Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 90 - CHAPTER 89:TRAITOR or ALLY?

Chapter 90 - CHAPTER 89:TRAITOR or ALLY?

ARRIANNE's POV:

Nagulat ako sa nakita namin kung sino yung taong kumatok sa pinto walang iba kundi si drake ,teka bakit pa ako magugulat eh ,sa kanila naman tong resthouse na to.

Nakita ko yung mukha ni drake parang may sasabihin siya na di maganda.

Draven:drake ,pare ,hehehe (ngiti niyang sabi kay drake habang napakamot sa ulo)anong ginagawa mo dito,gusto mong pumasok muna .

Drake:pare ,sana mapatawad mo ako ! Sorry !

Nagulat kami ng biglang matumba si drake ,nawalan siya na malay kaagad siyang sinalo ni draven ,kaagad naman akong lumapit kay draven

Draven:hoy ! Pare,gumising ka !!

Barry:sa wakas nagkita na rin tayo anak ng kriminal (sabay tingin kay draven)

Nagulat kami sa lalaking nagpakita sa amin ,nasa 30 na yung edad niya ,nakasando lang siya at nakashort .

Draven:sino ka !!(galit niyang sabi sa lalaking to habang hawak hawak niya si drake)

Ako:ano po kailangan niyo sa amin ,kayo po ba ang lalaking kasabwat ni aethan ?(tanong ko sa lalaking to)

Barry:mamaya ko na sasagutin yung mga tanong niyo ,gagawin ko muna to sa inyo .

Ewan ko bigla kaming nanghina ni draven,unti unti na nawawalan kami ng malay hanggang sa matumba na kaming dalawa ni draven at pumikit na rin yung mga mata ko .

Dahan dahan kung minulat yung mga mata ko at nagulat ako sa aking nakita kasi nasa harapan ko ngayon si shella yung kaibigan ni keith ,nakatali rin siya ,pati ako nakatali yung paa ko pati kamay ,naka upo lang kami ni shella habang magkaharap kami ,buti hindi nakatali yung mga bibig namin

Shella:arrianne ,sorry !(sabay tulo ng luha niya)

Ako:nasaan si draven ,teka bakit pati ikaw nandito,akala ko ba nandun ka sa ospital kasama nila tito jazz ?

Shella:nung umalis kami ni keith para bumili ng pagkain ay biglang may humarang sa amin na lalaki at yung lalaking yun ay kapatid ng kaibigan ko dati na si aethan .

Ako:ano ? Teka so kilala mo yung taong nagkidnap sa atin dito ,pati si keith kinuha niya rin,teka nasaan sila draven at keith ?

Shella:oo kilala ko siya,siya yung nakakatandang kapatid ni aethan ,at alam ko na kung sino ang pumatay kay freda .

Ako:teka naguguluhan ako shella bakit tayo dinala dito ,anong kasalanan natin sa kanya .

Shella:namatay ang kanyang kapatid na si aethan dahil sa atin .

Ako:ano !! anong dahil sa atin,teka di ko nga kilala yang aethan na sinasabi mo ang kilala kung aethan ay yung kaibigan ko ,alam ko naman na ibang aethan ang tinutukoy mo diba ?

Magsasalita na sana si shella ng biglang.

Barry:sige ituloy niyo lang yung chikahan niyo,makikinig lang ako ,hahaha(malakas niyang tawa)

Shella:(matalas ang tingin niya sa lalaking nasa harapan namin)bakit mo ba to ginagawa sa amin ha !(galit niyang sabi)kuya barry ,ano ba talaga ang kasalanan namin sa inyo,naging mabait naman ako sayo diba ?

Lumapit tong lalaking to kay shella

Barry:wala kang kasalanan ,pero nakipagsabwatan ka sa mga kaaway ko ,kaya kaaway na rin kita .

Shella:anong ibig mong sabihin,anong kaaway ?

Ako:barry ! Tama ba ?

Barry:(kaagad na lumingon sa akin)yes ! Anak ni ramos .

Ako:kilala mo yung papa ko ?

Barry:oo ,pero walang kasalanan dito yung papa mo .

Ako:so bakit mo kami dinala dito ni shella kung wala kaming kasalanan,sabihin mo nga ano ba ang atraso nila draven sayo ha !

Barry:yung kriminal nilang tatay ang may malaking atraso sa akin ,pasalamat nga siya at ngayon lang ako nakapaghiganti kasi sinanay ko muna yung sarili ko para maging magaling ako .

Shella:teka ,wag mong sabihin na yung pumatay kay aethan ay si tito jazz yung tatay nila draven.

Barry:(tumingin kay shella)tama ka shella ,yung jazz nga yun ang pumatay kay aethan !

Ako:hindi gagawin yun ni tito jazz di siya mamamatay tao .

