Paano ko ba pagaaralang kalimutan
Ang taong minsang naging dahilan ng kasiyahan?
Paano ko nga ba bibitawan ang kamay
Na matagal kong hinawakan?
Masakit pero kailangan,
Kailangan pero paano?
Paano ko papalayain ang taong mahal ko?
Pero sadyang di ako uusad
kung magbubulagbulagan pa ako sa realidad
Realidad na wala nang ikaw,
Wala nang tayo,
Imposible nang magbago ang isip mo.
Gulong-gulo na ang utak ko,
Pagod na pagod na tong puso ko.
Pero di ko parin matagpuan
Ang sagot sa kung paano?
Paano ko palalayain ang taong hanggang ngayon ay sinisinta ko?
Hindi na' ako magtatangkang manglaban,
Palalayain na kita kahit mabigat sa aking kalooban.
Di mo na ako kailangang kaawaan,
Kung aalis ka,salamat 'paalam.
Di mo na kailangang manatili kung pagkaawa na lamang ang iyong nararamdaman.
Magpapakamanhid ako,
Magbubulagbulagan sayo,
wag lang maudlot ang kasiyahang pwede mong maramdaman sa taong gusto mo.
Makakaasa ka,
Na kung nasaktan mo man ako ng sobra,
At mapagtanto mo balang araw na di kana sakanya masaya,
Handa akong maging marupok
Dalawang kamay kitang tatanggapin ulit.
Walang pagbabakasakali
Pero sandali,
Bago mo ako tuluyang iwan
At bago kita tuluyang hayaan.
Pwede bang humingi ng pabor?
Pwede mo ba akong yakapin ngayon?
Bago ko kayo hayaang dalawa
Bago sya at ikaw ay maging sentro ng bawat isa.
Bago ako tuluyang mawala,
Bago mo ako bitawang magisa
Bago ko ihakbang ang aking paang pilayan,
Bago ko ikampay ang pakpak kong sugatan,
Hayaan mo kong ika'y masilayan
Sa huling sandali lang naman.
Hayaan mo akong pagmasdan,
Ang ngiti na ngayon sa huli ko na lamang masasaksihan,
Dahil sigurado ako na pagkatapos ng gabing ito ang ngiti mo'y hindi na ako ang magiging dahilan.
Bago ko tuluyang bitawan ang salitang "MALAYA KANA,MAHAL."