Chereads / When Moon Collides With Sun / Chapter 10 - Kabanata 7

Chapter 10 - Kabanata 7

February 9, 3030

Tuesday

"Ano ba?!" nag pupumiglas ako sa hawak sa akin ng isang malaking lalaki pero parang wala lang sa ka'nya ang pag lilikot ko dahil tuloy tuloy lang ang lakad 'nya habang hawak 'nya ako. Hindi ako tumigil sa pag pupumiglas sa pag asang makakatakas ako dito.

Mukhang napuno na ang lalaking may hawak sa akin dahil kanina pa nga ako nag kukulit na bitawan 'nya ako.

"Stop." he said, but I didn't listen. Unti unti kong naramdaman ang pag bilis ng ka'nyang lakad hanggang sa naramdaman ko muli ang malakas na hampas ng hangin sa aking katawan. Pinilit ko dumilat pero maging ang hangin ay tinutulak ang talukap ng mga mata ko na manatiling nakapikit. Nang hindi ko na naramdaman ang hangin ay dumilat na ako.

"Saan mo ako dinala?!" na'andito kami sa isang silid. Hindi madumi. Hindi rin ganoon ka linis.

"Dito ka na muna." he said at padarag na kinuha ang palapulsuhan ko at tinali sa isang rehas sa isang parte ng silid.

"Ano ba?!" pinipilit kong tangalin ang pagkakahawak 'nya saakin. "Tulong! Tulungan 'nyo ko!" sigaw ko. Nag babakasakali ako na may makarinig sa akin at maawa at tulungan ako dito.

"Pwede ba?!" sigaw 'nya saakin.

"Walang makikinig sayo! Wala kang kakampi dito!" nakita ko ang pag pula ng kanyang mga mata. "Kung gusto mo na tumagal pa ang buhay mo ay manahimik ka!" pinanlakihan 'nya ang mga mata 'nya saakin, natahimik naman ako.

"B-bakit?! Bakit a-ako susunod sayo!?" matapang kong sigaw sa mukha 'nya, pinanlakihan ko rin 'sya ng mga mata tulad ng ginawa 'nya sa akin.

"Matapang ka," tumango tango pa 'sya. Mabilis 'nya na inangat ang kanang kamay 'nya at sinampal ako gamit ang likod ng ka'nyang palad sa aking pisngi.

"Manahimik ka, kung ayaw mong bigla ka na lang na mamatay." sabi 'nya habang ako ay nakaupo at mangiyak ngiyak na sa sampal na tinamo ko galing sa ka'nya. Lalaki 'sya at ako ay babae na nakatali kaya wala talga akong laban sa ka'nya idagdag pa na hindi ko 'sya katulad.

"Khrysaor. Ano iyon narinig namin malakas na kalampag?" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Asena dito sa loob. Hindi ko narinig na pumasok 'sya dito.

"This human wanted to get out of here. I am telling her to stay here because later will be the most dangerous time for humanity if we can't control our selves." narinig kong sabi ng lalaki pero ramdam ko na sa akin pa rin 'sya nakatingin.

"Really? Maybe she just wanted a freedom. We can give it to her. You know." sabi ni Asena.

"Asena—"

"Remove her ties, don't control her and let her be free." gulat ako na napabaling kay Asena sa sinabi 'nya.

Totoo ba ang sinasabi 'nya?

"Don't worry Khrysaor. She doesn't know the way out." nakataas ang isang kilay at isang sulok ng kanyang labi na bumaling sa akin.

"Untie her now Khrysaor." Asena commanded. Naiiling na tinanggal naman ni Khrysaor ang tali saakin.

"Be careful lady. You didn't know the consequences of your request." sabi 'nya bago ako tuluyang pakawalan.

"I know what I am doing." sinamaan ko na muna 'sya ng tingin bago tumayo sa pagkakasalampak kanina at pinagpag ang sarili ko sa mga dumi na nakadikit sa akin.

"You may leave. Impostor." ani Asena. Pero kaysa na matakot ako at sinamaan ko lang din 'sya ng tingin. Bago ko 'sya lagpasan ay sinadya ko na banggain ang balikat 'nya.

"Be careful.. Damara.." naramdaman ko ang ngisi 'nya ng sinabi 'nya ang pangalan ko.

She called me Damara..

Napalingon muli ako sa ka'nya.

