Chereads / Make Up, Murders, and Macchiato / Chapter 16 - 16| t h e s e e k e r s

Chapter 16 - 16| t h e s e e k e r s

16| t h e  s e e k e r s

"SHIT!" Mura ni Astrid nang makita ang oras sa digital clock na nasa bed side table. It was already 9:30 AM at may class pa siya by 10 AM sa Sociology.  Ngunit mas lalo pa siyang kinabahan dahil wala na sa tabi niya si Kairo.

"Kai.." hindi na niya naituloy ang pag banggit sa pangalan ng binata dahil kung ano ano ng sakuna ang pumapasok sa isip niya, mula sa kaniyang kinahihigaan ay tumalon siya na animo'y palakang nagkagulo.

Lumabas siya ng kwarto ngunit di niya nakita si Kairo sa sala, dumiretso siya ng botanical garden at wala rin ito doon.

"Shuta, baka nalunod na 'yon sa fish pond!" Aniya, wala siyang suot na tsinelas ngunit matiyaga niyang inikot ang buong paligid ng botanical garden. Ngunit ni abs ni Kairo ay di niya nakita.

Muli niyang naalala ang kusina dahil iyon pa ang lugar na hindi niya napuntahan.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kusina.

She saw Kairo cooking, nakasuot ito ng puting tshirt na hapit na hapit sa kaniyang katawan at sweat pants.

Napakunot noo siya at masusing pinagmasdan ang niluluto nito.

Nagluluto ito ng spam, itlog, at hotdog at di nito alintana ang injury na natamo.

"Kairo?! What are you doing?" Kunot noong tanong niya, awtomatikong umangat ang kaniyang kamay at nameywang pa.

Nagulat si Kairo at lumingon ito. "Oh, nagluto ako ng breakfast mo," sambit nito habang nakahawak sa handle ng frying pan.

"Gising ka na pala?" Dugtong pa na tanong nito.

"Of course! Tsaka bakit ka nag luluto? Dapat nagpapahinga ka!" Panenermon niya.

Isinalin ni Kairo sa pinggan ang hotdog bago siya sumagot.

"Its okay, kahit dito man lang ay makabawi ako sa pagbabantay mo sa akin kagabi,"

"Kagabi, grabe yung lagnat mo! Akala ko mamatay ka na kagabi, pero nagawa no pang mag luto ng breakfast?!"   Aniya sa isip.

"You don't need to do that, you just need to rest. In fact I was about to leave may class pa ako," paliwanag niya. Ang kanina'y mukha ni Kairo na puno ng excitement ay biglang nawala.

Kinagat ni Astrid ang ibabang bahagi ng kaniyang labi. She felt guilty again! Damn! This man is really confusing her!

"Well, um. Okay," ngumiti ito. It was a bland smile.

Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya si Kairo mukhang nagmamakaawa sa kaniya. Hindi niya matiis si Kairo, lalo pa't nag effort ang binata na gawan siya ng breakfast.

"Ok, fuck my 10 AM class,"  aniya sa isip.

Huminga ng malalim si Astrid at bahagyang lumapit kay Kairo. Ngunit pinagmasdan niya muna ang matikas na pangangatawan ni Kairo bago siya mag salita.

"Well, kakain na lang ako and then I'll leave after,"

Lumiwanag ang mukha ni Kairo .

"Sure?" His face painted a small grin.

Tumango lang si Astrid.

Inihanda ni Kairo ang pagkain sa dining room. Sumunod siya at bumungad sa kaniyang ang 24 seater dining table, bar counter, at tatlong coffee table na may high stool na malapit sa bintana.

Sabay silang kumain at nag kwentuhan, ngunit si Kairo ang naging pala-kwento na animo'y hindi siya naaksidente.

"Are you sure that you're okay?" Astrid snapped, hindi natapos ang kinuwento nito.

Ilang segundo rin ang itinagal ng pananahimik ni Kairo bago nito saguting ang kamiyang tanong. "Yes," matipid nitong wika at ibinaling ang paningin sa spam na dinudurog durog lang nito.

