YOU ARE THE TROUBLE I'M IN (TAGLISH)

🇵🇭tinarabells
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

SIMULA

Busy ako sa pagpili at pagbili ng mga stationeries online sa aking laptop. After I added them to cart and typed my contact details ay inexit ko na ang website at tiniklop ang laptop.

Sinandal ko ang ulo sa head rest ng aking upuan. Inilibot ako ang sarili habang nakaupo at tinitingnan ang bagong apartment. Hanggang ngayon, 'di parin ako makapaniwala na magiging independent na ako-malayo kina Mom and Dad. Naalaala ko pa noong tumuntong ako ng kolehiyo, 18 years old ako no'n. Kahit anong pilit ko sa parents ko na gusto kong mag rent ng apartment malapit sa unibersidad na pinapasukan ko ay 'di parin sila pumapayag. Not until on my 20th birthday, it's 1 week before the next academic year ng university nang sinorpresa nila ako na magkakaroon na daw ako ng sariling apartment.

Malawak ang apartment ko. Malaki ang higaan na pwede nang magkasya ang dalawang tao. May sarili din itong banyo at amenities. Closet, study table, mini-refrigerator at maliit na kusina. Puti ang pintura ng kwarto kaya napakamaaliwalas tingnan. Nasa ika-pitong palapag ang kwarto ko kaya kailangan pang sumakay ng elevator para umakyat.

Nakaramdam ako ng gutom nang mapansing alas siete na pala ng gabi. Naalaala kong hindi pala ako nakapag-grocery at puro chichirya nalang ang naiwan kaya napagpasyahan kong sa cafeteria nalang sa ground floor ako kakain. Kinuha ko ang LV wallet na regalo sakin ni Mom noong debut ko at tiningnan ang sarili sa life-size mirror ng apartment. Nakasuot lang ako ng fitted striped dress na hanggang tuhod at sliders na kulay itim.

Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig ng hanging sumalubong sa'kin pagkalabas ng apartment. Papasok pa sana ako sa loob para kumuha ng jacket pero 'wag nalang. Tinatawag na ako ng espiritu ng kagutuman. Bibili nalang siguro ako ng mainit na sabaw para mawala ang lamig.

Hawak hawak ko ang pitaka nang nasa tapat ako ng elevator at pinindot ang button para bumukas. Pagkabukas nito ay parang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. 'Di ko namalayan ang pagkahulog ng pitaka ko mula sa aking nanginginig na kamay. Ang mata ko'y nakatitig lang sa gwapong lalaking kaharap ko ngayon. Nakasuot siya ng puting v-neck tee shirt, black pants at white sneakers. Mas lalong nadidipena ng kasuotan niya ang kakisigan ng kanyang katawan. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa mga naiisip ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtingin niya sa gawi ko at lumabas na siya mula sa elevator. Pero imbis na lumayo ay naglakad ito sa direksyon ko. Napaatras naman ako habang nakatitig parin sa kanya. Kumakabog ang dibdib ko. Iniluhod niya ang kaliwang tuhod sa sahig. Tumingala siya sakin at nakikita ko kung pano kumikinang ang kanyang mga mata.

Oh my gosh! Magpro-propose na ba siya?!

Tumingin siya sa sahig at may kinuha. Tapos tumingala ulit siya sa direksyon ko. May ngiti sa kanyang mga labi.

Ito na nga! Mag propropose na siya!

"Margaux, will you marry m-"

"Miss, 'yong wallet mo nahulog."

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Agad namula ang pisngi ko sa kahihiyang ginawa! Sinampal ko ang pisngi ko sa harapan niya at agad kinuha ang pitaka ko na hawak niya.

Nakatingin lang siya sakin pero 'di ko siya matingnan ng diretso.

"Okay ka lang ba, Miss?" aksyon niya sanang iyuko ang ulo niya para tingnan ang mukha ko pero umiwas ako ng tingin.

"O-Okay lang, nagka-nerve damage lang ako." I bit my lower lip as I lied in front of him.

"Ahh. Ang bata mo pa yata para magka nerve damage. Uminom ka ng nerve vitamins, okay, Miss?" kalmadong advice nito.

I just nod at tumakbo na papasok ng elevator. Mabilis kong pinindot ang button para masarado na ang pintuan. As soon as the door closed ay sinabunutan ko ang sarili ko sa kahihiyang ginawa.