"What are you saying?" nakakunot na noo kong sabi sa nakatalikod 'nyang bulto.

"I know Lycus know who you are. But I wonder, why did he let you around of him?" bumaling 'sya sa akin at pinagsiklop ang kanyang mga braso sa ka'nyang dibdib.

"Do you know his reason?" humakbang 'sya ng isang hakbang palapit sa akin. "I know. On your time there's a gayuma they are saying. Did you used it to him? Huh, Damara? Tell me." muli 'syang humakbang palapit sa akin.

Gayuma?

What kind of thing is that?

"I don't know what are saying." nakakunot noo ko'ng sabi.

I really don't know, so there's nothing to be afraid of. I am saying the truth this time. No lies.

"Really?!" nanlisik ang kanyang mga mata at unti unting naging kulay dugo. "I am also surprised that you're here. You time travelled. But on your time there's no time machine, so how did you get here. Huh?" muli 'syang lumapit saakin.

"I said I didn't know! Kaya 'wag mo'ng ipilit ang gusto mo!" humakbang din ako palapit sa ka'nya.

"You don't have a right to—!"

"Asena! Stop!" pigil ni Khrysaor. "Let her leave!" lumapit 'sya sa amin at nilingon ako.

"You, lady. Feel free to leave now." saryoso 'nya akong binalingan.

"I will, don't worry. No need to order." sabi ko sa ka'nya at muling tinignan ng masama si Asena na ngayon ay nang gagalaiti at nakikita ko ang mga pula 'nyang mata at ang kanyang sumisilip na pangil sa ka'nyang bibig. Inirapan ko 'sya at tuluyan ng lumabas.

Pagka labas ko ay sinubukan kong mag teleport. Pumikit ako at inisip ang lugar na gusto kong puntahan, pero pag dilat ko ay naandito pa rin ako.

Paano ba gamitin iyon?

Nag simula na akong mag lakad pa layo sa pinangalingan ko. Nakikita ko na lahat nang madadaanan ko dito ay napapalingon sa akin, ang iba pa nga ay sinubukan akong lapitan pero pinipigilan din sila ng kasama nila.

Where I am?

Nakakakita ako ngayon ng isang sobrang daming puno. May fog dito kaya malabo ang nakikita ko.

Kanina ay may nakikita pa akong mga taong lobo pero dito ay parang nawala na sila.

Sinubukan kong isipin si Lycus at doon kausapin, pero hindi ko alam kung paano.

Damn it.

I'm Lost!

"Miss!" may papalapit na mga lalaki, lima sila at alam kong hindi maganda ang intensyon nila.

"Uh.." tumingin ako sa paligid para sana manghingi ng tulong pero wala talaga akong nakita na sa tingin ko ay makakatulong sa akin, lalo na't wala talaga akong nakikita na ibang nilalang dito. Kaming anim lang ang naandito. Wala nang iba. Wala akong nagawa kundi ang umatras ng umatras. Hindi ko tinatangal ang tingin sa grupo dahil baka bigla na lang nila ako sugudin ng patalikod sa oras na tumalikod ako sa kanila.

I won't let that happen.

"Miss! Wait lang! Wala kaming gagawing masama!" ngumisi sa akin ang isa pang lalaki. Tumalikod na ako sa kanila at binuhos ang lakas ko sa pag takbo.

"Hindi ka sa amin makakatakas." nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang dalawa sa aking harapan. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko na napapalibutan na nila ako!

Damn. I'm doomed.

"Sumama ka nalang sa amin para hindi ka na mapagod." sabi pa ng isa, nang galing sa likod ang boses 'nya na 'yon. Inikot ko ang aking mga mata sa kanila. Tinitiyak na walang makakalapit saakin.

"Tara na!" nagulat ako ng biglang may gumawak sa braso ko habang iniikot ko ang aking tingin sa kanila. Padarag kong binawi ang kamay ko saka'nya.

God. Help me.

"Layuan 'nyo nga ako!" sigaw ko sa kanila na para bang iyon ang paraan para lang tigilan nila ako.

"Mag hahapon na." sabi ng isa.

"Tara na sabi!" mahigpit 'nya na hinawakan ang aking magkabilang braso. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya, pero hindi ko 'sya hinayaan na dalhin ako katulad ng gusto 'nya. Yumuko ako at kinagat ang ka'nyang kamay na naka hawak sa akin. Diniin ko pa ang ngipin ko sa kamay 'nya hanggang sa may nalasahan na akong dugo na sa tingin ko ay nang galing sa kamay 'nya na kagat kagat ko.