"No, you are not," sumeryoso ang tinig ni Astrid na siya namang nagpaangat sa ulo ni Kairo. "You are not okay, you are just faking everything. Kairo, you need some rest." Dugtong pa niya.

Hindi rin nag tagal ang pag kain niya ng almusal sa bahay ni Kairo, in fact hindi niya natapos ang kaniyang almusal dahil kailangan niyang pag sabihan si Kairo na walang problema kung hindi ito makabawi sa kaniyang pagbabantay sa binata.

HINATID siya ng kaniyang driver papunta sa Alpha Kappa Tau house. Nang pumasok siya sa entrada ay wala siyang pinansin ni isang co-sorority niya dahil sa pagod.

Dumiretso siya patungo sa kaniyang.kwarto kung saan bumungad sa kaniya ang malaking round center table na may nakapatong na vase na may lamang sampung pirasong tulips.

Binagsak niya ang maleta sa tabi ng pinto at nag dive sa kaniyang kama.

"Ughhh! Finally!"

Wala pang limang minuto nang makahiga siya ay biglang may kumatok sa kaniyang pinto. Hindi na siya lumingon o tumayo upang i-check kung sino iyon.

"Come in!" Sigaw niya.

Narinig niyang umikot ang knob at iniluwa ng pinto si Felicity.

"Hi. How are you? And Kairo?" Tanong nito. Nilingon niya ito at naupo siya.

"I am fine and Kairo is fine, somehow," sagot niya, kumunot ang noo ni Felicity at naupo ito sa tabi niya.

"What do you mean 'somehow'?"

"Nakakaramdam pa rin siya ng sakit ng ulo and last night nagkalagnat siya and he keeps on calling his Mom,"

Bahagyang umangat ang kilay ni Felicity ni na naghihintay ng karugtong sa kwento niya.

"Pinipilit niya na magaling na siya kahit di naman," dugtong niya.

"I think we should not allow Kairo to go with us anymore," suhestiyon ni Astrid.

"I think so too, wait anyway have you found any clues?" Tanong nito.

Naalala ni Astrid na may kinuha siyang letter na naka-patong sa bedside table ni Sophia.

Tumayo siya upang kunin iyon na nasa loob ng kaniyang cabinet at ibinigay kay Felicity.

Agad namang tinanggap iyon ni Felicity at sinimulan na niya itong basahin.

"Nakita ko 'yan sa kwarto ni Sophia, the date inscribe on it was a day before she was killed, and there's an address we should check that address," litanya niya

Binaling ni Felicity ang attention nito sa kaniya nang matapos na nitong basahin ang liham.

"Luxana might've know something or Sophia must've talked to her,"

"We can go later this evening, I have no class tomorrow naman kasi Sabado," sagot ni Felicity.

Napaisip si Astrid , she have already skipped two times at hindi niya alam kung mayroon pa siyang subject na papasukan bukas.

She checked her phone on her bed and saw that she's free tomorrow.

Wala siyang pasok bukas.

"Yes I am free,"

"Well that's good," marahan nitong tinapi ang kaniyang braso at tumayo , "Magkita tayo probably at 6 PM sa labas ng Pontus," wika nito at lumabas na ito ng kwarto.

She heaved a deep breath. "I should probably visit Genesis, nakaka-stress" aniya sa sarili.

"LEVI, TABLE FOUR AMERICANO," ani ni Genesis kay Levi. Siya ngayon ang naka-toka sa kaha dahil um-absent ang buntis nilang cashier for pre-natal.

Lumas sa kitchen si Levi na may dalang tray na naglalaman ng apat na americano.

Napangiti si Genesis dahil marunong na ito sa pasikot sikot ng coffee shop. Ilang linggo na itong nag ta-trabaho sa kaniya ngunit ni isang error ay wala pa itong nagawa.

He is organized, empathic, and approachable kaya nagugustuhan ito ng mga clients at parokyano ng kaniyang coffee shop.

Ipinatong ni Levi ang tray sa counter at nagpahinga.

