Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 91 - CHAPTER 90:DARK SECRET REVEAL

Chapter 91 - CHAPTER 90:DARK SECRET REVEAL

DRAVEN's POV:

Di ko alam kung bakit biglang nagbago yung pakikitungo ko dito sa panget na arrianne na to ,di ko na maintindihan sarili ko ,di ko naman siya gusto pero masaya ako kapag iniinis ko siya at ginagalit lalo ,masaya ako kapag sinasabihan ko siya ng mga masasamang salita,hahaha !

Habang nandito kami sa resthouse ni drake ay ewan ko masayang masaya ako kasi kami lang dalawa ni arrianne parang nilabas ko lahat sa kanya yung kakulitan ko na never ko pang pinapakita sa kahit kaninong babae ,lalo na sa febbie na yun na sobra akong naiirita sa febbie na yun pero iba si arrianne di ko alam kung bakit at nung kumanta siya ay napa wow ako sa ganda ng boses niya ang ganda pala ng boses niya sana naging boses na lang siya ,hahaha !

Maganda na sana yung bonding namin ni panget dito sa resthouse ng biglang may kumatok sa pinto ,sino kaya to ! At nung pagbukas ko ay nagulat ako kasi si drake yung nagbukas at napasambit siya ng sorry ,bigla na lang siyang nawalan ng malay at dun ako nagulat nung may biglang may nagpakitang tao naisip ko kaagad na masamang tao tong lalaking to kasi yung kakaibang galaw niya ,gusto ko na sana siyang sapakin pero parang naunahana niya ako ,bigla akong nawalan ng malay pati si panget ..

Paggising ko ay nagulat ako ,nakatali yung kamay at paa ko ,at nakita ko si keith na walang malay ,nakatali rin siya kagaya ko ,teka nasaan si panget ,at nasaan kami .

Sinigawan ko si keith

Ako:keith ! Hoy ! Gumising ka ! Keith ! ,bwesit ! Gumising ka sabi !(sigaw ko sa kanya)

Tang ina ! Bakit di ko matanggal tong tali na to,at ayaw pa ring magising tong keith na to ng biglang dumating si drake

Ako:drake ! (pagtataka kung sabi sa kanya) maya na kita tatanungin ,pakawalan mo muna kami dito

Drake:sige pare ,sorry talaga !

Ayun pinakawalan na kami ni drake at ewan ko bigla kung sinapak ng malakas si drake,kasi alam ko na may kinalaman siya dito

Ako:pasensya ka na pare ha ! pasmado na kasi tong kamay ko .

Tiningnan lang ako ni drake habang hawak hawak niya yung pisngi niya at nilapitan ko si keith ,sinapak ko rin siya at ayun nagising na ,nagulat siya nung makita niya ako

Keith:draven ? Bakit nandito ka ? Nasaan si arrianne ,si shella nasaan rin siya ?

Ako:di ko rin alam kaya wag mo akong tanungin ,sandali lang tatanggalin ko yung tali diyan sa kamay at paa mo.

Ayun tinanggalan ko na ng tali si keith at tatayo na sana si keith ng biglang may nakarinig kaming may parating papunta dito sa amin.

Drake:si barry na yun,ibalik niyo yung tali ,magpanggap kayo na nakatali kayo at dun niyo na gawin yung plano niyo,bilisan niyo ,aalis muna ako dito

Kaagad na umalis si drake at heto kaagad namin binalik ni keith yung mga tali namin.

Ako:barry pala ha ! mamaya makakatikim siya sa akin ng punching bag .

Keith:nandito na siya draven .

Ayun biglang may bumukas ng pinto at nakita nga namin ni kieth yung lalaking kasama kanina ni drake ,malapad kaagad ang tingin niya sa akin at lumapit siya sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong sinapak ,pasalamat siya pinigilan ko pa sarili ko ,tiningnan ko lang siya ng masama.

Draven:anong kailangan mo sa amin !(galit na sabi ko sa taong to)nasaan yung kasama naming babae !

Barry:wag kang mag alala brader,di ko sila sasaktan kasi kayo lang dalawa ang papatayin ko. Hahaha !

Keith:ano ba ang kasalanan namin ni draven sayo ha !

Barry:(sabay lapit kay keith at sinapak niya rin ito)mana talaga kayo ng tatay niyong kriminal ,kuhang kuha niyo yung ugali at mukha niya .

Draven:kriminal ? Bakit anong ginawa sayo ng tatay namin

Barry:(lumapit sa akin)secretong malupit ! ,sabihin na lang natin na yung isang murderer ay kaya ring mag revenge sa isa pang murderer diba nakakalokong pakinngan ,hahaha !

