February 04, 3030
Thursday
"Mag asawang Japanese ang nag ampon sa atin." kwento 'nya pa sa akin. Nakatingin 'sya sa kawalan habang ako naman ay taimtim na nakikinig sa ka'nya.
Mag kaharap kami ngayon. Nasa lamesa kami, kumakain habang kinukwento 'nya sa akin ang pagiging Japanese nila.
"Are we.. Also a Japanese?" Japanese kaya si Takara? Pero ako pilipino ako.
Kung iisa lang ang katawan namin dapat pilipino din 'sya.
"No, we're not." mas lalong napakunot ang noo ko sa sinagot 'nya.
"Pero paano nila tayo nahanap kung Japanese sila?"
"Hinanap nila ang mga batang with gold fleeks na kulay ang mga mata para masabing tunay nila itong anak. Dahil may ganoon ang mata ng mag asawa. Pero sa sampung taon na pag sasama nila hindi sila biniyayaan ng anak. Dumating na sa punto na halos sumuko sila sa pag hahanap."
Ganoon ang kulay ng mata ko. Hazel nut na may gold fleeks. Iyon ang alam ko at sigurado ako doon.
"Pero pumunta sila dito sa Pilipinas hindi dahil gusto nilang mag hanap ng bata kundi dahil may roon silang dapat na asikasuhin na negosyo at yun ay tungkol sa pag donate nila ng one million yen para sa isang bahay-ampunan. Doon nila ako aksidenteng nakita." medyo mahaba 'nyang salaysay.
Pero kung 'sya lang ang nakita. Nasaan si Naomi nung panahon na 'yon?
Bago pa ako maka pagtanong naunahan 'nya na ako.
"Pero dahil ako lang ang may matang with gold fleeks ay ako lang ang binalak nilang kunin. Pero hindi ako pumayag na sumama sakanila."
"Wait-what? Bakit hindi ka sasama?"
"Dahil sa isang pangako." nang sinabi 'nya ang mga katagang yun napaiwas 'sya ng tingin.
"Anong pangako?" pag tingin ko sa mga mata 'nya may nakita akong mixed emotion.
Ang sakit sa ka'nyang mga mata at ang pag sisisi.
Napakunot ang noo ko.
Anong dahilan at mayroon 'sya nang ganyang emosyon?
Mas lalo akong na-curious sa ipinapakita 'nyang emosyon.
"You and I. We promised that we will never leave each other. Because I promised that you will be my Luna." nanlaki ang mga mata ko sa nadinig.
Luna!?
What the..
"W-which pack?" I asked.
If he want Takara to be his Luna..
Means..
"I am the next Alpha of Moon Stone Pack."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Pero.. ang sabi mo a-ampon lang tayo? Hindi ba?"
I want to clarify everything.
"Yes."
"Pero.. paano mo nalaman na ikaw ang next Alpa?"
"Alam ko dahil binibisita ako ng kasalukuyang Alpha at Luna sa panaginip ko. Tinitrain ako ng Alpha sa panaginip para pumalit sa ka'nya sa takdang panahon."
"Panaginip? Paano mo iyon maia-adopt sa sarili mo?"
Hindi ko akalain na hindi siya normal na tao.
He sighed "Brain chips is the reason and source." tinuro 'nya ang parang maliit na mga boton sa kanyang noo.
Hindi mo ito mapapansin dahil parang mga pantal lang sila sa kanilang mga noo. Hindi mo rin ito mapapansin dahil sa sobrang liit.
"All of us need the brain chips. It can do a lot of things. Like teleporting, talk to each other using your brain, and it boast your brain into six times of it's maximum." he explained.
That's such a mind-blowing fact's.
"And this?" tinuro 'nya ang hearing aid 'nya sa kaliwang tainga 'nya na sa tingin ko ay konektado sa kanyang kaliwang mata.
"It can boast our hearing. It can record what ever we heard just push this button." tinuto 'nya ang isang buton sa kanyang noo.
