10
t h e c h a s e
ASTRID applied the last layer of her lipstick on her plumped lips. She covered it with strong vibrant crimson pigment. The latter distanced herself from the mirror hanging on the wall of her boudoir and examined her face.
She heaved deeply as she tries to recuperate the conversation that she had with Kairo. Hindi niya lubos maisip na sa tuwing maalalal niya ang binata ay palaging nagugulo ang kaniyang isip. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang sambunutan ang sarili dahil sa tinuran niya kanina sa binata.
Dumagdag pa ang problema niya sa kung paano siya makakapasok mamaya sa museum malamang ay aakyat na lamang siya sa bintana para makapasok dito.
Maya maya pa'y nag ring ang kaniyang cellphone na nakapatong sa kaniyang kama. Nilingon niya ito at kinuha. It was her Mom again.
"Yes Mom?" Paunang sagot niya.
"Where are you? When are you going to Iloilo? Is everything ok?" Sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.
"Mom everything is fine here. Maybe i will not be able to attend the Christmas there pero dadating ako sa New Year. I promise," sagot ni Astrid her voice sent a calming and reassuring vibe.
"Ok. Just tell me if there's a problem and then we'll be there in no time," anito. Nagpaalam siya bago niya marinig ang isang mahabang blankong tunog nag papahiwatig na tapos na ang tawag.
Tumayo siya at kinuha ang Diamond Night purse niya mula sa kaniyang temperature controlled room.
Dahan dahang bumaba ng kanilang grand staircase si Astrid habang ingat na ingat itong nakahawak sa kaniyang Chanel saxe-blue silk evening body hugging luxurious sheath. Her dress is completely covered with blue sequins that reflects coruscating luminescence as soon as the light beams on the fabric, the sequins look like blue star Rigel in the constellation Orion which were carefully embedded on it.
It has also a wide V-opening at the back which dips from the back until her waist; a plunging neckline can also be found in front of the dress revealing her ample bosom. Nang makarating siya sa harapan ng glass door nila ay pinagmasdan niya muna ang kaniyang suot at nang pumasa ito sa kaniyang taste ay agad na siyang dumiretso papunta sa lawn kung saan nag hihintay ang sasakyan niya at ang driver.
Her driver draw up in front of the Museum where she could almost see a sea of crowds patiently waiting for their names to be called and their tickets to be recorded. Binuksan ng driver niya ang pinto ng sasakyan at inalalayan siya nitong makababa siya ng maayos.
"Kuya its ok you can go na. I'll text you if pauwi na ako," aniya nang makababa siya sa sasakyan.
She fixed her gray hair before walking towards the entrance hall of the museum.
"Ma'am your ticket please," magalang na request ng nagbabantay sa entrance ng museum.
Kunwari'y umarte siyang may kinukuha sa kaniyang purse.
"Oh. I forgot. My husband will be here in a minute so he'll be the one to give the ticket to you, in fact i've already made a reservation..." Umangat ng kaunti ang kaniyang ulo upang tignan ang listahan ng mga bisita. "For Mr and Mrs. Santiago" pagsisinungaling niya. Tinignan nito ang listahan at agad namang nagsalubong ang kilay nito. "I am sorry but you've already entered the museum. May I see your entrance bracelet instead?" Tanong nito, agad naman siyang kinabahan. Mali pa ang kaniyang napiling pangalan.
"Ma'am?" Tawag atensyon nito sa kaniya. Bumalik ang diwa niya. "Hm?" Aniya na wala ng ibang maisagot. "Puwede ko po bang makita yung entrance bracelet?" Ulit tanong nito.
She should've not use the main entrance at dapat ay umakyat na lang siya sa bintana. Ngunit hindi naman siya isang secret agent para i-pull off ang gano'ng stunt.
"Please pupunta rin naman yung husband ko dito para...." Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang may isang lalaking nag salita sa tabi niya.
"I told you to wait for me. Where have you been? Masyado ka namang excited," wika nito at nang lingunin niya ang pinanggagalingan ng boses ay laking gulat niya nang makita si Kairo sa tabi niya. He was wearing a white tuxedo accented with gold strips of metallic fabrics on the edge of his coat. His mid long black hair is neatly pushed back. The silage of woody oriental fragrance soothe her beating heart, hindi niya pa rin mapag tanto na kung sa tuwing maaamoy niya ang perfume ni Kairo ay bigla na lang siyang kinakabahan.
