Chapter 3 - Two

E V I

Ang bilis nang paglipas ng araw parang kahapon lamang ay pinayuhan ako ng aking ama na mag ayos ako ng aking gamit nang sagayon ay hindi na ako mahirapan pa sa pag aayos nito kapag araw na ng aking pag alis.

Ang mas nakaka lungkot pa nito ay hindi makakasama ang aking ama sa kadahilanang may sakit ang kanyang ina.

Habang kinukuha ng mga naka itim na lalaking ang aking mga gamit ay dumiretao muna ako sa silid ng aking mga magulang upang makapag paalam.

Mahina kong kinatok ang malaking pinto ng kanilang silid bago mahinhing pumasok.

Naabutan kong sinusubuan ng pagkain ni Papa' si Mama' nahalos hindi nito maibuka ang kaniyang mga mata.

"Papa' " mahina kong saad

"I'm sorry darling, kung hindi lang nag kasakit ang iyong Mama' ay dalawa kaming mag hahatid saiyo roon." Malungkot na saad ng kanyang ama

"Naiintindihan ko po, hindi na po ako batang puslit na kailangang may maghahatid pa sa kanyang paroroonan. Gusto ko lang pong sabihin na oras ko na pong umalis" nakangiting sagot niya

"Salamat at naiintindihan mo ang sitwasyon anak, hayaan mo kapag may oras ako pipilitin kong dalawin ka roon, mag iingat ka anak dalhin mo ang lahat ng itinuro namin saiyo" Bilin nito

"Opo Papa' kayo rin po ni Mama' ay mag iingat palagi"

Dahan-dahan siyang lumapit sa puwesto ng kanyang ina at hinalikan ito sa noo.

"Aalis na po ako Papa' " huling sambit niya

Bago siya umalis ng silid ay binigyan muna siya ng isang mahigpit na yakap ng kanyang ama.

Nang makaalis siya ng silid ay sinalubong naman siya ng mayordoma ng bahay

"Mag iingat ka roon anak" naiiyak nitong sambit

"Opo 'Nang kayo rin ho, alagaan niyo po ang magulang ko pati na rin po ang katawan niyo. Huwag niyo na po pagurin ang sarili niyo magpahinga naman po kayo" nakangiting saad niya

"Nako, syempre naman kung hindi lang ako ganito katanda ngayon ay baka ako pa ang naghatid saiyo roon"

Tinawanan lamang niya ito at binigyan rin isang mahigpit na yakap bago tuliyang nag paalam rito.

Nang nasa labas na siya ng bahay ay binigyan niya ng isang sulyap pa ang kinalakihan niyang malaking bahay na saksi sa lahat ng pangyayari sa buhay niya.

Sumakay na siya sa nag aantay na sasakyang mukhang mamahalin at tuluyan na silang napalayo sa bahay.

Isang mahabang buntong hininga na lamang ang pinakawalan niya.

Habang nasa byahe ay naiinip na siya at naisipan niyang gamitin ang kanyang telepono para pampalipas oras man lang.

Kakabukas pa lamang ng kanyang telepono ng bumaha ng mensahe galing ito sa isang acc niya na mas madalas gamitin kapag makikibalita siya sa kaniyang kamag aral.

Lahat ng nakakasama niya tuwing pasukan ay kailan man wala siyang itinuring na kaibigan dahil wala siyang maramdaman na pagkakaibigan sakanila dahil lalapit lang ito kapag may kailangan.

Isa-isa niyang tinignan ang mga mensahe nila, at iisa lang ang tanong nila

From ella: totoo ba hindi kana sa Ylcan University mag aaral?

From mark: dude you did not tell me na lumipat kana.

From anna: mabuti naman at umalis kana sa school ng Ylcan malas ka.

At marami pang klasmeyt niya ang nag tatanong ngunit ni isa sa kanila ay hindi niya sinagot.

Para saan pa malalaman naman nila iyon sa pasukan mapapagod lang ang daliri ko kaka pindot sa telepono.

Habang tumitingin sa telepono ko ay may nasagi ng aking mata na video.

