Oras na pagkagising ko ay agad akong pumunta sa kwarto namin at wala na ang iniwanan kong pagkain dito. Bumaba ako ng may ngiti sa labi at sakto namang nakasalubong ko si Izee na mukhang maganda rin ang gising.
"Good morning!" bati ko sa kanya.
"Good morning! Ganda ng buhok mo ha? Pati 'yang makeup mo, ayos a? Pfft! Hahahaha!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Maganda talaga ang buhok ko. Pero make up? Ano'ng pinagsasasabi mo, Izee?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot imbis ay nagkibit balikat lang s'ya at tatawa-tawang pumunta sa kusina.
Mabilis akong pumunta sa C.R. upang alamin ang tinutukoy niya. Napamura na lang ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin.
"Shit, Izee!" Agad kong tinanggal ang ribbon na inilagay n'ya sa buhok ko at naghilamos ng mukha para maalis ang make up na inilagay n'ya sa 'kin. Pinagmukha n'ya akong bakla! Sigurado akong si Izee ang gumawa nito, dahil wala naman akong ibang kasama dito sa bahay bukod sa kanya.
Matapos kong mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa kitchen para kumprontahin siya. Naabutan ko syang kumakain ng cereals.
Napansin n'ya ang pagdating ko at tatawa tawa na naman s'ya habang ako ay nakatingin ng matalim sa kanya.
Kumuha ako ng bowl at spoon at umupo sa tapat n'ya. Kinuha ko ang cereal box at nilagyan ang bowl ko.
"Ang ganda, di 'ba? Bagay sayo! Hahaha!" pang-aasar n'ya.
"Tss. Lakas mong mantrip 'no? Ibang klase ka talaga, Izee." sabi ko sabay subo ng cereals.
"Haha, mukha kamong bakla si Jaydee e, para maexperience mo rin magmukhang bakla. Hahaha!" dadag pa nito. Hindi ko na lang siya pinansin bagkus ay nagpatuloy sa pagkain.
"Ay, nga pala, salamat sa foods! Ang sweet mo pala, Steven? May nakalagay pang note na sorry. Aww." Awtomatikong nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi n'ya. Naalala ko tuloy yung pinaggagagawa ko kagabi para lang suyuin s'ya e, mukhang di naman pala n'ya dinamdam. Nakakahiya lang.
"Sobrang nabusog nga ako kagabi e. Pa'no ba naman, may pringles at oishi snacks na nga akong kinakain tapos dinalhan mo pa ako. Grabe, ang bait mo talaga Steven!" Napaisip ako sa sinabi n'ya. Saan naman s'ya kumuha ng snacks kagabi? E, nagkulong s'ya sa kwarto namin? Pero may stock nga pala ako ng snacks sa backpack ko. Teka nga muna!
"Wag mo'ng sabihing kinuha mo 'yung snacks ko sa backpack ko?" tanong ko. Tumango ito.
"Ano?! Bakit mo kinain?" sigaw ko.
"Ay grabe ha? Makasigaw wagas? Parang snacks lang e. Tandaan mo, kasal tayo at mayroong tinatawag na conjugal rights. Kaya kung ano ang sa'yo ay sa'kin din. Pero dahil mabait ako, eto o. Kunin mo, pambayad ko sa mga nakain kong snacks mo." sabi n'ya sabay abot ng 500 peso bill.
"Yan, ganyan dapat." sabi ko sabay kuha ng pera. Magkakasundo kami kapag ganito lagi.
"Ibalik mo naman sa 'kin." utos nya sabay lahad ng kamay.
"Ha? Bakit?"
"Bayad mo d'yan sa kinakain mo'ng cereals ngayon. Akin na nga 'yan!" at saka n'ya hinablot ang pera sa kamay ko.
"Hoy! Ang utak mo talaga!" reklamo ko.
"Haha! Bilisan mo'ng kumain, baka ma-late tayo." sabi n'ya habang naggagayak ng uniform namin.
Mabilis kong inubos ang kinakain ko at hinubad ang aking t-shirt at naglakad patungo sa banyo.
"Ay, Steven ikaw nang mauna- aaaaah! Ibalik mo nga 'yang shirt mo! May babae dito, Steven!" napahinto ako sa paglalakad at napaharap kay Izee. I just chuckled when I saw her covering her eyes.
š»š»š»
Sabay kaming pumasok ni Izee ng school ngayon kahit isang oras pa talaga bago magsimula ang klase ko. Tahimik kaming naglalakad sa school grounds nang biglang may babaeng tumatakbo patunggo sa direksyon namin.
"Baby Steven!" sigaw ng babae at kumapit pa ito sa braso ko. Napatingin naman sa akin si Izee at ang ibang estudyanteng nasa paligid.
"Uh? Do I know you, Miss?" tanong ko.
"Ako 'to si Baby Chelsea mo! Hmp! Nakakaasar ka naman, nagdaan lang yung weekend, 'di mo na ako kilala?" reklamo nito sabay hampas sa aking braso. Clingy.
Napatingin ako kay Izee at nakita ko s'yang abala sa pagtetext. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Chelsea at muli s'yang inalala.
"Chelsea, Chelsea..."
"Ano? Kilala mo na ako?" tanong nito. Pinagmasdan ko ang mukha n'ya at bigla kong naalala kung sino siya. Siya 'yung stunner sa pep squad ng university namin at napasagot ko s'ya sa loob ng ilang oras lang.
"Oo. Naku, pasensya ka na, Baby. Kailangan ko pa kasing ihatid si Ate Izee sa faculty e." palusot ko para umalis na s'ya pero kabaligtaran ang naging epekto.
"Don't worry, baby. I'll come with you. Para naman maihatid ko rin si Ate Izee." Mas kumapit pa s'ya sa braso ko.
"Is it fine with you, Ate?" tanong n'ya at hinigit n'ya pa ako papunta sa harap ni Izee. Ngumiti naman ang huli at saka tumango.
"Oo, okay lang."
"Okay lang daw, baby. Let's go." muli ay hinigit n'ya ako paalis at wala akong nagawa kung 'di sundan s'ya.
Napatingin ako kay Izee na nasa likuran namin. Biglang nawala ang ngiti n'ya kanina at napalitan ito ng nakamamatay na tingin.
Nakakatakot. Napalunok ako. I'm dead.