Chereads / Accidentally Love You / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Sinamaan ko ito ng tingin, parang hindi tumalab at lalong pang ngumisi.

"Ganiyan ka ba talaga ka bastos? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Tinalikuran ko ito at umakyat sa silid na inuukupa ko. Nawalan na ako nang ganang kumain. Umupo ako sa higaan ko at huminga ng malalim.

"Relax self, relax..." Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko habang nag-i-inhale-exhale ako.

Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma ko sa aking sarili, ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 'Yong tipong hindi nakakalikha ng tunog. Parang magnanakaw lang ang peg.

Sumilip muna ako sa kusina baka nandoon pa siya. Mukhang wala na yata dahil ang tahimik, eh. Pumasok na nga ako sa kusina at nabungaran ko ang isang box ng noodles na nakapatong sa itaas ng lamesa at ang supot na may lamang pagkain na pang peace offering daw nito sa akin. Hindi ko na rin nakita ang bowl ng noodles sa lamesa, sa halip nakita ko ito sa lagayan na ng mga plato.

Kumakalam na rin ang sikmura ko at humupa na rin ang galit ko dahil sa gutom kung kaya't kumain na lang ako.

Lumapit ako sa lamesa at binuklat ang laman ng supot. May nakadikit na papel sa loob ng supot kung kaya't kinuha ko ito at binasa.

"Miss Sungit, sorry na... I didn't mean to annoy you, I'm just joking lang naman. Sorry talaga. By the way, kinain ko na lang 'yong noodles infairness masarap pala. Sayang din kasi kung hindi ko kakainin, mainit pa naman. At pinalitan ko rin ang noodles na kinain ko ng isang box, siguro hindi ka na lugi ro'n, ano? At 'yong food na nasa supot, peace offering ko talaga 'yon sa'yo about last night. Don't worry, walang gayuma 'yan. Kung ayaw mong kainin ipamigay mo na lang. Thank you sa masarap na noodles. Until next time. My sincere apology. Calvin."

Hindi na rin ako nagdalawang-isip na kainin ang pagkaing nasa supot. Mukhang binili pa nito sa mamahaling restaurant. Ibinulsa ko muna ang note baka mamaya may makakabasa pang iba. Naubos ko ang pagkain na dinala nito. Happy na naman ang mga alaga ko sa tiyan. Sana nga lang tinablan siya ng binitawan kong salita kanina. Masiyado kasing bastos. Iyan pa naman isa mga katangiang inaayawan ko sa lalaki. Naiinis pa rin ako sa kaniya.

Napagdedisyunan kong ibahagi sa iba ang isang box ng noodles na iniwan nito. Nagdala ako ng ilang pack ng noodles para sa kasamahan ko sa trabaho at ang iba ay ipinamigay ko sa mga nanlilimos na mga bata sa daan.

"Oy, may relief goods si mayora. Ano mayro'n?" tanong ni Ernie habang binubuksan nito ang plastic.

"Wala naman. I just found out na masarap pala sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa." Nginitian ko sila.

"Nilalagnat ka ba?" tanong naman ni Jessa at idinampi ang likod ng palad niya sa aking noo. "Hindi ka naman nilalagnat."

Alam kasi nila kung ano ako ka kuripot at madalas sila ang nanlilibre sa akin. Hindi naman sa pagdadamot, sadyang nagtitipid lang kasi ako. Kaya bago sa kanila ang ganitong scenario na ako ang nagbibigay. 

"Gusto niyo o ayaw niyo? Ipamimigay ko na lang 'yan sa iba." Akmang babawiin ko.

"Sinong nagsabing ayaw? Gusto ko kaya. Ilang araw na pagkain din 'to, 'no," sabi ng isa naming kasamahan na si Anesto at agad na inilayo ang supot sa akin. "Next time kapag mayro'n ulit, sa akin mo na lang ibigay lahat ha, mukhang ayaw nila, eh."

"Hoy, Anesto..." Duro ni Jessa rito. "Pagmumukha mo ang ayaw namin hindi itong pagkain." Inirapan nito at pumasok sa loob ng cashier's booth bitbit ang supot ng noodles.

"Ayaw raw sa pagmumukha ko, pero ako naman ang palaging hinahanap kapag hindi ako nakapasok," anito kay Jessa ngunit sa amin nakatingin.

Nakatutuwa talaga ang dalawang ito palaging nagbabangayan. 

Bahagyang binuksan ni Jessa ang pinto ng cashier's booth. "Ang kapal talaga ng mukha mo, natural hahanapin ka dahil kulang sa tao." Muling isinarado rin kaagad nito ang pinto.

"Ang sabihin mo may gusto ka sa akin. Kaya palagi mo akong hinahanap. Aminin mo na kasi na gusto mo ako dahil gusto rin naman kita," pangiti-ngiting saad ni Anesto rito.

"Ano?" pasinghal na tanong ni Jessa rito at nagkunwaring hindi narinig pero namumula ang mukha.

Pigil naman ang tawa namin. Mukhang may nanalo na. Matagal nang may gusto si Anesto sa kaniya. Mukhang ngayon lang nakaipon ng tapang itong si Anesto na ipagtatapat ang nararamdaman niya kay Jessa.  

"Ilang basong self confidence ang ininom mo kanina, pards?" Pang-aasar ni Ernie kay Anesto.

