E V I
Naghahanda na siya para sa pag punta niya sa office ng headmistress. Ano bang nararapat na isuot niya?
Kanina pa siya nakatulala sa kaniyang walking closet dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakapag desisyon kung ano ang isusuot niya.
Agad na napukaw ang kaniyang atensiyon sa kulay pink na hoodie na nakasabit sa pinaka gilid ng tokador niya. Kinuha niya ito at sinuot pinaresan niya ito ng itim na high jeans at puting simpleng running shoes na nahalbot niya lang sa lalagyan nito ng sapatos at pinili niya rin na magsuot ng mask.
Agad niyang naalala kung paano siya ginising ng katapat niyang unit
>>Flashback<<
Agad niyang minulat ang kaniyang mata nang makarinig siya ng sunod sunod na pagkalabog ng kaniyang pinto.
Natataranta niyang binuksan ito...
"Oh! Hi, nagising ba kita?" Tanong nito
"Oo eh nakakatakot ka kasing kumatok" malamig na ekspresyon niyang sagot
Natawa lamang ito..
"Sorry, pinamamadali kasi ako sabihin ito sayo. Pinapasabi ng sekretarya ng headmistress na papuntahin ka sa kanyang opisina mamayang 10" paliwanag nito
Agad na nawala ang naramdaman niyang pagkairita nang marinig ang sinabi nito
"Ahh, salamat"
"Alam mo ba kung nasaan ang office?" Pahabol na tanong nito ng isasara na niya sana ang kaniyang pinto
"Ahm, hindi"
"Sasamahan nalang kita tutal ay wala naman akong gagawin. Kapag tapos ka ng magbihis pwede mo akong katukin sa dorm ko." saad nito
"Asaan ang dorm mo?" Nagtataka niyang tanong
Agad naman nitong itinuro ang nasa harap niyang unit. Ito pala ang nakatira sa tapat ng unit niya.
>>End of flashback<<
Tumingin siya sa orasan at nakitang 9:20 madali niyang isinuot ang kaniyang contact lense at maayos na itinabi ang salamin niya sa drawer.
Dinala niya ang kanyang wallet, cellphone at key card.
Nang makalabas siya sa kanyang unit ay halos atakihin siya sa puso ng biglang sumulpot ang mukha ng katapat niyang unit sa kaniyang mukha.
"Bwiset ka, magkakasakit ako ng wala sa oras dahil sayo."
"Sorry, kakatukin na sana kita kase antagal mong lumabas." nakangiti nitong saad
Pasalamat ito at nakapag timpi pa siya, ewan niya nalang kung makangiti ka pa ito ng ganyan kung nasampal niya ito.
Sabay silang naglakad ng babaeng nakatira sa tapat ng unit niya na hanggang ngayon ay hindi parin niya ito kilala.
"By the way I'm Imogen Ryley call me Gen." pakilala nito
Sawakas at naisip rin nitong ipakilala ang sarili niya
"I'm Evianna Hallewelle, Evi nalang."
Habang nag lalakad kami ay napatanong siya ng wala sa oras
"Eskwelahan ba talaga ito parang hindi eh."
"Oo naman eskwelahan ito, ganito ang magiging itsura ng school kapag lahat ng estudyante ay anak ng mga mayayaman" natatawang saad nito
"Ang kinatatayuan ng dorm natin ay tinatawag na West Wings doon inilalagay ang mga katulad natin."
"Katulad natin?" Takang tanong niya
"Yup, kumbaga ordinaryong estudyante lang tayo rito"
"Talaga!" Natutuwang saad niya
"Bakit parang natutuwa ka pa jan, hindi maganda na maging ordinaryong estudyante ka lang dito dahil mamaliitin ka ng mas nakakataas sayo" parang naiiritang sagot nito.
"Matagal ko nang gustong maranasan ang maging ordinaryo lang na estudyante"
"You're weird, so itutuloy ko na sa opposite side natin which is the East Wings naman namama lagi ang mas nakaka taas sa atin ang mga upper-class o mas kilala sa tawag na elites at middle-class ipinag sama sila sa iisang building para pantay ang dami ng mga students"
"Ang arte naman dito"
"Totoo, kaso ang chismis ay iba parin daw ang trato ng mga prof sa elites kesa sa middle-class parati raw nilang pinapanigan ang elites kumpara sa meddle-class"
"Ang galing ganito pala ang mga ordinaryong estudyante mahilig sa tsismis"
Nagtataka niyang tinignan si gen na halos maglupasay na sa kakatawa
"This is the first time I met someone like you, Gosh I can't believe this you're funny. I think I will enjoy the rest of my school year here"
"Mayroon pa pala akong nakalimutang sabihin. Only grade 11 lang ang pumapasok dito"
"Ano?! Ang ibig mong sabihin ay lahat ng nanditong estudyante ay puro grade 11 katulad natin?"
"Yes, nahahati ito sa 6 na bahagi dito sa lugar na ito itinayo ang eskwelahan para sa mga grade 11"
"Alam mo ba kung saang lugar ito?"
