Chapter One.
Magpinsan
"Wohoo! No class No bag!" biglang sigaw ng kaibigan kong si Weshia habang lumalabas kami ng eskwelahan.
"Pvcha may bag kang dala, tanga" asik ni Tessa at umirap si Weshia sa kanya.
"Grabe dalawang subjects walang prof dahil lang sa isang meeting and guess saan tayo pupunta?" tanong ni Patricia at napatingin naman silang lahat sa'kin.
"Oh? Bakit tinitingnan niyo ako ngayon?" nagtataka at nakataas ang isanv kilay na tanong ko at lumapit naman si Leria sa'kin at bumulong.
"Libre daw sabi ng mga nangungurakot nilang mga mata" mahinhin na bulong ni Leria.
"Wala akong dalang pera" tamad na sabi ko at kumapit naman sa braso si Weshia sa'kin.
"Sus wala ka nang takas sa'min gurl, arat na habang wala pang tao sa kainan natin" saad niya.
"Yeah right, mahaba pa ang lalakarin natin" dagdag ni Patricia at naglakad nga kami papunta sa kainan namin. Ano bah yan! Wala na nga akong pera, may nangungurakot pa!
"Nga pala kamusta na si Queco?" biglang tanong ni Tessa habang naglalakad kaming lima sa gilid ng kalsada. "Balita ko naaksidente daw yung gagong yun, ikaw bah naman nagtry magdunk ng bola tapos pagtapak niya ay parang nabali ang buto sa paa niya" natatawang dagdag niya.
"Ewan ko bah sa lalaking yun, ayaw magpabisita sa'kin at ang sabi ni Ate Veronica, nahihiya daw siya sa kahihiyan na ginawa niya" sagot ko at natawa naman silang apat.
"Hay nako nalang sa tangang yun" saad ni Weshia na nagpadagdag sa tawa namin.
"Well mahihiya talaga siya, sa dami ng nagcheer sa kanya yun ang nangyari sa kanya" dagdag ni Patricia.
"Maiba ako...." mahinhin na saad ni Leria. "Kailangan ko nang umuwi... kasi... may pupuntahan pa kami ng family ko na business gathering...." nahihiyang saad niya.
"Ayy sana all! Maraming pagkain doon! Sige go na! Pakabusog ka!" barumbadong sagot ni Tessa.
"May susundo bah sa iyo?" nag- aalalang tanong ko. Knowing Leria, madali lang siyang matakot at kung di niya kilala ang taong kausap niya at lalapitan siya ay agad siyang tatakbo.
"Uhmm.... ang driver nila Mommy ang susundo sa'kin" sagot niya.
"Okay sige, ingat ka at itext mo na rin ang driver ninyo na magpapasundo ka. Luvluv Leria" Weshia politely said at ngumiti naman si Leria. Nag- stay muna kami ng minuto sa isang gilid at hinintay ang sundo ni Leria.
Naglakad ulit kami papunta sa kainan namin hanggang sa nakarating kami, wala pang katao- tao kaya no worries kaming apat. Akala ko ako magbabayad lahat ng inorder namin, yun pala biro lang ang lahat kanina.
"Anyways guys!" biglang sigaw ni Tessa habang kumakain kami.
"Ano na naman?" tanong ni Weshia habang kinakain ang spaghetti niya. Si Patricia naman ay carbonara at sa akin ay burger at drinks.
"The three of you knows who's Kiel right?" tanong niya at nagkatinginan naman kaming tatlo.
"No" tipid na sagot ni Patricia at ngumiwi naman si Tessa.
"Sino bah yan teh?" nagtatakang tanong ni Weshia.
"Ano?! Hindi niyo siya kilala? Kiel is one of the famous male supermodel in the whole wide world! At hindi niya siya kilala?" gulat na tanong ni Tessa at tamad ko naman siyang tiningnan.
"Wow kung famous man, bakit hindi namin kilala? Pati na rin kay Weshia?" turo ko kay Weshia at tumatango naman siya.
"Yeah right, tama si Kaireen. Bakit teh? Parang may hinahabol ka na naman ah?" nang- aasar na sabi ni Patricia at umirap si Tessa sa kanya.
"Duhh! Hindi ako mabubuhay kung walang lalaki sa buhay noh" sagot ni Tessa at nasamid si Weshia sa sinabi niya.
