Chereads / Saint Eustace Academy Series 1 / Chapter 1 - Saint Eustace Academy : Tiarra Chapter One

Saint Eustace Academy Series 1

🇵🇭_OhSiPancake
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Saint Eustace Academy : Tiarra Chapter One

"Good morning, mga katoto!" masayang bati ko sa sarili. Hyper na hyper ang pakiramdam ko. Feeling ko maraming magandang mangyayari ngayong araw. "It's my day today." bago pumasok sa banyo ay diniligan ko muna ang aking mga mahal na cactus.

Sa sobrang excited kong pumasok hindi na ako nakapag agahan. Agad ko na rin tinawagan ang best friend kong si Chaea.

"Hello? Asan ka na? Papasok na ako sa lobby." nakaipit sa tenga ang phone ko habang may kinakalka ako sa bag ko nang biglang..

"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" galit naman agad si koya. "Sorry. Hindi ko sinasadya may hinahanap kasi ako." Hindi ko na narinig na sumagot si Chaea dahil nahulog ang telepono ko. "Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo." hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil narinig kong tinawag ako ni Chaea.

"Inaantok pa ako." bungad nito habang humihikab. "Naligo ka ba?" tanong ko dahil mukhang itong kakabangon pa lang. "Ang ingay mo naman. Syempre, hindi na ako nakaligo sa trabaho na ako natulog." Ah kaya pala. Isa kasi itong DJ sa kilalang bar sa Makati. "Mag palit ka ng damit ha, ang baho mo kasi." biro ko sakanya. "Loka!" dumaretso na kami sa kaniya-kaniya naming room. Hindi kasi kami magkaklase ni Chaea.

"Ally, ang ganda naman ng pinag bakasyunan mo." narinig niyang tanong ni Ella. Ah yes. Kowing Ally, alam na niyang bibida na naman ito dahil isa ito sa pinaka mayaman sa campus nila. Bragging Time.

Akmang yuyuko na ako nang bigla ako kalabitin ni Chaea. "Tara sa cafeteria," at talagang pumasok pa sa room namin kahit hindi ko naman siya classmate. "Nagugutom na ako e, tayo na riyan." ano pa ba bang magagawa ako eh hinatak na ako.

Habang kumakain ay biglang lumapit si Matteo. "Tiarra, free ka ba mamayang hapon?" tanong nito. "Bakit mo inaaya si Tiarra? may gusto ka ba sakanya?" Ayan na naman po ang kaibigan ko. "Cha.." suway ko. "Hindi. Ililibre ko lang sana siya dahil tinulungan niya ako kahapon," sagot ni Matt. "You can join if you want." aya niya kay Chaea. "Libre ba yan, ha?" talagang naninigurado pa, e. "Sige, Matt we'll see you later." pumayag na ako dahil baka ano pang i-request ni Chaea. At nagpaalam naman itong aalis na.

Hindi pa nakakalayo si Matteo nang biglang may narinig kaming ingay.

"Bulag ka ba ha? Ang kapal na nga niyang salamin mo hindi mo pa nakikita dinaraanan mo." sabi ng lalaki habang hawak ang kwelyo ni Matteo. "S-sorry.. I'm really sorry," akmang susuntukin niya si Matteo pero nakalapit na kami Chaea. "Matt, are you okay?" tanong ko. Saka ko lamang nakita kung sino ang mga ito. Xyver.

Xyver Hans Villaranza. Kilalang bullies ang mga kasama nito, hindi ko pa siya nakikitang nang bully ng iba, pero hindi ko rin naman siya nakitang sinuway ang mga kasama nito kung may ginagawa man ang mga ito ng kalokohan.

"Sino ka naman?" tanong nito. "Can you let him go? Sa pagkakarinig ko kasi he apologize already," pagtatanggol ko. "And bago ka sana mang hawak nang kwelyo ng iba siguraduhin mong sarado ang zipper mo." narinig kong tumawa ang lahat ng nasa cafeteria. "Now. Let's go guys." aya ko sa dalawa. Pero nakita kong nag dilim ang mukha ng lalake at sasampalin ako. Buti mabilis ang reflexes ko nahawakan ko ang kamay nito. "Uh-oh. better luck next time." nginisian ko siya at umalis na. Narinig ko pa itong nag mura.

"Thank you, Tiarra. Sana hinayaan mo nalang sila. Baka balikan ka ng mga yun." hindi naman ako natatakot. "Kaya ni Tiarra yan, mag tulong-tulong pa silang lahat." well, hindi halata pero marunong ako mag martial arts. "Okay lang. Wala namang bullies kung walang magpapa bully eh. Kaya ikaw huwag mo hayaang tapak-tapakan ka nila." paalala ko sakanya.

**

Hay. Buti naman at uwian na. "Tia, una na ako ah. Kailangan ako sa bar eh." nagpaalam na kami sa isa't-isa at dumaretso na ako sa parking lot nang makita kong may nakaupo sa hood ng kotse ko.

"Anong kailangan mo sakin?" Xyver? Ano naman kaya ang kailangan nito sakin. "You're annoying." ano raw? ako annoying? bakit naman aber? "Excuse me?" taas kilay kong tanong. "Alam mo ba sa ginawa mo kanina nagbabalak na sila sayo kung paano makakaganti?" seryoso nitong sabi. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha ni Xyver. Gwapo pala talaga ito. Matangos ang ilong mahahaba ang mga pilik mata, pulido ang tubo ng mga kilay animao inahit and he has an expressive pair of eyes and those lips parang ang lambot lambot. Ano kayang pakiramdam ng mga halik nito?

What the hell?? kung ano-ano pumapasok sa utak ko. Ang halay ko! Ganito siguro ang mga iniisip ng mga babae sa campus dahil kahit hindi ito palakibo eh maraming nagkakandarapa na babae rito. Lantaran pa nga kung umamin yung iba.

"Sige salamat sa pagsabi. Aalis na ako." pumasok na ako sa loob ng kotse pero biglang hinawakan ni Xyver ang pintuan nito. "Bakit?" naiirita kong tanong. "Makikisabay ako." Ano raw? hindi ako nakahuma agad at pumasok na ito sa front seat. "Hoy! bakit ka basta basta pumapasok sa kotse ko!" natataranta kong tanong. "You're living in Señera Subdivison, right? ibig sabihin iisa lang ang lugar natin kaya makikisabay ako sa'yo." Bakit ba to feeling close. Akala ko ba masungit 'to? "Hoy, Mister! Hindi mo ako driver. At pwede ba bumaba ka na sa kotse ko." singhal ko sakanya. At hindi natinag ang kumag nagawa pang i recline ang upuan at pumikit "Argh!" impit kong tili. Wala na akong nagawa at nagmanaheo na lamang ako. Sa durasyon ng byahe panaka-naka akong lumilingon at talagang komportable itong natutulog sa kotse ko. Itapon ko kaya to sa ilog? "Mag drive ka na. Huwag mo akong titigan." gising pala ang damuho. "Duh! hindi kita tinititigan. Iniisip ko lang kung saan kita pwedeng itapon." hindi na kita susulyapan. bleh!

"Baka pwedeng bumaba ka na? kasi andito na ako sa tapat ng bahay namin." yamot ko sabi sakanya. "Alam ko. Sige bababa na ako," buti naman. "Hintayin mo ako bukas ha. Huwag ka na magdala ng kotse." wait, what? Ano raw? Hindi man lang pinansin tanong ko. At pumasok na ako sa loob.