"Nope, no one knows kung saan nakatayo itong school na ito that's why laging may sumusundo sa amin at pati na rin sayo"
"Kung sinasabi mong nahahati ito sa 6 na parte ay mayroon din itong 6 na headmistress?"
"Yup, 4 na headmasters at 2 head mistress"
"Hindi ba gugulo ang buhay natin sa ginagawa nila?"
"Depende sayo hahah"
"Lahat ba kayo rito ay dati nang magka-kaklase?"
"Yes, kaya nga natutuwa ako at sa wakas ay may bago nang salta sa lower-class, kapag may dumagdag sa lower-class it means may dumagdag din sa kabila."
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa office
"Iiwan mo akong mag isang papasok, hindi mo ba ako pwedeng samahan?" Tanong niya kay Gen
"Nako Evi kung alam mo lang gustong gusto kitang samahan jan kaso hindi pwede" malungkot nitong saad
"Kinakabahan ako"
"Ganyan din ako kanina pero kalma ka lang, may bibilhin lang ako ako doon ah pag naka labas kana at wala pa ako antayin mo ako at baka maligaw ka" paalala nito
Tanging tango lamang ang isinagot niya dito. Humarap na siya sa pinto ng headmistress at mahinang kumatok sa pinto nito. Dahan-dahan niya itong binuksan at isinilip niya muna ang kanyang ulo. Magsasalita na sana siya nang mapansin niyang may kausap itong lalaki, agad niyang itinikom ang kaniyang bibig. Napansin siya ng Headmistress at agad na sumimangot ito sa kaniya at sinenyasan siyang umupo muna at mag hintay. Agad niyang sinunod ito at mukhang mahalaga ang pinag uusapan nila.
Medyo malayo sila sa kaniya kaya't hindi niya marinig ang pinag uusapan nito.
Inilibot na lamang niya ang kaniyang paningin sa office ng Headmistress. Naaalala niya ang opisina ng kaniyang ama malinis at may kaaya-aya din itong amoy kapag pumasok ka roon ay unang sasalubong sayo ay mga aklat, dahil mahilig ang kaniyang ama sa aklat.
Tumama ang mga mata niya sa likod ng lalaking kausap ng Headmistress. Halatang tambay sa gym ang lalaki dahil sa lapad ng balikat nito, bumaba ang mata niya sa braso nito 'Yum' hapit na hapit sa braso nito ang suot kulay itim na long sleeve at turtle neck.
Likod palang ay gwapo na, ano pa kaya kapag humarap ito.
Nagawi naman ang tingin niya sa headmistress napansin niya kung papaano ito ngumiti sa kausap nito at ang pasimpleng pag lalagay nito ng buhok sa likod ng kaniyang tainga.
Masasabi niyang nasa edad 30 pataas na ang headmistress dahil hindi na ito mukhang teenager.
Bumalik ang tingin niya sa katawan ng lalaki at nais niya sanang ibaba ang kaniyang paningin nang bigla itong humarap.
Mabilis siyang nag taas nang tingin dito dahil baka mahuli siya nitong sinusuri niya ang katawan nito.

Hindi niya alam kung nakatingin ba ito sa kanya o hindi. Dahil naka shades ito ay mahirap hulaan pero naramdaman niyang hanagod siya nito ng tingin simula sa taas hanggang pag baba sa madaling salita simula ulo hanggang paa. Nang bumalik ang tingin niya sa aking mukha ay lakas loob niya itong pinag taasan ng kilay at sunod na inirapan ito. At dahil naka mask naman siya ay malakas ang loob niyang hindi siya makikilala nito.
Nakaramdam siya ng konting kaba ng makita niyang nakatitig na nga ito sa kanya at halos tumagos sa katawan niya ang tingin nito.
Nagbitaw lamang sila ng tingin nang tawagin ng head mistress ang apilyedo niya.
"Ms.Hallewelle?!"
Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit dito. Dumaan siya sa gilid ng lalake at umupo sa harap ng mesa nang Headmistress.
Nakarinig na lamang sila nang pagbukas at pagsara ng pinto, senyales na lumabas na ang kaninang kausap ng Headmistress.
"Pinatawag niyo raw ho ako."
"Yes, I will discuss to you the rules and regulations of this school." May pagka mataray nitong sagot.
Ibang-iba ang paraan ng pagkausap nito sa kaniya kumpara sa kaninang kausap nito. Tsk.
"The Fiero University was build for the safety of the child of whom will be the heir in the future. Sa madaling salita ang mga nakakataas ay gumawa nang eskwelahan para maging ligtas amg mga katulad mong anak ng mayayaman, milyonaryo o biliyonaryo man. Nais ng magulang niyo na makapag aral kayo sa ligtas na lugar, that's why itinayo itong eskwelahan na ito sa tagong lugar. Sa ganitong paraan ay kaya namin kayong protektahan sa kung sino man ang may habol sa pera niyo at pwede kayong saktan."