"Ilusyonada ka, Margaux! Nakakahiya ka!" mapupunit na ata ang anit ko kakasabunot dahil sa inis at kahihiyan!

"Dapat umakto ka lang ng normal, Mar. Pero hindi! Ginawa mong katawa-tawa ang sarili mo sa harap niya!!" ngayon sinipa sipa ko naman ang pader ng elevator.

"First impression last, Mar! Sinira mo!!!!!" I let out my frustrations inside the elevator hanggang sa tumunog ito. Hudyat na nasa ground floor na ako. Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang aking mga daliri at lumabas na parang walang nangyari. Dumeretso na ako sa cafeteria malapit sa entrance ng building ngunit nakita kong puno ang cafeteria. Naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko... kailangan kong kumain... kailangan kong kumain...

Napagplanuhan kong mag take out nalang kesa makisalo sa 'di ko naman kilala. Pumunta ako sa orders booth at nagsulat ng mga bibilhin sa isang papel na prinovide doon. Pagkatapos magsulat ay binigay ko ito sa cashier.

"Nako, Miss. Wala na pong take-out ngayon. Puro dine-in nalang ang mga orders." Sabi ng cashier na nasa mid 30's.

"Bakit naman po?"

"Naubos na kasi ang mga styro boxes namin. Nagpabili naman na kami kaso matatagalan pa 'yon."

Nakooo! Ayoko nang maghintay ng matagal! Kumakalam na ang sikmura ko!

"Sige po, dine in nalang."

"Sige. Heto na ang numero mo at maghanap ka nalang ng bakanteng upuan diyan. Ihahatid nalang namin mamaya ang order mo, ha?" malambing na sabi nito habang iniabot sakin ang numero ko na may nakatatak na 50.

"Sige po. Salamat."

Nagsimula na akong maghanap ng bakanteng upuan pero wala akong mahagilap malapit sa counter. Punong-puno ito ng mga kapareho ko ding estudyante na busy sa pakikipag-kwentohan sa mga kasalo nila. Naglakad pa ako patungo sa may dingding sa gilid ng cafeteria. Medyo malayo ito sa counter pero maaliwalas itong tingnan mula sa kinatatayuan ko. May isang bakanteng upuan doon pero may nakaupong matikas na lalaki sa katapat nito na busy sa paghigop ng noodles.

Di ako sanay na ako ang unang kakausap sa ibang tao kaya isang bagong experience ito sa akin. Hinakbang ko na ang mga paa ko palapit sa pwesto niya. Side visuals niya lang ang nakikita ko mula sa direksyon ko pero di ko masyadong maaninag dahil nakayuko ito. Ang alam ko lang perpekto ang panga nito. Matangos din ang kanyang ilong. Kinakabahan ako habang papalapit ako sa kanya dahil baka awayin ako nito or itataboy ako kapag nilapitan ko siya.

Pero bahala na! Para sa kumakalam kong sikmura, kailangan kong harapin 'to.

"Ahmmm. Excuse me. May naka-upo ba dito?" sabi ko sa kanya nang makarating ako sa mesa niya habang tinuturo ang bakanteng upuan sa harap niya.

Nakayuko pa rin siya at di ako tinitingnan. "May nakikita ka ba? Wala naman diba?" sarkastikong sagot nito.

I let out a sigh knowing tama nga naman siya pero naninigurado lang ako!

"Ahmmm... okay lang ba kung dito ako umupo? Wala na kasing bakanteng upua-"

'Di ko na matapos ang pagsasalita nang iniangat ng lalaki ang kanyang mukha para tingnan ako. Literal na nanlambot ang mga binti ko nang magtama ang matalim na mga mata niya sa akin. Na parang isang titig niya lang sa'yo mapapaluhod ka na niya sa harap niya.

"Uupo ka ba o hindi?" matalim na tanong nito. Boses niya palang para na akong mabibilaukan kahit wala namang nakabara sa lalamunan ko.

"U-Uupo...Uupo ako." tarantang sabi ko at mabilis na umupo sa bakanteng upuan dahil baka mamaya tutusokin ako ng chopsticks na hawak niya.

