Chereads / Bloody Count / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Can you please guys make it faster? Ang babagal niyo namang kumilos. Anong oras kaya tayo makakaalis nito? Asan na ba si carter? Gagabihin na tayo. Tapos mukang may bagyo pang paparating." Pagrereklamo ni Zandra habang nakasandal sa van. Inis na inis na ito dahil sa tagal kumilos ng kaniyang mga kaibigan. Ang iba pa rito ay late na dumating sa oras na kanilang pinagkasunduan.

"Eh kung tulungan mo na kaya kami sa pagsakay ng mga gamit para mabilis tayo kaysa reklamo ka ng reklamo d'yan?" mahinahong sagot ni Ria, ang nakakatanda sa kanila.

"Tama si Ate Ria. Tumulong kana lang kaya para makaalis na." Gatong naman ni Lovely.

"So pinagtutulungan niyo pa ako? Gano'n? Sino ba ang late dumating dito? I'm waiting to all of you guys for almost 30 minutes. Napaka-irresponsible niyo!" inis na inis na sambit ni Zandra. Inirapan lang niya ang mga ito at sumakay sa sasakyan. Padabog niyang isinara ang pintuan dahilan para ikagulat ng mga kaibigan.

"Hays. Kahit kailan talaga napaka-short tempered niya." Ani ni Lovely sabay napailing nalang sa inasta ng kaibigan.

"Hindi ka pa nasanay. Kahit gan'yan 'yan si Zandra we still manage to understand her right?" sambit naman ni Ria.

"Opo ate."

"You guys okay? May problema ba?" tanong ni Louis na kakalabas lang sa bahay. May hawak-hawak siyang eco-bag na may mga lamang pagkain.

"Nagtatantrums na naman ang ating pinakamagandang kaibigan." Wika ni Zyron habang inaayos ang mga gamit sa likod ng sasakyan.

"Hahaha Nako! Lalamig din ulo n'yan. Late kasi kayo dumating. You know Zandra, always says time is gold." Sagot ni Louis sabay tawa.

"When you're watching bold?" pagdugtong ni Jovic.

"Napakagago mo talaga!"

"Aalis na ba tayo?" walang kaganang-gana na tanong ni Jonna matapos niyang buksan ang window ng sasakyan. As usual nakasalpak nanaman sa tainga niya ang kaniyang earphone at laging walang pakielam sa nangyayari sa paligid niya.

"Oo hinihi­­hintay nalang si Carter. Asan na ba–" hindi na natapos ni Louis ang kaniyang sasabihin nang dumating na ito.

"Sorry guys I'm late!" sulpot ni Carter.

"Ang aga natin pre ah. Lagay mo na gamit mo sa likod para makaalis na tayo." Sambit ni Louis.

Matapos maayos ang lahat ng mga gamit ay sumakay na sila sa sasakyan. Si Louis ang magdadrive at si Jovic naman ang nasa tabi niya upang maging kapalitan niya. Napagkasunduan ng magkakaibigan na magbakasyon sa bahay bakasyunan nila Louis upang doon ipagdiwang ang kaarawan niya. Napaka espesiyal nito dahil ito ang unang beses na makakasama niya ng kompleto ang kaniyang kaibigan sa araw ng kaniyang kaarawan.

Habang masaya silang nagkwekwentuhan sa kalagitnaan ng byahe, si Zandra ay tahimik pa ding nakatanaw sa bintana ng sasakyan habang nakikinig ng musika sa kaniyang cellphone.

Mabilis na tinanggal ni Carter ang earphone sa kaniyang tainga at kinausap ito.

"Okay ka lang babe? Kanina ka pa wala sa mood ah. Gusto mo kiss?" wika nito na may halong pang-aasar. Natural na kay Carter ang pagiging clingy pagdating kay Zandra dahil alam naman ng lahat na may relasiyon silang dalawa kahit hindi nila ito aminin halatang-halata ito sa kinikilos nila.

"Shut up Jerk!" masungit na tugon ni Zandra.

"Oops! An enemy has been slain!" sigaw ni Jovic sabay tawa ng pagkalakas-lakas. "Sakit?" pang-aasar na tanong niya pa.

"Tangina mo!"

"Tyron! Baka pwede namang pakihinaan ang sounds ng phone mo? Ang ingay!" reklamo ni Lovely.

