KABANATA UNA
Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda sa first day of school. Suot ang puting t-shirt, blue skirt na hanggang tuhod, puting sapatos at ID na nakasabit sa aking leeg, ready-ing ready na ako sa second to the last year ko bilang isang estudyante.
'Di din naging madali ang pag-aaral ng Chemistry dahil nasa mamahaling unibersidad ako. Okay lang naman sakin na sa mumurahing eskwelahan lang ako pero gusto nila Mom and Dad ang best para sa'kin kaya ginagawa ko din ang part ko para makaganti sa kanila.
Kinuha ko na ang sling bag ko na nakalagay sa kama at pumunta na ng eskwelahan. Walking distance lang ang layo ng apartment na tinutuluyan ko hanggang sa university kaya nilalakad ko nalang.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa paaralan ay nababaguhan ako sa mga ginagalaw ng mga estudyanteng dinadaanan ko. Mga matang mapanghusga ang tumitingin sa akin ngayon na para bang may mabigat na kasalanan akong ginawa. Tiningnan ko ang sarili ko-wala namang mali sa suot ko. Normal lang naman ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungong Chemistry Building pero 'di ko maiwasang ma-intriga sa ginagawa nila dahil nagbubulong-bulongan na sila habang masama ang tingin sa'kin. Naramdaman ko na ang kaba sa puso ko. Ano ba kasing nangyayari?!
Sa kalagitnaan ng paglalakad ay may humarang na limang babae sa harap ko. Naka skirts din sila pero mas maiksi kesa sakin. Iba-iba ang kulay ng kanilang suot. Magara. Ang seksi nilang tingnan sa mga kasuotang 'yon. Naka halukipkip ang mga braso nilang lima at matalim na tumitig sa akin na para bang kakainin na ako anomang oras.
Nagtaas ng kilay ang babaeng nasa gitna. Ito siguro ang leader ng grupo nila dahil siya ang mas maganda sa kanilang lahat. Mahaba at kumikinang ang kanyang buhok. May kolorete din ang kanyang mukha pero light lang 'di parehas sa mga kasama niya na para ng clown sa kapal ng make-up.
No offense, tho.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinusuri ang bawat parte ng katawan ko. Nakaramdam ako ng takot at ilang sa ginagawa niya. Liningon niya ang babae sa kanyang kanan.
"Siya ba?" matigas at mataray na sabi nito.
Tumingin naman sa cellphone ang babaeng tinanong niya at pauli-ulit na tinitingnan ang mukha ko at ang kanyang phone na para bang may kinokompara siya.
"Siya nga, Queen." Mataray din na sagot ng katabi niya.
Lumapit naman sa direksyon ko ang may pangalang Queen. Napaatras ako dahil sa matalim na titig nito sakin.
"A-Ano bang k-kasalanan k-ko s-sa inyo?" utal na sabi ko. Kumakabog na talaga ang puso ko sa kaba. Parang mamamatay na ako dahil sa lakas nito.
Huminto naman sa paglapit sa akin ang babae at bigla nalang tumawa. Sumunod din ang apat sa likod niya.
"Nagpapatawa ka ba?" Lumapit ulit siya sakin. Bawat hakbang niya, ay ganoon din ang hakbang ng bawat pag-atras ko. Nahinto nalang ako dahil may puno na pala sa likod ko. Nakalapit na siya sakin hanggang sa nilapit niya ang ulo niya at may binulong sa aking tenga. "Sa susunod lumugar ka kung saan ka nararapat. I'm warning you. Di mo gugustuhing makaaway ang isang Queenie Centinno."
"Stop this nonsense, Queen." Napalingon naman kami sa direksyon ng tumawag sa atensyon ni Queenie. It's a beautiful girl- woman rather. Standing proud and tall with her black branded pumps, white pants, and gray-colored crop top. And this girl... I find her very familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
"Look who's here. The former Queen." Mataray na sabi ni Queenie. At nilapitan ang babae. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil umalis na siya sa harapan ko. Tinaasan niya ng kilay ang babae. "Nandito ka ba para ipagtanggol ang kalahi mo?"
Ohhhh!! Naalala ko na! siya si Zara Nicole Mondeguido ang Former Queen of the University!
