Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Meilleur Ami

🇵🇭mareezura
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.7k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Bilisan mo naman! Isang oras na tayong late. Magwawala na talaga si Geneva dun!" Natatawang sabi ng aking bestfriens/buddy na si Andrew.

"Kasalanan niya yun. Alam niyang mabagal tayong kumilos tapos pupunta siya doon ng maaga." Natatawang sabi ko at pumasok sa kotse.

"Lagot tayo nito kaya ihanda mo na yang tainga mo." Sabi niya at saka pinaandar ang kotse.

Habang nasa byahe ay tinignan ko ang phone ko. Sandamakmak ang message sa akin ni Geneva. Nagrereklamo dahil ang tagal daw namin at siyempre dahil mabait akong kaibigan hindi ko siya ni-reply-an. Bahala siya dun. Ang bad ko ba?

"Mukha kang nasapian diyan. Wag ka ngang ngumiti ng ganyan." Sabi ni Andrew kaya hinampas ko ang braso niya. "Kapag tayo naaksidente."

"Kapag tayo naaksidente." Panggagaya ko sa sinabi niya.

"Mukha ka talagang t*nga!" Sabi niya sabay tawa.

"Mas mukha kang t*nga."

"At least gwapo ako." Sabi niya.

"Tigilan mo nga yang panaginip mo." Sabi ko at kinuha ang bag ko na nasa back seat.

"Oo nga pala, sabi ni Geneva may party daw bukas doon sa bahay ng kaibigan niya. Pupunta ba tayo?" Tanong niya habang deretso pa rin na nakatingin sa daan. Napaisip naman ako. Pupunta ba kami? Hindi naman namin kilala yung kaibigan niya. Baka ma-out of place lang kami.

"Wag na. Gumawa nalang tayo ng sarili nating party."

"D' Team!" Sigaw niya.

"D' Team!" Sigaw ko din at sabay kaming natawa.

A lot of people misunderstood us. Hindi nila kami maintindihan. Sabi nila mga kabataan daw kami na kulang sa aruga ng magulang. Mga rebelde. Mga pasaway. Mga pariwara. Hindi nila alam ang pinagdadaanan namin pero napakadali sa kanila na husgahan kami. Masama bang maging masaya sa paraan na alam namin? Mukha ba kaming alien sa paningin nila? Bawal ba kaming maging masaya? Bakit kaya ganun, may mga taong ayaw tayong makitang masaya. Ayaw tayong makitang okay. Why do we live in a society that full of judgemental people?