Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.
Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.
Minumulto ba ako? At bakit siya na naman?
I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."
Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso.
Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang."
"Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin.
"Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito.
Tumawa ito ng mahina.
"Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya.
"Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo para sundan kita... baka ikaw ang stalker ko?" Lumapit ito sa akin. Napaliyad ako ng bahagya at isang dangkal na lang didikit na ang katawan nito sa katawan ko. Kapag umatras naman ako baka mamali ako ng hakbang at bumaliktad ako sa baitang ng hagdan.
Bumaba ang tingin nito sa bandang dibdib ko. Bastos talaga.
"Tusukin ko kaya yang mata mo." Pinanlakihan ko ito ng mata. Nakakaasar na talaga.
Lalo pa itong ngumisi. "Tusukin mo na, baka maunahan pa kita pagsisisihan mo pa."
Nanggigigil na talaga ako. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko ito itinulak ngunit sa kasamaang palad umiwas ito. Napapikit ako ng mariin dahil alam ko kung saan ang bagsak ko. Napasigaw ako ng tumama ako sa matigas na... dibdib? Inaakala ko talaga babagsak ako sa sahig pero may isang mabuting puso na sumalo sa akin. Maituturing kong isa siyang superhero dahil nailigtas niya ako sa bingit ng kapahamakan.
Agad akong nagmulat ng mga mata at tiningala ito.
"S-sorry." Kumawala agad ako rito.
Nagulat man ito pero napalitan kaagad ng ngiti.
"It's okay, sakto lang din pala ang labas ko kung hindi nasalo ka ng sahig. Okay ka lang ba?" tanong nito ng nakangiti. Parang gentleman naman ito dahil hindi nag-take advantage lalo pa at magkadikit ang katawan namin. Hindi katulad ng iba riyan sa tabi-tabi napakabastos.
"Okay lang po ako. Salamat po!" Sa wakas sinuwerte rin. Mabuti na lang at kami lang ang nandito kung may ibang nakakakita malamang kinain na naman ako ng hiya.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa aming dalawa ng bastos na lalaki.
"Pare, nag-swimming ka ba?" natatawang tanong nito sa bastos na lalaki.
Kung kanina hindi maalis-alis ang ngiti nito sa pang-aasar sa akin, ngayon naman ay seryoso ang mukha nito.
Ngumiti ito ng alanganin. "Hindi pare, nagkabanggan kasi kami niyan natapon sa damit ko ang tubig." Itinaas nito ang basong wala ng laman.
"Talaga?" Tila ayaw maniwala sa kaniya ni kuya na sumalo sa akin.
Bumaling din ito ng tingin sa akin. "Isa ka ba sa mga boarders ni mommy?"
So, anak pala siya ni Nanay Cita. Kaya pala maliwanag ang kabahayan may pa-welcome party pala, akala ko kung ano na ang nangyari sa kaniya.
Nakatingin lang ako rito. At siya naman naghihintay ng sagot ko.
Awkward!
"O-opo," nauutal kong sagot dito.
Tumango lang ito. "Patrick nga pala." Inilahad nito ang kamay nito sa akin.
Nag-alangan akong abutin iyon. Nakakahiya rin kapag hindi ko inabot ang kamay nitong nakalahad.
"Ann po." Abot ko sa kamay nito. Ang lambot.
"Ikaw pala ang palaging kinukuwento ni mommy sa akin." Ngumiti ito na tila nakapaskil na sa mga labi niya.
"Cut the formalities, Patrick na lang itawag mo sa akin, hmm?"
Bumaling naman ito sa kaibigan niyang bastos. Akala ko nag-disappear na ito, nandito pa rin pala. "Pare, may extra clothes ako ro'n baka gusto mo magpalit?"
"No need pare, matutuyo rin ito." Nakapamulsa pa rin ang isang kamay nito habang hawak sa kabilang kamay ang baso. Ngayon ko lang nakitang sumeryoso ang pagmumukha niya. Sabagay dalawang beses pa lang naman kami nagka-encounter.
"O, Ann nandito ka na pala." Si Nanay Cita.
Lumapit ako rito upang magmano. "Magandang gabi po, mano po."
"Ann, ipakilala ko pala sa'yo ang anak ko...." nakangiting saad ni Nanay Cita.
"Nagkakilala na kami mommy," ani Patrick sa ina niya.
"Talaga? Kailan?" Makahulugan ang ngiti ni Nanay Cita.
"Ngayon lang po," ani Patrick.
"That's good. Kumain ka na ba, Ann?" Bumaling sa akin si Nanay Cita.
"Opo, kanina pa po."
"Kapag nagugutom ka may pagkain doon sa kusina kumuha ka na lang." Tumingin si Nanay Cita sa gawi ng bastos na lalaki. "Calvin hijo, anong nangyari sa'yo bakit basa ang damit mo? Magpalit ka baka ika'y magkasakit."
