na ba ako, Miss Leone?" it was Reika at sigurado siya roon. Akala niya ay lumabas na ito?
"H'wag na. Si Viera ang pipili ng gagamitin niya"
Kahit malabo ay pinilit niyang aninagin ang dalawang bulto, alam niyang sina Reika at Leone ang mga ito.
"Hindi pala niya naubos ang gamot, kaya hindi agad tumalab" iyon ang huli niyang narinig mula sa boses ni Leone.