"And this one." tinuro naman 'nya ang kaliwang mata. "It can be a eagle eye. But for werewolves like me, it's more than eagle eye. It can also record what ever you see when you pushed this button." may tinuro na naman 'syang buton sa kanyang noo.
Wow..
Now I know kung bakit sila mayroong mga ganyan.
Tumago tango ako sakanya.
"Pero bakit ganon? Bakit ka nila pina-ampon?"
"Because of a thread."
"Thread?"
"Yes."
"What kind of thread?"
"The Dark Moon pack. They are the rival of our pack. They are so dangerous. They are war freak. Hindi sila natatahimik hanggat walang gulo."
"The reason why my parents hide me." he said. "They give me at asylum, at the Holy God Children. The place where I met you." tumingin 'sya saakin ng diretso.
"At first of course I didn't know you're werewolf also. But the time came. Ang unang kabilugan ng bwan na wala ako sa piling ng pamilya ko. Ang unang kabilugan ng bwan sa bahay-ampunan. At ang unang kabilugan ng bwan na iyon ay nakita kita kung paano ka unti unting nag palit ng anyo sa kwarto mo." tumingin 'sya sa aking mga mata.
"Nakita ko ang takot sa iyong mga mata. Nilapitan kita kahit na alam ko ay unti unti na rin akong nag babago ng anyo. Pero pinigilan ko iyon at lumapit ako sayo. Binigyan kita ng maraming pag kain na dapat sana ay para lang saakin. Dahil ang sabi ng Luna, ang aking ina. Dapat ay busugin ko ang aking sarili bago tuluyang bumilog ang bwan upang wala akong masaktan o mapinsala sa mga taong naka paligid saakin. Kung kaya't ang pag kain ko ay hinati ko sa dalawa. Binigay ko saiyo ang kalahati para wala kang mapinsala na tao o kagamitan nung araw na iyon." pag sasalysay 'nya.
"Nag tagumpay naman ako na pakalmahin ka. Nakatulog ka nang gabi na iyon habang ako ay pinapanood ka kung paano ka mahimbing na natutulog. Nag tataka ako. Dahil isa kang taong lobo pero bakit ka nasa bahay-ampunan? Saang lahi ka nabibilang? Pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sahig ng silid mo. Nagising ako na kinakalabit mo ako at tinatanong kung ano ang ginagawa ko sa loob ng silid mo. Doon tayo unang nag kakilala."
Naka nganga lang ako habang nakikinig sakanya.
May idadagdag pa sana akong tanong pero naunahan 'nya na ako.
"Mamaya ko na sasagutin ang susunod mong mga katanungan. But for now, tuloy muna natin ang pagkain." dumiretso 'sya ng upo at nag simula nang sumubo muli.
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos ng lalaking nasa harap. Hindi ko 'sya pwedeng pilitin dahil nasakanya ang desisyon. Baka kapag pinilit ko pa 'sya ay hindi na 'nya sabihin ang background ni Takara. Natapos na ang pag kain namin at nag prisinta na ako na mag hugas ng plato. Para pag katapos ko ay tatanungin ko na 'sya tungkol sa buhay na mayroon si Takara bago ako dumating.
"M-ma'am Takara a-ako na po 'yan."
Bakit parang natatakot 'sya?
Napahalikhik ako sa paraan ng pag sasalita 'nya.
"Ako na 'to gumawa ka nalang ng ibang gawain." ngumiti ako sakanya para hindi na 'sya matakot pa. Mukha namang naka hinga 'sya ng maluwag sa ginawa ko.
"Sige po ma'am." naka yuko 'syang umatras 'sya palayo saakin.
Sa pag huhugas ko ng plato nag i-isip isip ako
Aalis ba ako dito sa bahay? O mag s-stay at mag papangap bilang Takara?
Hindi pa masyadong buo ang desisyon ko sa pananatili dito.
Pero para na rin may makakapitan ako dito sa panahon na 'to dahil ang dami kong dapat na matutunan.
Sulat baybayin.