Binalingan ni Kairo ang nagbabantay sa entrance.
"Is there a problem?" Tanong nito sa nagbabantay sa entrance.
"Here's our ticket." Dugtong ni Kairo sabay bigay ang dalawang ticket.
"Puwede na po kayong makapasok." Ani nito.
Inalalayan siya ni Kairo na pumasok sa loob ng museum. Naramdaman niya ang unti unting paglingkis ng kamay at braso ni Kairo sa kaniyang baywang habang naglalakad sila papasok ng nasabing establisyemento. Gusto niyang mag protesta sa ginagawa ng binata ngunit ni isang reklamo ay walang lumabas sa kaniyang bibig. Mas lalo siyang nanghina habang patagal ng patagal ang kamay ni Kairo na nakahawak sa kaniyang baywang.
A humongous reconstructed Greek Temple interior welcomed them. The said museum inner design looks like the time during the ancient Greek era froze. The museum uses different lighting techniques to create an optical illusion of the wall and rows of columns rising above them.
There are many vitrines containing different artifacts recovered by well known archaeologists. Most of the artifacts displayed inside the museum has interactive screen on plinths that contains all information about the item inside the vitrine.
"Www-what are you doing here?" Natatarantang tanong niya kay Kairo. Ngumiti muna si Kairo bago ito sumagot.
"Helping you," sagot nito. Tuluyang nawala sa ulira't si Astrid habang pinagmamasdan ang mukha ni Kairo. His manly and well defined facial features can still be seen under the dimly lit mezzanine of the museum.
"So what are we gonna do? Yun lang naman yung message ni Dorothy and nothing more," Ani ni Kairo ngunit hindi ma-process ng kaniyang utak ang sinasabi nito.
Nilingon siya ni Kairo. "Hey! Stop staring at me. Para kang manyak," reklamo ni Kairo. Did she just heard it right?
"Excuse me?! What the hell are you talking about? I am not staring at you!" Wika niya. Nag init ang kaniyang mga pisngi at agad na lumayo kay Kairo bago pa makita nito ang pagpula ng kanyiang pisngi.
"Wait!" Anito at hinabol siya.
"Talagang hindi na ako makakapag focus dahil nandito na ang mokong na 'to," naisaloob niya. Kunwari ay tumitingin ito sa mga paintings na nakasabit sa mga pader.
"As i've mentioned kanina, what are we gonna do now? Nandito na tayo sa museum," tanong nito ulit sa kaniya.
"Just give me some time to think. Makakahanap din tayo ng clue," sagot niya na hindi nakatingin sa binata.
"Where did you get the ticket nga pala?" Nagtatakang tanong ni Astrid. Ang mga mata niya naka-focus lang sa paintings.
"I bought it to someone. Hindi ko sila kilala pero mag asawa sila and I heard them arguing sa parking lot so I took that opportunity to take their tickets," paliwanag ni Kairo.
"What if you weren't able to buy that ticket?" Tanong niya
"Baka umakyat na lang ako sa bintana,"
"Shit! Eh magkikita din pala kaming dalawa may ticket man o wala!" Aniya sa isip.
Tinungo ni Astrid ang Grand Gallery kung saan naroon ang mga paintings na naka display. There is small board containing a few reminders, it says; DO NOT TOUCH! in big bold red fonts. Astrid can't contain the happiness she has inside her heart, she's definitely a sucker for paintings and other ancient materials. Ilang beses na rin siyang bumili ng mga paintings sa mga art auctions sa Paris at London. Tinatago niya lahat ng ito sa isang temperature controlled room.
The Grand Gallery is filled with different paintings in different eras. Paintings of Ghiberti, Donatelo, Perugino, Leonardo Da Vinci, and other famous artists in Renaissance period can be seen hanging freely on the stone wall of the Museum.
"The Creation of Adam , Michaelangelo," sambit ni Kairo habang nakatingin sa painting ni Michaelangelo. The canvas contains a picture of God and Adam reaching towards each other. Which mainly depicts that God started a spark of life to Adam and other creatures.
"So you like paintings?" Tanong niya habang nagbabasa sa interactive screen na nasa ibaba ng painting ng Venus Urbino.