"What?! After breaking up with Warren, Doji, and Card may hinahabol ka na naman? Wow haba ng hair ng hinahabol mo ah? Hindi ikaw yung may mahabang hair kundi yung Kiel whatever mo. Paalala lang, babae ka Tessa, babae ka" saad ni Weshia at sumimangot lang si Tessa sa kanya.
"Hay Weshia, kailangan pabang paalalahanin yan? Hindi naman siya ang iiyak kundi ang mga lalaking hinahabol niya, after chasing those guys, brineak- up niya lang na parang wala lang at huli na ang lahat dahil minahal na siya nung mga lalaki" tamad na sabi ni Patricia at umirap si Tessa at bumaling sa'kin. Tinitingin neto?
"Ikaw Kaireen? May maidagdag ka bah sa message ng dalawang toh?" mataray na tanong niya at sinimangutan ko naman siya.
"Ewan ko nalang sa iyo" masungit na sagot ko at nanlaki naman ang mata niya na ikinagulat ko. Di ko alam kung sino ang tinitingnan niya, ako bah or ang nasa likod ko. Pintuan na kasi ng kainan ang nasa likod ko, nasa tabi ko si Weshia at si Patricia at Tessa ay magkatabi sa harap namin.
"Oh my Gawd! Ang gwapo nung guy!" nakakabinging bulong ni Tessa sa'min. Oo nabingi ako kahit bulong lang yun. Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya kanina at laking gulat ko nung makita ko si Zaniel kasama ang babaeng humalik sa pisnge niya.
"Ay sayang may girlfriend na ata" nanghihinayang na saad ni Patricia.
Di nila alam na lumipat ako ng section dahil kay Zaniel dahil naiilang ako sa presensiya lalo na't kasama niya ang hindi ko alam kung jowa niya bah yan o hindi.
"Ay chos! Hindi pa nga nakokompirma kung jowa niya bah yan o hindi, kilala niyo yan?" interesanteng tanong ni Tessa sa'min.
"Sa pagkakaalam namin ay Zaniel ang pangalan niya dahil yun naman ang palaging sinisigaw ng mga babae kapag lunch time" sagot ni Patricia.
Weshia and Tessa... hindi kami kaklase, hindi kami schoolmates. Tagakabilang eskwelahan sila at wala silang klase ngayon at kami naman walang klase sa dalawang subjects sa hapon dahil sa meeting at nung tinext ni Patricia ang dalawa at agad silang nag- abang malapit sa may gate ng eskwelahan namin.
"Ang cute ng name! Wait magpapakilala ako" saad ni Tessa at agad tumayo at lumapit sa table na inuupuan ni Zaniel ngayon. Ngunit agad kong hinablot ang braso niya.
"Anong problema Kai?" nagtatakang tanong ni Weshia.
"Wag mo siyang lapitan..." I said it with a small voice at tamad naman akong tiningnan ni Tessa at binawi ang braso niya.
"Bakit? Sayang opportunity ko gurl" tamad na sabi niya at bumuntong- hininga ako.
"Nananakit yan" pagsisinungaling ko at umupo ulit si Tessa.
"Wehh? Nagbibiro ka bah? Sa maamong mukha nang lalaking yan? Nanakit yan?" nang- aasar na tanong niya at umirap ako.
"Ahh basta! Wag mo siyang lapitan baka sabunotan ka nung kasama niya" sagot ko at tumingin naman siya sa kasama ni Zaniel na nasa counter at nag- oorder pa.
"Maganda naman ang girl na kasama niya" komento ni Weshia. "Kung alam mo ang pangalan ni Zaniel, what's the name of the woman?" tanong niya.
"Metichia raw ang name pero Chia ang tawag ng mga kaibigan niya" sagot ni Patricia at natawa naman si Tessa at Weshia.
"Ang corny ng name pero in fairness ha, she has the beauty. I wonder kung nakita ko na siya sa isang commercial or photoshoot whatever" saad ni Weshia.
Tiningnan ko si Chia na papalapit na sa table nila at pagtingin ko sa table nila ay nahuli kong nakatitig si Zaniel sa'kin. Ano bah yan... nakatitig na naman sa'kin. Nakakailang ang titig niya sa'kin at kung nakakatunaw man ang titig niya ay matagal na akong natunaw.
"Hoi!" nagulat ako sa pagbatok ni Patricia sa'kin. Sinimangutan ko siya.
"Bakit ka nakatitig kay Zaniel, gurl?" nagtatakang tanong ni Tessa at kinabahan naman ako. Di na muna ako sasagot! Baka mahuli ako sa akto!
"Yeah you were staring at him" dagdag ni Weshia at parang pinagpapawisan na ang noo ko.
