Sa haba ng panahong iyong inilagi
ang pagpapakumbaba ang lagi sa utak isinasagi
Laging pinananatili ang malalim na pagintindi
Parating humihingi ng paumanhin
Kahit di ikaw ang mali
Inuuwa mo sila, pero sila hindi
Inuuna mo sila, pero ika'y parati sa kanilang huli
Iyo mo silang ipinagmamalaki
pero madalas ikaw yung naitatanggi.
Bigay ka ng bigay
Kahit tila ika'y nauubusan na
Tapos pag wala ka nang maibigay pa
Unti unti silang magsisilaho na parang bula
Kung sa iba'y mali na ang 'yong ginagawa
Ngunit para sayo'y sila'y mahalaga
Kaya di ka nababahala mawalan
Kahit sa kanila matagal kanang di kawalan
Pagod kana,
Nasasaktan kana,
Pero nananatiling mabuti parin ang hangarin mo para sa kanila
Hindi na ito tama,
Kailangan mo na itong itama
Ngayon di pagiging madamot ang minsang unahin mo ang sarili mo mo
Hindi masamang tumangi
sa pagkakataong ikaw na'y inaabuso
Kailangan mong magbigay ng puwang para sa sarili mo
Kung noon sila, Ngayon sisimulan kong piliin ang sarili ko
Mahalin ang sarili para dumating man sa punto
Na iiwan ka lahat ng taong matagal na pinahalagahan mo
Di ka naubusan at may lakas ka para ibangon muli ang sarili mo.
Lagi mo silang inaalala sa tuwing di mo sila nasisilayang nakatawa
Pero nang ikaw na ang lumuha,Ikaw kanilang binalewala
Hindi pagiging makasarili
Ang pagmamahal sa sarili
Oras na para kamustahin ang iyong sarili
Sa tagal ng panahon iyo mo itong isinantabi
Para sa mga taong binigyan ka atensyon ng sandali
at sa huli di parin ikaw ang pinili.