Chereads / 100 Days with my Angel (Tagalog) / Chapter 2 - 1: Bring us Home, Ava.

Chapter 2 - 1: Bring us Home, Ava.

I felt my heart skip from its position nang may humawak sa balikat ko. Halos masampal ko na ang tao sa harap ko dahil sa nyerbyos. 

"What the fuck, Shermaine! Are you trying to kill me?" I yelled at Shermaine. 

"Ano ka ba? Bakit puro ka sigaw diyan?" She asked me with narrowed brows. "Para kang tanga," singhal niya sa akin. 

Nagtaka naman ako dahil sa inakto niya. Ako lang ba ang nakakita doon sa liwanag kanina? Ako lang ba yung nakarinig aa mga kaluskos at yabag? Wait? Bakit hindi ko sila makita kanina?

"Where are you f-from?" I said in confusion. 

"Nandiyan lang sa dulong cubicle." Tinuro niya ang cubicle kung saan nakatayo ang hinang-hina na si Frances. 

"Did you hear that sound a while ago?" I asked her but she narrowed her brows again. 

"Anong sound? Baka utot lang ni Frances, hayop ka! Kaya pala bumaho kanina!" Dinuro niya si Frances gamit ang daliri niya. 

"No, it's not that!" I said at hinawakan siya sa kamay dahil sa takot. "I mean, the footsteps..did you hear those?" 

"Wala naman, ah." She tried to remember if she heard some but she just shook her head. 

I pursed my lips because of disbelief and confusion. What were those? Dahil ba lasing ako ay nagh-hallucinate na ako? Oh, freak!

"I really saw a bright light a while ago!" Pangungulit ko kay Shermaine. Nakasakay na kami ngayon sa kotse ko at ihahatid ko na sila sa mga bahay nila. Frances, on the back seat, is lowkey snorting dahil sa kalasingan. 

"Wala naman akong nakita at narinig. Ang alam ko lang maingay sa labas at nadinig kitang nagb-bukas ng mga cubicle," she explained to me na lalong nagpalito sa akin. 

Does it mean they still hear the loud sounds of the bar music kanina? Bakit hindi ko narinig 'yon kanina? Omg, minumulto na ata ako!

"Holy cow! Nakita ko pala kanina si Matthew. Nagkita ba kayo?" Usisa ni Shermaine sa akin. She's leaning on the door of the car dahil sa hilo.

"Yes," maikling sagot ko sa kaniya. 

"Oh, tapos? Anong nangyari?" I can see that she's looking at me at my peripheral view. 

"What do you expect to happen? Iyakan ko siya at lumuhod sa harap niya na balikan ako?" I taunted. "Hell no."

"As if hindi ka marupok," she scoffed which made me throw deathly glares at her. "Charot one-half." She gave me a peace sign.

"He's with his girlfriend." I slightly chuckled. "He's ugly girlfriend." 

Shermaine burst into laughter. "Ang sama mo!" She laughed. 

"Totoo naman! Mukhang sinusundan siya ng yaya niya dahil sa kasama niya!" I rolled my eyes at nowhere. 

She just laughed at how I describe Matt's new girlfriend. Napailing nalang ako at nagmaneho nalang. 

"Pero hindi kana affected?" She caught me off-guard with her question. I pursed my lips, finding words to say. 

"I don't know." I laughed bitterly. "Maybe, not. Maybe, yes."

"Alam ko na 'yang mga linyahan mo, Ava. Alam naman natin na hindi ka pa naka-move on," she said seriously. 

"Tanga ba ako kung nasasaktan pa rin ako?" I questioned her. "Tangina naman kase!"

"Just forget him, Ava," she said. "Wala ng kayo and never try to make up with him anymore.

Tumango lang ako sa kaniya dahil paulit-ulit na nila akong pinapaalalahanan tungkol sa mga ganoong bagay. 

Nakakasawa na ring magpakalunod sa lungkot. I badly wanted to lift myself up with these waves of pain. Lunod na lunod ako. 

Inihatid ko na sila sa mga bahay nila. Nauna si Frances dahil mas malapit lang siya. She's also living on her own. Tinulungan ako ni Shermaine na ilapag siya sa kama niya. 

"Sasampalin ko na talaga 'to sa susunod." Napasapo ako sa noo ko nang maihiga namin siya. Naghabol ako ng hininga dahil sa pagod. "Hindi ako nag-suot ng ganito para bumuhat ng lasing!"

Nagpunas pa ako ng pawis at pinaypayan ang sarili. Pumunta ako sa ref ni Frances at kinuha ang bote ng tubig. I drank a half of it para ma-replenish ang alak sa tiyan ko. 

"Let's go na. It's late already. Mukhang ayos naman na 'yan." Turo ni Shermaine sa tulog na si Frances. 

Lumabas na kami sa unit ni Frances at ini-lock ang pinto niya. Sumakay na ulit kami sa kotse at inihatid ko na si Shermaine sa bahay nila. 

"Lagot ako sa nanay ko." Napakamot siya sa ulo niya at tinawanan ko naman siya. "Buti pa ikaw walang mamb-bawal sayo."

I gave her a small laugh. "How I wish I was you," mapait na sabi ko. 

Hindi na siya nag-salita dahil alam niya ang estado ko. I really love how they gave me comfort even in the smallest possible way. I love how they respect me as who I am.

Ibinaba ko na siya sa harap ng bahay nila at nagpasalamat naman siya sa akin. "Take care, Ava. Thanks for the ride."