Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Grace Ayana

hemhem1
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.8k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - At First Glance

"Ang iingay!"

Sa sarili ay lihim na himutok ni Hasmine. Nasa kusina man kasama ng kanyang Tiya Letty ay nanunuot pa rin sa kanyang tenga ang ingay na nagmumula sa ibaba. May kumakanta sa videoke nang wala sa tono, may naggigitara at naghahalakhakan ng malakas.

Dapat ay worksheets sa natitirang accounting subjects ang inaatupag niya pero heto at sa pagtatadtad ng mga sangkap at paghuhugas nagugugol ang kanyang oras.

"Min, dalhin mo na muna ito kina Voltaire at baka naubusan na ng pagkain yong mga bisita."

Anak nitong si Voltaire na pinsang buo niya ang tinutukoy. Nagsi-celebrate ito ng kaarawan ngayon kaya may mga panauhin sa bahay.

"Pwede ho bang si LynLyn na lang Tiyang?"

Tutal, mas gusto naman ng pinsan ang nakikipagtsikahan sa mga bisita. Di pa rin naman niya tapos hugasan ang mga pinggan. Nauso na't lahat ang disposable utensils pero heto ang tiyahin breakables pa rin ang gjnagamit.

"Inutusan ko si LynLyn sa kanto. Naubusan tayo ng pineapple juice para dito sa Hamonada ko. Kailangan masarap ito. Mamaya sabihin ng mga kaibigan ni Voltaire na di natin kayang maghain ng masarap."

Ang tiyang niya sobrang aligaga pagdating sa mga kaibigan ng unico hijo. Kaya nga namimihasa na tumambay sa kanila ang mga ito dahil alagang Tiya Letty at Tiyo Roman at habang masaya ang mga ito sila naman ni LynLyn ang naiiwan sa mga hugasin at sandamakmak na kalat.

Tinuyo niya sa gilid ng apron ang basang kamay at binitbit palabas ang tray ng appetizers na kukutkutin ng mga panauhin bago pa man ang hapunan.

Ibig sabihin, ilang oras pa silang magbababad sa kusina.

Lihim siyang napasimangot sa nakikitang kalat sa labas. May isa pang guest na walang pakundangang ipinatong sa gilid ng mesa na nahahanigan ng puting table cloth ang sapatos. Kaybigat pa naman niyong labhan at di pwedeng ilunod sa washing machine dahil woolen material.

Sa kabila pang table nakaupo ang grupo ng tatlong babae na halos lumuwa na ang mga singit sa iikli ng mga shorts. Mabuti't pinayagan ito ng mga magulang sa ganoon ka-provocative na mga kasuotan.

"Hi, Minmin!"

Si Jeff, kabarkada ni Voltaire na kaagad lumapit nang makita ang homemade chicharon na bitbit niya. Walang inhibisyong sinaksak nito sa bibig ang pagkain hindi pa man niya tuluyang nailapag sa skirted na mesa.

"Bakit ba kayong mga Bisaya ang hihilig ninyo sa palayaw na inulit-ulit. Halimbawa, Lyn-Lyn, Min-Min."

Wala ba talagang ibang matinong sasabihin ang isang ito? Discriminating at nagpapakita ng superiority complex.

Inignora niya ang sinabi nito at nagpatuloy sa ginagawa.

"Buti naman at hindi Tir-Tir ang palayaw mo Voltaire o di naman Kaya ay Titi."

Hagalpakan ng tawa ang mga naroroon maliban sa kanya. Ang nakakainis ay sinakyan pa ito ng pinsan.

'Mabilaukan ka sanang bastos ka.'

"Pero pinaka-cute pa rin sa lahat ang MinMin," walang patumanggang pagpapatuloy nito. "Para lang nagtatawag ng kuting. Meow, mweow!"

Doon na siya nag-angat ng mukha.

"Tapunan kaya kita ng juice."

One-punch-liner na nagpatahimik sa lalaki. Pati ang ibang naroroon ay napahinto sa pagtawa. Si Voltaire ay kaagad napalapit. Tahimik siyang tao pero alam ng pinsan na paminsan-minsan ay lumalabas din ang volcanic temper niya.

"Tantanan mo na si Hasmine," utos kay Jeff habang hinahawakan siya sa braso at iginiya paakyat sa hagdanan. "Sige na Min, umakyat ka na muna sa taas."