Ano daw habol ang pera namin?! Eh halos wala na ngang natirang pera sa pamilya namin. Wala na sa panganib ang buhay ko dahil wala nang mahuhuthot sa amin.
"Kaya nais naming makisama sa mga regulasyon namin."
"Naiintindihan ko po."
"Una ay ipinag babawal namin ang paggamit ninyo ng telepono galing sa labas. Maaari kasi itong ma track nang kung sino man at natatakot kaming matunton ang lugar na pinag tatayuan ng eskwelahang ito."
"Papaano ko ho makokontak ang magulang ko sa labas kung kukunin niyo ang telepono ko?"
"Hindi ba sinabi ng iyong magulang na hindi mo sila pwedeng kontakin sa oras na tumapak ka sa eskwelahan na ito at hanggat hindi pa tapos ang taon mo rito ay hindi mo sila makokontak o makikita man lang." Takang tanong nito
"NO, walang sinabi ang ama ko tungkol dito. Sinasabi mo bang dito ako titira nang isang taon at hindi ko sila makikita o makokontak man lang." Natataranta niyang sagot
"Ipinaliliwanag muna namin sa magulang ninyo ang mga regulasyon kung sang ayon ba sila rito, bago namin tangggapin ang bayad."
Sinadya siguro ng kaniyang ama na huwag sabihin sa kaniya dahil alam nitong hindi siya tutuloy kung ganito ang rules ng eskwelahan.
"Maaari mo bang ibigay sa akin ang iyong telepono? Huwag kang mag alala dahil nasa maayos naman itong kamay" saad nito
Nag aalangan niyang inabot rito ang kaniyang telepono.
Nang kinuha ito ng headmistress ay pinatay niya iyon at may kinuhang puting box at ibinigay iyon kaniya.
"Iyan muna ang pansamantala mong gagamitin habang narito ka sa Fiero University."
Binuksan niya ang kahon at tinignan ang laman non. Nakita niyang isa itong Ipad nagtataka siya dahil sobrang nipis nito. Bagong labas ba ang Ipad na ito?
"Ang gadyet na iyan ay sinadya para lamang sa school at walang sino man ang mayroon niyan sa labas"
Ah kaya pala ngayon lamang niya nakita ito.
"At pakatandaan mo Ms.Hallewelle may mga silid rito na hindi dapat buksan o pasukin ang loob tanging mga Elites lamang ang may pahintulot na pumasok. Kung may katanungan kapa ay maaari mo nalang itong i-search sa gadyet na iyan." Saad nito
"Ito na po ba ang pansamantalang kapalit ng telepono ko?" Tanong niya
"Mismo, pero mas makakatulong ang gadyet na iyan saiyo habang nandito ka sa eskwelahan na ito. Kunin mo ito" sabay abot sa kanya ng invitation card "Magkakaroon ng welcome party bukas at inaasahan na lahat ng estudyante ay dadalo." Saad nito
Kinuha niya iyon at isiniksik sa bulsa ng kaniyang pantalon. Maysasabihin pa sana siya ngunit inunahan na siya nito.
"Maaari ka nang lumabas."
Tumalikod na siya at lumabas na sa opisina nito. Paglabas niya ay wala pa ang kasama niya kanina. Mukhang mag aantay pa siya.
Kailangan niya nang pag lilibangan kaya napagdiskitahan niyang gamitin ang ibinigay na gadyet. Umupo siya sa bench na una niyang nakita at binuksan ang kahon. Binuksan niya ang mga app na naka install na rito. Napunta siya sa Map, nakita niyang kaunting lakad niya lang ay may madadaanan siyang pulang pinto. At dahil lumaki soyang usisero ay pupuntahan niya ito.
Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at sinundan ang daan sa Map. Nang makarating siya ay namangha siya sa kaniyang nakita. Isa itong malaking pinto na kulay pula at nababalutan ito ng bakal.
Sinubukan niya itong itulak, ngunit masyado itong mabigat. Kaya ginamitan niya ito ng mas malakas na pwersa, at nagkaroon ito ng puwang na tingin niya ay kakasya lamang ang katawan niya.
Agad siyang pumasok at kung namangha siya sa pinto nito ay mas humanga siya sa nasa loob nito.
Ang silid na ito ay puno ng armas, simula sa pinakamaliit na baril hanggang sa palaki ito ng palaki. Sa kabilang bahagi naman ay maliliit na patalim hanggang sa palaki riin ito ng palaki.
At dahil mahilig siya sa patalim ay doon siya sa bahagi ng patalim na lumapit. Isa isa niyang hinaplos ang mga ito. Halatang hindi pa ito nagagamit dahil sobrang talas pa ng talim nito.
Nahagip ng mata niya ang hindi pangkaraniwang pinto sa gilid ng silid. Dahil sa pagtataka ay nilapitan niya ito, napansin niyang isa itong awtomatik na pinto kinakailangan mo ng password bago ito mabuksan.
Huhulaan na lang niya sana ang password ng napatalon siya sa gulat nang may malamig na tinig ang nagsalita sa likod niya
"Who are you?!"
+++Itutuloy+++