Barry:(tumingin na naman sa akin)sigurado ka ! kilala muna ba ng lubusan yung jazz na yun ,alam mo ba na isa siyang killer nung hindi pa kayo nabubuhay dito sa mundo at hanggang ngayon rin naman pumapatay pa rin siya ng tao ,pati kapatid ko pinatay niya.

Grabe nagulat ako sa sinabi ng barry na to ,si tito jazz mamamatay tao ,impossible napakabait na tao si tito jazz at napaka tapat niyang pulis siya kaya ang may pinakamaraming award kesa kay papa paano magiging kriminal si tito jazz .

Ako:nagsisinungaling ka lang ,tiyak pupunta kaagad dito sila papa para tulungan kami kaya kung ako sayo sumuko ka na !

Barry:susuko lang ako kapag patay na ako ,at sige kung mahanap nila tong location ko ,lalo pa't wala na silang source kung paano nila kayo mahahanap,hahaha !

Shella:kuya barry ,tigilan muna to ,please !(pagmamakaawa niya) kung galit ka kay tito jazz wag munang idamay sila arrianne pati sila draven kasi wala silang kasalanan,lalo mo lang pinapalala yung sitwasyon,di naman yun kagustuhan ni tito jazz na patayin si aethan.

Barry:akala ko ba kaibigan mo si aethan bakit kinakampihan mo yung pumatay sa kanya dahil ba sa may pagtingin ka dun sa keith na yun ha ! ,shella ! wala akong balak na patayin si jazz ,kasi ang balak kung patayin ay yung mga anak niya,subukan lang natin kung ano ang mararamdaman niya kapag mawalan siya ng mahal sa buhay katulad ng pagpatay niya sa kapatid ko !

Ako:bakit di mo kausapin si tito jazz baka hindi talaga siya ang pumatay kay aethan ,

Nagulat ako ng bigla akong sampalin ng barry na to,ang sakit promise !

Barry:tumahimik ka ! Kanina ka pa ,gusto mo ikaw ang unahin kung patayin ha !(galit niyang sabi sa akin)

Shella:kuya ,sabihin mo nga ang totoo ,yun ba talaga ang dahilan kung bakit mo gustong maghiganti kay tito jazz ,alam ko na hindi pa patay si aethan at alam ko na yung aethan na kilala ni arrianne at yung aethan na kapatid mo ay iisa lang ,tama ba ?

Nagulat ako sa sinabi ni shella ,teka anong sinasabi niya ,iisa lang yung aethan na kilala namin,paano ? di ko maintindihan,naguguluhan na ako .

Barry:(tumingin kay shella)matalino ka talaga shella ,tama ka ! ,buhay pa si aethan at nandun siya ngayon sa presinto kung saan kasama niya ngayon yung kaaway namin ,hahaha !

Shella:anong ginawa mo sa kanya,bakit binago mo yung mukha niya at bakit pina ampon mo siya sa kaibigan nila tita sab at yung mama ni arrianne ,ano ba talaga ang pinaplano mo ,bakit dinamay mo pa si aethan,kaya pala bigla na lang siyang nawala nung mga bata pa kami kasi pinamigay mo pala siya at binago mo pa yung mukha niya

Barry:kasi nga gusto kung maghiganti kina jazz at ramos kasama na rin yang kevin na yan ,silang tatlo gusto ko silang patayin isa isa ,pasalamat nga sila di ko nagagawa ,pero yung kapatid ko ang gagawa nun ngayon,hahaha !

Ako:naguguluhan ako sobra ,pero ano ang gagawin ni aethan kina tito jazz

Barry:bakit ko naman sasabihin sayo?(nakakaloko niyang ngiti sa akin)hay naku ! Maiwan ko muna kayo,pupuntahan ko muna yung kambal na yun,hahaha

Ayun umalis na si barry ,sinara na niya yung pinto ,nagkatinginan kami ni shella .

Ako:totoo ba talaga yung sinabi niyo ,na iisa lang yung aethan na kilala natin

Shella:oo arrianne,nalaman ko lang yun ngayon mismo ,base sa mga sinasabi ni kuya barry,naisip ko rin kung bakit nasa kulungan si aethan yung kilala mong aethan,bakit nadamay siya eh ! diba kakauwi lang niya galing sa thailand,arrianne matagal ng nakauwi dito si aethan nung mamatay yung papa ko ay nandito na siya.

Ako:teka di mo pa sinasabi sa akin kung paano mo nalaman na yung aethan na kilala ko at yung aethan na kaibigan mo ay iisa ,paano nangyari yun ? Di ka nga niya kilala ,

Shella:arrianne,madali lang magpanggap,ako mismo nabihag nila sa kasinungalingan nila,tingnan mo di ko kaagad nakilala yung aethan na kilala ko ,pero nung makita ko na may marka sa braso yung aethan na kaibigan mo ay dun na ako nagtaka kasi pareho sila ng marka ng aethan na kilala ko,diba ang gulo ,pati ako naguguluhan na rin,kay mas mabuti pa na mag isip tayo kung paano tayo makakatakas dito.

