Chapter 2 - Chapter 1

MIRA POV

8:45 PM Intramuros, Manila.

Baluarte De San Andres.

"Miss gabing gabi na, kaninang alasais pa ako nagpapaalis ng tao dito umuwi ka na"

Kinalabit ako ng isa sa mga guard dito, magaganda ang suot nila para ka talagang nasa 1990's.

"Sige po, nagpahangin lang po saglit"

Kinuha ko ang bag ko at dahan dahan nang bumaba sa wall. Ganito talaga ko, everytime na stress ako or malungkot iisang lugar lang ang pinupuntahan ko. Dito sa Intramuros.

Medyo malayo ang bahay ko dito pero this place gave me so much peace. Kaya dadayuhin ko talaga.

"Nakauniporme ka pa hija"

Di na ko umimik, nginitian ko nalang yung guard. Hindi naman talaga ko saglit lang nagiistay don e, madalas kapag wala nang sikat ng araw andun na ako hanggang sa umabot ng ganito ka-gabi. Maaga pa nga 'to para sakin e pero kailangan ko na umuwi kasi may trabaho pa ko bukas.

Mas gusto ko kasi mapag-isa kapag nalulungkot ako. Masayahing tao kasi ako sa harap ng maraming tao alam kong hindi nila ko maiintindihan kapag nagdrama ako sa kanila. Iisipin nila na nagbibiro lang ako or nagiinarte.

Sa bahay? Our house is not my home. Kapag nasa bahay ako ang bigat bigat ng pakiramdam ko parang lahat ng gagawin ko mali kaya mas gusto ko na nasa labas kahit abutin ako ng gabi. Gusto ko pagpunta ko don matutulog nalang ako para wala na akong maririnig na sermon.

Ang toxic kasi ng family ko e, hindi nila na aappreciate yung mga bagay na pinaghirapan mo puro nakikita lang nila yung mga pagkakamali.

Sa bahay namin parang bawal ang magpahinga. Pagod ka from school tapos gusto nila na maglilinis ka ng buong bahay samantalang may mga kapatid ka naman na di masyadong busy. Sa bahay namin, hindi uso ang salitang konsiderasyon.

Sa ganito na umiikot buhay ko simula nung sumuko ako sa lahat. I met a man na lugmok sa kalungkutan kaya pinasaya ko, naging kami pero nilunod niya lang ako sa sobrang lungkot.

Lungkot na humantong sakin na maging matigas at mapaglaro.

Pakiramdam ko mag isa nalang ako sa buhay, nagtatrabaho sa weekend mag aaral sa weekdays tapos wala man lang nagtatanong sakin kung pagod na ba ako, kung kumain na ba ako, kung kamusta ang school at pag aaral ko. Lahat yan wala.

Pakiramdam ko, wala akong kasama.

Marami kami sa bahay pero yung napagsasabihan ko ng problema? Wala.

One thing I really hate about having a toxic family is giving title to sadness as kaartehan. Depression as palusot sa katamaran.

My mental health is really fucked up everytime na kasama ko ang pamilya ko sa iisang pwesto. Pakiramdam ko anytime, paguusapan nanaman nila yung mga minor mistakes ko na akala mo kasumpa sumpa na ko sa bahay at sampid lang ako.

I was so bored sa biyahe so I opened my phone. Nakakaramdam nanaman ako ng sudden sadness, siguro I better talk to someone again.

Someone I don't even know. Yes, strangers. I usually share problems to strangers kasi gusto ko lang naman ng makikinig sakin e, after that they will not care anymore and you can just thank them for listening.

Kapag sa stranger ka nagshare ng problems at hinanakit sa buhay, hindi ka nila ijajudge.

Chat now.

I typed on my messenger, I usually use neargroup everytime na gusto ko maglabas ng hinanaing sa stranger. Dito kasi pareho kayong anonymous choice niyo nalang kung magbibigayan kayo ng fb account.

Yay! Found you a chat

Gabriel, 18 - Male

๐Ÿš— 0 KM away

๐Ÿ  Manila

Chat long enough to reveal photos & names ๐Ÿ˜

type END (to end this chat)

FRIENDS (reveal pics)

REPORT (report user)

: hi

I quickly responded.

:Hello

Maya maya nagreply na din siya.

:asl?

Kung bago ka sa mga ganito, asl means "age" "sex" and "Location" ibig sabihin tinatanong niya yang mga yan sayo.

:18, Manila, F

: ako po 20, saan ka sa Manila?