"Huwag mo ngang ginaganiyan si Anesto. Ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob 'yong tao kinontra mo pa." Kunwaring saway ko kay Ernie nang nakangiti. "Magkarga ka na roon." Pagtataboy ko rito. "Galingan mo ang panliligaw para sagutin ka, siguraduhin mo lang na hindi magkakamali 'yan sa isinusulat niya baka mabatukan ka," pabulong na sabi ko rito sabay hagikhik saka ako tumalikod dito.

Napakamot na lang ito sa ulo niya. Hinintay niya lang talaga na matapos si Jessa dahil magkasabay silang dalawa nag-abang ng masasakyan pauwi. Hindi kinikibo ni Jessa si Ernie kahit panay ang salita nito. Mukhang seryoso nga si Anesto sa panliligaw at mukhang pinanindigan na rin ang binitiwang salita.  

Nang may dumaang jeep naunang umakyat si Jessa at sumunod naman itong si Anesto. Akmang hahawakan ni Anesto ang siko ni Jessa ng bigla nitong sikohin si Anesto, ayun sapol sa noo. 

"Aray, pards...." sigaw ni Ernie rito sabay tawa.

Sapo-sapo ni Anesto ang noo ngunit sumunod pa rin ito kay Jessa.

Napapailing na lang ako sa dalawang iyon. 

NAGING abala kami sa aming trabaho nang hindi namin namalayan ang oras at malapit na rin kaming umuwi. 

Bago umalis si Sir Jake kanina naghabilin na ito tungkol sa outing namin bukas. 

Kinabukasan, dito sa station kami magkikita-kita dahil dito namin pinapunta ang nirentahan naming sasakyan papunta ng resort. 

Si Sir Jake na lang ang hinihintay namin para makaalis na kami. Naipakilala ko na rin si Josie sa mga kasamahan ko. Mabilis niya lang din namang nakagaanan ng loob ang mga ito at nakikipag-usap na rin siya sa mga ito.

Maya maya pa ay dumating na si rin Sir Jake at iniwan nito ang dala niyang sasakyan. Sumabay siya amin sa nirentahan naming sasakyan.

Nilapitan muna namin si sir bago ito sumakay sa sasakyan.

"Sir, si Josie po pala ang friend ko." Ipinakilala ko kay Sir Jake si Josie. "Josie, si Sir Jake, manager ko."

"Hi, nice to meet you." Nilahad ni sir Jake ang kamay rito.

"Nice to meet you too, sir?" Tinanggap nito ang pakikipagkamay ni Sir Jake sa kaniya.

Saglit lang ang pakikipagkamay ni sir kay Josie at kaagad din nitong binawi. Ngunit itong si Josie halos himatayin na sa kilig dahil sa simpleng pagdampi lang ng mga kamay nilang dalawa at iba ang hatid noon sa kaniya.

Sinadya kong lumipat ng mauupuan nang sa ganoon ay magkatabi si Sir Jake at Josie. Parang nahihiya pa si sir tumabi rito pero no choice na rin siya dahil 'yon na lang ang bakanteng upuan. 

MAYA MAYA pa ay dumating na kami sa isang beach-resort. Sobrang nakakamangha ang ganda ng dagat.

Dahil weekend, madaming tao at mga turista ang nandito. Binaba muna namin ang lahat ng gamit sa sasakyan at inayos ang mga ito sa cottage na inukupa namin.

Nagluto lang kami ng the usual na umagahan. Hotdog, itlog at tuyo. After breakfast, we decided na maligo na habang hindi pa masiyadong mainit ang sikat ng araw. 

Dahil walang maiiwan sa cottage, nagpresenta si Sir Jake na magpaiwan dahil mamaya na lang daw siya maliligo. Nahiya naman si Josie maiwan kasama ni Sir Jake kung kaya't sumama ito sa aming maligo baka raw kasi obvious masiyado na may gusto siya kay sir kapag magpaiwan ito.

Maya maya pa habang nag e-enjoy ang lahat ng biglang pinulikat si Josie kaya dali-dali namin itong iniahon sa tubig. Nang medyo maayos na ito saka ko ito tinulungan makabalik ng cottage. Ayaw na rin nitong maligo pa. Iniwan ko siya sa cottage kasama ni Sir Jake. She left no choice kun'di magpaiwan na lang. 

Bago ako tuluyang bumalik sa dagat tinapik ko ang balikat nito at nginitian. "Day, good luck... pagkakataon mo na." Bulong ko pa rito. Na gets naman agad nito ang ibig kong sabihin kaya naman pinandilatan ako nito ng kaniyang mga mata na kunwaring inis pero kinikilig naman.

Nagtagal kami sa tubig, saka lang kami umahon nang maramdaman namin na masakit na sa balat ang sikat ng araw. 

Agad akong umahon at naghanap ng banyo. Nang makita ko ito basta na lang ako tumakbo at tinungo ito. Biglang sumakit ang tiyan ko at hindi ko na kayang pigilan pa. Tinawag ako ng mga kasamahan namin ngunit hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako. 

Dire-diretso rin akong pumasok sa loob ng banyo nang hindi ko na tiningnan kung pang babae ba o lalake ang nakalagay. Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko sa aking nakita. Isang lalaking naliligo ng hubo't hubad. Bigla akong napasigaw at ganoon din ito. Lalo akong pinagpawisan ng malala. Pakiramdam ko himatayin ako sa aking nakita at parang biglang umurong ang tawag ng kalikasan.