Chapter Four.
Wound
"Sabi ko na nga ba't pupunta ka!" biglang sigaw ni Ate Nica at napalingon naman ang lahat sa kanya.
"Duh sino bang hindi pupunta sa party ng matalik kong kaibigan? Happy Birthday Dawn!" bati sa kanya nung babaeng nakalight green fitted dress at ang ganda ganda niya pa.
"Awww thank you, nasaan regalo ko?" agad na tanong ni Ate Nica at natawa nalang silang dalawa.
"Kilala mo yun, Kai?" tanong ni Tessa sa'lin at nagkibit- balikat lang ako.
"Baka kilala ni Weshia" sabi ni Pat habang ngumunguya pa.
"Baka nga" dagdag ni Leria, nasa Comfort room si Weshia para umihi at nung makita namin siyang pabalik ay nagulat kaming apat na binati siya nung bagong dating na babae.
"Kilala nung Gaga!" gulat na sambit ni Tessa at nung umupo si Weshia na may ngiti sa labi at hinot seat namin siya.
"Woi sino yung bagong dating na babae?" interesanteng tanong ni Tessa at natawa lang si Weshia.
"She's the daugther of Caithlyn Sadelma, one of the famous model, siya ang sumunod sa yugto ng kanyang ina. Duhh!" sagot ni Weshia at natulala naman ako.
"Pangalan kailangan namin gurl hindi ang background niya" sambit ni Patricia at uminom muna ng wine si Weshia.
"Well she's no other than Zanalie Xerja Sadelma" sagot ni Weshia at napatingin ako kay Zanalie na busy sa pag- usap kay Ate Nica. Parang may kamukha ata siya.
"Parang may kamukha siya Kai noh?" tanong ni Tessa sa'kin at tumango naman ako.
"Kahapon ko lang rin nalaman na she has a brother named Zaniel Xavriel Sadelma, yung pinsan ni Chia?" bumaling si Weshia sa'kin.
"Talaga?! Kaya pala parang may kaparehang mukha yun" saad ni Patricia. Natahimik kami at nagpatuloy nalang sa pagkain. Si Ate Zanalie pala ang ibig sabihin ni Zaniel na invited sa party.
"Wazzup Girls! Kamusta kayo?" basag ni Queco sa katahimikan namin, inirapan lang siya ni Patricia at nagpatuloy nalang sa pagnguya.
"Anong ginagawa mo rito ulupong?" mataray na tanong ko at natawa lang siya.
"Wala lang, nabored ako sa table ng parents namin puro business ang bukambibig, nakakasawa" sagot niya at umupo sa may bakanteng upuan na katabi kay Patricia.
"Wag ka ngang tumabi sa'kin! Nawawalan ako ng gana kumain!" asik ni Pat pero di natinag si Queco.
"Di ko naman kasalanan kung mawawalan ka ng gana" inosenteng saad ni Queco.
"Ugh! May kasalanan ka! Nakakawalang gana ang pagmumukha mo kaya Tsupe!" pagtataboy ni Pat at napanguso si Queco at lumipat sa balanteng upuan na katabi sa'kin.
"Woi Conor! Pakilala mo naman ako kay Zaniel" walang hiyang sambit ni Tessa at nanlaki ang mata ni Weshia.
"Gurl wag... nandito na si Kiel" saad ni Weshia na ang mata ay nasa entrance ng room at napatingin kami sa tinitingnan niya. May lalaking nakablack suit na ang gwapo tingnan sa pagiging formal niya pero malamog ang tingin. Yan si Kiel?! Mukhang maswerte ata si Tessa dahil sa kagwapohang taglay niya!
"Oh shet! Nakalimutan kong pupunta pala siya" bulong ni Tessa at napatameme naman kami.
"Sinabi mo kanina na pupunta siya bakit nakalimutan mo kaagad?" tamad na tanong ni Weshia at tiningnan ko naman so Queco na gulong- gulo at parang tanga nakatingin lang sa kung saan.
"Hoi! Yun ang tinitingnan namin! Hindi yung catering!" hiyaw ko at binatokan siya. Malapit lang kasi ang cater sa entrance door.
"Ayy sorry, sino bah yang Kiel na yan?" tanong niya at tinuro ko naman si Kiel na may kausap na lalaki.
"Yun si Kiel, hindi ko alam kung boyfriend bah yan ni Tessa" saad ko at tiningnan niya ulit si Kiel.
"Parang big time rin ah, makausap nga" parang tangang sabi niya at hinila ko siya pabalik sa upuan.