Mabuti pa nga at baka pati ang chicharon ay itapon niya sa ulo nito. Eksaktong nasa unang baitang na siya nang marinig ang ugong ng papahintong motorsiklo. Kasunod non ang tili ng isa sa mga babaeng naroroon.

Napalingon siya. Tama ang hinala niya, dumating na ang kanina pa hinahanap ni Tiya Letty, ang ultimate crush nong babaeng tumili. Si Lucas Castaneda o mas kilala sa palayaw na Luke na kasalukuyang umiibis ng motorsiklo nito.

Isa pa ito. Ang dahilan kung bakit nakikigaya si Jeff sa panloloko sa kanya.

May pasuklay-suklay pa ng buhok matapos alisin sa ulo ang helmet. Pagkatapos ay ubud-tamis itong ngumiti. Hmmp. Akala siguro kung sinong hollywood actor.

Kiringking.

Sa sarili niya nang makita ang di maitagong kilig ng isa sa mga babae na kaagad pumulupot sa beywang nito. Wala man lang tinitirang dignidad sa sarili at hayagan nang nagpapakita ng motibo sa lalaki. Para sa kanya, gaano man kamoderno ang panahon dapat may reservation pa rin ang mga babae.

"Late ka na naman pogi."

Gwapo nga naman talaga si Luke. Yong tipong may angas, puno ng kumpiyansa sa sarili. The usual handsomely-rugged na karaniwang bida sa pelikula at kinaiinlaban ng mga babae. Maliban sa kanya.

Ano nga ba ang gusto niya? Wala siyang makapang sagot sa sariling katanungan. Sa lahat ng oras ay iniiwasan niyang tumingin sa mga Adan. Para sa kanya distractions ang mga ito sa mga mithiin sa buhay.

Tuluyan na ngang nakapasok si Luke at napagawi sa kanya ang tingin nito.

"Hi Min!"

It was supposed to be a cheerful greeting, pero alam niyang kasunod niyon ay kung ano na namang kalokohan mula sa bibig nito. Ilang buwan na ring ganito si Luke. Binibiro-biro siya at pinagloloko na dati-rati'y naman ay halos hindi sila magpansinan.

Bago pa man ito makagawa ng mga aktwasyon na ikasisira ng sira na nga niyang araw ay minabuti niyang pumanhik sa itaas.

'Bakit ba ako nakikiusyuso?'

Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdanan.

"Kumusta ang mga bisita natin?" si Tiya Letty nang mapasukan sa kusina.

"Awa ng Dios halos mabulunan sa paglamon."

Inilapag niya sa mesa ang tray at binalikan ang hugasin.

"Wala bang mga kusina ang mga yan, Tiyang?" Di naiwasang isatinig niya ang matagal ng laman ng kanyang isipan. "Lagi kasi dito kahit wala namang okasyon."

"Abay umandar na naman ang pagiging anti-social mo."

"Wow ha! Si Tiyang may anti-social pang nalalaman."

Parehong napako ang tingin nila sa kadarating na si LynLyn. Kapapasok bitbit ang pinabili.

"Saang lupalop ka ba ng mundo nagsususuot ha?" ang tiyahin na tinapunan ito ng masamang tingin.

"Tiyang, sa kabilang kanto pa ho ako pumunta, naubusan si Aling Mareng," pagpapaliwanag nito.

"Ng ganyan ang itsura?"

"Bakit, anong masama sa suot ko?"

Kay-ikli ng shorts nito at kayhapit ng blouse.

"At saka yang mukha mong napupuno ng kolorete," di naiwasang puna niya.

"Nakisali pa talaga si Sister Joyce Bernal."

Maikli ang buhok niya kaya yon ang tukso ng pinsan sa kanya at conservative daw siya kaya madalas tinatawag siyang sister.

"Nagpapapansin ka lang don sa mga bisita."

Pansamantalang nahinto si LynLyn sa gagawin sanang pagbubukas ng ref. "Anong masama, aber? I am a normally functioning woman."

"Woman. Hoy! Adolescent ka pa lang."

Umismid Ito. "If I knew, type mo rin isa sa mga yon."

Naimbyerna siya sa sinabi nito. "Hoy Jennilyn, magtigil ka. Kahit kailan wala akong magugustuan sa mga yon."

"Kahit ang prince charming kong si Luke? "

Napahumindig siya sa narinig. Pati ba naman ito?

Paano ba siya magkakagusto sa Luke na yon kung ang tanging alam nitong gawin ay ang inisin kahit nanahimik siya.

"Isaksak mo sa baga mo ang Luke na yon."