I dont know what to answer kasi taga Paraรฑaque ako, Manila lang nilagay ko kasi nga favorite place ko yon HAHAHAHA.

:bakit ka andito?

Iniba ko nalang yung usapan, ayoko ng inaalam kung taga saan ako e.

:wala, bored lang. Ikaw?

:same, kinda sad

:ahh sad girl.

:Hahahahaha

Last conversation ended.

Type CHAT NOW to chat ๐Ÿ˜

"Luh?"

I sighed, ganito talaga sa neargroup minsan sa minsan ka lang makakakita ng taong pwede mo sabihan ng hinanaing. Most of the time puro malilibog or gusto nila yung makikipagmeet sa kanila which is hindi ko naman gawain.

"Valley 1! Sino bababa sa Valley 1"

Oh andito na pala ko.

"Para po"

Pagkababa ko ng UV, para nanaman akong lutang. Umakyat ako ng overpass at tiningnan ang ganda ng liwanag sa gabi. Hindi ko alam kung bakit may mga taong takot na takot sa dilim samantalang napaka peaceful naman niya tingnan. Ang tahimik.

I checked my time 9:20 na ng gabi mag teten nanaman. Dumaan muna ako sa Mcdo at doon na kumain kasi for sure, wala na kong aabutang pagkain sa bahay.

I always enjoy my own company. Yung ganito lang walang gulo. Sabi nga ng iba kung hindi ba daw ako nalulungkot. Syempre hindi, Being alone is not the same as being lonely. Magkaiba yon.

Pinihit ko na ang gate ng bahay namin and as usual, wala namang sasalubong sakin kundi yung aso ko.

"Helu jepoooyy, mwa!"

I kissed my dog then pumasok na ko. Wala na tao sa dining siguro nasa kwarto na sila.

Dumiretso ako sa lamesa kasi baka tinirhan nila ko pagkain pero nah, wala talaga. Malay mo lang naman diba maalala nila ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko, isa pa tong comfort zone ko. Katahimikan.

Nag ayos lang ako ng sarili at nahiga na rin. Pinatay ko ang ilaw, I get my phone.

Ang empty ko ngayon, gusto ko talaga ng makakausap.

Nagtry ulit ako sa neargroup, pero fast chat lang 'to pampa antok lang. May trabaho pa kasi ako bukas.

Yay! Found you a chat

Nathaniel, 19 - Male

๐Ÿš— 0 KM away

๐Ÿ  Manila

๐Ÿค” Bored, just want to chat

๐Ÿ˜Ž Qualities: Sense of Humor

Chat long enough to reveal photos & names ๐Ÿ˜

type END (to end this chat)

FRIENDS (reveal pics & add friends)

REPORT (to report this user)

:Hi

:helu gudmornen

Medyo natawa ako sa pagbati niya kasi gabi na tapos goodmorning. Mukhang mabait 'to kasi ang nakalagay bored lang siya. Hmm, same same.

:HELU GUDMORNEN!!

Medyo hindi ko ginawang pale yung reply ko, kunwari friendly.

:Hahahaha. Kamusta?

Kamusta is way better than asl ah. I read some of the infos about him nang mabasa ko na 0 kms away lang siya sakin.

:HALAAA TAGA SAN KA?

: 0 KM AWAY AMPOTEK

Diba, naka capslock pa para kunwari shookt na shookt.

:taga saan agad?

Kyut niya ah, ayaw niya malaman location ko. First time makahanap ng ganito.

:Baka katabi lang kita!

Ayan naninigaw na si ate mo Mira.

: pareho kasi tayong Manila, pero hindi naman talaga taga Manila.

Napangiti ako, totoo naman kasi akala ko gawain ko lang. Ako na nag insist na dumaldal kasi bored ako saka saglit lang naman to kapag naubos na topic ieend ko na without him knowing.

: Soo bakit ka nandito? Ako kasi naghahanap ng jowa.

I made a smirk, wala namang nakakakilig pero natatawa ko.

: gusto kasi kita.

Aywih, pumapatol. Akala mo naman papatalo ako.

:Baka ikaw na yon, yie~

Lalong lumalaki ngiti sa labi ko nung nakilita kong typing na siya. Natutuwa ako kausap siya kasi unlike sa iba, mabagal magreply tapos napaka walang kwenta kausap. Ito medyo nagiging naughty ako.

: I mean, Gusto kita kausap.

:Landeeee!!!

Sabay kami ng pagsend. Napa pout nalang ako kasi akala ko magkakaroon na ko kalandian. Ang gara naman nito, hindi man lang ako sinakyan hmpf! Nakakamiss din kaya masabihan ng I love you. Duh~ .