Calvin pala ang pangalan ng bastos. Ka ano-ano kaya ito ni Nanay Cita?
"Okay lang po ako tita, don't worry po," sagot naman nito.
Tumango lang si Nanay Cita. "Magsabi ka lang, hijo."
Magalang naman pala, eh.
"Excuse me po, papasok na po ako." Paalam ko sa mga ito. "Salamat ulit." Tumingin ako kay Patrick.
"Sure. Good night, Ann," ani ni Patrick.
Ngiti lang ang isinukli ko rito.
Narinig ko pa ang tanong ni Nanay Cita kay Patrick kung ano ang nangyari.
Pumasok kaagad ako sa kuwartong inuukupa ko at pasalampak na humiga. Tumingin ako sa kisame at maya maya ay nakatulog na ako ng hindi nakapagpalit ng damit. Siguro sa sobrang daming pangyayari at masiyadong na i-stress ang utak ko kaya nakatulog agad ako.
Kinabukasan paggising ko saka lang ako nakapagpalit ng damit bago lumabas ng kuwarto. Magluluto na lang ako ng noodles para may sabaw, mukhang naghahanap na ng pagkain ang tiyan ko.
Paglabas ko ng aking silid nakasalubong ko si Josie na palabas din ng kaniyang silid na tila nagmamadali.
"Good morning ma'am, late ka na tapos na ang flag ceremony. Hindi na kayo papasukin ng guard," biro ko rito.
"Ma'am mo mukha mo," tumawa ito. "Girl, excited na ako bukas sa outing. Makikita ko na si fafa Jake." Kinikilig-kilig pa ito habang banggit ang pangalan ni Sir Jake. "Pero alam mo girl..." Lumapit ito sa akin. "Andaming boylet kagabi at ang gu-guwapo pa, pero mas lamang talaga si fafa Jake sa kanila." May paghampas pa ito sa aking balikat.
Napapailing na lang ako rito. "Ikaw ma'am ha, isa-isa lang."
"Kaya nga si fafa Jake lang naman talaga ang gusto ko." Para itong kiti-kiting hindi mapakali. "Kasi ang macho-macho niya, feeling ko lang kaya niya akong ipagtanggol kahit kanino."
"Ma'am, tatanghaliin ka na... gising na." Niyugyog ko ito ng bahagya.
At saka ito tumingin sa wrist watch niya. "Sh*t, malapit na nga akong ma-late... sige girl, see you tonight. Bye." Halos talunin nito ang hagdan sa sobrang pagmamadali.
Pagbaba ko ng kusina wala akong nadatnang tao, kaya nagpakulo agad ako ng tubig para sa noodles.
Habang naghihintay ako na kumulo ang tubig ng biglang may nagdoorbell. Pinakiramdaman ko muna kung may lalabas pero parang wala yata si Nanay Cita kaya nilabas ko na rin dahil panay ang doorbell nito. Hindi ko na tiningnan ang cellphone ko bago bumaba baka may text si Nanay Cita ro'n. Madalas kapag umaalis siya ng bahay niya nagsasabi siya o nagte-text sa akin.
Pagbukas ko ng gate tumambad sa harapan ko ang kinaiinisan kong nilalang.
"Hi, good morning!" bati nito sa akin ng nakangiti.
Hindi ako nag-atubiling batiin ito bagkus tinaasan ko lang ito ng kilay at binuksan ko na lang ang gate para makapasok ito.
"Wala rito si Nanay Cita."
"Alam ko, nagpalaam naman ako sa kaniya na pupunta ako rito," anito.
Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran ko na ito. Nagpatiuna na akong pumasok sa loob ng bahay nang maalala ko ang pinakuluan kong tubig at ito na ang nagsarado ng gate. Mukhang sanay na rin naman na ito rito kaya hinayaan ko na rin ito.
Sa tagal kong nangungupahan sa bahay ni Nanay Cita pero kagabi ko lang ito nasilayan dito. Hindi ko namalayang sumunod pala ito sa akin sa kusina.
"Anong niluluto mo?" Lumapit ito at tumabi sa akin.
"Hindi ka naman siguro bulag at nakita mo ang niluluto ko, 'di ba?" Hindi ko ito nilingon.
"Sungit, puwedeng pahingi niyan?"
Nilingon ko ito at tiningnan. "Pumunta ka lang ba rito para mang-asar?"
Umiling ito. "Nandito ako para mag-apologize sa'yo. May dala pa nga akong food pang peace offering." Itinuro nito ang supot na nakapatong sa taas ng lamesa.
"May pagkain ka naman palang dala eh, kainin mo na!" Tinalikuran ko siya at umupo sa dulong upuan ng lamesa bitbit ang niluto kong noodles.
"Exchange tayo." Kinuha nito ang supot at inilapag sa harapan ko saka kinuha nito ang umuusok na noodles sa akin.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa sa kaniya. Nakakayamot na talaga siya! Arggg.