"We are gathered together here to join Kristan and Denice in the union of marriage" aniya ni Father bago tumingin sa gawi ko "Denice, do you take Kristan to be your husband? --Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?" Dagdag niya
"I- I do father" sagot ko kay father habang pilit na napangiti
Dahan dahan niyang nilingon ang sarili kay Kristan kaya napatingin din ako dito, halatang lutang sya
"Kristan, do you take Denice to be your wife? --Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?" Tanong ni father habang nakatingin sa gawi ni Kristan
Nag antay kami ng sagot nya pero walang lumalabas sa bibig nya kaya kinalabit ko na habang pabulong ang tawag sa pangalan nya
"No!" Sigaw nya kaya nagulat ako at ramdam kong gano'n din ang iba habang napuno ng pagtataka ang mga tao
"I- I mean y-yes" nauutal na sabi nito at napataas ng kilay si father
Animoy nagtatanung 'to at nagpapahiwatig kung 'pinilit ka lang ba?'
Ngunit di iyon nakita ni Kristan dahil nasa baba ang atensyon nito
"KRISTAN and DENICE will now exchange rings as a symbol of love and commitment to each other. Rings are a precious metal; they are also made precious by you wearing them. Your wedding rings are special; they enhance who you are. They mark the beginning of your long journey together. Your wedding ring is a circle-a symbol of love never ending. It is the seal of the vows you have just taken to love each other without end" nag aalangan saad ni Father
[ EXCHANGE RINGS ]
"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and wife! You may kiss each other!" Tugon ni Father kasabay ang pagpalakpak ng lahat
Agad namang kumilos si Kristan papalapit sakin at Hinalikan ako........... sa pisngi
Dun lang talaga
Hinayaan ko nalang ito dahil dina rin bago sa akin ang ginawa nya........
Nang matapos ang kasal ay nag simula ng kumuha ng letrato kasama ang mga ninang at ninong,magulang,kaibigan at mga bridesmaid at groommaid ng kasal ngunit di man lang ngumiti si Kristan sa mga nakuhang litrato
Hindi sya ngumiti..........
Nakakalungkot pero, pumayag na syang pakasalan ako
Nang matapos ang ilang minutong pagkuha ng litrato ay
Nagsi-alisan ang mga tao at nag antay sa labas upang ihagis ko ang bulaklak
At nang ihagis ko iyon ay masaya naman ako dahil ka batch namin ang nakasalo nun
Di na kami naghanda ng reception dahil sabi ni Kristan ay diretso na kami sa honeymoon at sumang ayon naman ang mga bisita at magulang namin ni Kristan sa desisyon na yun
Nang nakarating ang sasakyan at isinakay ako ni Kristan ng bridal style dun at napansing naiilang sya na parang napilitan lang sya
Habang nag babyahe ay nakaramdam ako ng katahimikan at konting awkwardness and namuo sa loob ng sasakyan dahil di man lang nya ako kinausap at parang may inaantay ito sa cellphone nya dahil panay tingin sya duon...........
Ilang minuto ang lumipas ay sa wakas ay nakarating na kami sa mansyon
Bumaba si Kristan na parang walang kasama dahil di rin nya ko tinulungan sa pagbaba kaya napilitan akong gawin yun habang bigat na bigat sa suot kong wedding gown at walang atubling sinundan ito
Mapahinto nalang ako sa malaking pinto ng mansyon na sinasalubong ng pulang carpet at kitang kita ang kumikinang na disenyo sa bahay lalo na yung chandelier na nakakalula tignan
"Kristan" tawag ko sa pangalan ni Kristan ngunit ng lingonin ko ito ay wala na ito sa tabi ko
Nilibot ko ng tingin ang paligid upang hanapin sya at natagpuan ko itong paakyat ng malaking stairway
Kaya lakad takbo ang ginawa ko para lang habulin ito at di nagtagal ay huminto ito sa isang malaking pinto at dahan dahang binuksan 'to
Bumungad sakin ang malaking kwarto na mukhang master bedroom na napaka aliwalas tignan dahil sa puro kulay puti ang nandito
Wala ring masyadong gamit kagaya ng inaasahan ko at mukhang may walk in closet ito dahil may nakita akong dalawang pinto sa loob at mukang Cr na ang isa dun
Kapansin pansin ang ang puting marble na sahig nito at naglalakihang kurtina na tumatakip sa malaking bintana ngunit agaw pansin dito ang kingsize bed na may puting kumot
Masaya ako dahil mukhang naka ayon toh sa gusto kong kulay
Napansin kong naglakad si Kristan sa isang pinto at mukhang tama ang hula ko dahil walk in closet ito
Naupo muna ako sa sa kama at ninamnam ang lambot nito
Nahiga ako ngunit napatayo at nagulat nalang ako ng lumabas ng pinto si Kristan habang suot ang simple pero pormal na damit
Animoy may pupuntahan sya sa suot nya
"Matulog kana!" Malamig at tonong galit na ani nito kaya nagulat ako
"Pero pano yung--" baputol nalang ako sa pagsasalita dahil sumigaw ito
"Wag ka ng mangarap denice!"
