Chereads / Bloody Count / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Mahimbing ng natutulog ang magkakaibigan sa magkaibang kwarto. Inihawalay ng katiwala na si Manay Helena ang kwarto ng babae at lalaki. Dalawang malalaking silid na may dalawang kama ang ipinagamit nito sa kanila.

Alas dose ng madaling araw nang magising si Jonna sa pagkakatulog. Inikot niya ang mata sa buong silid. Medyo madilim ang paligid kaya binuksan niya ang lamp shade sa tabi ng kama niya. Napansin niyang mahimbing na natutulog ang kaniyang mga kaibigan kung kaya'y dahan-dahan siyang bumangon at naglakad palabas ng kwarto upang mag cr. Nasa dulo ng hallway ang palikuran kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam niya sa lugar na tinutuluyan nila ay matapang pa rin siyang nagtungo roon dahil ilang segundo nalang ay sasabog na ang pantog niya.

Habang siya ay nakaupo sa cubicle ay may narinig siyang mabibigat na mga yapak ng paa galing sa labas ng cr. Napakunot ang noo niya. Sa kabilang banda ay nakaramdam siya ng kaba at takot dahil baka may ibang tao ang nakasunod sa kaniya sa banyo. Nasa isip niya rin na baka may nagpaparamdam na masasamang espiritu sa bahay na 'to. Nagmadali siyang suotin ang kaniyang salawal at lumabas ng cubicle. Matapos niyang hugasan ang kaniyang kamay ay mabilis siyang lumabas ng cr. Nguni't isang marahas na kamay na may hawak-hawak na panyo ang tumakip sa kaniyang bibig. Pilit siyang nanlaban at sumigaw nguni't unti-unti siyang nahilo at nawalan ng malay.

----

Sumapit ang umaga. Naunang nagising ang magkaibigang si Lovely at Ria. Napansin nilang nawawala si Jonna kaya ginising din nila si Zandra upang itanong kung alam niya ba kung nasaan ang kanilang kaibigan.

"Asaan si Jonna?" tanong ni Lovely kay Zandra.

"Why are you asking me? Nakita mo namang kakagising ko lang right? Maybe she is in the comfort room." Sagot nito.

"Wala siya do'n." Sabat naman ni Ria.

"Baka nasa labas? She loves to have a coffee in the morning or baka nasa room ng boys." Dagdag pa ni Zandra.

"At bakit naman siya pupunta do'n?" taas kilay na tanong ni Lovely.

"I don't know." Kabit-balikat nito.

Napailing na lamang si Ria at dali-daling pumunta sa silid ng mga lalaki upang hanapin si Jonna. Dagli niyang binuksan ang pintuan nang tumambad sa kaniya si Carter na nagbibihis at nagsusuot ng panatalon habang nakikipagtawanan kela Louis.

"Wooah! Hindi talaga uso sayo ang katok noh?" wika ng binata.

"Maybe she love to see you naked Carter, right Ri–" Hindi na natapos ni Tyron ang kaniyang pang-aasar nang isantabi ni Ria ang kanilang reaksiyon at bigla siyang nagsalita.

"Nakita niyo ba si Jonna?"

"Huh? Bakit mo naman natanong? Hindi pa naman kami lumalabas ng kwarto eh. May problema ba?" usisa ni Jovic.

"Wala na siya sa kama niya pag-gising namin."

"Baka naglibot-libot lang 'yon or baka nasa isang tabi nagbabasa nanaman ng libro." Wika ni Carter.

"Tulungan niyo kong hanapin siya. Itanong din natin sina Manay Helen baka nakita nila si Jonna."

"Calm down Ria. Andiyan lang 'yon." Sabat naman ni Zandra nang bigla siyang sumulpot sa likod nito.

"Nakarinig ako ng ungol ng isang babae kagabi. I don't know if it's just a dream or real. That's why I panicked. How can I calm myself if we wake up without her? Knowing that I heard a weird sound last night?" pagpapaliwanag niya sa mga kaibigan. Bakas sa muka niya ang pag-aalala at takot na baka may masamang nangyari sa kaibigan nila.

Lahat natahimik sa sinabi ni Ria. Hanggang sa nagsalita si Jovic.

"Narinig mo rin 'yon? So hindi rin ako nananaginip?"

Nagkatinginan ang lahat dahil sa sinabi niya.

"Tara na hanapin na natin siya." Giit ni Louis.

Mabilis nilang iniligpit at inayos ang kanilang mga gamit at sama-sama nilang pinuntahan ang mga katiwala sa silid nito nguni't wala silang nadatnang tao. Naghiwa-hiwalay sila upang ikutin ang buong bahay para mahanap ang kaibigan. Paulit-ulit nilang tiniwag ang pangalan nito nguni't walang sumasagot at walang sumusulpot na Jonna sa harap nila. Doon na nangamba at nabahala ang lahat.

Bumababa sa ika-unang palapag si Louis upang hanapin si Jonna. Ilang beses niya nilibot ang lugar pero hindi niya ito nakita. Hinanap niya din ang mga katiwala nguni't walang bakas ni anino nila sa bahay. Binuksan niya ang main door at lumabas. Nakita niya si Manay Helena na nagdidilig ng halaman sa bakuran. Nakahinga siya ng maluwag. Agad siyang tumakbo sa kinatatayuan nito.

"Manay!" tawag niya rito.

"Oh gising na pala kayo. Handa na ba kayo para bumyahe? Kumain muna kayo bago kayo umalis." Wika ng matanda.

