Chereads / Meilleur Ami / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"What the heck! Buti at dumating pa kayo." Bungad agad sa amin ni Geneva pagkapasok namin ng coffe shop.

"Be thankful na dumating pa kami." Sabi ni Andrew at naupo sa tabi ng kapatid niya habang ako naman ay naupo sa harapan nila.

"Wow! Thank you ha?" Sabi niya.

"You're welcome." Sabay na sabi namin ni Andrew.

"Argh! Hindi ko na alam ang gagawin sa inyo lalo ka na Birce!" Sabi niya at hinilot ang sintido niya.

"We can handle ourselves so calm down and chill." Sabi ko at sumandal sa upuan.

"Calm down and chill? Last time na sinabi mo sa akin yan pareho kayong napunta sa presinto!" Sabi niya.

"Alam mo tatanda ka agad niyan. Relax ka lang." Sabi ko

"Ewan ko sa inyo. Kapag talaga may nangyari pa sa inyo." Sabi niya. Magsasalita pa sana ulit siya pero hindi na niya natuloy kasi dumating na yu g order niya. Mukhang nag-order na siya bago pa man kami dumating.

"Hindi pala kami pupunta sa party ng kaibigan mo." Sabi ni Amdrew.

"Bakit naman? Wala naman kayong gagawin bukas diba?" Tanong naman ni Geneva habang salubong ang kilay.

"May sarili kaming party." Sagot ko.

"Party o kalokohan?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Kapag may party, may kalokohan." Sabi ko.

"Ewan ko talaga sa inyo." Sabi ni Geneva at umirap.

***

"Umuwi na kayo ha." Paalala ni Geneva bago siya pumasok sa building kung saan siya nagtratrabaho.

"Umuwi na kayo ha." Panggagaya naman ni Andrew sa sinabi ng kapatid niya kaya natawa ako.

"Umuwi na daw tayo sabi ni manang Geneva." Natatawang sabi ko.

"Kailan pa natin siya sinunod?" Tanong niya at pinaandar ang kotse papunta sa kung saan.

"Welcome to D-Bar!" Bungad sa amin ng babae na nasa pintuan ng bar. Pumasok naman kami sa loob at agad na naupo sa usual spot namin. Dito kasi kami tumatambay kapag tinatakasan namin si Geneva. Nang makita kami ng waiter ay agad itong tumango. Alam na nila ang order namin kaya hindi na kailangan magsalita.

"Ano kayang magiging reaksyon ni Geneva kapag nalaman niyang hindi nanaman natin siya sinunod?" Tanong ko.

"Malamang mababaliw na yun." Sabi niya saka tumawa.

"Sira!"

"Here's your order." Sabi ng waiter at inilapag ang order namin.

"Thank you." Sabi ko. Nang makaalis na yung waiter ay saka namin sinimulan kainin yung order namin.

"Pustahan, three shots palang bagsak ka na." Sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Baka nga ikaw two shots palang bagsak na."

"Ako pa? Ipapaalala ko lang sayo, last time na uminom tayo ikaw ang bagsak." Sabi niya jaya binato ko siya ng chips na hawak ko.

"Madaya ka kasi nun. Nakailang shots na ako tapos ikaw dalawa lang."

"Strategy, Birce." Sabi niya at uminom. Napairap nalang ako. Strategy niya mukha niya.

***

"Anak ng lamok! Umayos ka nga Andrew Primo! Kapag tayo nasagasaan!" Saway ko sa kanya. Naghihilaan kasi kami ngayon dito sa side walk. Pareho kaming hilo dahil sa alak. Ayaw naming mag-drive dahil baka maaksidente kami pero dahil sa ginagawa namin hindi malayong maaksidente pa rin kami.

"Mariana Birce! Dito kasi ang daan! Maluwag pa." Sabi niya at hinila ako papunta sa gitna ng daan.

"Siraulo ka! Kapag tayo namatay!" Sigaw ko. Napatigil naman siya sa paghila sa akin at tinignan ako ng deretso.

"Edi mamatay. D'Team!" Sigaw niya at itinaas pa ang kamay.

"Siraulo! Baka chop-chop-in ni Geneva ang katawan natin! Gusto ko naman pumunta sa langit ng buo ang katawan ko!" Sigaw ko sa kanya at hinila pabalik sa side walk.

"Sira! Akala mo naman talaga sa langit deretso mo." Sabi niya at tumawa.

"Edi magsama tayo sa purgatoryo." Sabi ko at natawa.

"Tama sa purgatoryo lang tayo. Doon tayo mabubulok." Sabi niya at naupo sa side walk kaya wala akong nagawa kundi ang maupo sa tabi niya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"May makaka-miss kaya sa atin?" Tanong ko. Yan kasi ang laging iniisip ko. Wala naman na akong magulang kaya hindi ko alam kung sinong makaka-miss sa akin kung mawala man ako.

"Si Geneva. Hindi nga yun makatiis na mawala tayo sa paningin niya ng isang minuto eh." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

"Kailan kaya tayo magiging masaya?"

"In another life?" Sagot niya.

"In another life, gusto kong maging ganito pa rin. Gusto kong kayo pa rin ang kasama ko. Gusto kong walang magbago." Sabi ko. Hindi ko alam kung epekto ba 'to ng alak dahil nagiging emosyonal ako.

"In another life, I will stay by your side. Hindi ko kayo iiwan. I will do everything to make you smile. In another life, nandun pa rin ako para punasan ang pisngi mo na basa ng luha mo. D'Team." Sabi niya at itinapat sa akin ang kamay niya na nakakuyom.

"D' Team." Sabi ko at nakipag-fist bump.

##