"Well, not really. My mother used to collect some paintings noong nabubuhay pa siya but all of her collected paintings are still displayed sa bahay," sagot ni Kairo.
Napakunot ang noo ni Astrid. She felt a little confuse. Hindi siya makapaniwalang wala ng ina si Kairo. Binalingan niya ng tingin ang binata ngunit ni isang senyales ng lungkot ay di niya nakitaan marahil ay matagal ng namatay ang ina nito kaya hindi na ito nakakaramdam ng lungkot sa tuwing pag uusapan ang ina nito.
"I am sorry," wala sa sariling wika ni Astrid.
"What?" Tanong ni Kairo.
"I said i am sorry," ulit ni Astrid.
"Sorry because i told you about my Mom or sorry because you've been rude to me since the first time we met?" Pag klaro ng binata sa kaniya.
Astrid rolled her eyes. "The first one of course," sagot niya.
"Its okay. Ako naman mismo ang nag kwento and i've already moved on," ani pa nito.
Ilang beses din silang nagpaikot ikot sa loob at nagbasa ng mga information sa halos lahat na paintings. Nangangawit na rin ang mga paa ni Astrid sa kaiiikot.
"Do you want to sit?" Tanong ni Kairo. Nabu-bwisit si Astrid sa kaniya, why does he need to be so caring kahit ganon ang ipinapakita na ugali niya sa binata. Astrid is expecting na magiging violent din ang reaction ni Kairo tuwing sasagutin niya ito ng patulibagbag but he is treating her the opposite.
"No, I am ok," tanging nasagot ni Astrid sa kaniya.
They saw a painter inside a glass box doing his masterpiece. Ibat ibang kulay ang kaniyang hinahalo sa paintbrush nito. The canvas looks like a mess with different hues and intensity of colors painted on it but with right amount of pressure, focus, and skills the messy painting revealed an astounding image.
"Dorothy is a painter too," wika ni Kairo
Nilingon niya ang binata. "So you and Dorothy are friends?" Tanong niya.
"No. Dorothy is my personal nurse noong nagkaroon ako ng injury sa isang game she gave me her artwork before i got discharged from the hospital. Kinuwento ko sa kaniya na my Mom is also a painting connoisseur," sagot nito.
Pinagmasdan muli ni Astrid ang pintor na maiging binubuo ang imahe sa canvass nito. Bigla niyang naalala ang video ni Dorothy sa instagram na nag pe-paint. She felt a strike in her gut. Something she usually feel every time she was about to solve a puzzle or discover a secret.
"Dorothy is left handed," wika niya kay Kairo
"I dont know," naguguluhang sagot ni Kairo sa kaniya.
"No. I am not asking you. Dorothy is left handed i saw it on her video and during the crime scene a tourniquet was tightly shackled on her left arm basically hindi maisasaksak ni Dorothy ang gamot sa kaniya since she is using her right hand," paliwanag ni Astrid
"By merely observing on the crime scene you can see and endless evidence to justify that Dorothy is left handed. Her bedside table is on the left and there is a mug and its handle is pointing on the left," litanya ni Astrid. Using her photgraphic memory she is trying her best to remember the crime scene, the exact placement of the things inside Dorothy's room.
"Also the pen and paper are placed on the left side of the intercom, her handwriting on the right part of her notebook is a little bit crooked than on the left side of the notebook this is because she can write properly on the left. To conclude Dorothy did not commit suicide there was someone who forcefully administer the drugs to her. Dorothy might know something regarding Emilia's death," dugtong pa niya.
Nakabukas ang bibig ni Kairo na halatang namangha sa pag deduce ni Astrid.
"The killer can easily kill Dorothy since there is a connecting tunnel papasok sa kaniyang kwarto," ani ni Kairo
"Correct!" Nakangiting wika ni Astrid.
She felt a little relief. Panandalian naging magaan ang kaniyang dibdib nang ma-solve ang unang portion ng imbestigasyon. Ngunit mayroon pang isang clue na kailangan niyang i-solve, ang Morse code na dine-code ni Kairo para sa kaniya.
"What was the message from the morse code?" Tanong niya kay Kairo
"Painting 1-8-8-6," sagot ng binata.