"Talaga lang ha?" nakangising tanong na nakatingin sa gawing pintuan.

Naumid siya nang matuklasang nakatayo nga si Luke sa pintuan at sa kanya nakatitig. Sa mga mata ay naroroon ang tila disappointment? Pero nagkakamali siya nang marinig ang sinabi nito pagkatapos.

"Don't you worry, di rin kita type," anito at ngumusi. Na para bang sinasabi nitong 'sino ka bang maganda?'

Di na siya nabigyan ng pagkakataong suplahin ito dahil nabaling na kay Tiyang ang atensyon nito.

"Magandang araw sa pinakapaborito kong Tita."

Yakap na nito sa likuran ang tiyahin at pinupog ng halik sa pisngi.

"Eh ang baho-baho ko anak."

Unbelievable. Ang tiyahin niya kinikilig pa.

"Ang bango niyo nga. Parang humahalimuyak sa bango."

No wonder, kayrami nitong nabobolang babae.

"Hi Lyn!"

Isa pa itong si Lyn-Lyn, nag-i-star ang mga mata sa kilig. Kung anu-ano ang napagkikwentuhan ng tatlo nang di siya kasali. She is completely out of the picture. Habang nagtatawanan ang mga ito seryoso at tahimik lang siya. Usually naman siya ang madalas na kinukulit nito.

"Luke, anak ano nga pala ang kailangan mo?"

Pansamantala itong umalis at nang magbalik ay bitbit na ang dalawang pots ng succulent plants.

"Pandagdag sa koleksyon ninyo."

At sa aalagaan niya.

"Therapeutic ito, pampawala ng epekto ng regla."

Bagama't nakatalikod alam niyang siya ang pinatutungkulan ni Luke ng sinabi nito at ng paghagikgikan ng tatlo.

"Kukuha na rin ho ako ng baso."

Nasa harap siya ng lababo at nasa kanang bahagi niya ang lalagyan ng mga utensils at natural na sa maliit na espasyong napapagitnaan niya at ng working bench ito dadaan.

"Inutos mo na lang sana yan. Nakakahiya at nakita mo pa itong magulong kusina."

Tyempong sa mismong likod pa niya huminto si Luke daan upang mas mapadikit pa siya sa lababo at ang mas nakakaimbyerna ay ang pagdikit sa kanya ng katawan nito. Naaasiwa siya.

"Okay lang ho yon, Tita. I like it when everything is imperfect."

Bakit pakiwari niya ay siya ang imperfect na yon. Bigla ang pagbangon ng consciousness. Ang baho na nga niya siguro. Nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyan na itong umalis sa likod niya.

Ngunit bago ito lumabas ay bumulong pa ito sa kanya.

"Huwag masyadong bumusangot, masyado kang pumapangit," at loloko-lokong tumawa.

Nasundan na lang niya ito ng matatalim na pukol sa likuran.

Kagagaling niya lang sa unibersidad na pinapasukan at naisipan niyang sumaglit sa pinakamalapit na mall, may bibilhin lang siyang gamit sa eskwela. Pagkatapos ay dumaan muna sa isang bookstore na nagtitinda ng mga used books at iba pang literary items. Total, maaga pa naman.

Binuklat-buklat niya ang librong gawa ni Tom Clancy. Mas gusto niya ang mga ganitong genre dahil nai-stimulate and utak niya. Nada sa kanya ang romance. Masyadong cheesey, corny.

"Hmmp, Red Rabbit."

Napapitlag siya nang may biglang nangusap sa kayang likuran at binasa ang title ng librong hawak niya.

Of all people, si Luke pa talaga.

Hanggang dito ba naman ay magkukrus ang mga landas nila? Inignora niya ang presensya nito. Saan kaya galing to? May sukbit ng camera sa leeg. Baka may photoshoot, naisip niya.

"Patingin nga."

Walang anu-anong kinuha nito mula sa mga kamay niya ang aklat.

"Akin na nga yan!"

Inis na pilit niyang hinablot mula rito ang aklat. Kayraming aklat sa paligid ang hawak pa talaga niya ang pagdidiskitahan nito.

"Ssshhh," anito na itinapat pa sa bibig ang hintuturo.

Nakakabulahaw na pala sila. Nakakahiya. Sa yamot ay nagmartsa siya papalayo kay Luke. Hindi din naman talaga siya bibili.

"Hey!"