Nagkatinginan kami ni keith parang alam na niya yung gagawin niya,dahan dahang tumayo si keith ng hindi napapansin ng taong grasang barry na to at nagulat ako ng biglang sipain ni keith yung betlog ni barry ,hahaha ! Nakita ko si barry na napuhod sa sakit .

Draven:kamusta betlog mo diyan buhay pa ba ! Hahaha ! Kulang pa ,kailangan pa ng dalawang black eye diyan sa malaki mong mata .

Ayun kaagad naming sinapak ni keith yung mga mata ni barry at napahiga siya sa sobrang sakit ng ginawa namin ,sabay kaming nag apir ni keith

Draven:may tinatago ka palang lakas tol,hahaha ! Tara hanapin na natin sila arrianne

Keith:syempre kambal kaya tayo ,sige tara na !

At ayun kaagad kaming lumabas ni keith ,paglabas namin dun sa kwarto ng pinanggalingan namin ay nagulat kami kasi may tatlo pang kwarto ang nandito ,teka nasaan kaya sila arrianne dito .

Keith:isa isahin natin sa pagbukas .

Draven:sige dun ka (sabay turo sa huling kwarto)dito ako sa gitna .

Ayun binuksan namin ng sabay ni keith yung pinto pero wala itong tao kaya kaming lumapit sa isa pang kwarto .

Keith:tiyak nandito sila

Bubuksan na sana ni keith yung pinto ng biglang sapakin ako ni barry .

Barry:sinasagad niyo talaga yung pasensya ko ,(galit niyang sabi sa amin)

Draven:di pa nga yun sagad gusto mo ng sagad sige pagbibigyan kita !

Kaagad kung sinapak yung tiyan ni barry at tinadyakan ko siya tapos hinawakan ko yung leeg niya nagulat siya sa ginawa ko ,hindi siya makagalaw ,hinigpitan ko kasi yung pagkahawak sa leeg niya pati sa braso niya

Barry:di mo ako matatalo hayop ka !

Nagulat ako ng biglang may kinuha si keith ng spray sa bulsa niya at kaagad niyang inisprayhan si barry kaagad itong nawalan ng malay,ayun kaagad kung tinulak sa sahig si barry kaagad kung kinuha yung maliit na kutsilyo dito sa bulsa ni barry

Draven:ayos ka talaga keith,marami ka ng natututunan ,hahaha

Keith:turo kaya to ni papa sa akin,hahaha .

Draven:oh ! Siya tama na ,buksan na natin yung pinto .

Ayun binuksan ko na ang pinto at nakita ko nga na nandito sila arrianne at shella kaya kaagad akong napasambit ng

Draven:no need na kasi nandito na ang superhero niyo !

Nagulat sila nung makita nila ako kaagad ko silang pinakawalan

Arrianne:teka nasaan si keith ?

Keith:im here (ngiti niyang sabi kina arrianne)

Parang inlove na talaga tong shella na to kay keith kaagad niyang niyakap si keith

Ayun umalis na kami dito baka magising pa yung barry na yun,di ko siya kayang patayin di ako killer kagaya niya ,sila papa na lang ang bahala sa kanya .kinuha na rin namin yung phone namin dun sa bag niya .

Di ko alam kung bakit ko hinawakan yung kamay ni panget ,nasisiraan na talaga ako ng ulo ,bwesit ! kinantahan pa talaga kami ni shella ng hawak kamay ,tang ina !

Heto lumabas na kami ,imbis na dito kami dumaan sa sahig ay dito kami dumaan sa katawan ni barry ,hahaha ! Ang lambot kasi kesa sa tiles ,hahaha !

Habang palabas na kami ay nagulat ako ng bigla akong yakapin ni arrianne at bigla siyang nawalan ng malay kaya kaagad ko siyang hinawakan .

Nakita ko si barry na nakatayo sa harapan namin may hawak siyang mga karayom kaagad na napahawak si shella sa braso ni keith

Barry:di kayo makakatakas dito ng buhay ,mamamatay kayo dito na kasama ako !(galit niyang sabi sa amin)

Wala ng ibang paraan ,di ko dapat to gagawin pero no choice ako ,tong hawak na kutsilyo ko ay kaagad kung itinapon kay barry at sakto natamaan siya sa may leeg nito .

Balak na sanang itapon sa amin yung karayom na hawak niya ng biglang tumakbo si keith papunta kay barry at diniin niya yung kutsilyo sa leeg nito ,dahilan ng pagkawala kaagad ng malay ni barry .

Keith:draven ,sige na umalis na kayo ,ako na ang bahala dito,dalhin niyo na sa ospital si arrianne baka di siya makaligtas

Draven:hindi,sumama ka sa amin keith ,tara na !