Sinuyod ng kaniyang paningin ang malawak at katamtamang madilim na vicinity ng Grand Gallery. Maraming tao ang dumagsa sa pag bubukas ng Museum lalong lalo na sa Grand Gallery halos magkapalitan na rin sila ng mga mukha dahil sa sobrang lapit nila.
IT was April 2004 at hawak hawak ng kaniyang ina ang kamay ni Kairo habang pareho nilang binabaybay ang malawak na daanan ng museum sa London. There are different portraits, paintings, and sculptures from renowned artist that flourish before and after the renaissance period. Para sa batang si Kairo hindi niya pa rin matanto kung bakit baliw na baliw ang kaniyang ina sa mga gano'ng bagay dahil isa lamang itong painting na naka-frame.
"Mom? Why do you like those paintings?" Hindi niya napigilang ang kuryosidad na bumabalot sa kaniyang isipan. Binalingan siya ng tingin ng kaniyang Ina, her dark brown eyes are staring at him. Ang Ina niya ay Spanish doon na rin ito lumaki ngunit bumisita ito sa Pilipinas upang mag saliksik tungkol sa istoryang kaniyang ginagawa hanggang sa makilala nito ang kaniyang Dad, di kalaunan ay sa Pilipinas sila ikinasal.
"Well, those paintings are the proof that a certain things happened. They allow us to peek through time, to go back to the past. For example this painting," itinuro ng kaniyang ina ang isang painting na mas malaki pa sa kanilang refrigerator sa bahay. "This is The Last Day of Pompeii. It was painted to show the eruption of Mount Vesuvius, the said volcano destroyed Pompeii in just 25 hours. This is why we need to immerse ourselves in painting, to know the past," sagot ng kaniyang Ina na nakayuko sa kaniya at gagapgagap ang mga palad niya.
Pa minsan-minsan lang ito gumagamit ng lenguwaheng kinalakihan dahil madalas ay nag i-ingles ang kaniyang Ina.
Halos mapuno na rin ang kanilang bahay dahil sa mga paintings na binibinili ng kaniyang Mom sa mga art auctions kung minsan ay talagang sinasadya pa nito ang mga artworks. He knows that his Mom invested so much money, time, and perseverance to collect those things and satisfy her hobby.
Hindi mapigilan ni Kairo ang isipin ang kaniyang ina habang nag iikot ikot sila sa loob ng Grand Gallery. Maraming bagay ang nagpapaalala sa kaniyang at sa mga masasayang alaalang iniwan ng yumaong Ina ni Kairo bagamat ilang taon na rin itong pumanaw ay di niya pa rin maiwasan ang mangulila sa mga yakap at haplos ng babaeng nagtaguyod at nag alaga sa kaniya.
"Is there something wrong?" Biglang tanong ni Astrid na siya naman niyang ikinabigla. Agad na bumalik ang diwa niya.
"Hmm? No. Nothing," mabilis niyang sagot.
"The auction will start after an hour. Please stand by," announce ng auctioneer mula sa itaas ng stage.
Magkakaroon ng isang auction sa Museum na kung saan gagamitin ang pondong nakuha sa pagpapatayo ng separate sanctuary for ancient vases and jewelries.
"I think we need to double time, hindi na tayo makakadaan dito mamaya dahil mapupuno na ng tao rito," wika ni Astrid. Nag simula na itong mag lakad at mag ikot sa Grand Gallery. Masusi niyang pinagmasdan ang dalaga na panay ang basa sa mga interactive screens makahanap lang ng clue.
Habang tumatagal na nagsasama sila ni Astrid ay mas lalo siyang humahanga sa talento nito. She really is a strong and intelligent woman kaya hindi imposibleng walang humanga sa babaeng iyon.
"Holy shit!" biglang mura ni Astrid, pinagtinginan silang dalawa ng mga tao nang mag mura ito. Hiyang hiya si Kairo kaya bigla niyang tinakpan ang bibig ni Astrid. Tinapi naman iyon ng dalaga.
"Stop touching my face!" Reklamo ni Astrid
"Ok, fine!" Sagot naman ni Kairo at inangat ang mga kamay nito na tanda ng pag suko.
"Basically, Dorothy is referring to this painting" itinuro ni Astrid ang painting na nasa harapan nila.
It was a painting of a witch creating a ritual space for her ceremonial magic.
