NAKA-UPO ako sa dalampasigan habang yakap-yakap ang aking mga paa at pinagmamasdan ang paglubong ng araw. Napakaganda nakagagaan ng pakiramdam pero ang bigat-bigat pa rin. Habang nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kalangitan naalala ko siya. Parang may bumara sa lalamunan ko at tila babagsak ang taksil kong luha nang maalala ko ang kahapon, ang nakaraan naming dalawa. Ngunit pinigilan ko ang pagluha dahil sabi nga nila moved on, nakaraan na yun, nakalipas na, at tanging kahapon na lamang.
Naririnig ko ang maliligaya nilang tinig at napapatingin na rin sa mga masasayang bata na naglalaro sa gilid ng dagat, nagtatampisaw at naglalaro ng bola. Buti pa sila masaya. Muli ako napatungo. I missed him, damn.
Marami ring ibang tao na nanonood sa paglubog ng araw. May mga magkasintahan na naghoholding hands, mayroon na mang solo katulad ko, mayroon ding buong pamilya. Marami pa rin naman naliligo sa malamig na tubig-dagat. At ang pinagkaiba masaya silang lahat na nanonood habang ako naghihinagpis.
Narandaman kong may umupo sa tabi ko kaya nilingon ito. Isang batang lalaki na nagniningning ang ngiti na tila ako'y niyaya na makipaglaro. Sa palagay ko ay sampung taon pa lamang siya. Napalingon din ako sa likuran niya naroon ang mga kasamang batang masayang naglalaro kanina matamis na nakangiti na akin. Inirapan ko sila at itinutok ang paningin sa lumulubog na araw.
"You're so suplada naman ate!" singhal ng batang lalaki na naka-upo sa tabi ko kaya napalingon ako. "We want lang naman na makalaro ka and umikot lang mata mo, mmm... Sumabit sana." tumawa ako ng mapakla sa sunod niyang ginawa, ngumuso siya. He's so cute, damn.
Tinignan kong muli ang mga batang kasama niya, lima lang naman sila kasama na ang makulit na batang lalaki na katabi ko. Kagaya ng nagsabing suplada ako e sila naman naka-nguso na rin at kagaya kanina nakatayo sila. Mukhang hindi sila nangngayat tumayo.
"Umupo nga kayo. Para ko naman kayong pinagka-itang maupo sa buhangin,e." Utos ko na agad naman nilang ginawa at sumilay pa ang malawak na ngiti sa kanilang maliliit na labi.
Tatlo silang lalaki na naka-upo sa bantang kanan ko habang sa kaliwa ko naman ang dalawang babae, katabi ko ang pinakabata sa kanila na sa palagay ko ay anim na taong gulang pa lang. Ngumiti siya sakin at biglang hinawakan ang braso na parang niyayakap. Pinabayaan ko lang siya. Binalingan ko nang tingin ang nasa kanan ko na nagsabing suplada ako.
"Bakit ba kayo lumapit sakin... Hindi ako makikipaglaro sa inyo..."
"Magkuwento ka na lang ate!" Masiglang pagsingit ng batang nakayakap sa braso ko. Kaya napatungo ako. Ano naman kaya ang ikukuwento ko sa kanila.
"Oo ate magkuwento ka na lang makikinig kami sa kuwento mo." Pagsang-ayon naman ng batang katabi nang unang umupo kanina.
Pero umiling lang ako at sinabing ayokong magkuwento dahil hindi ako marunong at wala akong alam na maganda ikukuwento sa kanila. Sadyang makulit talaga at sinabi pang iyong experience ko na lang. Kako ayokong bumalik sa kahapon kasi masakit at baka maiyak pa ako sa harap nila ayoko naman na kinakaawaan ako dahil hindi naman ako nakakaawang tao.
"Sige na ate please!"
"Please!"
Napuno ng please ang paligid ko kaya tumango na lang ako habang umiiling. Mukhang mapapasabak ako sa kahapon. Masayang masaya sila nung sumang-ayon ako na magkukuwento na ako tungkol sa buhay ko noon.
Bigla ko na naman siyang naalala at ang mga masasayang kahapon ay bumabalik.
"Ate magsimula ka na! Excited na ako marinig ang kuwentong buhay mo." maligayang sambit ng batang babae na yakap ang braso ko.
"I'm excited too!" Sang-ayon naman mga batang lalaki na nasa kanan ko.
"Bago ako magkuwento. Magpakilala muna kayo."
Unang tumaas ang kamay ang batang nakayakap ng braso ko, "ako muna! Ako si Rochelle... Six years old!" Sumunod naman ang katabi nito "I'm Richelle...I am her sister. Nine years of age." Sunod naman ang nasa kanan ko. "I am Brixen but you can call me Brix... Ten years old." at ang katabi niya " Janrich... Eight years of age." At ang huli. "I'm Neville, call me Nevi... Ten years old."
Ang it's my turn. "Roxanne... Twenty years of age. "
"Can you start now? We're waiting and also excited to know your past." Brix exclaimed because of he's excitement.
"Ok,fine." I replied. Wala din naman akong magagawa.
Tumahimik na sila at naghihintay na simulan ko na ang pagkuwento.
"Magulo noon ang buhay ko. Bully dito, bully doon at kahit saan ako magpunta puro takot at pangamba ang naririnig ko na baka sila na ang sunod kong biktima..." Bahagya akong natawa nang maalala ko ang mga takot nilang mukha. "Magaling din ako sa klase yun nga lang lagi akong wala. Lagi kasi nasa tambay kasama ang mga kaibigan ko... Binansagan nga nila akong the demon girl eh, ako raw ang kaisa-isang babaeng demonyo sa buong campus ganoon na rin sa labas. Wala naman kasing pakialam ang mga magulang ko noon. Lagi lang trabaho ang inaatupag nila. Hindi nila namamalayan na demonyo na pala kaisa-isa nilang anak. And i was just sixteen years old."
"But, when i saw him, when i met him all demonic things about me... was changed to happy memories... To an angel one. All hurts are faded because of his smile. Because of her laugh..." I smiled bitterly. "Doon nagsimula ang lahat... Doon maslalong gumulo ang mundo ko."