Page ito ng mga live na hot news pinanood ko ito baka sakaling importante

Reporter: Nandito po tayo ngayon sa NAIA Airport upang masaksihan ang pagbabalik ng nag iisang tagapag mana ng Del Gatto. Ilang minuto nalamang po ay darating sa siya.

Pagkasabi ng reporter na iyon ay agad na nagsitakbuhan ang iba pang reporter sa unahan at siyang pagsunod ng reporter na kanina lamang ay nag sasalita at pilit na sumiksik sa unahan nang nagtagumpay itong mapunta sa harap ay agad nitong itinapat ang mikropono sa lalaking naka shades

Reporter: nais ko lamang po malaman kung permanente naba kayong maninirahan dito sa pilipinas?

Del Gatto: Let's see.

Malamig nitong tugon at agad na iwinaksi ng mga body guard nito ang reporter at camera man

Napaka walang modo mo boi saad niya sa isipan. Del Gatto? Parang pamilyar ang apilyedo na iyon.

Saan niya nga ba narinig iyon.

Agad siyang pumunta sa google at nag search ng apilyedong Del Gatto.

Tama nga siya isa ang pamilya nito sa hinahangaan ng kaniyang ama. Dahil lahat ng business nito ay sucessful at hindi lamang sa pilipinas ito kilala maging sa ibang bansa rin. Kaya pala ganoon nalang umasta ang binata na iyon.

Dahil wala naman siyang paki doon ay itinago niya nalang ang kaniyang telepono at umidlip.

"Maam?"

Nagising siya sa pag yuyog kung sino man ito.

"Yes?"

"Pwede ho tayong bumili ng makakain ninyo rito" saad ng driver

"Ahm, okay lang ako malapit naman na siguro tayo?" Tanong niya

Tinignan ko ang oras at halos mapatayo ako sa kinauupuan ako ko ng makita ang oras.

Ala dose na nang hapon at umalis kami sa bahay ng ala syete ng umaga.

Kaya pala masakit na ang puwet ko kakaupo

"Nako maam nasa kalahate palang ho tayo ng byahe" natatawang saad nito

Bwiset to natatawa pa batuhin niya kaya ito ng telepono. Ibig sabihin malayo pa ang byahe namin

Saang lupalop bang lugar siya inenroll ng mahal niyang ama.

Pumayag siyang mamili muna ng makakain at bumalik ulit sa pag idlip.

Sa pangalawang pag kakataon ay nagising siya sa pag alog ngunit hindi na tao ang nag alog sa kaniya kundi ang dinaraanan nila.

What the hell?!

Agad siyang tumingin sa bintana ng kotse at napa awang ang kaniyang bibig ng pumasok sila sa malaking gate na halos kasing laki na ng bahay nila.

"Ay nako maam sakto at gising na kayo nandito na ho tayo" saad nito at pinatay ang makina ng sasakyan

Napakunot ang kaniyang noo dahil halos wala siyang maaninag dahil madilim at hamog lamang ang naaninag niya.

"Alam ko maam nag tataka kayo pero ang utos sakin ng headmistress ay ideretso kita sa dorm niyo" paliwanag nito

"Eto ho ang keycard ng room niyo, nauna na ho palang ihatid ang mga gamit ninyo roon" pagpapatuloy nito sabay iniabot ang susi ng room ko.

Parang lutang niyang tinanggap ang card at  bumalik lamang siya sa pag iisip ng marinig niya ang pag andar ng sasakyan.

Teka?! Iniwan lang siya nito ng ganon ganon lang.

Tinignan niya ang room number ng card at nakita niyang pang apat na papalag ang kanyang dorm

Pumasok siya ng dahan dahan at nakita niya ang kulay pink na elevator kaya agad siyang lumapit roon at pinindot ang palapag kung nasaan ang kaniyang dorm.

At wala pang ilang minuto ay napunta na siya roon. Maliwanag ang corridor at mahaba at mayroon lamang itong 4 na pinto. Nakakapagtaka lang dahil sa haba ng corridor na ito ay bakit 4 na pinto lamang ang na roon.