"Wag na, dito ka nalang muna. Mag- usap tayo" seryusong sambit ko at kumunot naman ang noo niya.
"Ano naman yun?" tanong niya at matalim ko siyang tiningnan.
"Paano nalaman nila Tessa tungkol kay Zaniel? At paano mo rin nalaman na magkakilala kami?" nakataas ang isang kilayna tanong ko at sumandal siya sa upuan niya.
"Tinanong ko si Khairo eh, tapos sinabi niya na kababata mo raw iyon at ito namang si Tessa interesanteng malaman kung sino si Zaniel" sagot niya.
"Si Zaniel ang gustong makilala ni Tessa ugok, bakit sinabi mong magkababata kami?" tanong ko.
"Di ko rin alam sa bibig ko" inosenteng sagot niya at hinampas ko siya gamit ang kamay ko.
"Ugok ka talaga!" sambit ko at hinimas niya naman ang braso niya na hinampas ko.
"Gago tapos Ugok na naman? Ang sakit Kaireen ah, isusumbong kita kay Mommy" saad niya.
"Edi magsumbong ka" agad akong tumayo at pumunta sa terrace ng room habang dala ang wine glass ko. Nakakairita!
"Look who's here" nagulantang ako nung marinig ang boses ni Zaniel.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" mataray na tanong ko and he just gave me a smirk.
"Gusto ko lang magpahangin" sagot niya at patago naman akong umirap.
"Magpapahangin eh parang sinusundan naman ako" bulong ko at nabigla ako nung tumingin siya sa'kin.
"What did you just say?" taas kilay na tanong niya.
"Ay may sinabi bah ako?" kunwaring walang alam na tanong ko. He put his hands on the railings whilw looking the moon above us.
"The moon shines so good tonight" saad niya sa hangin at tiningnan ko naman ang maliwanag na buwan. "And I remembered something..." dagdag niya.
"Ano naman ang naalala mo?" tanong ko at tiningnan niya ako ulit.
"Nothing" tipid na sagot niya at kumunot ang noo ko. Pvcha! Akala ko ano na.
He looked again to the moon while me looking at him, he has this eyes... full of sadness inside it while looking to the moon, I don't know how to explain but he look so handsome in his side view. Iniwas ko nalang ang tingin ko.
"Xavriel!" nagulat kami nung may tumawag kay Zaniel gamit ang ikalawang pangalan niya at paglingon ko ay nakita ko si Ate Zanalie na nakacross arms.
"Hmm?" tugon ni Zaniel at lumapit naman ang Ate niya sa'min.
"Ohh is that you, Hanael?" tanong niya habang nakatingin sa'kin.
"Hii Ate Zanalie...." nahihiyang sagot ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Shoot! Mamatay ata ako sa yakap niya, sobrang higpit!
"How many years we didn't see each other? How many?" nagtatalon pang tanong niya.
"Uhmm..." wala akong maisagot!
"Seven years I think! Yah! Seven years! I was in 7th grade and you and Xavriel are in 5th grade! Oh my gosh Time fly so fast!" sambit niya habang hawak niya ang dalawang kamay ko.
"Stop shouting, ang ingay mo" reklamo ni Zaniel at inirapan niya lang ang nakababatang kapatid.
"I miss you so much Hanael! Lalo na ang Ate Val mo! Nasaan nga pala siya?" tanong niya at lumilinga pa.
"Di ko rin po alam parang nasa table po nila Mommy" sagot ko at hinila niya ako papasok at nagtungo sa table nila Mommy, nilagay ko nalang ang glass sa table bala hilahin na naman ako. Nagkakilala bah kami ni Ate Zanalie? Aish! Di ko na maalala.
"Nalie?! Ikaw bah yan?!" di makapaniwalang tanong ni Ate Yannise nung makaupo kami sa table.
"Wow ah! Di mo bah ako nakita sa entrance? Nakausap ko na si Nica, di mo man lang bah ako yayakapin?" Ani Ate Zanalie.
"Good evening hija" bati ni Mommy sa kanya at ngumiti ng malapad si Ate Zanalie.
"Hii po Tita Hannah! Long time no see! Nagkita na po bah kayo ni Mommy?" tanong niya at napangiti naman ang Mommy ko.
"Oo nagkita na kami, kamusta ka na hija? It's been years" nakangiting sagot ni Mommy.
"Okay lang naman po Tita" natawa oa ng mahina si Ate Nalie. Ang ganda niya sobra!