"Salamat po pero nakita niyo po ba yung kaibigan namin. Si Jonna. Yung laging nakaearphone at nakasuot ng salamin?"

"Yung lagi ring may hawak na libro?" nakakunot noong tanong ng matanda.

"Oo Manay. Siya nga. Nakita niyo po ba siya?"

"Hindi eh. Bakit may nangyari ba?"

"Pagkagising po kasi ng ibang kaibigan kong babae wala na po siya sa kama niya."

"Louis!" tawag ni Carter. "Nakita mo?" tanong niya

Umiling lang ang binata bilang sagot. Bumaba na din ang iba pa niyang mga kaibigan at lumapit sa kinatatayuan nina Louis at Manay Helen.

"Inikot na namin ang buong bahay pero wala si Jonna." Ani ni Lovely.

"Kumalma muna kayo mga iho, iha. Baka lumabas lang 'yon saglit. Hindi ba siya nag paalam sa inyo?" tanong ni Manay Helen.

"Hindi!" sabay-sabay nilang tugon.

Dahil sa labis na pag-aalala ay napagkasunduan nilang hanapin at ipagtanong ito sa mga karatig bahay. Ipinaalam narin ni Manay Helen ang pagkawala ng dalaga sa barangay. Nagdaan na ang buong maghapon nguni't hindi nila nahanap si Jonna. Tumulong na din ang asawa at kapatid ni Manay Helen upang hanapin siya nguni't nabigo pa rin sila.

Palubog na ang gabi at hindi na nakabyahe ang magkakaibigan papunta sa bahay bakasyunan ng pamilya ni Louis dahil hindi sila p'wedeng umalis ng wala si Jonna. Bukas na ang kaarawan ni Louis at hindi nila inaasahan na hahantong ang ganitong pangyayari sa kalagitnaan ng kanilang byahe.

Nagtipon-tipon ang magkakaibigan sa kwarto ng mga babae at do'n nila pinag-usapan ang mga nangyari. Lahat sila ay nag-aalala kay Jonna at hindi nila alam kung paano sasabihin sa mga magulang nito ang nangyari sa kaniya. Kahit sila hindi nila maintindihan kung paano siya nawala ng gano'n-gano'n lang.

"Buti nalang pinayagan pa tayo nila Manay Helen na tumuloy muna rito habang hindi pa natin nahahanap si Jonna." Sambit ni Lovely.

"I was freakin' scared. You guys remember what Jonna said before we stay here? She saw a man with a knife outside the house. Paano kung siya 'yung kumuha kay Jonna? Paano kung may ginawa na siyang masama sa kaniya? No! It can't be happened right!? Paano kung tayo rin ang isunod niya!?" nangangambang sambit ni Zandra. Hindi na rin niya napigilang hindi umiyak dahil sa takot.

"Wag kang matakot babe. Proproktektahan kita. I'll not let anyone to harm you because I love you. Sasagutin mo na ba ako?" sabat naman ni Carter sabay ngisi ng nakakaloko.

"Carter! Wala tayong panahon para sa kalokohan mo. This is a serious matter!" angil ni Ria at inirapan ito. Kitang-kita sa muka niya ang pagkainis sa kaibigan.

"Sorry. I'm trying to change the atmosphere." Matapos 'yon ay natahimik na lamang siya sa tabi at hindi na nagsalita pa.

"Minsan ilugar mo din ang pagbibiro mo. Hindi ka nakakatuwa." Tugon pa nito.

"Tama na 'yan. Walang mangyayari kung mag-aaway tayo rito." Sabat naman ni Louis.

Huminga ng malalim si Ria upang pakalmahin ang sarili niya. Ayaw niya talaga sa ugali ni Carter una pa lang pero dahil kaibigan niya ito at siya ang mas nakakatanda, pilit nalang niya itong iniitindi.

"Gising ka ba Jovic no'ng may narirnig kang boses or ungol ng babae kagabi?" tanong ni Lovely dahilan upang mabasag ang katahimikang namumuo sa kanila.

"Hindi ko alam kung gising ako or nananaginip pero kung pagbabasehan natin na narinig rin ni Ria ang tunog na 'yon. Maybe I'm awake and that's real. Hindi ako nananaginip." Sagot nito.

"Kung sinunod lang natin ang sinabi ni Jonna na 'wag na tayong tumuloy or mag stay dito. Hindi sana mangyayari 'to," bigong wika ni Ria. "What if isa sa kanila 'yung kumuha kay Jonna?"

"Sinong sila?" tanong ni Tyron.

"Yung mga nakakasama natin sa bahay na 'to. Paano kung isa sa kanila? Or paano kung may mga taong nagmamasid sa atin sa paligid at balak tayong isa-isahin? We don't know them. Paano...Paano kung gano'n yung nangyari ngayon? Anong gagawin natin?! Kailangan natin siyang mahanap para makaalis na tayo sa lugar na 'to. Ayokong may isa pa sa atin ang mawala. I don't feel safe here." Hindi narin niya maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano dahil sa nangyari. Bakas din sa muka ng iba pa niyang kaibigan ang takot at pangamba sa mga sinabi ni Ria.

"Sshhh. Don't think too much Ate Ria mahahanap din natin siya." Sambit ni Lovely at niyakap ito.

"Hindi nakakatulong kung mag-iisip tayo ng problema. Ang kailangan natin ngayon solusiyon para mahanap si Jonna." Ani naman ni Louis.  

Sumangayon at natahimk ang lahat.