"Ahh!" agad naman 'nya akong binitawan. Kinuha ko ang pag kakataon na iyon para makatakas sa ka'nya, pero bago pa ko tuluyang makalayo ay naharangan na ulit ako ng tatlo pang kasama nila.

Shit.

Dumura ako sa tabi ko dahil nalalasahan ko pa ang balat at dugo ng kinagat ko.

"Ang lakas nga naman ng loob mo!" mabilis na lumapit saakin ang isa na 'syang inaasahan ko na. Mabilis ako sa ka'nyang umiwas at pumunta sa isa 'nyang kasama para tuduhin ang kanyang tinatago sa ibaba 'nyang parte. Namilipit naman agad 'sya sa sakit.

Two more..

Hinanda ko na ulit ang sarili ko sa dalawa pa, pero bago pa ako makalingon patalikod ay naramdaman ko na ang pag hawak nila sa akin pa talikod at ang dalawang matulis na bagay na tumutusok sa aking leeg.

Pangil.

Mabilis kong siniko ang nilalang na nasa likod ko at hinawakan ang ka'nyang isang kamay na nakahawak sa aking balikat. Boong lakas kong pinilipit agad ang ka'nyang kamay papunta sa kanyang likod at tinulak 'sya sa kasama 'nyang hanggang ngayon ay namimilipit sa sakit na pag kakatuhod saka'nya.

May isa pa.

Napatingala ako nang may narinig akong mga alulung.

Shit.

Iniwan ko na ang dalawa doon at tumakbo na pero may isa pang alam ko na natira.

"Damn!" nagulat ako ng mag mahigpit na humawak sa magkabilang braso ko!

Ito yung isa.

Handa na akong apakan ang kanyang mga paa ng may lumitaw pa na isa nilang kalahi.

Damn. Akala ko sumama na 'sya sa kinagat ko.

Pero unti unting nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko silang dumadami. Kung saan saan sumusulpot ang mga kauri nilang lobo.

Napalinga linga ako sa panonood kung paano sila dumami.

Shit. Nag tawag pa ang mga duwag!

"Napaka pakas ng loob mo na saktan ang tatlo sa amin." naramdaman ko ang kuko na unti unting bumabaon sa balat ko!

"Ahh!" pinilit ko na mag pumiglas sa ka'nya pero bali-wala dahil sa lakas 'nya bilang lalaki at idagdag mo pa ang lakas 'nya bilang isang taong lobo.

"Hindi ka na sana masasaktan kung sumama ka na sa amin agad."

Shit.

Nararamdaman ko ang nag uumpisa ng tumulo na dugo sa aking braso.

Narinig ko na parang nag wala ang mga lobo dito sa aking paligid.

Damn!

Nanghihina na ako dahil sa mga dugo na nawawala saakin at idagdag pa ang pagod at sakit na tinatamasa ko ngayon.

Pinipilit kong dumilat at tumayo kahit gusto ko ng matumba at mag paginga.

"Malakas ka.." sabi ng lalaki na nasa likod ko at diniinan pa ang pag baon ng kanyang mga kuko sa braso ko! Nakikita ko na unti unti ng lumalapit ang mga taong lobo na kasama nila sa amin.

"Tignan natin kung hanggang saan—"

"Ang Alpha!" narinig kong sigaw ng isa at sunod sunod na silang nag ingay.

Nakita ko na nahati sila sa dalawa para mag bigay ng daan sa isang nilalang na paparating.

"Lord Lorcan!" sabi ng lalaki na nasa likod ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko para makita kung sino ang paparating.

"Who is she?" sobrang lamig ng boses 'nya.

"Lord, nakita namin 'sya sa likod ng ating gubat. Nag lalakad, tila hindi alam ang kanyang pinaroroonan." sagot pa ng isa sa mga umaligid sa akin.

"Bring her to—" nag taka ako ng bigla ay parang may kung anong nangyari sa mga lobo nakaharap ko. Bigla silang natahimik.

"Lord. The next Alpha of Moon Stone's pack is here." naramdaman ko ang ngiti sa boses ng lalaki na nasa likod ko ng sinabi 'nya iyon.