"Malamang, gwapo eh. Sino bang hindi makapagpigil tumitig sa lalaking yan?" tanong ni Patricia at lumuwag naman ang paghinga ko. Hoo... muntik na ah!
"Bisitahin kaya natin si Queco! Gugulatin natin ang gunggong na 'yon!" pag- iiba ko sa usapan at nagliwanag naman ang mga mata nung tatlo.
"Yeah! Bumili tayo ng pagkain or prutas para sa kanya" dagdag ni Patricia.
"Good idea" komento ni Weshia at agad kaming tumayo at binuhat ang mga bag namin, sling bag lang ang dala nila Weshia at Tessa habang sa'min ni Patricia ay school bag.
"May malapit na prutasan sa tabi oh, doon nalang tayo" saad ni Tessa at tumango naman kami.
"May jeep roon na papunta sa ospital kung saan nakaconfine si Queco" dagdag ko at tumango ulit sila.
Bago kami lumabas ay nagpunta muna kami sa C.R para umihi. Ako ang unang lumabas at sa gulat kong nakita ko si Chia na naghuhugas ng kamay, tiningnan niya ako. Peste! Bakit dito siya naghugas ng kamay? May lababo naman sa labas. Naghugas rin ako ng kamay malayo sa kanya.
"Hii, familiar ka sa'kin. Ikaw yung kasama ni Zaniel sa first day niya di bah?" tanong niya na nakangiti at tumango naman ako.
"Uhmm Oo..." pvcha! Bakit naging mahinhin ako? Ngumiti ulit siya.
"Why did you transfer to the other section after that day?" she asked while drying her hands using her handkerchief. Grabe! baka dumami ang tanong neto!
"Ano kasi----" di natuloy ang pagsagot ko nung lumabas si Tessa sa isag cubicle na may pagtataka na tingin. Hoo! Pasalamat ako kay Tessa.
"Oh I gotta go, Zaniel is waiting for me outside. By the way I'm Metichia" pagpapakilala niya at inabot sa'kin ang isang kamay, agad ko namang tinanggap.
"Kaireen---"
"I know hehehehe, gotta go" putol niya at agad binawi ang kamay at lumabas na ng C.R.
"Wow kung makaenglish ha, wagas" komento ni Tessa. "Teka bakit ang tagal nung dalawa?, Hoi! Labas na kayo diyan! Tumatae pa bah kayo?!" barumbadong tanong niya habang kinakatok ang dalawang cubicle gakit ang dalawang kamay.
"Wait lang! Nagchechange pa ako ng sandwich!" sigaw ni Weshia at natawa naman ako.
"Ay sorry teh, di mo naman sinabi na meron ka pala ngayon" sagot ni Tessa at kinatok ulit ang cubicle ni Patricia."Ikaw Pat! Meron ka rin?!" tanong ni Tessa.
"Hindi maflush ang tae ko mga bes! Tulungan niyo ako!" di ko alam kung nagbibiro bah si Patricia.
"Bahala ka diyan, problema mo na yan. Kainin mo nalang kaya ulit yan para walanh problema" sagot ko at natawa naman siya at agad naman bumukas ang pinto ni Patricia.
"Biro lang, tumae na ako sa eskwelahan kanina" natawa ako sa sinabi niya.
"Hoi Weshia! Ano pa bang ginagawa mo diyan?! Tapos na kaming tatlo rito" sigaw ni Tessa at bumukas naman ang cubicle ni Weshia.
"Sorry gurl ha! Ang hirap kasing magpalit kung nakajeans ka!" sagot ni Weshia at lumabas na kaming apat sa C.R.
Paglabas namin ay nandoon pa rin sila Chia at Zaniel sa upuan nila na mukhang nag- uusap pa. Tumatawa silang dalawa habang iniinom ang mga drinks nila. Wew parang may something talaga sa kanilang dalawa at wala na aking pakialam dun. May paki bah talaga ako?!
Lumabas na kami sa kainan at agad pumunta sa prutasan para bumili ng prutas. Ang binili namin ay limang oranges, grapes, limang apples at sampung rambutan. Sumakay kaagad kami ng jeep papunta sa ospital at ang nanglibre pa si Weshia ng pamasahe.
"Oh my gosh, bakit kayo nandito?" nagtataka pero nakangiting tanong ni Ate Veronica nung masalubong namin siya.
"May balak sana kaming surpresahin si Queco, gising bah siya?" tanong ko at sumunod naman kami kay Ate Veronica sa paglalakad.
