Peste talaga!
Ang hirap gumalaw dahil sa mga bugbog ko sa katawan. Pinagpahinga lang ako ng tatay ko pagkahatid sa akin dito sa bahay kaya itinulog ko na lang pagkatapos kong magbihis.
Kaso pagbangon ko ngayong umaga naramdamdaman ko ang samu't saring sakit ng katawan. Jusme di ko alam kung paano ako papasok ngayon.
Sana i-excuse na lang ako para nasa kwarto na lang ako maghapon at nagse-cellphone. Di ko din kasi talagang kayang maglakad dahil binti at hita ko ang pinaka napuruhan.
Nagsusubok akong maglakad ng dahan-dahan papunta ng banyo (and thank God ang banyo ay nasa kwarto ko kaya di ko na kailangan pang bumaba at nagstruggle)nang biglang may pumasok sa kwarto ko. Lilingunin ko pa lang sana ang pumasok nang bigla akong matumba.
Sa lakas ng biglaang pagtumba ko ay nanghina ako.
Tangina talaga! Mapapatay ko tong bwisit na to!
Kahit na naluluha na ko sa sakit ay pilit kong tiningnan ang nasa harapan ko.
At di naman na ako nagtaka ng tumambad sa akin ang pagmumukha ng pesteng kapatid ko... si Aubrey.
Demonyita talaga tong babaeng to ayaw akong patahimikin.
Galit na galit siyang nakatingin sa akin at parang anytime ay mapapatay niya ko. Syempre wala sa sistema ko ang magpa-api at magpadala sa pananakot ng bruha kaya nilabanan ko siya ng tingin.
Pinilit kong tumayo ng tuwid at harapin siya. Binuksan ko na ang bibig ko para sana magsalita ng unahan niya ako.
"You bitch! Why did you came here? Bakit ka pa pumasok sa buhay namin ha?"nagsisimula na siyang umiyak.
Pinabayaan ko lang siyang magsalita.
"Alam mo ba? Ako ang prinsesa nung walang Margaile na nag-eexist sa mundo namin for 18 years. Ako ang pinagtutuunan ng pansin nila Daddy at nila Kuya Theo and Huntz. Pero noong nalaman namin na may KAPATID kami sa LABAS nagsimula na silang hanapin ka. Alam mo kung bakit? Because you are a FAMILY MEMBER for them... even mom didn't know about your existence" pinupunasan niya ang luha niya at huminga ng malalim bago nagpatuloy.
"Nang nahanap ka na nila na-echapwera na ko. It is like I am the bad person here when I opposed na patirahin ka dito with us. Bakit ka kailangang palipatin dito? Bakit kailangang itaas ang isang basurang tulad mo dito? Sampid ka lang naman sa pamilya namin at anak ka lang sa labas! But why the fuck do they care so much about you than me huh?!" nagtuloy-tuloy na ang pagluha niya. Humahagulgol na siya ng iyak at naluluha na din ako.
Totoo naman kasi ang mga sinabi niya. Anak ako sa labas. Ako ang sampid dito. Dapat wala ako sa lugar kung nasaan ang totoong pamilya. Dapat pinilit kong di sumama sa ama ko dahil alam kong may sarili siyang pamilya.
Pinunasan niya muli ang mga luha niya at tumingin sa akin. Pinakalma niya ng konti ang sarili niya bago siya nagsalita.
"Alam mo ba na sobrang galit sa akin si Daddy sa akin kagabi? Bakit daw kita binully knowing that you are my sister? Well... for me I don't have a sister in this family. I just have my dad, my two older brothers and my mom. At sa kauna-unahang pagkakataon na nabuhay ako... pinagbuhatan ako ng kamay ni Dad kasi iyon mismo ang sinagot ko sa kaniya."
Nagulat ako sa sinabi niya. My father slapped his legal daughter for her bastard child? Ganun na ba talaga ka grabe ang nagagawa kong gulo sa kanila?
"So now, Margaile... I'll make your life a living hell. Expect the worst from me" pagbabanta ang huli niyang iniwan sa akin nang may mga luha sa mata bago umalis.
This time, she won. Wala akong laban sa kaniya dahil hindi nga naman ako belong sa pamilya nila. Ito nga ang kinaiinisan kong mangyari kaya ayaw kong sumama sa tatay ko.
Ayaw sa akin ng isa sa mga kapatid ko. Malamang sa huli mapagtatanto nila na hindi ako worth it dito at baka sila pa ang magpalayas sa akin, which is fine with me para di ko na kailangang tiisin ang mga tao dito.
Isa na lang ang hindi ko nakikilala. Si Huntz. Mas matanda din siya sa akin at malamang kuya ko din siya.
Habang iniisip ang nangyari kanina ay nag-ayos na ko. I made up my mind kung ano ang dapat kong gawin.
I need to go to school today.
Di pwedeng bigyan ko sila ng satisfaction sa ginawa nila sa akin kahapon. Fine, I do feel sorry sa ginawa ng tatay namin kay Aubrey but it doesn't mean na magpapa-api ako sa kaniya.
Di ko kasalanang anak ako sa labas, di ko din kasalanang pinatira nila ako dito at di ko din kasalanan ang pagkawala ng atensyon sa kaniya.
Di ko hiningi ang lahat ng to. Kusa tong binigay sa akin kaya she can't blame me because I am a mess for her.
I need to see who's the evil one between us.