Ang mga modernong bagay.
At kung sakali..
Pati na rin ang buhay ni Takara.
Nag pupunas ako ng kamay dahil tapos na akong mag hugas ng marinig ko ang bulungan sa may maid's quarter.
"Parang bumait si ma'am Takara 'no?" tinig ni Rica ang unang narinig ko. And out of curiosity pinakingan ko sila.
"Wag ka ngang ganyan kay ma'am Takara." isang tinig matanda ang kumontra sa asosasyon laban sa akin.
Grabe 'sya! Bumait daw si Takara! Sobra bang 'nyang sama para mapansin ang kaonting pag babago nito?
"Pero manang si ma'am Takara dati ay halos maitutulad na sa mga matapobre na mayayaman." bulong pa ng isang tinig.
Hmm bina-back stab nila si Takara, at matapobre pala 'sya! Mas lalo pa akong nag tago para makinig sakanila ng hindi nila nalalaman.
"Hindi 'nyo 'sya lubusang kilala at siguro ay may rason siya kung bakit siya nag kakaganyan." pagkasabi 'non ng babae na boses na satingin ko ay may idad na ay lumabas 'sya ng maid's quarter na dahilan para makita 'nya ko! At mahuling nakikinig sa kanila! Sumunod naman ang dalawa pang katulong sakanya.
"Oh! 'sya manang, ano ang dahilan ni ma'am Takara, aber?" pag kasabi 'nya 'non ay saktong pag tagpo ng aming mga mata.
Nanlaki ang mga mata 'nya at napansin ko ang unti unti 'nyang pag kaputla.
"M-ma'am!" narandaman ko ang takot at pagkataranta 'nya sa boses 'nya. "M-ma'am Takara! Kanina pa ho ba kayo n-naanjaan?" natatakot na ngumiti 'sya sakin. Pero nauwi lang iyon sa ngiwi.
"Oo," taas noo kong sagot. "At narinig ko ang iba sa mga pinagusapan 'nyo."
Mukhang mas lalo 'syang nangilabot sa sinabi ko!
"M-ma'am mag p-papaliwanag po ako! H-hwag 'nyo po akong sesantihin. Ma'am.." natatakot at nanginginig na 'sya! Nakita ko pa ang pangingilid ng kanyang mga luha.
"Hayaan mo na! Pero sa isang kundisyon." I'll took this apportunity para malaman ang ugali ni Takara
Good job Damara!
"A-ano ho iyon ma'am?"
Hmm.
"Sabihin mo saakin ang mga ugali ko na iyong nalalaman, lalo na 'yung hindi maganda upang masubukan ko ang magbago." pero nag aalangan lang 'syang tumingin sakin.
Nakipag titigan ako sakanya para malaman 'nya na saryoso ako sa sinasabi ko.
Pero nakita ko ang pag aalangan sa kanyang mga mata.
Siguro akala 'nya na ise-sesante ko 'sya pagkatapos nito.
"Tataasan ko ang isang buwan mong sahod."
Once she agreed. My plan will go well.
Nakapag isip na rin kasi ako e. Mag ii-stay ako dito para mapadali ang ang buhay ko dito.
Let's be practical. Dahil sa oras na umalis ako hindi ako sigurado kung kakayanin ko ang mag adjust sa bagong lugar na kinaroroonan ko.
"Ah.. Sige po ma'am Takara." nag aalangan pang tugon 'nya. Naisip 'nya siguro na baka magalit ako sakanya.
"Great!" napa palakpak pa ako sa tuwa! Pero nawala iyon ng sumakit ang ulo ko!
Shit!
"Ahhh!" parang minamartilyo ito sa sakit!
Pumikit ng mariin at hawakan ang ulo.
Mga istilong inaasahan kong makakawala ng sakit ng ulo ko. Pero useless lang.
"M-ma'am! Saglit lang po! Tatawagin ko lang po si sir!" natatarantang usal ni Rica at umalis na at hinanap si kuya Stone. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nag hihintay kay kuya Lycus.
