Athena's POV
Binabantayan ko si Jecho na nagluluto. Dito daw kasi siya sa condo ko kakain pero wala namang makain dito kasi si Kei busy sa school. At dahil sobrang mahal ko ang taong to at ayaw ko siyang mapahamak, hawak hawak ko ang fire extinguiser habang pinapanood siya. Malay niyo baka biglang umapoy bigla ang niluluto niya. You know nangyayari yun sa mga chef. Yun bang paapoy apoy pa ang niluluto nila? Mga pa great sila. Pano pag nagkasunog duh?
"Athena," tawag niya sakin na sa niluluto niya siya nakatinigin. "Kunin mo nga yung---" bigla siyang tumingin sakin at nakita yung hawak ko. "Bat mo hawak yan?" bigla siyang natawa kaya napasimangot ako. Siya na nga inaalala ako pa tinatawanan. Kainin kita diyan eh.
"Siyempre noh, prevention is better than cure kaya," I rolles eyes on him.
"Ano namang connect nun?" tumatawa parin siya. "Masyado kang nerbyosa baby. Nagluluto lang ako," aniya na bahagyang hinalikan ang tungki ng ilong ko."
"Wag kang chansing! Saka anong baby? Di ko alam habang tumatagal lalo kang kumo korny. Psh." Niyakap ko ang fire extinguisher.
"Akala ko sasabihin mo lalong tunatagal lalo naman akong sumasarap," aniya sa mababang boses at nilapit pa ang mukha ko sakanya. Tinuktukan ko siya ng hawak kong extinguisher kaya tunawa siya. "Just kidding. Saka wag kang mag alala. Marunong akong magluto kaya hindi magkakasunog dito sa kusina."
Ngumuso ako saka tinignan ang niluluto niya. "Woah amoy masarap! Kain na tayo! Kain na tayo dali!"
"I called your dad kanina. Sabi niya wag ka na daw masyadong kumain ng marami lalo uminom ka ng gamot to stimulate your muscles. Kaya amoy amoy ka lang muna diyan," he said na kinakunot ng noo ko.
"So nagluto ka para amuyin ko lang?" tinaasan ko siya ng kilay.
"You will eat a bit of it later. Sabi ng dad mo masyado daw malakas yung gamot na yun but it can't help you digest food. Kaya lang niyang i maintain ang health mo kahit di ka kumain ng solid food until the date of your shot," he said.
Suminangot ako at nilapit ang ilong sa pagkain at inamoy yun. "Di ba talaga ako pwede kumain?"
"Do you really want to it that much?" I heard him say kaya napaangat ang ulo ko bigla at tumango tango.
"Then promise me one thing," he said looking at me seriously. "Promise me you will come back. Make sure you'll come back and I promise you I will cook everything you want to eat."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "I promise, I will make sure I'll come back to you," I said na nakapagpangiti sakanya.
"We're here!!!" nakarinig ako ng sigaw mula sa pinto at nakita ko ang pagpasok nina Mr. Han, Angelo at Kei.
"Uy nagluto ka dude? Great! Matitikman ko na din sa wakas ang luto mo," Angelo said at tinulungan na akong buhatin ang pagkin papunta sa lamesa.
We sat infront of the table. "Okay kain na tayo!" Angelo said at kukuha na sana ng pagkain nang tampalin ko ang kamay niya.
"Wait! Kuhanan ko muna ng picture!" I get Jecho's phone sa mesa at kinuhanan ng picture ang mga pagkain. "I'll take picture of you too Angelo," I said at nag wacky pose naman siya. "Mr. Han," sabi ko naman at nag pose siya with his peace sign at kindat. "And my bff Kei," I said at nag pose naman siya na nakanguso ang labi. Tinutok ko naman ang camera kay Jecho at kinuhanan siya kahit di siya prepared. Haha. Stolen ang kanya. Bala siya jan.
"Wait, that's unfair," he said kaya hinapit niya ako palapit sakanya. "Okay three," bilang niya kaya tumingin ako sa camera. "Two," he said again but this time nakatingin na siya sakin kaya napatingin na din ako sakanya. "One," he said at bigla niya akong hinalikan sa labi. A smack kiss at that. And dahil sa gulat ko napindot ko ang click button kaya nakuhanan yun ng picture.
"Ang programang ito ay rated SPG," ani Angelo na nakapagpatawa samin.
