Chereads / Sorrowful Morning / Chapter 3 - KABANATA 1

Chapter 3 - KABANATA 1

NAGISING ako dahil sa mainit na sikat ng araw na tumama sa aking talukap ng mata, nang galing iyon sa aking bintana sinadya ko talagang hindi yun sinasarado dahil yun ang nagsisilbing taga-gising ko sa umaga. Ayaw ko kasi ng alarm clock masyadong maingay. Mabigat ang paa kong lumatag sa sahig. Ayoko pa sanang bumangon at matulog na muna pero kailangan pumasok ayoko namang mabulok sa bahay kasama ang mga katulong. Wala rin naman ang mga magulang ko dahil lagi naman silang busy sa business trip nila sa ibang bansa. 'Yon lang naman ang importante sa kanila wala silang pakialam sa akin.

Kinusot-kusot ko ang aking mata saka nagtungo sa Comfort Room para naman kahit papano ay mawala ang antok ko. Pinagmasdan ko ang babaeng magulo ang buhok animoy ginahasa at gusot gusot ang damit. Itim na mayroong pagka-brown ang buhok, matangos na ilong, mala rosas na kulay ng labi, maypagka-kapal na kilay. May konting tumutulog rin na tubing sa baba nito dahil sa paghilamos. Maganda rin ang hulma ng katawan at ang pinakakakaiba ay ang kulay asul na mga mata.

Umiwas ako ng tingin. Repleksiyon ko na naman sa salamin ang pinagmamasdan ko. Ang kakaibang mata, ayoko sa kakaiba kong mata. Sa lahat nang kabilang sa pamilya namin ako lang ang kakaiba. Ako lang ang mayroong asul na mata at hindi ko alam kung bakit. Ang nakalap kong sabi sabi ng iba ay namana ko ito sa ninuno nang pamilya namin. Ang sina-una at ang unang nagtatag sa pamilyang Arrestas.

Pagkatapos kong maligo ay agad na akong bumaba syempre inayos ko rin ang sarili ko at nagcontactlense upang itago ang tunay na kulay ng aking mata. Pagkababa sinukbit ko agad ang bag ko. Hindi na rin ako nagpaalam na aalis dahil ganoon naman talaga ako. May katulong na humarang sakin at sinabing kumain na muna ako pero tumagi ako dahil kako late na ako sa school. Tumango lang naman siya at umalis na sa dinaraanan ko. Halos alas-sais pa ng umaga marahil nagtataka dahil masyado akong maaga.

Nang makarating na ako sa parking ng sasakyan namin lumapit agad ako sa itim na motorbike ko at sinuot ang helmet. Nagbukas din ng kusa ang tarangkahan namin kaya pinaharurot ko nang matulis hanggang makarating destinasyon ko.

Habang nagmamaneho ako napapatingin ang ibang motorista sa kalsada marahil sa suot ko ma naka uniporme na nagmamaneho ng motor. Wala rin lang naman akong pakialam kung pagtinginan nila ako.

Nang makarating ako sa destinasyon ko-ang paaralan. Ay ipinarada ko na ang motorbike ko sa kadalasan kong paradahan.  Kitang kita ko ang mga mag-aaral na napatingin sakin at nakita ko kung paano dumaan sa kanilang mga mata ang pagkatakot marahil nangangamba na sila dahil nakarating na ang demonyong babaeng gagawing impyerno ang buhay nila sa eskuwelahan. Naririnig ko ang mga bulong nila na natatakot.

isang maingay na sasakyang motor ang nag-ingay ang pumukaw sa akin at palapit yon sa pinagparadahan ko nang motorbike ko. Nakasakay roon ang lalaking walang helmet at nakaangkas naman ang babaeng may malaking salamin. Ngiting ngiti pa ang pucha sira naman ang sasakyan. At namilog ang mata ko sa sunod na nangyare... Nagsiklab ang apoy sa aking mga mata, ang puot at galit dahil sa sunod na pangyayare...