Nang makita ang room number niya ay agad niyang ini-slide ang card na hawak niya. Gumawa iyon ng tunog ng pag click pawang nagsasabing bukas na ang pinto.

Mabilis siyang pumasok sa loob at isinara ang mabigat niyang pinto. Pag kapasok niya sa loob ay kusang umilaw ang mga bombilya sa kanyang dorm na nagpangiti sa kanya.

Inilibot niya ang tingin sa loob ng dorm at nagtaka siya dahil dalawang pinto lang ang nakikita niya at sa isang pinto ay may naka sabit na Restroom. Binuksan niya ang isa pang pinto at nagulantang siya sa nakita.

Halos triple ang laki nito sa kwarto niya sa Ylcan at ang mas kumuha ng atensiyon niya ay ang nag iisang kama sa gitna ng kwarto at ang mga cute na nakasabit sa pader. Ibigsabihin ba nito ay mag isa lamang siya sa malaking dorm na ito.

Tinalon niya ang malaking kama at hindi na siya nagulat sa lambot nito. Sa sobrang lambot nito ay para na siyang nasa ulap.

Natawa nalang siya sa kaniyang isip at nahagip ng kanyang mata ang mga maleta niya. Tama nga ang driver at nauna pa ang gamit niya kaysa sa kanya.

Inilibot niya ulit ang mata sa loob ng kanyang bagong silid at nakita ang maraming aklat na maayos na naka lagay sa booksheves at halatang bago ito lahat dahil kumikintab pa ito.

Sunod niyang nakita ang study table sa gitna ng bookshelves at naka patong rito ang mukhang brand new rin na laptop. May roon na rin itong lampshade.

Sa totoo lang parang hindi makatotohanan itong kalagayan niya ngayon.

Dahil siguro sa pagod ay unti unti na siyang  nilalamon ng antok ng bigla siyang napabangon ng higa.

Naalala niya ang laging payo ng kanyang Mama' sa tuwing matutulog siya sa ibang bahay.

Nagmadali siyang tumayo at lumabas ng silid at bumalik sa sala agad niyang ininspekyon ang gilid at sa mga sulok ng sala. Hindi nga siya nag kakamali may nakita siyang maliit na video recorder sa chandelier at nakatapat ito sa may terace niya.

Lumipat naman siya sa kusina at agad na ininspekyon ito at meron nga din ito nakatago ito sa maliit na vase kung ibang tao ako ay hindi niya ito mapapansin.

Sunod siyang nag punta sa loob ng CR at ito naman ang ininspeksyon at sa kabutihang palad ay wala siyang nakita rito.

Bumalik siya sa kanyang silid at ito naman ang kanyang inispeksyon at halos manggalaiti siya ng makitang tatlo ang video recorder na nasa loob ng silid. Isa sa picture frame, isa sa vase at isa malapit sa pinto niya.

Nahihinuha niyang lahat ng video recorder ay nakalagay kung saan siya mismong madalas dumaan.

Ngayon kailangan niyag maging maingat sa  kanyang galaw. Dahil lahat ng galaw niya ay narerecord.

Tskk mahilig panaman siyang maghubad kapag natutulog siya dahil mas komportable ito.

Kumuha siya ng tisyu sa kanyang maleta at hinati ito sa maliit na piraso. Nang makagawa ng maliit na piraso ay agad niyang tinakpan ng tisyu ang recorder sa picture frame na nakatapat mismo sa kama niya.

Naaalala niya palagi ang kaniyang ina sa tuwing natutulog siya sa ibang bahay dahil tinuruan siya nitong tumingin ng iba't ibang uri ng camera na maaaring naka lagay sa loob ng bahay o kwarto man. Mas maigi raw na maging maingat.

Dating pulis ang kaniyang ina kaya halos alam niya ang mga ito at dahil nag iisa siyang anak ay itinuro ito sa kanya.

+++Itutuloy+++

A/N: pasensya na kung walang nangyareng conversation dito sa chapter na ito pero sa mga susunod na chapter asahan niyo na puro convo na ito salamatt.....