Magsasalita na sana ako ng biglang

Draven:no need na kasi nandito na ang superhero niyo ,

Nagulat ako ng biglang nandito si draven ,marami siyang galos sa braso niya,may hawak siyang maliit na kutsilyo,kaagad niya kaming pinakawalan.

Draven:ayos ka lang ba panget ?(sabay tingin sa akin)

Ako:ayos lang ako,teka ikaw ,kayo ni keith ,nasaan si keith ?

Keith:im here !(ngiti niyang pagbati sa amin)

Shella:baby keith ko(sabay yakap kay keith)

Keith:namiss kaagad ako ,hehehe ..tara na umalis na tayo dito baka magising pa yung barry na yun.

Draven:maya na namin ikwekwento ni keith kung paano kami nakatakas ,tara na umalis na tayo dito .

Ako:si samantha,diba kinidnap rin siya

Keith:hindi namin alam kung nasaan si samantha,umalis muna tayo dito tara na ..

Shella:tara na ..

Ayun nagulat ako ng biglang hawakan ni draven yung kamay ko at bigla siyang tumingin sa akin

Draven:nandito lang ako panget,di ko hahayaan na masaktan ka pa ninuman .

Grabe ano bang nangyayari sa akin bakit biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko at bigla akong napangiti,draven wag kang ganyan sa akin baka masanay ako ,hanap hanapin ko ..

Di na lang ako nagsalita bagkus ay nagpatuloy na kaming umalis at nung pagbukas namin ng pinto ay nakita ko si barry na nakahiga sa sahig ,walang malay .

Nagulat ako ng tapakan ni draven yung katawan ni barry,dun siya dumaan sa katawan ni barry kaya pati ako dito na lang dumaan sa katawan ni barry,hawak hawak kasi ni draven yung kamay ko .

Shella:hawak kamay ! Di kita iiwan sa paglakbay ,dito sa mundong walang katiyakan..hahaha

May pagkabaliw pala tong shella na to,biglang kumanta ,napangiti tuloy si keith sa kanya,nakita ko si draven na napangiti rin .

Draven:tumahimik ka diyan shella !

Shella:okey ! Kunwari di kinikilig yung isa diyan,hehehe

Keith:support kambal here ,hehehe

Draven:papareho lang kayong dalawa,ang sarap niyong ipasok sa sako ..

Habang palabas na kami dito sa lugar na ito ay nakita ko si barry na biglang tumayo at kaagad niyang nagpakawala ng karayom galing sa bibig niya at nakita ko na si draven ang matatamaan nito kaya kaagad kung niyakap si draven para di siya ang matamaan at ayun nagulat sila draven sa ginawa ko ,di ko namalayan na nawawalan na ako ng malay at dahan dahang pumipikit yung mga mata ko at ayun nawalan na ako ng malay ..

After one day ay nagising na ako,dahan dahan kung minulat yung mga mata ko ,at nakita ko kaagad si draven na naka tulog sa pagbabantay sa akin,nakaupo lang siya sa upuan habang natutulog ,teka nandito ba ako sa ospital .aray ! Ang sakit ng katawan ko pati ulo ko ,ano bang nangyari ,nasaan sila papa .

Draven:arrianne,sa wakas nagising ka na !(sabay lumapit sa akin) ano okey ka lang ba ?

Ako:anong nangyari ? Draven sila shella at keith kamusta sila

Draven:okey lang sila,ikaw ang dapat kung tanungin ,kamusta ka ? isang araw kang hindi nagising,pinag alala mo kami arrianne,lalo na ako ,ako muna ang magbabantay sayo,kagaya nung ginawa mo sa akin dati nung binantayan mo ako .

Ako:ano ? Isang araw na akong tulog,grabe ! ,at draven salamat ha ! ,pero bakit mo ba to ginagawa sa akin.

Draven:dahil niligtas mo ako,sinalo mo ako dun sa karayom na yun na dapat para sa akin yun.

Nakita ko yung pasa sa mukha ni draven pati yung sugat niya sa braso niya at sa kamay niya

Ako:anong nangyari diyan sa mukha mo pati sa kamay at braso mo .

Draven:pinagsasapak ko yung barry na yun,wag kang mag aalala panget,nakakulong na ngayon yung barry at aethan na yun,

Ako:si aethan ,gusto ko siyang makausap

Draven:walangya ! Ako ang kasama niya dito tapos yung aethan ang hinahanap ! Tsk !(inis niyang sabi sa akin)

Itutuloy.