"I'm playing."

"Edi mag earphone ka."

"Nagstatampo ka ba babe?" sabat ni Carter sabay nag pouty lips sa harap ni Zandra.

"Manahimik ka nga!" sigaw muli ni Zandra.

Nagtuloy-tuloy ang asaran sa kalagitnaan ng byahe hanggang sa nagdilim na ang kalangitan at unti-unting lumalakas ang ulan. Nabahala si Louis nang mapansin niyang napakadilim na ng kanilang dinadaanan at sobrang lakas na rin ng ulan. Kaya napagdesisyunan niyang magbigay ng suhestiyon para na rin sa ikaliligtas ng lahat.

"Guys, siguro magpalipas muna tayo ng isang gabi bago ulit tayo bumyahe. Sobrang lakas ng ulan. Masyadong delikado lalo na at walang ilaw ang kalsada."

"Tama si Louis. Kailangan muna nating pahupain ang ulan bago tayo bumyahe ulit." Pagsang-ayon naman ni Ria.

"Saan naman tayo tutuloy?" usisa ni Jovic.

"May maliit na bayan tayong dadaanan. Makiusap nalang tayo na mangupahan ng kwarto kahit isang gabi lang."

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Louis alang-alang na rin sa kaligtasan nila, Dalawang kilometro pa ang tinahak nila bago marating ang bayan. Matapos ang ilang minutong byahe ay natanaw ni Zandra ang arko kung saan nakasulat ang pangalan ng lugar.

"Bayan ng San Fidel," bulong niya. "Are you guys sure na dito tayo magpapalipas ng gabi? Hindi natin kilala mga tao rito." Dagdag niya pa.

" Yeah. We have no choice." Tugon ni Jonna.

"What if may mga aswang dito? Ayoko pa mamatay noh!"

"Seriously Zandra? Do you believe on those things? Hindi 'yon totoo noh." Sagot naman ni Lovely.

Inihinto ni Louis ang sasakyan sa isang tindahan at nagtungo roon upang magtanong.

"Tao po! Tao po!"

Lumabas ang isang matandang babae na nakasuot ng bistida na pangbahay. Maayos naman nitong kinausap ang binate.

"P'wede po bang magtanong?"

"Ano 'yon iho?"

"P'wede po ba kaming makituloy sa inyo? O baka may alam po kayong p'wede naming matutuluyan? Kahit isang gabi lang po? Walo po kaming magkakaibigan. Hindi po kasi kami makabyahe dahil sa lakas ng ulan."

"Matutuluyan? Nako, hindi p'wede rito. Masyadong maliit ang bahay ko para sa walong tao. May malaking bahay d'yan sa pangatlong kanto simula rito. P'wede niyo kausapin ang care taker kung papatuluyin kayo." Sagot ng matanda.

"Ah gano'n po ba. Sige po. Maraming salamat po."

Sumakay siyang muli sa sasakyan at ipinaalam sa mga kaibigan ang sinabi ng matanda. Matapos 'yon ay nagtungo sila sa bahay na itinuro nito.

Nang makarating sila ay bumaba muli si Louis upang mag doorbell sa bakuran. Makalipas ang ilang minuto, isang may edad na lalaki ang sumalubong sa kaniya. Puti na ang mga buhok nito. Nguni't hindi niya masyadong maaninag ang istura dahil medyo madilim.

"Anong kailangan niyo?" tanong nito.

"Naghahanap po kami ng matutuluyan. Dito po kasi kami itinuro ng matandang babae sa kabilang kanto. Hindi po kami makatuloy sa byahe dahil sobrang lakas po ng ulan. Walo po kaming magkakakaibigan. Apat na babae at apat na lalaki. Magbabayad naman po kami ng renta. Kahit isang gabi lang po." Mahabang pagpapaliwanag ni Louis sa lalaki.

"Walo?" pag-uulit ng lalaki.

"Opo. Kailangan na kailangan po namin eh."

"Magkano ibabayad niyo?" usisa nito.

"Kahit magkano po. Dipinde po sa inyo."

"Anim na libo? Okay na ba 'yon? Walo kayo eh." Kaswal na sagot ng lalaki.

