Chereads / Break the Limits DELETED / Chapter 9 - Chapter 7: Confusion

Chapter 9 - Chapter 7: Confusion

Ilang linggo na ang nagdaan simula nang dumating ako sa school sa na'to. Ilang linggo na din akong binubulabog ni Bryle!

Tulad na lang ngayon naka buntot siya sa akin habang naglalunch ako sa tagong part ng school. Isa itong garden pero iilan lang ang pumupunta dito kaya tahimik kaya kaysa sa cafeteria ako pumunta na sobrang ingay dito na lang ako.

Maeenjoy ko sana ang katahimikan kung wala lang akong bwisit na kasama tsk.

"Margs"

Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Ano?!"

"Grabe galit kaagad... hahahaha alam mo ba kung bakit ako may dalang gitara ngayon?"

Napansin ko din naman na kanina pa nga siya may dalang gitara sadyang wala lang akong pakialam sa purpose non. Marunong din naman ako e kung magyayabang siya pakikitaan ko siya tsk .

"Wala 'kong pake kung may gitara ka. Meron din ako niyan tss"

"Nubayan! Napaka sungit mo talaga! Kaya lalo kitang minama-" napatingin ako sa kaniya at nakita kong natigilan din siya.

"Ha..haha..m-makinig ka na nga lang! Dinala ko to para tugtugan at kantahan ka"

"Wag na baka masira eardrums ko sa'yo"

"Makinig ka na lang! Kukulitin din naman kita ng kukulitin hanggang pumayag ka e" inirapan ko na lang siya.

Ano pa nga ba magagawa ko? Palagi niya kong kinukulit kaya ang ending napapayag niya ko tsk.

Kalalaking tao ang kulit.

Napangisi ako sa naisip.

"Makinig ka Margs ha?! Ikaw lang babaeng tutugtugan at kakantahan ko"

"Oo na! Bwisit ka bilisan mo na bago pa magbago isip ko"

Nag-umpisa na siyang mag-strum ng gitara.

(Now Playing: TORETE by Moira dela Torre)

Sandali na lang

Maari bang pagbigyan

Aalis na nga

Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay

Sana ay maabot ng langit

Ang iyong mga ngiti

Sana ay masilip

Nakapikit siya habang kumakanta... napakaganda ng boses niya parang hindi si Bryle na pasaway at kumag ang kasama ko ngayon...

Wag kang mag-alala

Di ko ipipilit sa 'yo

Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo

Dumilat siya at tumingin sa akin. I felt a tight knot in my stomach at bumilis ang tibok ng puso ko. Fuck what's this?

Ilang gabi pa nga lang

Nang tayo'y pinagtagpo

Na parang may tumulak

Nanlalamig, nanginginig na ako

Akala ko nung una

May bukas ang ganito

Mabuti pang umiwas

Pero salamat na rin at nagtagpo

Torete, torete, torete ako

Torete, torete, torete sa 'yo

Nanatili ang titig niya sa akin na para bang para sa akin ang kinakanta niya...

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko...

Wag kang mag-alala

Di ko ipipilit sa 'yo

Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo

Torete, torete, torete ako

Torete, torete, torete sa 'yo

Sandali na lang

Maari bang pagbigyan

Wag kang mag-alala

Di ko ipipilit sa 'yo

Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo

torete sa 'yo

Napapikit siya ng banggitin niya ang huling lyrics ng kanta. Nanatili akong nakatitig sa kaniya.

"Huy! Hahaha na-star struck ka yata saken e di ka sumasagot at kanina ka pa nakatitig saken" tawag niya ng atensyon ko. Agad akong natauhan at pilit na ibinalik ang irita kong ekspresyon.

Kainis naman kasi eh! Bat ba ko napatitig sa kaniya?! Tss

"Ang panget ng boses mo kaya natulala ako para mainda yang boses mo di ko namalayang tapos ka na pala tumula- este kumanta" at inirapan ko siya.

Tinitigan niya lang ako na parang hindi makapaniwala at bumalik sa pwesto niya kanina malapit sa puno. Pinabayaan ko na lang siya at tumuloy sa pagkain kahit na medyo bothered ako sa reaksyon niya.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko sa pagsisinungaling. Totoo naman kasing maganda ang boses niya at nadama ko ang emosyon niya sa kinakanta niya pero ayaw ko sabihin sa kaniya yon dahil KAAWAY ko siya... KAAWAY lang at wala ng iba pa...

Binalingan ko siya habang nagliligpit ng pinagkainan ko dahil matatapos na din ang lunch. Kanina pa siya tahimik simula nung nagcomment ako sa boses niya.

Na-offend ko kaya siya?

Tsk! Maganda nga yun eh para tigilan na niya ko.

Kaso parang dinamdam naman niya yun... magsorry kaya ko

Tsk siya nga di nagsorry nung pinabugbog niya ko tas ako magsosorry sa ginawa ko?

Pero... hayys! Di ko na alam! Bahala na!

Naguluhan ako sa pag-iisip kaya iniling ko na lang ang ulo ko at binilisan ang pagliligpit. Akala ko hindi na niya ko susundan pero nagulat ako ng tumayos ako ay sumunod na din siya.

And his next words send the tickling sensation in my tummy and make my heart beats fast.

"I don't care kung pangit ang boses ko para sa'yo, always remember Margaile I'll sing for you because I like you and everything that I have belongs to you too ,even my voice."

***

Buong maghapon akong wala sa sarili at iniisip ang mga sinabi ni Bryle. Di rin ako makapag focus sa assignments ko ngayon dahil bigla na lang pumapasok sa isip ko 'yon.

Bwisit talaga! Di ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon hayyss!

Nagdecide ako na matulog na lang at sa room ko na gagawin ang iba ko pang assignments. Pero mukhang nananadya ang utak ko at paulit-ulit na nagrereplay 'yong sinabi ni Bryle sa utak ko. Kung ano-anong posisyon na ng higa ang ginawa ko pero di pa din ako pinapaburan ng utak ko jusko!

Pinagtitripan ka lang niya Margs! Since day 1 alam mong pinagtitripan ka lang! Kaya 'wag kang papadala sa mga pakanta kanta niya at mga sinasabi niya.

Pilit kong isinisksik sa utak ko 'yon pero alam kong...I have some strange feelings for him... Alam ko iyon simula noong nakita ko siya, alam kong may iba na kong nararamdaman but I should not entertain it. Di pwede at ayokong masaktan ulit.

I should stay away from him as much as possible. I should stoop this feelings from growing because this is something that would hurt me kung di ako mag-iingat.

Sa paglalim ng gabi... kasabay ng naguguluhan kong puso at isip ay dinaluhan ako ng ulan. Unang ulan na naranasan ko matapos kong maalis sa dati kong mundo.

Nakatulog ako dahil sa kapayapaang dulot ng ulan.