"I will post this wait," I said at kinuha ang phone ni Jecho. Naka open ang fb niya kaya pinost ko yung picture namin na naghalikan at ang caption ay 'My dear Athena, I just love you without reason'. Tinag ko pa sa fb ko siyempre. Ilang minuto pa ang lumipas ay napangiti ako nang madami mg comments at likes.
"What are you doing?" Jecho askes at kinuha ang phone niya mula sakin.
Tinignan ko naman ang mga kasama ko at nakahawak sila lahat sa phone nila na nakangiti. I tilts my head kaya kinuha ko naman ang phone ko at tinignan ang fb ko. Madami na ngang comments kaya nagbasa ako.
Angelo:
Shocks my innocent eyes 🙈
Mr. Han:
Awesome 👍
Nagreply din ako.
Athena: Em shey enebe 😅😅😅
"Di ako makarelate di ko friend si Jecho kaya di ko makita post," ani Kei.
"Wait add kita accept mo ah?" sabi ko at inagaw ang phone ni Jecho. Inadd ko si Kei at wala pa ngang dalawang segundo na accept na niya.
Binigay ko naman ang phone kay Jecho at tinignan ang pinost ko. "Kailangan talagang ipost to?" tanong niya sakin sa mahinang boses.
"Oo naman ah. Di ba nga sabi ko irere establish natin ang memory bank mo. Mas okay yung ipost natin para malaman ng iba na mahal mo ako," I winked at him kaya napangiti naman siya.
"Okay cheers na lang tayo," Mr. Han said at tinaas ang baso ng alak. "Cheers!" We clicked our glasses. Sila alak ako juice. Bawal na kasi sakin ang mag alak.
Dumaan pa ang mga oras at mejo lasing na ang mga kasama ko. Si Kei hinatid na ni Mr. Han sa kwarto niya samantalamg si Angelo ay namumula na ang mukha. Bahagya naman akong tumayo at hinila si Angelo papunta sa isang sulok.
"Angelo, before I go I have a gift for you," I said kaya napangiti siya sakin.
"Nasan?" he asked. Namumungay na ang mga mata niya sa lasing.
I handed him a notebook. Nag drowing ako dun ng mga nature sceneries na pwede niyang makuhanan ng inspiration. Nalaman ko kasi na mahilig siya mag paint pero dahil sa pressure ng parents niya di niya na pursue ang dream niya. "Angelo, when I leave I want you to pursue your dreams. Wag kang magpatali sa gusto ng ibang tao para sayo. I want you to do what you want. Fight for your dreams."
Bigla naman siyang naluha. "You really know me Athena. Mas ayoko na niyang umalis ka. Thank you," he said at niyakap ako.
Hinaplos ko naman ang likod niya. Bigla namang lumapit si Jecho na malalaki ang mata sa nakitang yakapan namin ni Angelo.
"Oy Angelo!" sigaw niya pero di siya pinansin ni Angelo. Patuloy lang itong umiiyak ng malakas. Dala na rin siguro ng kalasingan niya. Tumikhim ng malakas si Jecho. "Sinong nagbigay ng karapatan sayo na yakapin si Athena ha?"
"Just let me hug her for 1 minute dude. Just one minute please?" Angelo said kaya napangiti naman ako.
"Time's up!" Jecho said kaya humiwalay naman na si Angelo sakin.
"May gift din ako sayo Athena, ibibigay ko bukas," Angelo said na gumegewang pa ang tayo niya.
"Sure, pero uwi ka na muna ha? Lasing ka na," I said at inalalayan siya ni Mr. Han.
"Antayin mo bukas Athena," pahabol niya bago sila nakalabas ng bahay.
Lumapit naman sakin si Jecho. "Where's my gift too?" he asked me.
"Ah? Ah... Nandun sa kwarto ko. Kunin ko wait," I said at tumalikod na pero pinigilan niya ang braso ko at hinapit ako palapit. He carried me in a bridal way kaya napakapit ako sa balikat niya. "What are you doing?"
"You are my present," he said kaya napangiti ako.
------
Jecho's POV
We spent hours of talking hanggang sa nakatulog na si Athena. I carried her to my condo. Nilapag ko siya ng maingat saka kinumutan. I geny planted kiss on her forehead saka pumuntang banyo para maligo.
After washing up tumabi na ako kay Athena sa kama. I smiled as I saw her sleeping peacefully. I am so happy just seeing her sleep with me. Dalawang araw nalang ang nalalabi samin bago siya umalis. I pulled her to me and hugged her tight.