:yie. Halikana.

Napatingin ako sa message. Yieee~ HAHAHAHAHAHAH eto na ata yun lord, salamat sa panandaliang kalandian na pumapawi sa aking kakulangan ngayong gabi.

"luh, enebe"

Bulong ko nalang sa sarili ko. Pinapahupa ko pa kilig ko ng magmessage ulit siya.

:Joke lang, Wala gusto ko lang ng kausap.

Aww. Feeling ko may problem din 'to pero syempre pag mga ganyan diba dapat binibigyan natin good vibes so gagawin natin yan.

:La naman pinaguusapan pero same gusto ko rin.

I smiled again when I receive his fast reply.

:ah, gusto mo rin ako?

:hindi, gusto ko rin ng kausap.

Then I suddenly think of another trip.

: Yung mapofall ako sa sobrang sarap kausap.

Paness, kung sa landian lang ang labanan panalo na ko.

:ayy, di lang ako masarap kausap.

:masarap din.

I smile widely. Wild naman itu.

: HAHAHAHAH parang ang tagal na natin magkakilala ah.

Pahabol niya pa, assuming mo naman ambilis mo ma-fall. Sarap siguro nito paglaruan noh. Tutal mga lalake pare pareho lang naman depota e.

:Hoy, ako masaya lang kausap pero di ako masarap.

: PERO HOY!

Sunod sunod na chat ko sa kaniya, syempre sa ganitong sitwasyon dapat kong ipagmalaki ang aking 3 M's. Matalino, Madiskarte, Maganda.

:kapag ako jinowa mo, sureball ka na maganda ang future mo.

:kase hindi ako pariwarang babae.

: Lol, consistent Honor ako and working student ako boi.

: Lika dito asawahin kita.

Yan, ganyan dapat kapag lalandi may maganda kang credentials hindi yung pabigat ka lang sa buhay diba.

:rara

:Maganda Future natin nito. Ikaw? Wala ka bang offer para magustuhan kita?

Hanap, usap, deal lang. Hindi naman pwedeng bubuhatin ko pati buhay neto. Aba, gusto ko yumaman ayoko magkaron ng asawa na walang pangarap sa buhay.

: Bagay tayo, ako kasi wala kong kwenta e. Buhayin mo ko HAHAHAHAH.

Sabi ko nga fast chat lang 'to eh, bakit ba asawa agad iniisip ko?

: ngi.

Yan nalang nireply ko, nawawalan na ko gana. Kapag wala na siya nagawang topic eend ko na.

: De joke lang, ikaw ano ba course mo?

Nakabuo nanaman ako ng katarantaduhan sa utak ko, tutal stranger lang naman 'to why not do things I want to do to make things funny diba?

:Egul sayo sir. Taga kantot ka lang ganon? Sarap naman ng buhay mo.

Napatawa ako ng mahina. Tingnan natin hanggang san sense of humor mo.

:tnga, future engineer to.

Ohhhhh. Naks, nakabingwit din ng engineer HAHAHAHAHHA. Imaginin mo yun oh, sarili mong asawa mag gagawa ng dream house mo. Odiba solid putcha di ko na papakawalan to.

: weh? Ako future chef. Ikaw na bahala sa bahay natin ako na bahala magpasarap sayo.

:Computer engineer nga lang.

Ngi..

:HAHAHAHAHAHAHAHA TANGINAMO.

Yan nalang response ko, isip muna ko next topic.

: ni hindi ko pa nga alam kung tiga san ka e.

: saka malay mo, high standards ka, panget pa naman ako.

Luh, high standards amp. Ex ko nga may sakit sa utak pinatulan ko e.

: HUY! La kong standards sa lalake kasi para sakin, kapag tinamaan ka tinaaman ka.

Well, totoo naman e. Sobra kong nainlab sa ex ko na halos kalahating taon ako nag move on. Malayo yun sakin pero ako pa bumibisita sa bahay nila. Putangina niya talaga.

: barilin kaya kita noh? Cumshot ganon.

Kabog may pa cumshet si baby, sige nga gusto ko sa mukha ah. Char HAHAHAHA.

: KAPAG MAHAL MO, KAHIT MUKANG KINALAYKAY NG MANOK MUKHA NYAN. MAHAL MO PA RIN.

Yan nalang sinabi ko, baka mamaya mapunta sa video sex e HAHAHAHAH.

: Haha ganun ba yon? Baka manawa ka sa mukha ko.

