HABANG NANONOOD kami ng tv ni mama tungkol sa di pangkaraniwang sakit na kumakalat sa buong mundo ay tinawag ako ng aking mga pinsan upang maglaro.
"Kuya Dan dali laro na tayo!" Tawag sakin ni Chess. Puro lalaki ang pinsan ko at lahat sila ay nasa edad labi'ng isang taon at labi'ng dalawang taong gulang pa lang.
"Wait lang Chess, mag susuot mu na ako ng face mask." Sabi ko bago ko isinuot ang aking face mask. Required kasing magsuot nito kapag lumalabas para daw hindi mag ka hawaan o kaya mapababaman lang ang posibilidad ba maisalin sa amin ang virus.
"Dali na kuya! Bagal mo naman!" Reklamo pa ni Miel pinsan ko rin. Agad kong lumabas at sinabayan sila, papunta kami ngayon sa medyo bukirin part ng village namin. Malawak naman kasi dito sa village, kahit na marami an ang bahay na ang nakatayo rito ay meron parin namang iilang bahagi rito ay bukid, kung saan magandang lugar para maglaro.
Nang marating namin ang bukid, ay agad kaming nag hiyawan at tinuro si Miel.
"Mel-Mel ikaw ang taya!" Sabay-sabay naming sigaw at agad nagtakbuhan palayo sa kanya kasunod ko si Ran-ran na tumatakbo rin palayo kay Miel. Si Ran-ran bunsong anak siya ng pinsan ng papa ko si Tita Joan, bale hindi ko siya pinsang buo.
"Kuya! Bilis! Maaabutan tayo ni Miel!" Sigaw niya kaya natawa nalang ako habang patuloy parin sa pagtakbo. Habang tumatakbo kami ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, agad akong nilapitan ng mga kalaro at pinsan ko habang nakaupo parin ako sa damuhan.
Unti-unti may mga imahe muling nagpakita sa isipan ko. 'kaguluhan. Kami nila Chess at Ran-ran may tinatakbuhan, mga tao, puro dugo ang katawan, naipapasa sa pamamagitan ng pagkagat, marami ang namatay.' yun ang mga imaheng nakita ko sa isip ko pero hindi ko alam kung bakit, nang yari yon.
Nakakakilabot ang mga nakita ko para bang isang babala. 'Or baka naman Hallucinations ko lang yon?' Pero prang totoo lahat ng nakita ko.
Kinalma ko ang sarili ko at tinignan ang mga kalaro ko, ayoko ko namang mag-alala sila kaya ngumiti ako. "Tara laro na tayo ulit!"
Agad silang nag takbuhan pero bago paman sila makalayo ay May narinig kaming malakas na ingay, ' Helicopter.' sabi ko sa isip ko. Akala ko Helicopter lang yon na napadaan pero akala ko lang pala talaga yon dahil May mahigit Kinse pang Helicopter ang nakasunod dito.
Agad kaming nagtakbuhan upang sundan kung saan ito pupunta. At laking gulat nalang namin ng bumaba ang mga ito sa mataong bahagi ng bukirin. May lumabas na lalaki rito nama'y hawak na mahaba at malaking baril, kasunod nitong bumaba ang iba pang lalaki na may dala ring baril at tumakbo at lumapit sa mga tao samantalang ang iba naman ay nanatiling nakatayo malapit sa mga Helicopter nila.
"KUMAL MA PO KAYONG LAHAT! KAILANGAN PO NAMIN KAYONG ILIKAS SA LALONG MADALING PANAHON! HUWAG MUNA PO KAYONG MAGTANONG AT SUMUNOD PO MUNA KAYO SA MGA SASABIHIN NAMIN KAILANGAN PO NAMIN ANG INYONG KOOPERASYON!" sigaw nung lalaking unang bumaba kanina. Agad namang naglapitan ang mga tao at nagsimula ng magkaroon ng mga pagkalito at takot ang mga ito may iba namang bumalik sa kanya-kanyang bahay at tinawag ang mga kasapi at miyembro ng kani-kanilang pamilya.
"KUMALMA PO KAYO! KAILANGAN PU NAMIN KAYONG ILIKAS KAYA KUMALMA PO KAYO!
LUMAPIT NA ANG MGA BABAE AT BATA AT MATANDA! SILA MUNA ANG UNA! UULITIN KO BABAE, BATA AT MATANDA MUNA ANG UNANG ISASAKAY!" sugaw ulit nung lalaki kaya agad na lumapit ang mga bata, babae at matatanda at pinapila nila ang mga ito sa isang linya.
"Dali Ches, tawagin natin sila Mama at Tita para kama sama na tayo. Baka maunahan hindi pa tayo makasakay." Sabi ko at agad kaming tumakbo papunta sabay nila, sila Miel naman at yung mga kalaro namin humiwalay nasa amin dahil nasa malapit lang naman ang bahay nila.
Hinatid ko muna sila Chess at Ran-ran sa bahay nila, at mukhang hindi na ako tatakbo pa papunta sa bahay namin dahil nadoon na sila Mama at ang kapatid ko sa bahay nila, kausap si Tita Joan. Kasama rin niya sila Tita Reisha at ate Yan-yan, (Mama at Ate Ni Chess) na kaupo sa may terrace.
