Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Heart in the Middle of North and South - Tagalog Version

LiFabiian
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.3k
Views
Synopsis
Pain is the most ironic thing. You want to be comforted by someone who hurt you. Para sayo, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? This is the Story of Mira Quel Vicente. The Cum Laude but ulti mega super duper pro max stupid when it comes to love. Halos lahat na ata ng magandang depinisyon ng tao ay nakay Mira. Gumraduate nung Highschool bilang Valedictorian at Athlete of the year. Masipag na tao rin si Mira meron siyang trabaho simula nung siya ay 16 yrs old pa lamang. Mulat sa totoong hirap bg buhay dahil lumaki siyang kumpleto ang pamilya pero pinagkaitan ng pagmamahal at suporta kaya naisipan ni Mira sa murang edad na punan ang mga pangangailangan niya. Sama sama nating subaybayan ang buhay ng the stupid Cum Laude.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Intramuros Manila is my favorite spot, My comfort zone. Anything in here gave me so much peace and happiness. Hindi ko akalain na sa lugar na 'to, kailangan ko bitawan yung taong sobrang minahal ko.

This place and person is my only home.

"So, eto na yung last?"

He whispered after a deep sigh. I can feel the silence between us. Kung gaanong napuno ng ingay at saya ang lugar na ito nung una kaming nagkita, ganun din ito binalot ng katahimikan at lungkot.

Hindi ko alam ang isasagot. Gusto ko pa siya makasama, gusto ko pa siya makita, mayakap.

Gusto ko pang ituloy.

Kahit isang beses pa sana, kahit isa pang huli.

Kung bibigyan ako ng huling kahilingan sa buhay ko, hihilingin kong makasama sya dahil alam kong sa huli na yon ako sasaya.

"Oo"

I silently respond.

I bite my tongue to stop myself from crying. Pinilit kong ifocus ang tingin ko sa baseball field. Sunod sunod na malalalim at tahimik na buntong hininga ang pinapakawalan ko para hindi ko tuluyang mailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"so what now?"

Nakakabingi ang nabubuong katahimikan pagtapos ng maikling salitang nailalabas. Halatang pinagiisipan, iniingatan.

I never thought that silence can be this painful.

"Napag usapan na natin 'to diba, expected na nating iiwan nat-"

I can feel the trembles on my voice. Naguumpisa nang manginig ang boses ko and I know na kapag tinuloy ko pang magsalita, iiyak at iiyak nalang ako dito.

"Bye"

Mga salitang tanging nabitawan ko bago tumayo at iwan ang minsan nang naging mundo ko. Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa wall ng Baluarte De San Andres pero sunod sunod na ang agos ng luha pumapatak sa mga mata ko.

Running away from someone who once become the person you run into when your drowned is like stabbing yourself to death.

Ito yung sakit na minsan nyang inalis, ito yung pagkasira na walang hirap niyang binuo, ito ako bago ko siya makilala and I ended up coming back to miserable and shattered pieces of mine.

isa lang ang masasabi ko.

Hindi ako nagsisi na sinira ko ulit yung sarili ko dahil alam kong ginawa ko ang tama at kung ano man ang namagitan sa amin ( kung meron man ) yun ay isang malaking pagkakamali na hindi na dapat dugtungan at dapat nang ibaon sa limot.

Kahit gano ko man gustong itreasure at alalahanin ang lahat, hindi ko na yun gagawin dahil alam kong dito lang yun magtatapos.

Patawad, paalam.