"We're just and perfect. So... yes. Pinagtatanggol ko nga ang kalahi ko." mataray din na sagot ni Zara. Sobrang ganda niya talaga kahit anong emosyon ang ipakita niya.
Queenie laughed. "Look who's talking about 'Perfect and just'." Tapos tumingin siya sa mga babae sa likod niya. "Right, girls?" sabay-sabay silang tumawa. Tinaasan lang sila ng kilay ni Zara. May kailangan ba akong malaman sa mga ibig sabihin ni Queenie?
"Okay, okay." Queenie said tapos tumingin siya sakin. "I'll let you go this time. But I'm warning you, whatever-your-name-is, mag-iingat ka. Baka matuklaw ka." She said with a threat in her voice at sabay-sabay na silang umalis.
Literal na nanlambot ang mga binti ko sa nangyari.
"Okay ka lang ba? Hmm... ako nga pala si Zara." sabi ni Zara sa akin nang lapitan niya ako at tulungang makatayo ng maayos.
And I know that you're name is Zara. Who wouldn't?
I nod. "Ako naman si Margaux. Hmmm...O-Okay lang ako. Salamat nga pala sa pagligtas mo sa'kin sa mga babaeng 'yon, ah?" I showed her my genuine smile to tell her how thankful I am.
"Wala 'yon. Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita." Aniya habang nagsimula na kaming maglakad.
"Matagal na ako dito. Actually nga 3rd year na ako ngayon sa kursong Chemistry. 'Tsaka, di mo lang siguro ako nakikita." I said bitterly.
"Talaga? Chemistry din ako. Graduating na this year. Hmmm.. sa Chem Building ba ang klase mo today? Sabay na tayo?"
I nod.
"Great! And by the way, bakit ka ba inaaway ng mga 5 morons na 'yon?" she asked.
5 morons? 'yong pinamumunuan ni Queenie?!
"Di ko din kasi alam, e. Ewan ko ba kung bakit niya ako sinabihan na lumugar daw ako kung saan ako nararapat.." pagkasabi ko no'n ay biglang huminto sa paglalakad si Zara at tumingin sa akin.
"Lumugar ka kung saan ka nararapat?" pag-uulit niya. "Ohh my gosh! Mukhang alam ko na kung bakit..." pagkatapos niyng sabihin 'yon ay may kinuha siya sa kanyang mamahaling pula na bag- isang cellphone.
Hindi na ako nagsalita pa dahil hinihintay ko ang sasabihin niya. May tinitingnan siya sa cellphone niya na 'di ko alam kung ano. Tapos bigla nalang niyang pinagdikit ang phone niya sa gilid ng mukha ko na para bang may kinukumpara siya. And then her face lightened. "Now I know. Here!"
She showed me her phone and I see a photo. And I am shocked because it is me and I am with- Fighter!
"W-Wait. Sinong kumuha nito? 'Tsaka saan mo 'to nakuha?" pagtatakang tanong ko. 'Di ko naman kasi aakalain na meron palang kumuha ng litrato namin sa loob ng cafeteria kagabi.
"Sa Student University Page natin." seryosong sagot ni Zara. Atsaka Student Page? Meron kami no'n?
"Wala akong alam diyan, e. 'Yong official lang na page ng university ang alam ko." I said honestly.
"What? Seriously? Saan ka ba nanggaling? Sa Stone Age?" tawa nitong sabi pero 'di din nagtagal dahil nakita niyang seryoso lang ang mukha ko. "Akala ko ba old student ka na dito. Ba't wala kang alam about this? You know what, give me your IG username at isesend ko sa'yo ang link ng page." She gave me her phone. Dali-dali ko namang tinype ang username ko sa IG.
"Oh ayan. Nag DM na ako sa'yo. For sure updated ka na sa mga issues dito, right?" I nod as a response.
We continued walking hanggang sa narating na namin ang Chem Building.
"Zara!" nanakaw ng atensyon namin ang tumawag sa kasama ko.
"Yasmine!" masayang sinalubong nila ang isa't isa sa pamamagitan ng yakap at beso-beso. Lumingon naman si Zara sa direksyon ko at nginitian ako. "Kung kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako, okay?"
I nod and smile at her. "I will. Salamat ulit."