"Mama! Bilisan niyo nandyan na yung mga Re-rescue satin. Baka hindi tayo makasakay bilis!" sabi ko kaya napatingin naman sila sakin.
"Anong Re-rescue ka dyan? At bakit naman tayo ire-rescue?" Takang ta nong niya pa gano'n rin ang tanong nila tita kaya hinila ko nalang sila.
"Wag na lang kayong magtanong baka wala na tayong masakyan maiwan pa tayo dito!" Sabi ko habang patuloy parin sa pagtakbo.
Nang marating namin ang bukirin kung saan nakapila ang mga tao ay nagsisimula nang umalis ang ibang Helicopter at nagsisimula naring magkagulo. Agad kong hinila si mama habang at ang kapatid ko habang nakasunod naman samin sila Tita at ang mga pinsan ko.
"Ma bilis sumakay na kayong dalawa, bilis!" Sabi ko ng palihim kong naipuslit sila Mama at naisingit sa pila. Sasakay na sana sila Tita ng mapansin ko na wala sila Chess at Ran-ran.
"Tita nasaan sila Ran-ran?" Takang tanong ko, habang paglingon-lingon parin ako sa paligid. Baka kasi nandito lang yung dalawa hindi ko lang napansin.
Nagsimula naring maghanap sila Tita bababa na sana sila ni nang biglan nalang sumakay ang dalawang sundalo at humarang ka nila Tita.
"Wag! Wag muna tayo umalis yung anak ko at mga pamangkin ko!" Naluluhang sigaw ni tita nag simula naring mataranta si mama ng umandar ang Propeller ng Helicopter kaya napaatras ako at nag simula naring sumigaw sila Mama at Tita para mapasakay kami nila Chess pero hindi yun ang inaalala ko, kailangan kong mahanap sila Chess at Ran-ran dahil baka kung anong mangyari sa dalawang yon.
"Chess! Ran-ran! Nasaan na kayo!" Sigaw ko habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid, nagsisimula narin akong maluha dahil kinakabahan na ako dahil bigla nalang bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kanina nung na hilo ako.
"Ku-kuya Dan! Nandito kami!" Narinig ko'ng sigaw ng isang pamilyar na boses kaya agad kong nilingon kung saan nagmula ang boses.
At nakita ko si Chess na yakap-yakap si Ran-ran, may sugat ito sa tuhod kahit malayo ay malalaman mo talagang may sugat siya dahil malaki ang sugat niya sa tuhod at dumudugo rin ito.
Agad akong tumakbo papunta sa kanila at tingnan ang sugat sa tuhod ni Ran-ran. Hindi naman ito malalim at wala namang bubog o bato kaya naman hindi naman ganon ka lala.
"Saan mo bato nakuha? At bakit ka naman na dapa?" Sabi ko habang patuloy na pinupunasan ang luha ko dahil natatakot na talaga ako dahil wala na sila Mama at Tita at wala na kaming mga kakilala dito dahil sigurado akong nakaalis na rin sila ng lumipad ang mga Helicopter kanina.
"Ran-ran wag kana umiyak, bilis punta tayo sa bahay namin ligtas tayo dun. Tsaka para magamot ko narin ang sugat mo." Sabi ko habang tinutuyo ang mga luha sa pisngi niya dahil kahit tahimik lang siya ay sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya.
Kinarga ko siya at sabay kaming naglakad ni Chess papunta sa bahay namin, ng biglang may sumigaw sa likod namin.
"Ahhh! Tulong! Tulungan nyo ako! Parang awa niyo na!" Sigaw ng lalaki habang may isang babaeng puro dugo ang katawan ang biglang tumalon sa kanya at kinagat siya sa leeg o mastamang sabihing sinakmal, walang makagalaw sa aming mga nakakita nakita namin kung paano mapunit ang balat ng lalaki sa leeg at sa kalahating parte ng kanyang mukha.
Agad kong hinila si Chess at tumakbo papunta sa bahay namin dali dali kaming tumakbo papunta doon. Simula palang May hinala na ako sa nakita ko sa isipan ko.
"Kuya Dan a-ano yun?" Bakas ang takot ang sa mukha niya, hindi ko nasagot ang tanong niya dahil sa kaba. Ang tanging nagawa ko lang ay hilain siya habang tumatakbo papunta sa bahay namin.
Nang marating namin ang bahay ko. Agad kong isinarado ang gate ang mga pinto at siniguradong nakasarado pati ang bintana, praning na kung praning pero hindi ko talaga maiwasan ang mag-alala dahil bukod sa mag-isa lang ako ay meron din akong mga batang kasama.
At alam ko kung ano ang dahilan ng mga nangyayari ngayon, dahil yon sa isang Misteryosong karamdaman.
Ipagpapatuloy.....
Hello aking mga munting mambabasa!
Wag niyo kalimutang mag-iwan ng mga komento at iboto ang ang aking istorya!