"Woi! Mag- usap tayo sa table nila Dawn!" hinila na ni Ate Nalie si Ate Yannise at nagulat aki nung hinila rin ako ni Ate Yannise. What the! Maout of place lang ako!
"Hoi Nica! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nandito itong babaeng toh?" masungit na tanong ni Ate Yannise kay Ate Nica na busy sa pagkain ng cake.
"Duhh I want her to surprise you and she told me na matagal kayong hindi nagkita" sagot ni Ate Nica.
"Pero gumanda kayong dalawa lalo" nakangusong sambit ni ate Nalie at ako naman ay parang tangang umiinom ng tubig. Wala na! Out of place na si oka!
"Ikaw nga itong nag glow up ng maaga tapos sumobra pa ngayon" sagot ni ate Yannise at natawa nalanh silang tatlo.
"Anyways have you seen Veron?" tanong ni Ate Nica at umiling lang si Ate Nalie.
"Nahh I didn't see him pa as of now" sagot ni Ate Nalie.
"Nako... mukhang nagtatago na yun sa'yo Nalie" natatawang saad ni ate Yannise at nakita ko namang kumunot ang noo ni Ate Nalie.
"Bakit naman? Di ko naman siya kakagatin ah" nagtatakang tanong ni Ate Nalie at natawa si Ate Nica.
"Nevermind kumain kayo ng cake ko, ang sarap pa naman" suhestiyon ni ate Nica. Nagpaalam ako sa kanilang tatlo dahil wala akong maishare sa kanilang story kaya bahala na sila.
"Where are you going lil sis?" tanong ni Kuya Yaro.
"Doon lang sa terrace, magpapahangin" sagot ko pero bago pa siya makalagpas sa'kin. "Nasaan nga pala si Kuya Veron, Kuya?" tanong ko at tinuro niya naman ang tagong table at nakita kong nakaupo doon si Kuya Veron kasama si Khairo, nag- iinuman.
"Doon na muna ako, Mom and Dad told me na sabay tayong uuwi, tayong apat. Umuwi na sila Mom at Dad dahil gusto nang matulog ni Mommy so matagal pa tayong uuwi" sambit ni Kuya at ngumuso naman ako.
"Di man lang nagpaalam sa'kin ang dalawa" usal ko at natawa nalang si Kuya Yaro at umalis na.
Pumunta ulit ako sa terrace at wala na si Zaniel doon kaya kumuha ako ng chair at doon umupo, nilagay ko ang upuan sa lugar kung saan walang nakakakita sa'kin at doon umupo. Marami akong inisip nung makaupo ako lalo na at nandito si Zaniel. Sa tingin ko nakalimutan na niya ang sinabi ko noon at isa yun sa mga nakakahiyang sinabi ko. Tinanggal ko ang heels ko at malayang inapak ang malamig na tiles ng hotel.
"Mag- isa ka na naman" di na ako nagulat nung marinig ko ang boses niya.
"Why do you care?" malamig na tugon ko at umupo katabi ko. May dala pang upuan ang ulupong.
"Do I care?" tanong niya.
"Di ko alam sa iyo" sagot ko tumingala. Maganda nga ang sinag ng buwan pero alaala lang ang makikita ko tuwing tumitingala ako rito.
"Iniwan mo si Nalie?" tanong niya.
"She's talking to my sisters" tiningnan ko siya at tumitig rin siya sa'kin.
"Bakit hindi ka sumama?" nagtatakang tanong niya.
"Bakit bah ang dami mong tanong?" balik tanong ko at umiwas nalang siya ng tingin.
"I just want to know" tipid na sagot niya.
"Di mo kailangan malaman ang lahat kasi wala kang pakialam" malamig na saad ko.
Bakit hindi na ako naiilang sa kanya? Bakit hindi na ako takot salubungin ang mga tingin niya? Bakit sa haba ng panahon? Bakit ngayon lang kami nagkita ulit? Sinadya o hindi sinasadya? Ang dami kong tanong pero wala na akong paki sa sagot.
"If you say so" nasabi niya lang. I crossed my arms while looking down, I saw the city lights at tunog ng mga sasakyan ang naririnig ko. Iba ito sa probinsiya na kinalakihan ko. Narinig kong bumuntong hinga si Zaniel sa tabi ko at natahimik kami ulit.
"What's the problem?" biglang tanong niya at kumumot ang noo ko.
"What?" tanong ko rin.
"Bakit ang lalim ng iniisip mo?" Diretsang tanong niya at ramdam kong nakatingin na siya sa'kin ngayon.
