HABANG NAKAUPO sila Chess sa sofa ay nagluluto ako ng pagkain namin, tapos ko narin gamutin ang sugat ni Ran-ran kaya tumigil na rin siya sa pag-iyak. Nang maluto na adobo ay agad kong inihanda ang mga kubyertos na gagamitin namin.
"Chess, Ran-ran kain na." Sabi ko at agad naman silang naglakad patungo sa lamesa tinulungan kong maglakad si Ran-ran dahil paika-ika parin siya maglakad.
"Chess, pagkatapos natin kumain tulungan mo akong mag-impake ng Gamit dahil susundan natin kung saan pupunta sila Mama at Tita." Sabi ko habang sinusubuan si Ran-ran dahil parang wala siyang ganang kumain.
"Sige kuya, tutulungan kita." Sabi niya habang patuloy parin siya sa pagkain. Nang matapos na kami kumain agad kong inilabas lahat ng mga bag na pwede naming paglagyan ng Gamit at pagkain. Nakakuha ako ng isang maleta at apat na bag pack, lahat malalaki sa maleta ko nilagay ang mga pagkain namin, katulad ng de-lata, pansit canton, tinapay, biscuit, chutchirya, at bigas, pati narin kutsara at tinidor ay nailagay ko narin.
Habang sa apat na bag naman ay yung mga kakailanganin namin bukod sa pagkain. Mga First aid kit, mga flash light, charger, power bank, at iba pa. Pinuno ko narin ng damit at kumot ang isa sa mga to.
"Kuya, sa tingin mo ba mahahanap pa natin sila mama? Sa tingin mo ba hindi tayo mahihirapang hanapin sila?" Sunod-sunod na tanong ni Ran-ran, naiiyak na siya alam ko naman ang nararamdaman niya kaya hindi ko siya masisisi. Mahirap talagang mahiwalay sa mga taong mahal mo.
"Wag ka mag-alala mahahanap natin sila, magpakatatag kalang." Sabi ko at tinuyo ang mga luha niya gamit ang aking kamay.
"Kuya tapos na akong mag-impake, wala na ba tayong ibang kailangan? Gusto ko na makita sila Mama." Sabi ni Chess. Ramdam ko rin na gusto niya ng makita ang mama at ang ate niya, kahit hindi halata sa itsura niya alam ko yon dahil matagal ko na siyang kilala.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong bahay namin at huminto ito sa mga kutsilyo sa lababo at isang kalawanging bakal sa ilalim no'n.
Kinuha ko yon at inilagay sa sahig at hinanap ang iba pang bagay na pwedeng gamitin kung sakaling may manakit samin.
"Kuya aanhin mo yan?" Tanong sakin ni Chess at Ran-ran, habang nakatingin sa mga patalim at mga bakal na nakalagay sa sahig.
"Wala, para kung sakaling may manakit satin at Least makakalaban tayo kahit papaano." Sabi ko binigyan ko sila ng tig iisa para magamit nila kung kailanganin nila.
"Dali aalis na tayo hindi tayo pwedeng magpa-umaga dito." Sabi ko bago isinabit sa aking mga bag sa aking likod at hindi ang maleta palabas ng bahay. Nang lalabas kami ay bumungad sa akin ang nakabibinging katahimikan. Nakakakilabot man ay nag patuloy kami sa pag lalakad ng may marinig kaming mga ungol nag dahan-dahan kami sa paglalakad habang pinakikinggan ang mga ungol.
"Kuya naririnig mo ba yon? Nan dito na sila!" Sabi ni Ran-ran habang nakakapit sa braso ko ng mahigpit. Ramdam ko talaga ang takot niya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin, nagsisimula na ngang mamula ang aking balat.
"Sinong sila Ran? Sino sila?" Tanong ni Chess habang takang nakatingin kay Ran-ran. Napahinto rin ako sa paglalakad sa tanong ni Chess. 'Sinong sila ang sinasabi ni Ran-ran?'
"Yung mga halimaw! Malapit na sila rito kuya umalis na tayo! Papatayin nila tayo!" Sabi ni Ran-ran habang pilit akong hinihila papalayo sa iskinita palabas ng Village namin.
Nangunot ang aking noo sa sinabi kaya tinanggal ko ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa aking braso at itinago sila sa makapal na talahiban.
"D'yan lang kayo at wag kayo aalis diyan hangga't hindi pa ako nakakabalik, baka pa'no kayo. Chess bantayan mo si Ran-ran." Sabi ko bago dahan-dahang naglakad papunta sa may pinagmulan ng mga ungol.
Sa bawat hakbang ko ay para bang hindi lang ang mga ungol ang lumalakas pati narin ang bawat tibok ng aking puso sa sobrang kaba.
Nang marating ko ang pinakadulo ay nagtago ako sa likod ng isang puno. At kahit na madilim ay nakita ko ang isang kumpol ng mga tao sa harap ng isang bahay tila ba may hinahanap sila pero hindi lang yon ang napansin ko dahil puro dugo din ang kanilang mga damit at katawan.
Doon ko lang din napansin ang mga itsura nila.