Nakarating na rin ako sa first class ko sa wakas! Pero hindi parin ako nakakatakas sa mga matatalim na tingin ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Pati nga dito sa classroom ay mula sa maingay, naging tahimik noong pumasok ako. Akala ko tuloy may prof sa likuran ko pero wala naman. Ako lang talaga ang rason kung bakit sila tumahimik at nagsimula nang magbulongan.
Pero 'di naman 'yon nagtagal noong nakaupo na ako sa pinakalikurang bahagi ng silid. Nakahinga naman ako ng maluwag kalaunan. Habang hinihintay ang prof namin for today ay biglang nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ang familiar ng pangalan sa caller ID kaya sinagot ko ito habang nakatingin sa may pintuan baka may pumasok na na professor.
["Bestyfrieeeend!"] inilayo ko sa tenga ko ang speaker ng phone sa lakas ng boses ni Prima- my bestfriend.
"Bestyfriend, mabibingi na talaga ako ASAP kung ganyan ka parin bumati sa akin sa phone." I said with a low voice. Ayokong may makarinig sa boses ko.
["Ay! Sorry naman.. Pero by the way, wala ka bang class today?"]
"I answered your call, Prima. Ano sa tingin mo ang sagot ko sa tanong mo?" I said sarcastically.
["Hmmm...'kay!"]
I hissed. "Ba't ka napatawag?"
["I missed you kaya ako napatawag. Kung hindi ka lang kasi lumipat ng apartment mo sana magkasama tayo tuwing free time natin. And also, miss ka na din daw ni Primo! Oyyyy!"]
"I missed you, too. Pero alam mo naman ang reason kung bakit gusto kong mag apartment, diba? I just really want to live on my own. Anywaaay, wala ka atang klase today?"
["Oy! You ignored my last sentence, ah."]
"What?"
["That Primo, my twin brother, missed you too."}
I hissed. Again. "Prima, alam mo namang wala akong time para diyan, diba?"
["Okay, fine! You win!"]
Hanggang ngayon, wala paring professor na pumasok sa classroom. Tsk!
Prima and I are high school bestfriends. Nagsimula ang friendship namin noong lumipat sila sa neighbourhood from America. Prima and Primo, who are twins, are half-American, half-Filipino. Prima and I are like sisters na dahil sa closeness naming dalawa. And si Primo, hindi naging maganda ang acquaintance namin dahil palagi niya akong inaaway at 'di kami nagkakasundo sa lahat ng bagay.
Kaya nagulat ako noong inamin niya noong Grade 9 kami na matagal niya na daw akong crush. Siyempre sinabi kong hindi kami mutual. Ayokong magsinungaling sa kanya. And Prima knows about it. When we're in Grade 12, he courted me but I rejected him. Then the rest is history. Ewan ko nga ba dito kay Prima at shini-ship parin niya ako sa kambal niya!
"hmmm... Prima, I have something to tell you..." I said as I bit my lip.
["What is it? May problema ba? You know I'm willing to listen..."] she sound so concerned sa sinabi niya. Ito talaga ang gusto kay Prima, eh. Handa siyang makinig sa mga drama ko sa buhay.
"Kilala mo ba si... Fighter?" I said whispering 'Fighters' name on the phone.
["Fighter? Like the handsome and smart and rich Fighter? The Fighter Montealvez?!"] halos mabingi na naman ako sa sigaw ni Prima. ["Yes! Yes! Of course I know him. Kahit sa ibang university ako nag-aaral kilalang-kilala ko siya! Bakit? Crush mo siya 'no? Nako! Bad boy pala ang type mo, Margau-"]
"Of course not! Hindi 'yan ang gusto kong sabihin sa'yo, Prima. Alam mo naman na Solid #Treasure ako, diba?"
["Hmmm... 'kaaaay. Ano ba kasing nangyari?"]
And then I told her what happened from the very start to the very finish. Habang kinukwento ko iyon sa kanya, naririnig ko kung gaano siya ka kilig sa mga sinasabi ko- e ako nga 'di kinikilig! Well, kay Treasure, oo. Pero si Fighter? No way!!!
["Grabeeeee, Margauuuux! In less than 24 hours na naka-usap mo si Treasure, nakausap mo pa si Daddy Fighter at ang magandang si Zara Nicole Mondeguido?! Grabe, bestyfrieeend! Alam mo bang naiinggit na ako ngayon sa'yo?!"]