Ang gago humabol pa talaga sa kanya. Umagapay ng lakad at dahil di hamak na matangkad ito sa height na 6' ay nagmumukha siyang thumbtucks sa tabi nito. Minartilyo na kasi sa 5'1" ang height niya.

"Parang sinong maganda hinahabol ng pogi."

Narinig niyang bulungan ng nakasalubong na grupo ng mga teenagers.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" di niya itinago ang animosity sa tono ng pananalita at ekspresyon.

"Accompanying a friend."

Tumaas ang kilay niya sa narinig.

"Hindi tayo magkaibigan, ulol!"

"Kaya nga I am striking a conversation. Imagine, ilang taon na tayong magkakilala but we never became friends. We never talked beyond one minute. No, we never talked at all."

Ano naman dito? Mahalaga ba rito yon?

"Maybe we could start everything by a simple dinner? Nasa mall na rin lang tayo."

"Ayoko."

Ba't ba ito nag-aaksaya ng panahon sa kanya?

"Kausapin mo na kasi ang boyfriend mo."

Puna ng isang lalaking nakasalubong nila. Iniisip ba talaga ng mama na kasintahan niya si Luke? Bakit, papasa ba siya don sa mga usual na mga babaeng humahabol-habol rito na ayon sa naririnig niya kay Voltaire ay pawang magaganda.

Ang Luke naman tatawa-tawa pa. Hindi offended na napagkamalang kasintahan siya nito. Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang mukha.

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay?"

Mas bumilis ang hakbang niya.

"Okay, kung ayaw mong kumain. Let me at least take you home."

Aangkas siya sa motor nito? Nahihiwagaan talaga siya sa tinatakbo ng utak ni Luke. Napatingin siya sa mga mukha nito. Ito ang pinakaunang beses na nabistahan niya ng malapitan si Luke at tinititigan ng tuwid sa mga mata.

Ang ganda pala ng mga mata ni Luke. Expressive, magnetic. Yong tila nangungusap.

"So?"

Para siyang tangang nakatingala na pala rito.

"Tara na?"

"Magji-jeep na lang ako." Kahit ang boses niya ay biglang naging unsteady.

"Matraffic ngayon. 15th of the month."

Binirahan niya ng talikod si Luke.

"Ayaw mo ba talaga sa akin, love?"

Love?

Ilang dipang layo na siya mula rito nang sabihin iyon ng malakas. Sinadya para marinig ng mga tao kaya napapalingon ang mga nagdaraan sa kanila. Gago talaga. Napapahiyang halos lakad-takbo na ang gawin pero ang Luke nakasunod pa rin.

Nakukunsumi na talaga siya.

Tyempong may nagdaang dalawang babae na di itinago ang pagsulyap na ginawa kay Luke. Mabilis na umandar ang utak niya. Kaagad niyang nilapitan at tinanong: "Yong kaibigan ko naghahanap ng modelo sa photography niya."

Sa direksyon ni Luke siya nakatingin.

"Yong pogi?" di maitago ang kilig ng mga ito.

"Tumpak!"

Bago pa man makahuma si Luke ay kinuyog na ito ng mga iyon kaya't nabigyan siya ng pagkakataong makalayo.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyang makaupo sa pampasaherong sasakyan. But it seems like the odds are working against her. Imbes na maagang nakauwi ay naipit siya ng traffic.

"Late ka na yata," ang tiyong niya nang magmano siya.

"May tinatapos lang ho, Tiyong."

Kasalukuyang kinakalikot ng tiyuhin ang pamilyar na motor.

Nandito na naman si Luke. Naroroon nga, masayang nakikikain sa hapag kasama nina Voltaire at LynLyn at nilalantakan ang Hawaiian pizza.

"Traffic ba?"

Nanunudyo ang ngisi ni Luke. Parang sinasabi nito na 'paarte-arte ka pa kasi, yan tuloy ang napala mo'.

"Dinaanan ka ba ng bagyo?" tanong naman ni Voltaire.

Mga damuhog. Ni hindi man lang muna siya pinaupo at niratrat na siya ng tanong.

Natsek niya and sarili sa salaming nakasabit sa dingding. Magulo ang buhok niya at may linya ng dumi sa kanyang pisngi. Nagtataka siya kung saan iyon nakuha.

"Ang dugyot mo."

Isa pa itong si LynLyn tila nandidiri sa hitsura niya at ang hayop na Luke ngingisi-ngisi, amused sa nakikita.

"Excuse me."