Tapyas ang kalahati ng mukha, puro sugat ang kanilang katawan pero hindi ordinaryong sugat dahil tila ba nilapa ng aso o ng kung anong hayop ang kanilang mga katawan. At unti-unti naaalala ko ang nangyari sa lalaking biglang tinalunan ng babaeng puro dugo ang katawan kanina, nilapa ang leeg dahilan para mabalatan ang kanyang leed at ang kalahati ng kanyang mukha. Yung nangyari bago kami umalis.
Agad akong umalis at siniguradong hindi ako makagagawa ng kahit anong uri ng ingay.
Pero hindi naman ako nakakalayo ay may natapakan akong bote ng Juice dahilan para makagawa ako ng ingay, agad na naglingunan ang mga ito sa aking direksyon, at dahil sa kaba agad akong tumakbo ng mabilis at tinungo ang kinaroroonan nila Chess at Ran-ran.
"Kuya anong nangyari?!" Tanong pa ni Chess pero hindi ko na ito nagawa pang sagutin dahil sa kaba agad kong kinuha ang mga bag at maleta namin at dali-daling tumakbo papunta sa gitna ng talahiban.
"Kuya ano bang nangyayari?! Bakit ka nagmamadali?!" Tanong ni Chess habang pilit na sinasabayan ang aking pagtakbo upang hindi makalakad dahil katulad ni Ran-ran ay Hawak-hawak ko rin ang kanyang braso.
"Nakita nila ako! Kaya kailangan nanating umalis hindi na ligtas dito! Tama si Ran-ran mga halimaw na sila at papatayin nila tayo!" Takot na sabi ko sa kanya nang marating namin ang kabilang dulo ng talahiban. Mas tahimik dito at wala ring mga Tao katulad kanina pero sigurado akong hindi parin kami ligtas dahil maaring nasa paligid lang ang mga halimaw nayon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang umabot kami sa may highway, akala ko mas maraming halimaw ang sasalubong sa amin pagkarating namin dito pero wala ni isang bakas nila rito puro abandonadong sasakyan nalang ang natitira sa kalsada. Magulo ang paligid pero walang bakas ng mga halimaw, tanging kami lang ang tao rito.
Pero dun ako ako nag ka mali dahil habang naglalakad kami nakita ko sa di-kalayuan ang isang lalaki na tumatakbo at hinahabol siya ng mga halimaw. Mga halimaw! Bwisit!
Agad kaming tumakbo bo sa isang abandonadong kotse at binuksan ang pinto nito at pinapasok ko muna ang dalawa bago ko aligagang ipinasok ang mga gamit namin at dahil na rin sa sobrang pagmamadali, aksidente kong na aksidente kong naihagis sa mukha ni Chess ang bag na nasa likod ko. Siguradong masakit yon dahil puro damit at kumot ang laman no'n at rinig ko rin ang ulo niyang nauntog sa sa bintana ng kotse.
"Aray! Ang sakit! Tang*na! P*tsa!" Sabi niya habang habang hawak ang ang kanyang ulo at hinihilot ito ng bahagya, tinulungan ko siyang hilutin at at napansin kong biglang inabot ni Ran-ran ang mga bintana, ini-lock niya ang pinto at sinarodo ang bukas na bintana sa harap.
Nang medyo nahimasmasan na si Chess ay isinandal ang kanyang ulos sa bintana. Buti na lang tinted ang salamin ng kotseng ito dahil kung hindi hindi ay siguradong makikita kami ng mga halimaw na yun.
Napansin kong patuloy patin sa pagtakbo ang lalaki na hinahabol parin ng mga halimaw ilang hakbang na lang ang layo niya sa mga ito, pansin ko ring sa direksyon namin siya papunta. At nag tago siya sa isa sa mga kotse na katabi namin agad niyang isinarado ang pintuan nito kaya biglang tumigil ang mga halimaw sa pagtakbo at nag simulang naghiwahiwalay.
Binuksan ko ang bintana ng kotse at kinawayan ko ang kotse na katabi namin kung saan nagtatago ngayon yung lalaki kanina. Agad siyang lumabas at dahan-dahang gumapang papunta sa amin, binuksan ko agad pinto ng kotse sa harap upang makapasok siya. Nang makapasok siya ay agad niyang isinarado ang pinto at ini-lock ito.
"Ayos kalang ba? Ito oh tubig." Alok ko sa kanya na agad naman niyang tinanggap, dali-dali niyang binuksan ang takip na bote at ininom ang laman nito.
"Sa-salamat! A-ako nga pala si Charlie."
Sabi niya habang pilit na pinakakalma ang sarili dahil sa kaba, at liligo na rin siya sa pawis dahil sa katatakbo.
"Dan, Dan Kim at ito naman ang mga pinsan ko si Chess Montalban yung mataba at yung isa naman yung may salamin yan si Ran-ran Montalban." Sabi ko bago siya binigyan ng biscuit at dali-dali rin niya itong kinain. Dahil alam kong gutom na gutom ang isang to katatakbo.
"Bakit ka hinahabol ng mga halimaw nayon? Hindi karin ba naka sakay kanina nung may dumating na Helicopter?" Tanong ni Ran-ran kay Charlie.
Ipagpapatuloy...
Maligayang pagbabasa sa inyong lahat!
Wag kalimutan bumoto at mag komento!