"Its Friday so expect na maraming taong papasok sa coffee shop ngayon," ani niya, lumingon si Levi sa kaniya.

His curly and wavy hair is almost covering his forehead.

"Its okay, kaya ko pa naman sir," nakangiting sagot nito.

Gusto niyang i-persuade ito na lumabas na lang sa AKT Manor at sa kaniya mag trabaho ngunit hindi niya magawa dahil mukhang may sentimental value ang pagta-trabaho nito sa Manor.

"By the way, I know someone sa registrar and accounting department sa Pontus I could help you if you want to pursue your studies," biglang sambit niya. He knows that Levi is quite problematic sa kaniyang savings for his future schooling.

Bahagyang napaawang ang bibig ni Levi at halatang di makapaniwala sa sinabi ni Genesis.

"Um. Hindi na po sir, wag na po kayong mag abala," sagot nito.

"Sayang naman kung mag hihintay ka pa ng ilang taon para makapag aral ulit in fact I asked someone to go over your files in Pontus and you are a Dean's Lister pala!" Genesis knows the importance of education, alam niyang iyon lang ang bagay na hindi mananakaw balang araw.

Napayuko si Levi.

"Hmm. Yes I am, as much as I want you to help me sir but I just can't say yes hindi niyo pa naman ako nakikilala ng lubos. I dont want to disappoint anyone," sagot nito at nginitian siya, bahagyang nawala ang mga mata nito.

"Well," napatango lang siya at di na kinontra ang sinagot ni Levi. "Are you free later? May dinner kasi kami ni Astrid you should go with us," dugtong ni Genesis.

Hindi nakasagot si Levi. "Ok. This is not a question but a request, sumama ka sa amin ni Astrid mamaya,"

Tumango lang ito at iniwas ang tingin sa kaniya.

"I'd like to buy an endless cup of peace of mind," biglang request ng customer . Nagulat siya nang pag lingon niya ay si Astrid na nakatayo sa harapan niya.

"How are you?!" Tanong niya kay Astrid

"I am not fine! I am tired, and I need coffee, macchiato," sunod-sunod nitong salita at ini-slide ang card sa marble counter top.

"No, its okay. Treat ko na 'to," sambit ni Genesis.

"Hoy! Dito mo na kunin! Alam kong magkaibigan tayo but I need to respect your business," Astrid insisted

"I know but its my decision para librehin ka, so its ok plus ikaw palagi yung nang lilibre. Let me pay you back," sagot niya

Hindi na sumagot si Astrid at nag kibit balikat na lang ito.

"Wait, I'll look for a table," ani ni Astrid naglakad siya papunta sa bakanteng table malapit sa pinto at doon ito naupo.

Sinundan niya si Astrid at naupo sa tabi nito.

"What's wrong?" Paunang tanong niya

"Well," she took a deep breath. "Kairo got injured because of me," sagot nito iniwas ni Astrid ang tingin kay Genesis.

"What?! Why? How?!" Sunod-sunod na tanong ni Genesis.

"We went to Cassandra Palais to investigate, parted ways to make it fast, and Kairo met an unfortunate accident he fell down and injured his head," sagot nito. "If I didn't allow him to go with us hindi siya ma-aksidente," dugtong nito.

Sakto namang dumating ang kape ni Astrid na dala-dala ni Levi at marahang inilapag nito iyon sa table.

Nilingon ni Astrid si Levi. Napakunot noo ito. "Aren't you the butler sa AKT Manor?" Tanong nito.

"Yes," nakangiting sagot nito napayakap ito sa tray na hawak hawak.

"Is it okay na nag ta-trabaho ka sa labas ng manor?" Tanong niya

Hinawakan ni Genesis ang kamay niya. Nilingon niya ang kaibigan. "Actually not, he is not allowed to work outside the Manor kung weekdays pero pwede ang weekends," sagot ni Genesis.