Nakatingin lang siya sakin habang naka-upo ako sa harap niya pero 'di ko na siya matingnan sa mata kaya tumingin nalang ako sa counter at naghihintay na sana dumating na ang orders ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatoka ulit siya sa pagkain ng kinain niyang noodles kaya binaling ko ang aking mga mata sa direksyon niya at pinapanood siyang kumain habang ang ulo ko ay nakapirmi lang sa posisyon nito kanina na nakatingin sa counter.

"Heto na ang orders mo, Miss. Sorry natagalan, ah?" nakahinga naman ako ng maluwag nang dumating na nga ang order kong pagkain. Kinuha ko 'yon mula sa tray na dala niya at nilagay sa aming mesa. Nakaw akong tumitingin sa katapat ko na nakayuko parin habang kumakain ng mainit na noodles.

"May oorderin ka bang inumin?" tanong ng serbedora sa direksyon ko.

"Ahmmm... black coffee po sa 'kin. 'yung mainit na mainit po sana. Hehehe." Nakangising sabi ko sa kanya. Sinulat niya naman 'yon sa maliit na notebook na nakalagay kanina sa fanny pack niya.

"Ikaw, Fighter? The usual parin ba?" sabi niya habang nakatingin sa pwesto ng katapat ko.

"Opo. Damihan niyo na rin ng ice." Sagot nito. Umalis naman agad si ateng serbedora. Binaling ko nalang ang atensyon sa pagkaing nakahain sa harap ko. May tinola, afritada, pritong itlog at dalawang serve ng kanin na nilagay sa isang plato.

Tahimik lang naman ang lahat. Pinasawalang bahala ko nalang ang thought na nasa harap ako ng isang beast at kumain ng marami para 'di na umiyak ang tiyan ko.

After how many minutes dumating si ateng serbedora na dala-dala ang order namin.

"One very hot coffee for you." Then she gave me a cup of black coffee.

"And one very icey pinkmilk shake for you." Literal na umawang ang labi ko sa binigay ng serbedora sa harap ni Fighter. Nagkamali ba ng kuha ng order si ateng? Pero base sa mukha ni Fighter mukhang wala siyang reaksyon sa mukha. Umalis naman agad ang serbedora.

Seryoso?! Ang isang beast umiinom ng pinkmilk shake?!

Stop stereotyping, Margaux!

'Di ko napigilang mapatawa pero pinigilan ko din 'yon at tinampal ang labi ko sa kahihiyang ginawa. Pagkatingin ko sa direksyon ni Fighter ay matalim itong tumitig sa akin na para bang papatayin na ako anomang oras.

"You're having fun, huh?" sabi nito na may accent pa na 'di ko alam kung ano.

Hinahalo niya ang milk shake niya gamit ang straw na nakalagay dito habang tinitingnan parin ako. 'Di ko ma figure out kung anong iniisip niya habang nakatingin siya sa akin ngayon.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at hinihigop ang kapeng nasa harapan ko. Nilapit ko ito sa bibig ko para inumin ng biglang magsalita si Fighter.

"Gabing-gabi na nagkakape ka parin?" literal na nasunog ang upper lip ko sa pambibigla ni Fighter buti nalang talaga mabilis ang reflex ko at di ko natapon ang kape sa damit ko. Sinamaan ko siya ng tingin at binabasa ang upper lip ko at minamasahe ito gamit ang lower lip ko.

You want war? Then I'll give you war!

Tiningnan niya din ako at inismiran. tsk! Pero unti-unting bumago ang aura ng kanyang mukha nang tinitigan niya ang pagmamasahe ko sa upper lip ko gamit ang lower lip. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple. Sa view kong 'yon ay parang kinukuryente ako. Naiilang ako.

'Di ko na kaya! Tumayo na ako ng padabog sa kinauupuan ko na ikinagulat niya. Sinipatan ko siya at pumunta ng counter para magbayad at para makalayo na ako sa beast na 'yon!

Pagkapasok ko sa apartment ay binagsak ko ang sarili sa malambot na kama. Hinawakan ko ang parte kung saan nakatira ang puso ko at naramdaman ang bilis na pagtibok nito. Nanlalambot parin ang mga binti ko sa tuwing inaalala ko ang mga matatalim na titig ni Fighter-the Beast.

I shook my head mentally at bumangon mula sa pagkakahiga.

"Tomorrow's the first day. You should prepare yourself, Margaux."