"I know." bulong pa ng tinatawag nilang Lord Lorcan.

Dahan dahang lumingon sa akin si Lorcan.

"Dalhin 'nyo 'sya sa tuktok ng tore. Ngayon na." he commanded.

"Masusunod." agad akong nakaramdam ng hangin na tumatama sa katawan ko.

"Isang tao lang pala ang mag mag papalabas sa iyo. Lycus." ayan ang aking huli at malabong narinig habang tumatakbo ang may hawak sa akin. Gusto ko kumawala pero nanghihina na ako, para bang hindi na kaya ng katawan ko.

"'Jan ka na muna!" tinulak ako ng lalaki sa sahig ng sa tingin ko ay isang bodega.

"Babawi kami sa'yo sa oras na nagawa na namin ang plano." naramdaman ko pa na sinipa 'nya ako bago 'sya mag teleport.

Damn!

Napahawak ako sa braso kong nag dudugo na.

Gabi na..

Nakita ko ang bilog na bwan sa bintana na mayroon dito sa bodega.

Nakatulala lang ako doon.

Mas nararamdaman ko ang panghihina ko kahit na wala naman akong ginagawa.

"Ahh!" bigla na lang ang pag pilipit ng ang tyan!

Damn..

Nanghihina na nilapitan ko ang bintana at doon tinignan ang labas.

Nakita ko na nasa mataas na bahagi ako. Malamang ito ang sinabi ni Lorcan na tuktok ng tore. Hinawakan ko ang rehas na naan dito at doon kumuha ng lakas para sumigaw.

"Tulong!" boong lakas kong sigaw.

"Kung sino man 'jan ang nakakarinig saakin pakiusap! Tulungan 'nyo ako!"

Sinubukan kong tumingin ako sa baba at nakita ko ang mga lobo na nag babantay sa baba.

Damnit..

Walang mangangahas na pumasok kung ayan ang makakabanga mo.

No one..

That means..

Mananatili pa ako dito, mag tatagal pa ako dito.

Nanghihina na napaupo ako sa sulok ng silid na kinaroroonan ko.

Maka ilang minuto pa na pag iisa sa madilim na sulok ay nakarinig ako ng kalampag. Ang una kong tinignan ay ang bintana.

Shit.

Nakikita ko ang anyong lobo 'nya habang hawak hawak 'nya ang rehas na bakal.

May sumusubok na pumasok sa kinaroroonan ko!

"S-sino ka?!" nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan kung paano 'nya natangal ang pag kakaharang ng rehas na bakal.

Napaatras ako ng tuluyan na 'syang makapasok. Nakita ko kung paano tumulo ang laway 'nya sa sahig dahilan ng mas lalo kong pagkatakot.

"S-sino ka!? A-anong ginagawa mo dito!?" pero patuloy pa rin 'sya sa pag lapit saakin.

Alulong at angil lang ang sinagot 'nya sa akin. Nakita ko kung paano mas humaba ang ka'nyang mahahabang kuko.

Shit..

"H-h'wag kang lalapit!" sigaw ko pero huli na, dahil tumakbo na 'sya palapit sa akin dala ang mahahaba 'nyang kuko. Pumikit ako ng mariin dahil natatakot akong harapin ang kanyang pag lapit. Pero ilang segundo ay wala pa rin akong nararamdaman na tumatama sa akin.

Pag dilat ko ay nakita ko ang isa pang lobo na pumipigil sa isang lobo na kanina ay sumubok na sakmalin ako.

Nakita ko kung paano umatras ang lobo na lulumalapit sa akin kanina dahil sa bagong dating na lobo. Doon nakatuon ang atensyon ko kaya hindi ko napansin ang isa pang lobo na tumalon papasok din dito. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko ito dahil papapit 'sya sa akin!

Narinig ko na umalulong ang unang lobo na nakapasok dito.

Damn it..

Napapalibutan ako ng mga lobo!

Tuluyan ng nakalapit sa akin ang pangatlong lobo.

Napasigaw ako ng binuhat 'nya ako gamit ang kanyang mabalahibong mga braso.

"Damn!" napasigaw ako ng bigla nalang 'syang tumalon sa tore habang hawak 'nya ako!

Pakiramdan ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa taas habang bumabagsak kami sa lupa.

Nang naapakan 'nya na ang lupa ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Damara.."