Nadaplisan lang naman nila ang pinakamamahal kong motorbike! Marami akong motorbike halos lima o higit pa pero itong gamit ko ngayon ibinigay pa ng lolo ko. Ang pinakamahalaga sa lahat nang motorbike ko!

Dahil sa randam kong inis at galit walang pagundangan kong hinigit ang buhok ng nerd na nakaangkas sa motor na nanggasgas sa motorbike ko. Hinila ko nang malakas na halos mahiwalay na sa anit nito. Haggang sa bumaba na siya ay hawak ko pa rin ng mahigpit ang buhok niyang malagkit. Habang ang lalaking nagmamaneho kanina at namimilog ang mata't naka-awang ang bibig na pinagmamasdan ang babaeng hawak-hawak ko sa buhok. Hindi siya makatingin sakin. Mga stupido!

Patuloy ko pa rin ang pagsabunot sa buhok ng babaeng walang laban sakin. Hindi siya makalaban dahil alam niyang wala siyang laban sakin. Subukan niya lang at talagang matitikman niya ang bagsik ng isang demonyo.

Nagtangkang umalis ang lalaking namaneho kanina pero pinigilan ko siya gamit ang matutulis kong salita. Kako huwag na huwag siyang aalis kung ayaw niyang habulin ko siya at gawing impyerno ang buhay niya sa bawat pagpasok niya sa paaralang ito. Sinabi ko ring panoorin niya kung paano ko tanggakin ang buhok ng babaeng hindot na aangkas-angkas sa sirang motor. Nang magsawa ako sa buhok ng babae tinanggal ko ang mga gamit nito at pinagsisira. Ako ang ginalit nila eh. Kaya ngayon tanggapin nila ang kaparusahan nilang mangahas na daplisan ang motorbike ko.

Sunod ko nilapitan ang lalaking namaneho kanina. Tinangka pa niyang manlaban at tumakbo pero wala siyang laban sakin. Tinadyakan ko siya mula sa likod at nadapa naman siya. Nang nakatayo na agad kong sinuntok ang sikmura nito saka sinuntok sa panga. Medyo matigas ang panga niya kaya medyo nagdugo ang kamao ko.

Walang gustong pigilan ako sa ginagawa kong paghihirap sa dalawang tao ngayon sa harapan ko na umiiyak dahil sa natamo nila. Maraming nanonood pero wala sa kinala ang nagtangka. Ayaw nilang makisawsaw. Nakikita ko ang iba na naawa na, may mga nag-e-enjoy naman sa panood may patawa-tawa pa.

Nang magsawa na ako sa dalawa ay sinunod ko naman ang motor nila. Nakita ko ang baseball bat sa gilid na nakasandal sa basurahan kaya kinuha ko ito at saka pinagpapalo ang motor. Lumuhod, nagnamakaawa at umiyak ang lalaki sakin pero di ko yun pinakinggan. Sa bawat wasiwas ng baseball bat ay siyang pagdurog naman nung sira nilang motor. Habang ginagawa halos matawa na nga ako nang matapos kong paghahampasin dahil sa kinalabasan. Para iyong nasagasaan ng malaking truck, haha. Bagay sa bulok nilang motor.

Nagsimula na akong maglakad na animoy walang nangyare at imbis na magtungo sa klase ko ay napagpasyahan kong magtungo na lamang sa laging tambayan alam ko kasing na roon ang mga pasaway kong tropa. At mainit ang ulo ko ngayon sa kagagawan ng dalawang taong yun. Tsk. Mga stupido nga naman.

Nang makarating ako'y tama ang hinala ko. Nandoon silang dalawa na nagbabangayan. Nasa daan pa nga lang ako rinig ko ang bulyawan nilang pareho.

Sa hardin ang tambayan namin. Sa likod ng paaralan. Masarap kasi ang simoy ng hangin at maaliwalas. Iilan din ang taong nagpupunta rito dahil alam nilang dito ang tambayan ng mga ulol na demonyo. Nabansagan na nga rin nila ito, e. Tinawag nilang The Demonic Place.  Ang ganda 'no? Dahil daw dito ang spotted naming magtotropa. Ang mga nagkataong anyo pero lumalaganap ng kademonyohan sa iskuwelahan.