I sighed. "Magseryoso ka nga, Prima. Alam mo bang 'di ko ginusto ang mga nangyayari? Simula palang invisible na ako at gusto ko gano'n lang ang sitwasyon ko hanggang maka-graduate hanggang sa nangyari 'to tapos bigla nalang nila akong nakita. Tapos ang pangit pa ng tingin nila sakin."
["Wag mo ngang sabihin 'yan, Margaux! Maganda ka, okay? Atsaka 'wag kang mag-alala, lalamig din 'yang isyu na yan."]
Natapos ang araw na wala akong natutunan dahil walang prof na dumating kahit isa sa unang araw ng klase. Six in the evening nang makarating na ako sa building. Inaksaya ko kasi ang oras kanina sa pagtatambay sa library.
Tinungo ko na ang elevator at nakitang papasara na ito kaya tumakbo ako papunta doon para makasabay na rin. Inipit ko ang kamay ko bago pa man magsara ang elevator kaya nagbukas ulit ito pero nagulat ako nang makita ang crush ko at si- Fighter. Nagtagpo ang mga mata namin ni Fighter pero umiwas agad ako ng tingin at pumasok nalang sa loob. Katabi ko ang crush ko sa loob habang katabi naman niya si Fighter.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko...alam kong kaba ito. Dahil katabi ko ulit si crush! Heeelp!
"Sa 7th floor ka, Miss, diba?" halos mapatalon ako sa gulat nang magsimulang magsalita si crush sa tabi ko. Pero teka... alam niya? Bumilis ulit ang tibok ng puso ko.
"Hmmm... Oo. Sa 7th floor."
"Okay na ba ang mga kamay mo?" napatingin na ako sa direksyon niya. Ang gwapo niya talaga sa malapitan! Tumingin din siya sa direksyon ko.
Nabaling ang tingin ko kay Fighter na nasa gilid ni crush at diretso lang ang tingin sa pintuan ng elevator. Binaling ko ulit ang tingin ko kay crush.
"H-ha?"
"The nerve damage in your hands. Okay na ba?" oh my gaaas! Gusto kong tumalon sa saya dahil naalaala ako ni cruuuush! At concern pa siya sakin. Waaaah!!!!
"Y-Yes. Okay naman na." kalmadong sagot ko kahit nagwawala na ang puso ko sa saya.
Sinandal niya ang balikat niya sa pader ng elevator at hinarap ako. Gooosh! Gusto ko na siyang yakapin!!!
"Ininom mo naman ang gamot na sinasabi ko sa'yo?" Gusto ko na talagang magwala sa sayaaaaa! Pero kalma lang, Margaux. Baka mahalata ka.
"Ahh..ehh...nakalimutan ko eh. Pero bibili ako sa susunod. Salamat ah."
"I'm Treasure." He said. Telling me to correct myself from addressing him.
And yes, honey. I know you from first name to last name!
"Treasure." Sabi ko.
"And you are?"
I can hear 'Hallelujah' singing in my ears. Heto na nga ang simula ng love story ko with Treasure Marco Montealvez, the love of my life.
But of course I must calm myself.
"Margaux. I'm Margaux Dela Fuerte."
*ting!*
Kapag minamalas ka nga naman oo. Buti nalang at nasabi ko ang name ko sa kanya. Ngumiti naman sakin si Treasure at nakipag- shake hands bago kami lumabas ng elevator. Nasa likuran lang si Fighter. Tahimik lang siya.
"ohh! I forgot. This is my cousin, Fighter Montealvez." Habol na sabi ni Treasure habang lumapit kay Fighter na nasa likod at inakbayan ito. Pero mas matangkad si Fighter kaya di niya masyadong naakbayan.
I just nod. Tiningnan ko siya at ganun din siya. Matalim parin ang titig nito sa'kin. At dumadaloy na naman ang kuryente sa buong sistema ko. Weird.
"Hatid ka na namin sa room mo, Margaux. Okay lang ba?" tanong sakin ni Treasure habang naglalakad na kami papunta sa designated rooms namin. Si Fighter ay nasa likuran parin namin.
Huminto naman ako sa paglalakad nang narating ko na ang room ko. Nagtaka naman si Treasure. "Naihatid niyo na ako. hehehe" smiling na sagot ko kay Treasure.
"Room 102...Ohhhh! What a small world. Magkatabi lang pala kayo ng rooms ni Fighter, eh. Room 103 siya. diba, Fight?"