Halos napaawang ang bibig ni Louis sa sinabing presiyo ng lalaki pero wala na siyang choice kundi sumangayon sa presiyong 'yon. Wala na rin silang ibang bahay na p'wede pang matuluyan. Sa sobrang lakas ng ulan mahihirapan silang makahanap ng ibang lugar dahil madilim ang daan.

"Sige po. Okay na po 'yon. P'wede ko na po ba ipasok ang sasakyan namin sa garahe niyo."

"Sige." Sagot ng lalaki at sinimulang buksan ang gate.

Nagmadaling sumakay si Louis sa sasakyan at ipinaandar agad ito.

"Pumayag ba pre?" tanong ni Carter.

"Oo. 6k."

"Huh? Ang mahal naman!" reklamo ni Lovely.

"6k o matutulog sa labas?" usisa ni Tyron.

Napansin ni Jonna ang itsura ng bahay mula sa labas. Malaki ito at may tatlong palapag. Makaluma na rin ang disenyo. Malaki ang espasiyo sa tapat ng bahay. P'wede mag garahe ng tatlong sasakyan. May balkonahe at pinto sa pangalawang palapag. Natigil siya sa paglinga-linga nang may nakita siyang imahe ng isang lalaki sa side mirror. Nakatayo ito sa labas ng bakuran at may hawak itong itak. Binaling niya ang kaniyang tingin sa kaniyang likuran upang tignan ulit ito nguni't wala na 'to roon. Bigla siyang pinangunahan ng kaba.

"Maybe guys, this is not a good idea. Tumuloy sa isang bahay na hindi natin kilala ang nakatira. Tama ang sinabi ni Zandra kanina. Maybe we can park our car outside? And dito nalang tayo matulog. Mas 'yon okay diba?"

"What are you trying to say Jonna? Mas comfortable matulog sa kama than this fucking chair." Mataray na sagot ni Zandra.

"I just see a man outside the gate from the side mirror. And it's creeping me out." Nangangamba niyang tugon.

"A man?" tanong ni Ria.

"Oo ate. May lalaki sa labas and he's holding a knife. Actually hindi ko alam kung kutsilyo 'yon or itak." Tugon nito habang patuloy pa ring nababahala sa nakita niya,

"Maybe you are just hallucinating. Pagod ka lang siguro at inaantok. Kahit naman kami eh, we're also tired. Walang mangyayaring masama sa atin. Isang gabi lang naman tayo magsstay dito." Sambit ni Lovely.

"Tama na 'yan. Tara na bumaba na tayo." Pag-aaya ni Jovic. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan at sumunod naman si Louis pati na rin ang iba.

"But–"

Hindi na nakapagreklamo si Jonna at wala siyang choice kundi sumunod sa gusto ng mga kaibigan.

"Dalhin niyo nalang ang mga personal things niyo. 'Wag niyo na ibaba ang iba pang mga gamit." Ani ni Ria.

Matapos nilang makababa ay sinalubong sila ng dalawang lalaki at isang babae. Napansin ni Carter ang pamumula ng mata ng isang lalaki na nasa harap nila. Muka rin itong maputla at walang tulog. Medyo matangkad at malaki ang pangangatawan nito at sa tingin niya ay may edad na rin ang lalaki. Gano'n din ang isang lalaki na katabi nito nguni't mas maliit ito kumpara sa kaniya at mas bata tignan. Natigil siya nang makita niya na wala itong kamay nguni't hindi na niya 'yon pinansin pa.

Ang babae naman ay medyo may kaedaran na din. Nakangiting sinalubong ang magkakaibigan at mahinahon niyang kinausap ang mga ito.

"Pasenisya na kayo sa bahay namin medyo luma at sira-sira na. Taga pangalaga lang kasi kami dito. Ako nga pala si Helena. P'wede niyo akong tawaging Manay Helen at ito naman si Gregorio, ang asawa ko at si Victor ang kapatid ko. Kasama rin naming sa bahay na 'to ang kapatid namin ni Victor na si Rico kaso nasa labas siya eh. Halika, pasok kayo."

"Maraming salamat ho." Sambit ng magkakaibigan.

Hindi pa rin mawala ang masamang pakiramdam ni Jonna sa bahay na tutuluyan nila lalo na ang mga taong kaharap nila. Huminga siya ng malalim upang maibsan ang kaba bago pumasok sa bahay at sumunod sa kaniyang mga kaibigan.