Napaka down to earth naman nito, kiss kita diyan ih.

:ngi. Talaga?

: oo nga, enrique pag gutom.

: tas Daniel kapag pagod.

: Ayy HAHAHHA PALABAN.

:tapos future wife ko kapag sinabi mo kung tigasaan ka.

: smooth lang tayo

Slow claps for this man. Napaka gentle ng proseso natutuwa ako HAHAHHAHA.

:alam mo, di ka naman redhorse noh?

:baket?

:kasi parang alakyu na.

Legit talaga yung kikiligin ka sa sarili mong banat e, Grabe improving ako pero level 1 palang yan.

:hm.

: *kinilig.

: TIGASAAN KA NGA SUSUNTUKIN NA KITA E

: tangina mo, baka bicol nanaman.

: Hindi gagi HAHAHAH layo naman non! Taga Manila lang ako pwede mo ko mahalin.

:ulol. Saan sa Manila?

:Jonk, taga Valley 1 ako.

:mahalin mo din ako.

:yown! 1 mrt away. HAHAHA.

:san ka ba?

: Antipolo.

Nagkwentuhan kami about sa mga naging travel ko. Nasabi ko sa kaniya na gusto ko mag isa kapag malungkot or stressed tapos nakarating na ko sa ibat ibang lugar nang magisa. He told me na maganda rin daw sa antipolo kasi maraming pasyalan.

One of my best trip yung sa baguio. Ayun, kinwento ko rin sa kanya.

: ang sarap ng biyahe, ang lamig.

:Syempre masyado ka na mataas, suntukin kita e.

:Puro ka suntok. Bawal bang kiss nalang?

I was so excited sa reply nya pero mukhang hindi na siya magrereply. Uhm, siguro may ginawa lang?

Nag fb fb muna ako saglit. Maya maya nagchat na ulit siya.

:natatakot ako sayo.

Huh? Nagbackread ako. Siguro masyado na kong nagiging malandi kaya naiisip niya yan. Awit naman.

:Huh? Bakit?

:Panay ka ganyan pero pag nakilala mo ko personal. Di mo ko magugustuhan. HAHAHAHA pinapaasa mo ko.

I suddenly feel guilty. Sabagay, may mga tao talaga na madali mafall pero trip lang naman tong ginagawa ko.

: Gagi ka, syempre joke joke lang yan.

: and alam mo ba, kapag ako na fall genuine.

:Kahit marami kang mali, I always look at the positive side

Bigla kong naalala yung ex ko. Sobra niyang kinawawa mental health ko pero hindi ko siya iniwan kasi I promised to God na siya na yung ipapakilala ko sa kaniya.

Ang dami niyang kasalanan sakin na ngayon ko lang nakita kasi nung mahal ko pa siya, hindi ko piniling tingnan yung mga mali niya kasi dapat tatanggapin ko siya sa kung ano man siya but thats the big mistake kasi tinake for granted niya ko. Alam niyang mapapatawad ko siya at alam niyang at the end of the day hahabulin ko siya kaya paulit ulit niya kong sinasaktan emotionally.

Pero okay na rin yun, trabaho mo yun bilang girlfriend e diba? Yung tingnan yung mga tama sa lahat ng pagkakamali niya. Atleast, alam ko sa sarili ko na kahit ako yun nakipagbreak alam kong hindi ako nagkulang. Binigay ko sa kaniya lahat ng kaya kong ibigay. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali.

Pinili ko lang yung sarili ko.

:sige na nga, hindi kasi ako sanay na manloko. Gusto ko yung magugustuhan ako sa totoong ako.

:syempre, di naman ako mapofall sayo agad. Ano yon? Nagchat lang mahal agad.

Sa chat ko lang kasi nakilala ex ko, ayoko na mangyari yun. Gusto ko ipapakita ko lahat ng panget sa ugali ko at kapag nagustuhan. Yun yung mamahalin ko.

Imposible namang di ka mapamahal sa taong tanggap bad sides mo diba?

: ni hindi mo pa nga ko nakikita e. Kahit sa pic.

: sino ba nagsabi sayo na love kita romantically?

:wala. U like me lang.

:gusto kita kilalanin, I can feel you're nice.

:pero feeling mo lang yon HAHAHAH.

:Pero may ex ako.

Eto na, magchichika nalang ako about sa ex ko kesa kung saan pa to mapapadpad.

: ay ayan sigi, kwento ka dali.