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Wala namang imik si Fighter nang nilingon ko siya. Bumalik ulit ako sa pagtingin kay Treasure.
"G-Ganun ba. Eh ikaw, Treash? Saang room ka?"
I heard Fighter hissed. Ano bang problema nito?
"Nasa end ng hallway ang room ko. Sige pasok ka na at 'yong nerve vitamin na sinasabi ko sa'yo, ha? Wag mong kalilimutan." Gooosh! Heeelp! Heto na naman po siya sa pagiging concern niya sakin...
"Yup. Bibili ako sa susunod. Salamat sa paghatid." I said as I opened my room. "Bye!" then I closed the door.
At wala na akong sinayang na oras. Nagtatalon na ako sa kilig at saya.
"Waaaaaahhhh!!!!! Napansin din ako ni Cruuuuuush!!!!"
Pagkatapos kong magpakasaya ay inihiga ko ang sarili sa kama habang yakap-yakap ang unan suot ang ngiting hanggang tenga. Ito na talaga ang best day ng buhay ko!!!
Kinuha ko ang phone ko at inopen ang IG. Nakalimutan ko palang may sinend si Zara sa akin na link. Pero bago ko pa 'yon inopen ay inistalk ko muna si Zara.
Para talaga siyang angel in disguise! Kahit saang angulo, ang ganda niyang tingnan! Pagkatapos kong i-follow siya ay inopen ko na ang link na sinend niya sakin.
Literal na lumaki ang mata ko sa pinakaunang post ng page! At halos kasing dami ng population ng students sa university namin ang likes and reactions ng photos! I can't believe this!
Admin Student University Page:
Oh my gosh! Look at this exclusive photos of our Daddy Fighter Montealvez with an unknown girl! He's even looking at her with a smile on his face! I can't believe that of all the girls who wants to sit with Fighter in that table every meal, this girl didn't even lose a sweat!
What are your thoughts about these photos? Comment down below!
May apat pala na litrato na in-upload nila. At halos lahat ng photos ay angry reactions ang nangunguna.
I sighed like my life depended on it. Hindi ko naman kasi alam na pwesto niya pala 'yon at 'di ko sinasadyang makaharap siya sa pagkain. 'Tsaka.. Tinanong ko lang naman siya ng maayos na makikiupo ako sa table niya. Napagpasyahan kong basahin ang mga comments.
-Yes, that's true! Marami na akong na-witness na babaeng gustong tumabi sa kanya. Pero palaging nagagalit si Fighter at sinamaan lang ito ng tingin! But this girl? How did she do it?-
-I know this girl! She's from the Chemistry course!-
-She's a one lucky girl!-
-I hate her! How does she steal Fighter from me?!-
-Feel na feel pa niya! Alam naman nating hindi ganyan ang mga tipo ni Fighter!-
-My roommate knows this girl and sabi niya, hindi daw masyadong mayaman ang pamilya niya. Looks like she's gold digging Fighter. But we know Figher. She will not succeed.-
-Social climber!-
Grabe naman kung makahusga itong mga babaeng 'to! Ano bang karapatan nilang husgahan ako ng ganito?!
Naistorbo ako sa pagbabasa ko ng mga comments nang may kumatok sa pinto. Pinuntahan ko naman agad at binuksan ang pintuan pero walang tao. Pero kanina lang may narinig akong may kumakatok. Baka guni-guni ko lang 'yon?
Isasara ko na sana ang pintuan na may nakitang supot na nakasabit sa door knob. Kulay black na cellophane ito. Tumingin ulit ako sa labas baka may tumitingin pero wala namang tao.
Kinuha ko 'yon at tiningnan ang laman nito. Tatlong kahon ng Nerve Vitamins at tatlong pack ng black coffee na mamahalin ang brand.
"Treasure..."
'Di ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. Iniistalk ba ako ni Treasure para malaman niya na mahilig ako sa black coffee? Habang iniisip ko 'yon, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Dali-dali kong sinara ang pintuan at niyakap ang mga pinabili ni Treasure para sa akin. First time lang naming magka-usap ng maayos pero ganun na siya ka-concern sakin. Di ko tuloy mapigilan ang pamumula ng pisngi ko...
Heeeeeelp! I think I'm fallin'...