Lumabas ako ng study room at hinanap si Izee upang itanong ang assignment namin sa subject nya. Linggo ngayon at bukas ay may pasok nang muli kaya kailangan nang gumawa ng home works. Kahit may pagkabasagulero ako, hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko.
Pumunta ako sa kwarto namin, baka sakaling nandoon sya.
"Izee?"
Kinatok ko ang pinto pero walang sumagot. Pinihit ko ang door knob ngunit ni anino ni Izee ay hindi ko nakita roon.
Saan kaya nagpunta 'yung babaeng yun?
Napatingin ako sa wall clock, 7:13 p.m. na. Teka, malamang sa nasa sala sya sa ganitong oras.
Dali-dali akong bumaba sa living room namin. At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko si Izee na may yakap na unan at mukhang tangang nakangiti habang tutok na tutok sa TV.
"Hoy, Izee? Ano ulit 'yung assignment namin sa subject mo?" tanong ko sa kanya. Parang wala naman itong narinig dahil patuloy ito sa paghagikgik habang nanonood. Ano kayang meron at naka-mongoloid mode on na naman ang babaeng 'to?
Umupo ako sa tabi niya.
"Ano'ng meron at naka-mongoloid mode on ka na naman, Izee?" sabi ko. Saglit n'ya akong tinapunan ng tingin at agad ding bumaling sa pinapanood nya.
Napatingin ako sa TV. Natawa ako ng makita kung sino ang pinapanood n'ya.
"Hahahaha! 'Yan ba ang kinakikiligan mo? Pfft! Mukhang bakla hahahaha!" napahagalpak ako sa kakatawa. Pinapanood na naman pala nya ang crush n'yang artistang si Jaydee Chavez at kilig na kilig s'ya kahit daig pa ng crush nya ang kaeksena nitong babae dahil sa kapal ng foundation. Gaylord. Psh.
Mukhang nakuha ko yata ang kanyang atensyon dahil sa malakas kong pagtawa. Hinarap n'ya ako at binigyan ng masamang tingin.
"What? Sorry, I can't help it! Hahaha!" sabi ko sabay hawak sa t'yan kong masakit na sa kakatawa.
"Page 96 ng workbook sa Physics. Activity A to D, copy and answer. Arial Black ang font style sa title, the rest, Arial na. Font size is 12. Print it in an 8.5 by 11 inches sheet of paper. Portrait page orientation. O, may tanong ka pa ba?" sabi n'ya.
"Tss. Wala na. Ang dami mo namang alam. Pwede naman sanang Arial nalang lahat ng font style, may nalalaman ka pang Arial Black d'yan." sagot ko sa kanya.
"Bahala ka sa buhay mo, but that's my instruction. Tsaka ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan kanina ha? May nakakatawa ba sa pinapanood ko? Ha?" Nakataas pa ang kilay nya habang nanlalaki ang mata. Napangiti ako sa reaksyon nya, mukhang napipikon s'ya.
"Oo, 'yung crush mo! Hahaha! Grabe ka, Izee! Pinagpapantasyahan mo 'yung bading na 'yun? E, hamak na mas gwapo ako kesa sa kan'ya at wala pa akong gamit na foundation ha? Gay lord pala ang mga type mo! Hahaha!" pang-aasar ko sa kanya. Bigla naman niyang pinatay ang TV at ibinato ang remote sa akin. Umirap s'ya at nagdire-diretso paakyat ng hagdan.
"O, bakit? Napikon ka? E, totoo naman kasi! Hahaha!" pang-aasar ko. Padabog naman siyang umakyat ng hagdan at saka buong lakas na isinarado ang pinto ng kwarto namin. Narinig ko rin ang pagkandado n'ya nito. Teka, nasa kwarto ang spare key ko! Patay!
Dali-dali ko s'yang sinundan at kinalampag ang pinto ng kwarto namin.
"Izee! Buksan mo 'to! Nand'yan sa loob 'yung susi ko! Hoy! Saan ako matutulog nito? Tsaka 'di ka pa nakakapagdinner 'di ba? Hoy! Izee! Buksan mo 'tong pinto!" sabi ko habang pasalit-salit na kinakalampag at sinusubukang buksan ang pinto.
Pero matapos ang paulit-ulit kong pagkatok ay hindi pa rin s'ya lumalabas. Mukhang wala s'yang balak na papasukin ako sa kwarto kaya't minabuti ko na lang pumunta sa kitchen since hindi pa naman din ako kumakain ng hapunan.
Binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng kainin.
"Hmm? Ano'ng masarap at 'di na kailangan pang lutuin? Teka, beef, 'di ko kayang lutuin, hotdogs, nah, chicken, madiwarang i-dress. Hay! Makapagpadeliver na nga lang!" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad na idinial ang number ng pinakamalapit na fast food chain at nagpadeliver. Matapos ang ilang minuto ay dumating na ang inorder kong pagkain.
Habang kumakain ako, biglang sumagi sa isip ko si Izee. Hindi pa nga pala siya kumakain ng dinner. Tumayo ako at kumuha ng tray at ipinaghanda siya ng pagkain. I also included a note there saying: "Sorry :("
Pumanhik ako sa kwarto namin at kinatok ang pinto. "Izee, kumain ka na. Baka magkasakit ka, konsensya pa ng pula kong buhok." Napakamot ako sa aking batok at tila nahihiya ako sa sarili ko.
Bumaba ako sa living room at ginawa ang homeworks ko. Matapos ang ilang oras ay nayari ko na rin ang mga ito. Unti-unti na ring bumibigat ang paningin ko at napapahikab na. Napatingin ako sa orasan. 11:38 p.m. Tiningnan ko rin ang kwarto namin at napansin kong nandoon pa rin ang pagkaing dinala ko para sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkakonsensya. Gusto ko syang kausapin pero malamang sa ayaw niya akong makita. Humiga ako sa sofa hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.