Nagumpisa na ako magkwento sa kaniya. Kung paano ko pinaramdam sa ex ko na sobrang mahal ko siya.

Artist yung ex ko, yung pamilya niya may sariling art gallery pero never pa naipost dun yung gawa niya kasi hindi qualified even though sa paningin ko maganda naman. He lost his passion sa pagdodrawing so pinagipunan ko makabili ng complete set ng charcoal pencil at sketch pad. Maliit lang sahod ko sa trabaho pero pinagipunan ko yun kasi gusto ko maibalik niya yung passion niya sa pagdodrawing.

Kapag maaga uwian namin sa school, from paraรฑaque dadayuhin ko siya sa school niya sa JRU para sunduin. Wala lang, gusto ko lang maexperience niya yon. Gusto ko maexperience niya na kahit siya yung lalake, deserve nya maging prinsipe ng buhay ng isang babae.

Kapag magkaaway kami, kahit anong oras, kahit gabi. Bibyahe ako papunta sa bahay nila para ayusin. Sobrang layo niya sakin pero hindi ko inisip yon. Hindi ko iniisip yung digrasya or panganib na umalis ng gabi para personal na ayusin yung problema namin.

Every saturday, 9:30 am ang pasok ko sa work tapos ang uwi ko almost 1:00 na ng umaga pero I always manage na every sunday morning, bibisita ako sa kaniya at half day ako sa work.

I gave him so much things to remember pero parang wala lang sa kaniya.

Never ko siya inaway na walang dahilan. Like tinotoyo? Never.

I broke up with him 4 days after ng anniversary namin kasi I promised myself na kapag ginawa niya ulit yung bagay na palagi naming pinag aawayan.

Hihiwalayan ko siya.

So yes I did and the worst is sineen nya lang yung long pharagraph ko and never na kami nag usap.

Sobrang durog na durog ako that time na halos bumagsak ako sa thesis namin kasi mental blocked ako and yung time for study is nauubos ko kakaiyak.

I dont want to be that miserable again.

Not again.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Yung buhay ko, personal life. Naikwento ko sa kanya na at the young age naging independent ang tingin ko sa sarili ko dahil wala namang tao sa pamilya namin yung may pake sakin.

Even those achievements na nakuha ko, wala lang sa kanila.

Naikwento ko sa kaniya kung bakit ako naging ganito ngayon. Kung bakit takot ako sa commitment at kung bakit nasanay ako mag isa.

Sobrang dami kong naikwento sa kaniya and I really feel comfortable of telling him my darkest side.

: grabe nagutom ako, dami mong kwento.

: AYY HAHAHAHA. ikaw kasi e! Sige kain ka nalang diyan.

:kilalang kilala na kita pero pangalan mo hindi pa.

Then reality suddenly slap me. Hala oo nga. Naikwento ko na tanang buhay ko pero hindi ko pa nasasabi pangalan ko HAHAHAHAH.

: ayy oo nga HAHAHAHA. Add mo ko dun tayo usap.

: ok ok, name plez.

: DALIII MARAMI PA KO KWENTOOO.

: NAME NGAAA! oo makikinig ako lagi ano na name mo.

Siguro, okay na siguro 'to? Para hindi ako napapraning noh? Atleast may isang tao na pwedeng makinig sa buhay ko kahit nonesense. Sa wakas, may pagkukwentuhan na rin ako ng nangyari sa araw ko without judging me.

: Mira Quel.

He took kinda long to respond again.

Maya maya lang tumunog na ulit yung phone ko.

: wait, sa bikini bottom high school nag aaral?

Medyo natawa ako, lahat kasi ng info ko sa fb puro tungkol kay spongebob e.

: oo HAHAHAHAH. Lab ko si spongebob e.

:SAME!! pero ikaw 'to? Sure ka? Di naman panget e.

: maganda lang sa pic yan. Wag ka palinlang.

: wait, stalk ko muna.

Habang nagiistalk siya. May naisipan akong sabihin.

Weakness ko or sabihin na nating weakness nating mga babae.

: Alam mo, marami akong drama sa buhay kung lagi ka makikinig...

: baka ma fall ako sayo.

I sighed.

: Charot HAHAHAHAHAH

Maya maya nagreply na siya.

:taga kinig lang?

:mas gusto ko pag usapan yung ganito sa personal e, kaso malayo ka edi chat nalang.

: grabe ka sa mafall HAHAHAHAHA.

:HAHAHAHAH charot nga lang e, sige na matutulog na ko may work pa ko bukas.

: sige accept muna.

: ayy, sige ano name?

: Eise