Chereads / 100 Days with my Angel (Tagalog) / Chapter 3 - 2: Mysterious Guy

Chapter 3 - 2: Mysterious Guy

Sa lahat ng nangyari kanina ay nawala na ang lasing ko. I feel dizzy pa rin pero unlike kanina na sobrang severe. I remembered again the strange things that happened a while ago. Hindi pa rin nags-sink in sa akin ang mga bagay na iyon. 

"Tangina, lola kung ikaw man 'yan. Okay lang po ako sa ilalim, diyan nalang po kayo sa ibabaw." Napa-krus tuloy ako dahil sa takot. 

Pagkarating sa condo unit ko ay nag-unat ako dahil sa pagod at hilo. Naghubad ako ng heels maging ng damit. Naiwan akong suot lang ang underwear ko. Kampante naman ako dahil mag-isa lang naman ako sa bahay. 

Kinuha ko ang towel ko sa cabinet ko at dumiretso sa banyo. Binuksan ko sa cold and shower at hinayaan ko ang tubig na umagos lang sa katawan ko. Halos makatulog na ako dahil sa pagod kaya naisipan ko nang magpatuyo. 

Sinuot ko ang robe ko at ginawa ang skin care ko maging ang pagsisipilyo. Lumabas ako sa banyo at naghanap ng pajama set sa cabinet. Tinanggal ko ang robe ko at nagbihis na sabay higa sa kama ko. 

My eyes were shut pero nagulat ako nang parang may malakas na impact ng ilaw ang bumulaga sa akin. Napabukas tuloy ako ng mata pero wala naman akong nakitang kakaiba sa paligid. 

Ugh! I'm really drunk. Hindi ko na lamang pinansin iyon at natulog na lamang. 

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napamulat ako ng mata dahil sa init na nararamdaman ko. Umupo ako sa kama at ininom ang tubig na nasa side table ko. I stretched my body and looked at the window to see the clouds. 

Lumiyad-liyad pa ako sa kama ko at nag-unat. I feel something strange next beside me dahil parang nahihila ang kumot ko.

Halos mahulog na ako sa kama ko nang makita ang isang hubad na lalake na nasa tabi ko. As in! He's upper body is naked at walang suot na maski ano!

"Oh, my God!" Napasigaw ako dahil sa gulat. Tinakpan ko tuloy ang katawan ko gamit ang kumot at tinignan ang damit ko kung kumpleto pa. Nakahinga ako nang maayos ng mapagtantong walang nagalaw sa akin. 

Tumingin ulit ako sa lalaki at parang nagising siya dahil sa sigaw ko. Nagkamot siya ng mata bago bumangon. Napatakip ulit ako ng mata dahil baka wala siyang suot pambaba. 

"Hayop ka! Bastos! Rapist! Baboy!" Napasigaw ako sa kaniya at tinapon ang mga unan na nasa paligid ko. Nagtaka naman ako nang hindi siya magsalita at nanatili sa posisyon niya. 

Dahan-dahan kong tinanggal ang takip sa mata ko at nakita siyang nakatingin lang sa akin. In all fairness! He looks handsome and hot. 

Kumunot ang noo ko nang makita siyang nakatitig lang sa akin. "Sino ka!" Sigaw ko sa kaniya pero walang nagbago sa expression niya. Ano 'to robot?

I compelled myself from looking at his body by my nasty eyes just looked at them! Napalunok ako nang makita ang 8 packed abs. Holy God! May perfect pa palang lalake except for my ex!

"Oh, my God! Trespasser! Tulong!" Malakas na hiyaw ko as if someone will hear me from this sound proof condo.

Nakatunganga lang ang lalake sa harapan ko at parang nagtataka sa pagsigaw ko! Hoy! Excuse me, you are sleeping right next to me, sino ako para hindi magulat!

"Hoy! Sino ka, jusko! Ayaw ko pa mabuntis, panagutan mo 'ko!" Malakas na sigaw ko at aktong nananalangin.

I mean, it's okay to be fertiled by this handsome gene but it's still a no! I have my dignity!

Napatikom ako nang tumingin siya sa katawan niya pabalik sa akin. He's examining every single part of me and it makes me feel so weird.

"Ano! Anong tinitignan mo!" I said and conciously looked at my body! God, my boobs! "Baboy ka talaga, hindi porket gwapo ka ay wala na 'to sa 'kin! You're still a stupud jerk guy!" I shouted out of my lungs and exhaled a large amount of air.

It's stress the hell out of me!

"Ikaw ba?" His voice was so deep halos mangatog ang tuhod ko. "Ikaw ba ang misyon ko?"