"Di naman masyadong malalim amg iniisip ko" sagot ko.
"I don't believe you, I can see it in your eyes that you want to tell me something" ang feeling naman neto!
"Ano naman kuno ang sasabihin ko sa iyo?" nakataas na ang kilay ko at sinalubong ang tingin niya.
"Nothing" nahihiyang sabi niya.
"Nothing daw eh parang meron naman" bulong ko.
"You always whisper to yourself, may problema ka bah sa'kin?" Meron! I have problem with your presence! Especially your stares, ugh! gusto ko yun ang isagot ko pero wala akong lakas ng loob.
"Why should I?" para na maming tanga puro pabalik balik ang tanong.
"You always whisper like you didn't think that I can hear it" sagot niya at nanlaki ang mata ko.
"Eh ano naman kung naririnig mo?" Bahala na ito! Basta bahala na!
"I just don't like you whispering to yourself, para kang baliw kumakausap sa sarili" hininaan niya ang boses sa huling sinabi niya at aksidente kong nahampas ang braso niya.
"How dare you saying na baliw ako?" gulat na tanong ko.
"Aish!... bakit mo naman ako hinampas?" padaing na tanong niya at inirapan ko siya, tumayo ako at pagtalikod ko kay Zaniel ay nakita ko si Metichia na gulat na gulat.
"Oh my gosh! Bakit mo siya hinampas?" nabigla ako sa reaksyon niya. Ano naman kung hinampas ko siya?
"Aksidente yun----"
"Ano?! How can you say that it's an accident?" she cut me off at dali daling lumapit kay Zaniel. Hindi naman ata mamatay yan dahil lang sa isang hampas.
"I'm fine Gail, hindi naman masyadong malakas ang paghampas niya" agad na sabi ni Zaniel.
"Anong hindi malakas?! You have a wound on that shoulder Xavriel! At hinayaan mong mahampas ka ni Kaireen!" galit na talaga si Chia. Ano? May sugat siya?
"Fvck it's bleeding" mahinang sambit ni Zaniel at nakita ko ang mantsa ng digo na tumatagos sa suit niya.
"Ugh! We need to go home!" sigaw ni Chia at inalalayan na si Zaniel makatayo.
"Ayoko pang umuwi... I have my first aid kit in my car" pagtanggi ni Zaniel. "Don't help me to stand, braso lang ang nasugatan hindi paa" dagdag niya at lumayo na si Chia. Nakatulala pa rin ako habang tinitingnan siya at oati na rin ang suit niya.
"Xavriel.... tumutulo na ang dugo" nag- aalalang saad ni Chia at umalis na silang dalawa.
Sa isang iglap ay nawala sa paningin ko sina Zaniel at Metichia. Di ko alam kung saan galing ang sugat sa braso ni Zaniel at nakakagulat yun! I was still out of myself while I went back to our table, panay salita pa rin si Weshia at si Leria habang ang dalawa naman ay nalalasing na.
"Anyare kay Zaniel uy?" tanong ni Queco sa'kin sa likod ko.
"Huh?" wala sa sariling tugon ko.
"Nakita kong nagmamadali sila ni Chia sa paglabas ng room, si Zaniel naman ay hawak ang braso niya. Anyare kasi?" nag- aalalang tanong niya.
"Anong pinag- uusapan ninyo diyan?" tanong na ni Weshia sa'min at pinanlakihan ko ng mata si Queco para hindi magsalita.
"Wala, sinabihan ko lang si Kaireen na sabay uuwi sila sa'min kaya doon na ako kila Kuya Veron" turo niya pa sa table nila Kuya Yaro.
"Okay, magpapasundo na rin kami ni Leria at kami nalang ang maghahatid sa dalawang ito" sagot ni Weshia at tumango nalang si Queco at umalis.
"Saan ka galing Kai?" tanong ni Leria.
"Wala nagpahangin lang sa terrace" sagot ko.
"Nagpahangin? Nakita ko rin si Zaniel na lumabas galing roon kasama si Chia" Sana hindi nila nakita ang pagdurugo ng braso ni Zaniel... baka mag- alala pa sila.
"Hindi ko siya nakita baka sa kabilang side sila tumambay" agap ko at tumango nalang siya at hindi nakaligtas sa'kin ang tingin ni Weshia na may halong pagtataka.
I hope he's fine.... nag- aalala na ako sa kanya. Sana inisip ko na muna bago ko hinampas ang braso niya kanina, sana nagpigil ako sa inis ko. Because of me... his blood runs to his wound.