"Ohh is that so? Naglalaro lang ng mobile games si Queco buong magdamag" sagot ni Ate Veronica.
"Talaga? Baka mabulag na ang isang yun Ate Nica" saad ni Weshia at natawa naman si Ate Veronica.
"Veronica not Nica, Weshia. Ang feeling close mo naman" asik ni Tessa at dumagdag naman ang tawa ni Ate Veronica.
"No it's okay, Nica naman ang tawag ng ibang friends sa'kin kaya okay lang" natatawang saad ni Ate Veronica.
"Nagdala po kami ng prutas para kay Queco Ate Veronica" pag- iiba ni Patricia sa usapan.
"Wow! That's good! Saktong- sakto rin na naubos na ni Queco ang prutas na dinala ni Veron kahapon" natutuwang sagot ni Ate Nica.
"Grabe ang takaw naman ng kapatid mo" tamad na sabi ko at natawa naman siya.
"Ilang araw na nga palang nakaconfine si Queco rito?" tanong ni Tessa.
"Magfafive days na ngayon, bukas na ang uwi niya" sagot ni Ate Nica.
"Mukhang makikita na naman natin ang asungot na yun, next week" nakasimangot na bulong sa'kin ni Patricia.
Mukhang may galit si Patricia kay Queco dahil palagi siya netong inaasar at ang mas worse pa ay nilagyan ng bato ni Queco ang branded na sling bag ni Patricia nung nanglibre ako ng kape sa kanilang dalawa. Natawa nalang ako habang inaalala yun.
"Hayaan mo na, alam kong maghihigante ka rin" bulong ko rin at natawa naman kami at nag- apir.
"SURPRISE GAGO!!!" sigaw ni Tessa matapos kaming mahatid ni Ate Nica, may pupuntahan pa daw siyang
meeting kaya kami nalang apat ang nasa room ni Queco. Nanlaki ang mata niya habang sinusuyod ang tingin sa aming lahat.
"Anong ginagawa ninyo rito?! At lalo na ikaw!" nagugulat na tanong niya habang nakaturo kay Patricia.
"Malamang binibisita ka? Alangan namang kakaratehin pa kita!" pambabara ni Patricia at natawa naman si Tessa.
"Oh eto frest fruits para sa bulok mong pagpapasikat nung Saturday" sarkastikang saad ni Tessa habang nilalagay ang prutas na binili namin sa isang fruit basket sa side table ng kama ni Queco.
"Ano?! Sinabi ko naman sa inyo na ayaw kong magpabisita!" saad ni Queco habang nakangusong nakatingin sa'kin.
"Eh sa gusto namin eh, may angal ka?" sagot ko at umirap sa kanya. Sinabi ni Queco na hindi masyadong nadamage ang buto sa paa niya at parang nabali lang ng slight kaya di na nilagyan ng cement ang paa niya at okay na rin daw ang kalagayan niya.
"Anyways Queco! Kilala mo si Zaniel?" biglang tanong ni Tessa at napatingin naman kami sa kanya.
"Ahh yun! Kaklase ko nga yun! Bakit?" nagtatakang tanong ni Queco.
"Talaga?! Nakita namin siya kanina kasama si Chia" sagot naman ni Weshia.
"Yah! Kasama niya yung babaeng may corny na pangalan, Psh" nakasimangot na dagdag ni Tessa at natawa naman siya.
"Ang ganda kaya ni Metichia pero may pagkamaldita lang siya kapag may umaaligid na babae kay Zaniel" sagot ni Queco.
"Kaano- ano naman niya si Chia? Girlfriend? Fling?" sunod- sunod na tanong ni Patricia at natawa naman si Queco. Anong nakakatawa? Di naman nabagok ang ulo niya nung sabado di bah? Bakit tinopak ang isang toh?
"Really girls? Yun ang tingin niyo kay Metichia? She's Zaniel's cousin! Ano bah kayo? Sinong may sabing girlfriend niya yun? Dali! Ibabagok ko" natatawang sagot ni Queco at natigilan naman ako. The hell?!
"Ibig sabihin magpinsan sila?! Like as in?! Pinsan?! Cousin?! Relatives?" di makapaniwalang tanong ni Tessa.
Yumuko ako sa kinaauupuan ko at nahiya sa sarili ko. Pvcha! Bakit ko sinasabi ko sa sarili ko na girlfriend niya si Chia, yun pala! Magpinsan sila. Pvcha nalang.