Sa may kubo kami lagi. May maliit na kubo kasi sa hardin na 'to. Pinagawa ko talaga para tambayan namin. Lagi sa damuhan lang kasi kami noon dahil sa makati siya nagpaggawa na lang ako ng kubo. Walang sino man na hindi kabilang sa tropa ang nangahas na sumilong.

Tatlo lang naman kami. Si Zaria, Shaina at ako.

Tahimik akong umupo at hindi pinansin ang mga hinayupak na nagbabangayan. Wala ako sa mood ngayon upang maki-areglo pa sa kanila. Kaya maspinili kong ma-upo at magpahinga. Medyo napagod din ako sa ginawa ko doon sa dalawang ungas.

Alam kong napansin nila ako dahil ayokong may lumapit sakin sinenyasan ko sila na huwag ng lumapit masyadong mainit ang ulo ko. Pumikit na lang ako. Narinig ko naman ang impit na tawanan nila.

"What happened? Umagang umaga napasabak ka na agad. Hindi ka man lang nangyaya." Zaria said while laughing out load. Nakakaasar tropang ganito. Mainit na nga ang ulo mo't lahat tinatawanan ka pa.

Hindi ako umimik. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatukog ako. Nagising na lang ako nung may bigla tumama na bagay sa bukha ko dahilan nang pagkagising ko. Isa 'yong papel at hindi ko alam kung saang lupalop nang galing. Naka-crumpled yun kaya binuksan ko. Ang nakasulat ay Bully!. Saan naman ito nang galing? Binalewala ko na lamang at saka ibinulsa ang papel na 'yon.

"Roxx! 'Lika na baka nasa loob na ng classroom si Professor Mayla. Delikado." Shaina yelled mula sa malayo. Agad ako nag-ayos at sinukbit ang bag saka nilisan ang tambayan namin. Hindi pa rin mawaksi sa aking isipan kung kanino nang galing ang papel at ano ba ang tunay napakay nun sakin.

Baka hindi sinasadya o sinasadya? Puyenta. Ngayon lang ako naging interesado sa isang bagay. Kanino ba talaga nang galing ang walang kuwentang papel na yun. Kapag talaga nahanap ko at nalaman kung sino 'yon talagang makakatikim ng matamis na sapak, punyetang anak nang unggoy.

Magulo at ingay ang bumungad sa amin sa section Maharlika. Walang tigil ang pagbabatuhan ng papel at mga basura. Wala ring tigil ang mga babae't lalaki na mag-ingay at maglampungan. Hindi naman 'to dating room pero marami ang nagdedate. Meron ngang lalaking nakahiga sa lap nung babae habang ang babae naman kinakantahan itong lalaki. Mga dugyot. Sa loob mismo ng room maglampungan ang sasarap nila tadyakan.

Natigil lang ang ingay nung ihampas ko ng malakas ang bag sa table ko. Saka taimtim na umupo. Wala rin naman laman ang bag ko kung hindi isang ballpen at isang notebook. Nasa bulsa ng palda ko naman ang selpon ko kaya talagang walang masisira sa loob ng bag ko. Subukan pa nilang mag-ingay. Ipapakain ko lahat ng basurang kinalat nila sa buong room.

Nasa pinakalikod kaming tatlo na magkakatabi. Per row kasi ay tatlo at wala ng higit dahil pangit daw tingnan. Kung nasa proferssor table ka at hahanapin saan banda kami ay nasa kanluran katabi ang bintana at kapag per column naman ay ako ang nasa tabi ng bintana at nasa gitna si Shaina at gilid niya si Zaria.

Hindi na muling nag-ingay pa ang klase dahil sa pagdating ng Proffesor namin na si Miss Mayla. Ang itinuturo niya ay science technology. Alam ko na lahat ng yun. Hindi ko na kailangan pa na makinig sa kaniya.