Pumanhik siya sa silid nila ni LynLyn, naligo at nagbihis. Pagbalik niya ay wala ng tao sa mesa. Naiwan ang tanging isang slice ng pizza at mga natatakpang tirang pagkain.

Akmang kakainin na niya ang pizza nang mapansin ang katabi ng karton.

Ang libro ni Tom Clancy, may nakataling ribbon.

Binili ni Luke? May kung anong tuwang pumuno sa kanyang dibdib. Binuklat niya iyon. For you, ang nakasulat na dedication sa cover page. Pakiramdam niya ay naka-address sa kanya ang sulat-kamay na yon. Bigla kasi ang pagsikdo ng kanyang puso.

"Akin to."

Parang nahulog ang panga niya nang hablutin iyon ni LynLyn mula sa kanya.

"Sa'yo yan?" paninigurado niya.

"Alangan namang sayo eh hindi naman kayo close ni Luke. "

Oo nga naman.

Akala ko pa naman akin na.

May kung anong disappointment na nagdaan sa kanyang dibdib.

Kasalukuyan na siyang nagpapatuyo ng mga hinugasang pinggan nang maagaw ng malamyos na tunog ng gitara ang kanyang pansin. Sinabayan iyon ng malamyos na boses lalaki.

Imposibleng si Voltaire iyon. Boses palaka ang pinsan. Naengganyo siyang sinuhin ang kumanta.

"Wise men say only fools rush in."

Ang ganda ng boses. Tila nanunuot sa kaluluwa.

"But I can't help falling in love with you."

Luke?

To her surprise, si Luke ang nag mamay-ari ng magandang tinig. Ni minsan hindi niya nakitang humawak ito ng gitara o di kaya ay kumanta sa karaoke.

Luke sings so tenderly. Marahil kung sinuman ang babaeng kakantahan nito sa ganitong paraan siguradong mas mapapalambot ang puso, mas maiinlab.

Suddenly, napadako sa gawi niya ang paningin ni Luke. Binalak niyang umalis sa kinatatayuan subalit pakiwari niya ay nilalamon siya ng kung anong mahika sa paligid. Maaaring nang malamyos na boses nito o ng mga matang tila nagsusumamo.

"And I can't help falling in love with you."

Parte ng lyrics ng kanta ngunit pakiramdam niya sa kanya direktang sinasaad iyon ni Luke. Na parang hinaharana siya.

Natapos ang kanta. Natapos ang pantasya.

"Ang galing!"

Pumalit ang ingay at palatak ng mga pinsan. Kasabay non ay ang tila paggising sa malalalim na panaginip.

Ano bang nakain mo, Hasmine? Umalis siya sa kinatatayuan habang di maiwasang damhin ang dibdid. Ganoon na lang ba talaga kabigat ng epekto ng kanta at hanggang ngayon ay naroroon ang kakaibang pintig.

Weird.

"Kung alam ko lang na ganyan ka kagaling dapat ikaw na yong kinuha namin na gitarista nong nagbanda kami nina Jeff."

Lumalagpas sa kanyang tenga ang sinasabi ng kaibigan. Nanatiling nakapako sa kinatatayuan ni Hasmine ang titig niya.

'I thought there was something in her eyes.' Nagkakamali siya. Napabuntunhininga na lang siya.

"Sige, aalis na ako."

"Ang aga pa," angil ni LynLyn na hinawakan pa siya sa braso.

"May raket ako bukas eh."

Totoo yon, may photoshoot siya sa Laguna. May magdyowang bakla na na nagsi-celebrate ng anniversary ang photoshoot na gagawin niya. Sumadya lang talaga siya rito dahil sa iisang tao.

"Nakakabulahaw na rin," dagdag katwiran niya.

Nanaog siya ng bahay at tinungo ang kinapaparadahan ng motorsiklo. Bago buhayin ang makina ang makina ng motosiklo ay sumulyap muna sa gawing silid ni Hasmine. Bagama't di nakikita sigurado siyang puspusan ang ginagawa nitong pag-aaral. Bahay, eakwelahan, palengke- ang mundong ginagagalawan ni Hasmine.

Nagulat pa nga siya nang makita ito sa mall kanina. Nong una ay nag-atubili siyang lumapit ngunit naglakasloob siya. Yon nga lang mali yata ang approach niya. Nagagago kasi siya pagdating kay Hasmine.

'Good night, Hasmine Angeles.'

Tanging sa hangin na lang niya ibinubulong.

"Sleep tight as I dream of you tonight."