"But today is Friday?" Tanong ni Astrid

"He..." hindi natulog ang isasagot ni Genesis nang biglang pumasok sa usapan si Levi. "Its my choice naman to work ngayong Friday but I am ready to face the consequences," sagot nito

Napakunot ang noo ni Astrid. "No!" She chuckled. "Its okay! Why would I tell everyone na nag ta-trabaho ka outside manor? Its really ok, you can trust me," she said and took a sip from her mug.

Ngumiti si Levi at nagpasalamat sa kaniya. Hindi rin nag tagal at iniwan na rin sila ni Levi at dumiretso ito sa kusina.

"There's something with Levi," sambit niya.

"What?" Naguguluhan tanong ni Genesis.

"Akin na lang 'yon," inirapan niya ito at humigop ng kape mula sa kaniyang mug.

Bakas sa mukha ang pagkapikon ni Genesis sa tinuran niya. Ilang araw din ang lumipas na hindi niya naiinis at napipikon si Genesis.

"Sa susunod nga wag mong umpisahan yung conversation kung hindi mo tatapusin," magkasalubong ang kilay nito. Astrid can't help it but to laugh. Natatawa talaga siya sa tuwing mapipikon si Genesis.

"By the way please return my spare phone,"  dugtong nito.

Hindi nakasagot si Astrid bahagya siyang nagbalik tanaw sa tinutukoy na cellphone ni Genesis. Maya-maya pa'y naalala niya ang cellphone na hiniram niya noong nawala ang kaniyang cellphone. Halos isang taon na iyon

"Oh! Yes, I almost forgot your phone! It was actually inside my car but I am too tired to check it up there,"

NAKA-PARK ang kotse ni Astrid sa labas ng Pontus University sinulyapan niya ang oras na naka-flash sa digital watch ng kaniyang sasakyan.

It was 6:20 PM.

Bahagya niyang nararamdaman ang antok na kanina pa umaaligid marahil ay dahil iyon sa hindi siya nakatulog ng maayos buhat ng kapeng ininom niya sa shop ni Genesis mukhang kape ng kaibigan niya ang gumanti para rito.

"Where are you?" Bulong niya sa sarili habang paikot ikot ang kaniyang paningin. Kasalukuyang hinhintay niya si Felicity dahil ang usapan nila ay 6 PM ngunit 20 minutes na ang nakalipas at ni anino nito ay di niya maaninag.

Maya maya pa'y nagulat siya nang biglang may kumatok sa kaniyang bintana.

Bumungad ang mukha ni Felicity sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Binuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse at pumasok si Felicity.

"Sorry I am late," nakangiting pag hingi ng dispensa ni Felicity.

"So where should we go?" Tanong nito

Dumiretso ang kaniyang kamay sa pocket ng kaniyang jacket at kinuha niya ang letter na na-retrieve niya mula sa kwarto ni Sophia.

"I think we should follow this address," pinakita niya ang address kay Felicity at sumang-ayon din ito sa plano niya.

Binaybay nila ang mga madidilim na daanan ng kanilang town.

"Hindi ba tayo maliligaw?" Tanong ni Felicity

"At this point malapit na tayo, malapit na nating baliktarin yung damit natin," biro ni Astrid. Ngunit sa kabila niyon ay may nararamdaman pa rin siyang kaba dahil ilang beses na siyang paikot-ikot at halos wala na silang ideya kung ilang beses na ba silang lumiko , kumanan, at kumaliwa.

Ilang minuto rin nilang binaybay ang animo'y isang remote area na malayo sa kanilang syudad.

The area is secluded at mukhang hindi ito madaling makita kung hindi ito sasadyaing dayuhin.

Huminto sila sa tapat ng isang malaking bahay. It wasn't a house but for Astrid it's a mansion, a mansion which apparently was built during the religious revolution.

Napaliligiran ng mga rebulto ang harapang bahagi ng lumang mansion. Hindi malaman ni Astrid kung anong klaseng rebulto iyon dahil sa layo.

"Should we go out?" Tanong ni Felicity habang nakamasid sa labas ng sasakyan.

Astrid took a deep breath .

"Let's go," aniya at tinanggal ang seat belt niya.