Binuhat ko si arrianne at ng biglang dumating sila papa at tito ramos kasama rin nila yung ibang mga pulis ,nakita ko si drake na nandito rin

Kaagad na lumapit sa akin si tito ramos ,kinuha niya kaagad si arrianne sa akin

Tito ramos:arrianne ,wag kang bibitaw ,nandito na si papa ,jazz kayo muna ang bahala dito ,kailangan kung dalhin yung anak ko.

Papa:sige ramos .

Ayun umalis na si tito ramos at dinala na niya si arrianne sana walang masamang mangyari kay arrianne,ewan ko ba bakit bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dito sa puso ko sana walang masamang mangyari kay arrianne .

Kinuha na ng mga pulis si barry .

Papa:mga anak kamusta kayo ? Okey lang ba kayo ?

Keith:ayos lang kami pa ,ikaw bakit pumunta ka dito diba di ka pa okey ?

Papa:di kasi ako mapanatag dito sa sarili ko na yung mga anak ko ay nasa panganib,mga anak sobra akong nag alala sa inyo(sabay yakap sa amin ni keith)lalo na yung mama at lola niyo sobra silang nag aalala sa inyong dalawa ,buti okey lang kayo at buti pumayag si drake sa utos ko sa kanya

Tiningnan ko si drake at inalis ko na yung pagkakayakap sa amin ni papa

Draven:drake hindi totoo na trinaydor mo kami ?

Drake:magagawa ko ba yun sayo pare ,eh ! Tayo na lang dito ang natitira,iniwan na tayo nila rocky at macky boy .

Papa:kinausap ko si drake na makipagsabwatan dun sa barry na yun ,lalo pa't kilala niya si barry ,buti na lang nahulog sa patibong si barry.

Draven:so ibig sabihin ay kilala mo si barry ?(tanong ko kay papa)

Papa:oo draven anak ,kilala ko siya ,lalo pa't sinabi sa akin ni aethan na si barry ang kasabwat niya yung kapatid niya.

Keith:bakit galit na galit sa inyo si barry ?(tanong niya kay papa)

Papa:di ko rin alam mga anak,pero ang pagkaka alam ko ay inaanak ni general si barry kaya nakilala ko kaagad si barry.

Draven:sabihin niyo nga pa ,dati ba kayong kriminal ?

Pagkasabi ko yun kay papa ay di na siya nagulat parang totoo yata yung sinabi ni barry na kriminal si papa .

Papa:oo mga anak,pero yung pinapatay ko ay yung mga killer na pumatay ng mga inosenteng tao.

Nagulat kami ni keith sa sinabi ni papa ,teka kayang pumatay ni papa ng tao ,ibig sabihin isa rin siyang murderer !

Keith:bakit niyo po yung nagawa pa ? Bakit pumapatay kayo ng tao ,oo mga kriminal rin yung pinapatay mo pero hindi muna man kailangan na patayin sila diba ? yung makulong sila ay sapat na yun

Draven:tama ang sinabi ni keith,akala ko na iba ka sa mga pulis pero kriminal ka rin pala.

Papa:makinig muna kayo sa akin bago niyo ako husgahan ,ginawa ko lang yun para mabigyan ko ng hustisya yung mga magulang ko na mga lolo at lola niyo,oo hindi niyo kadugo si mama emerald ,inampon niya lang ako ,siya ang nag alaga sa akin kaya mga anak nagpursige akong mag aral at makatapos at heto na nga pulis na ako ,dun ko na ginawa yung hakbang ko ,nagtago ako bilang si blackshades para di ako mahalata ng mga tao pati yung mga kapwa ko pulis naging murderer ako dahil sa gusto kung mag revenge sa taong pumatay sa mga magulang ko at yung taong yun ay walang iba kundi yung lolo niyo ,yung ama ng mama niyo ,diba ang liit ng mundo ,ganun talaga ! pero kahit ama pa siya ng babaeng mahal ko ay pinatay ko pa rin siya kasi walang saysay yung pagiging pulis ko at pagiging si blackshades kung hindi ko mapatay yung killer na pumatay sa mga lolo't lola niyo .

Pagkatapos sabihin yun ni papa sa amin ay nagulat kami at napatahimik grabe 17 years akong nabuhay dito sa mundo ngayon ko lang nalaman lahat ng to ,ngayon lang sinabi lahat ng to ni papa ,ewan ko parang sumasang ayon ako sa ginawa niya kasi kung ako yung nasa sitwasyon niya ay gagawin ko rin yung ginawa ni papa ,wala

talagang pinipili yung pag ibig ,kagaya na lang yung lovestory nila mama at papa.

Itutuloy.