"What's happening here!?" Dumagundong ang boses ni kuya Lycus sa buong kusina. Dahilan kung bakit mas lalong sumakit ang ulo ko!
Para 'syang pumipintig sa sakit!
Oh.. damn..
Nakaka panghina ang sakit ng ulo ko.
At mukang babalik nanaman ako sa ospital!
"Sir sumasakit po ulit yung ulo 'nya!" natatarantang sabi ng mas bata pang kasambahay. Ang sumunod ko lang na naramdaman ay ang matigas at malakas na braso ang bumuhat sa akin.
Pinilit kong imulat ang mata ko upang makita ang nag aalala 'nyang mukha.
Wala sa sarili ko itong hinawakan at sinabing. "P-please Help m-me.. it hurts.. a lot." halos pabulong ko usal.
"Fvck." huling tinig na aking nadinig. Bago ako mawalan ng malay dahil sa sakit ng aking ulo.
"Kahapon ka pa nakahiga.. Noimi.. nag papanhinga. Siguro naman ay tapos ka ng mag pahinga.." naramdaman ko ang isang mainit na palad na pumatong sa aking kaliwang kamay.
"Noimi, huwag kang bibitaw. Marami pang nag hihintay sayo." I heard a begging voice.
"Hihintayin kita.. hihintayin namin ang muling pag mulat ng mga mata mo.."
"Inaasahan naming lahat ang pag babalik mo at sa oras na mag balik ka sisiguraduhin namin na nag hihimas na ng rehas na bakal ang may gawa saiyo nito Damara."
"Mahal kita.. mahal ka namin.." may naramdaman kong mainit na patak ng likido sa aking kamay. Naramdaman ko rin ang isang halik sa aking noo.
"Sleep is a temporary death.. and death is a permanent sleep. So please back.. we'll wait even it will take a lot of time."
Nagising ako sa haplos ng bimpo sa ulo ko. Ang lamig 'non. Pinilit kong ibinalik ang sarili ko sa pag kakatulog dahil naalala ko na may napapaginipan ako. Pero hindi na ulit ako nakabalik sa pag tulog kaya dahan dahang ko ng dinilat ang mga mata ko.
"W-what happened?" nahihirapan kong usal pero pinilit ko pa din.
"Nahimatay ka kanina. I told you, iwan mo na ang mga gawain sa kasambahay." saryoso 'nyang saway sa akin. Hininto 'nya saglit ang pag pupunas at saryoso akong tinignan sa mga mata, pero nag iwas lang ako ng tingin sakanya.
Pero hindi doon natutuon ang atensyon ko. Pilit kong inaalala ang napaginipan ko. Pinilipit ko ang utak ko na maalala kahit nag sisimula nanaman itong pumintig sa sakit.
Ano ba iyong napaginipan ko?
Medyo may bakas pa sa isip ko ang napaginipan ko, pero hindi ko masabi ng detalyado dahil sobrang labo. Nangingilid ang luha ko dahil pinipilit ko na alalahanin. Pero wala talaga.
Naiiyak na ako dahil hindi ko maalala ang kahit na ano sa napaginipan ko.
"Yes kuya." walang gana kong sagot. Nag ko-concentrate pa rin ako sa pag alala ng panaginip ko
"Good." saryoso parin 'sya hanggang ngayon. Pinag patuloy 'nya ang pag pupunas saakin at hindi na muli tumingin sa mga mata ko.
"I can take care of my self, you may leave now." sabi ko sabay talikod sa gawi 'nya.
"Takara—"
"Just leave." with that I tightly close my eyes.
I want to get out of here..
I heard him sighed. Narinig ko ang yabag papunta sa pinaka pinto ng kwarto ko at sumara na agad 'to.
Dahil sa nararamdamang pangungulila at pag iisa, naramdaman ko nalang ang mainit na likido na bumababa patungo sa aking pisngi. Hindi ko na pala namamalayang umiiyak na pala ako.
I want to go back so bad.