"The Magic Circle? John William Waterhouse?" Kunot noong tanong niya
"Yes. This is the only displayed painting na ginawa noong 1886 in which apparently that was the same number on the deciphered Morse Code," sagot ni Astrid. Inilapit nito ang mukha sa painting at masusing pinagmasdan.
"There must be something hidden in here," dugtong pa nito, she was almost whispering.
Nagulat siya nang biglang inikot ni Astrid ang painting at tinignan ang likuran nito.
"What the hell are you doing?! Baka may makakita sa'yo at palabasin tayo dito!" Nag aalalang sambit niya.
"Nanakawin ko ba 'to? Diba hindi?" Sarkastikong sagot nito at tinignan ang likuran ng painting.
Nakita niya ang paglaki ng mga mata ni Astrid na animo'y nakakita ng ginto sa likod ng kwadro.
"We have a name here. Sophia Cassandra," basa nito
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "What? Sophia Cassandra?" ulit na tanong niya. "Yes," sagot ni Astrid.
"Sophia Cassandra like the creator of this Museum?!"
Si Sophia Cassandra ang may ari ng museum na kanilang iniikutan ngayon, ito rin ang may ari ng apat na public libraries sa kanilang syudad, siya rin ang namamalakad ng unyon ng mga archaeologists sa Pinas.
"She must've know something sa pagkamatay ni Dorothy, ni Emilia, the identity of the killer or any clue that might lead us to the killer. Kailangan na natin siyang puntahan," ngunit bago pa silang maglakad papunta sa stage ay nagsalita na ang auctioneer.
"Before we start let's first welcome Ms. Sophia Cassandra the owner of Light Museum," wika ng auctioneer kasabay no'n ay isang masigabong palakpakan. Bakas sa mukha ng mga dumalo ang saya at excitement marahil ay nagkaroon ng magandang impact ang tulong na nagawa ni Sophia sa kanila. Kagaya ng ibang mga high profile personas ang buhay ni Sophia ay palagi ring nasa media kaya gano'n na lang ito kasikat.
Ilang segundo ring naghintay ang mga tao ngunit hindi pa lumalabas sa back stage si Sophia.
"Again, let's welcome Sophia Cassandra," ulit ng auctioneer.
Naglakad sila papalapit sa stage ngunit hanggang gitna lang sila dahil over crowded na sa harapan at hindi nila kayang makipagsiksikan pa.
"What's wrong?" Tanong ni Astrid
"I don't know," sagot niya.
Hindi rin nagtagal ay lumabas si Sophia.
But there's something wrong.
Something's really really wrong, she walks in a crooked manner na animo'y may problema ang mga paa nito. Nakayuko rin ito at duduyan duyan sa paglalakad at nang makarating siya sa gitna na entablado ay bigla itong bumagsak lahat ng tao roon ay nasaksihan ang pagbagsak ni Sophia, ngunit hindi lang iyon ang ikinagulat nilang lahat kundi ang kutsilyong nakabaon sa likod nito.
Ang kanina'y puting blazer nito ay napuno na ng pulang likido. Nagkalat din ang dugo ni Sophia sa entablado at walang tigil ang paglabas ng mga ito mula sa kaniyang malalim na saksak.
Hindi magkamayaw ang lahat ng dumalo nang sabay sabay silang nag si-takbuhan palabas ng museum. Everyone is panicking. Ni isang tao ay walang lumapit kay Sophia bagkus ay nag unahan ang mga bisita sa pag takbo papunta sa exit door.
Sa di kalayuan ay nakita ni Kairo ang isang taong tumakbo palabas ng backstage at dumiretso sa fire exit. Hindi klarado ang mukha nito dahil nakasuot ito ng hooded jacket.
"Stay there! I saw him!" Ani ni Kairo
"No! I am going with you," pag pigil ni Astrid sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin si Astrid. Hindi na oras ngayon ng pagtatalo nila kung sino ang hahabol sa pumatay kay Sophia, oras din ang kalaban nilang dalawa.
"Its now or never," nakangiting sambit ni Astrid at nakipagsiksikan sa mga bisita. Wala man lang senyales na natatakot ito rather she looks excited and fearless.
"What are you waiting for? Come on!" Sigaw ni Astrid nang makita siyang nakatulala.