"Wag ka ng mangarap na may honeymoon na mangyayari! Dahil wala! Wala dahil hindi kita mahal at wag kanang umasa dahil kahit anong gawin mo! Si Diana parin ang mahal ko!" Dagdag nya na animoy galit na galit kaya bigla nalang akong nakaramdam ng sakit at nagbabadyang luha pero pinigilan ko ito
Di naman honey moon ang ina alala ko kundi yung mga maid dahil natatakot akong mag isa rito
Lumakad ito palabas ng kwarto at binalak ko pa itong sundan pero sa kasamaang palad ay natapilok ako
Masakit!
Ang Sakit!
Hindi yung paa ko kundi yung sakit na nararamdaman ko ngayon ko ngayon sa puso ko habang pinapanood kong umaalis ang taong mahal ko para sa ibang babae..........
KRISTAN'S POV
Alam kong natapilok si Denice pero wala akong balak na unahin sya!
Mas uunahin ko pa yung babaeng mahal ko kaysa sa kanya
Siguro pag kung ginalingan nya pa ang pag arte nya ay makukuha nya ko
DENICE'S POV
Ang sakit ng paa ko na iniinda ko ngayon dahil inaantay ko na umuwi si Kristan para sabay na kaming kumain
Oo gutom nako pero kakayanin ko!
Nag antay ako ng ilang oras sa dinning area hanggang sa lumamig na ang mga pagkaing inihanda ko at Binalak ko pa ito initin para kumain nako pero di ko nayun tinuloy dahil nawalan nako ng gana
Naglakad ako paakyat sa kwarto ng biglang nag ring yung cellphone ko at mukang tawag yun kaya tinignan ko ito
Kristan is calling.........
Agad ko namang sinagot ang tawag ng malaman ko kung sino ito dahil nag eexpect ako na kakamustahin nya ko pero ibang boses ang bumungad sakin na nagpabigat ng pakiramdam ko
"Hi Denice" bati ng babae sa kabilang linya at alam ko na kung sino ito at natameme pako ng ilang minuto kaya nagsalita ulit ito
"Kamusta kana?" Tanobg nya kaya napataas ako ng kilay
Eto nag aantay sa asawa ko
"Ma-mabuti naman" sagot ko
"Sorry ha, naistorbo ata kita dahil mukhang tulilog kanarin its around 12 am na kasi eh!" sabi nya sa kabilang linya na ibang tono para sakin
Yung tipong nang aasar
"Uhmm...... diana nandyan ba si Kristan" tanong ko dahil di ko ring mapigilan ang pag aalala
"Ahh oo bumili lang nang makakain ko, gutom na kasi ako eh" ani nya na tipong nahihiya pa at nakaramdam ako ng selos pero minabuti kong pigilan ito
"Pwedeng magtanong?" Ani ko sa kanya at sumang ayon ito
"Oo naman"
"Ok...... uuwin ba sya?" Tanong ko naman
"Ewan ko--" naputol nalang ang pag sasalita dahil sa pamilyar na tinig na dumating sa kwarto
"Andito nako babe!dala ko na yung pagkain mo!" Mukhang masyang ani nya kay diana sa kabilang linya
"Thanks........ uhmm tinawagan ko nga pala si Denice baka kasi hinahanap ka na ni tita" nahihiyang sabi nya kay Kristan
"At tinatanong nya kung uuwi ka daw ba?" Dugtong na tanong nya
"Tss! Hindi ako uuwi sa babaeng yun! Dahil ayaw kong iwan ka para sa babaeng yun!....... pinilit lang naman akong pakasalan sya at kung hindi itatakwil ako ni mama at papa tapos tinaggalan pa ako ng credit card! Kaya wala akong choice pero wag kang mag alala Diana dahil hindi ko sya ituturing na asawa ko dahil ayaw ko syang makasama at hindi naman sya ang mahal ko kundi ikaw"
Sagot ni Kristan sa kabilang linya at rinig naring ko yun
Pinatay ko ang linya at dumiretso sa kwarto
Mukhang di ko na kakayanin ang sasabihin nya kung itutuloy ko pa ang pakikinig
Di ko rin napigilang pigilin ang luha ko
Sinubukan kong tumahan pero di ko kayang pigilin ang pagpatak ng mga luha ko
Dahil mahal na mahal ko sya at dahil sa sobrang sakit ng mga sinabi nya na animoy espadang sinsaksak ako sa puso...........
ITUTULOY........