ARRIANNE's POV:
Heto nandito na ako sa kusina,naghahanap kung ano ang lulutuin ko habang yung baliw na draven na yun busy sa panonood ng NBA sa TV ,di man lang ako tinutulungan dito .
Kaagad kung binuksan ang ref at nakita ko na may hotdog at longganisa dito ,so wala naman kaming choice ito na lang ang lulutuin ko ,di naman yata magagalit si drake nito kapag ginalaw namin ang pagkain dito ,masarap naman tong ulamin di naman ako maarti ,ewan ko lang sa baliw na draven na yun .
Ayun kinuha ko na ang hotdog at longganisa at nag ready na ako ng kawali at binuksan ko na ang gas stove at ayun nagsimula na akong magluto .
Habang busy ako sa pagluluto at biglang lumapit sa akin si draven ,nakatingin siya sa akin na parang ako ang kakainin niya
Ako:draven,tigilan mo yang kakatingin mo,natatakot na ako sa pagtitig mo !!(inis kung sabi sa kanya)
Draven:ang taas ng lipad natin ha !! assuming ka na ngayon,hindi ikaw ang tinitingnan ko yang malaki mong boobs ang tinitingnan ko ,tunay ba yan o peke ,hahaha !(malakas niyang tawa habang nasa harapan ko siya)
Ako:(tiningnan ko siya ng masama)gusto mong isaboy ko tong kumukulong mantika diyan sa bunganga mo !!
Draven:hahaha 😂😂 wag kang magalit kasi lalo kang pumapanget,hahaha 😂😂 kung ako sayo ipahid mo yang kumukulong mantika diyan sa mukha mo para mapalitan na yang panget mong mukha ,hahaha 😂😂(malakas niyang tawa)
Ewan ko ba bakit ng cute tumawa nitong baliw na to kahit nilalait na ako
Ako:ewan ko sayo ,umalis ka na nga diyan,manood ka na lang dun !!(galit kung sabi sa kanya)di talaga mabubuo yang araw mo kapag di mo ako pinagtritripan !
Draven:ikaw kasi ang happy pill ko panget ,hahaha
Shoookkkttt !! Ano raw ? Ako ang happy pill niya,busseeeeett ! kinilig ako dun ,pero di ko pinahalata ,lord sana matapos na tong araw na to,gusto ko ng kumawala dito kay draven baka tuluyan pa akong mainlove sa kabaliwan niya .
Draven:hoy panget !!
Ako:(busy pa rin ako sa pagluluto)ano na naman ?
Draven:mas malaki pa yung hotdog ko kesa diyan sa niluluto mong hotdog ,hahaha ! tiyak pag tong hotdog ko ang kainin mo di ka lang mabubusog titirik pa yang mga mata mo ,whahaha 🤣😂(malakas niyang tawa habang nakahawak sa tiyan niya)
Tiningnan ko siya ng masama habang siya ay malapad ang tawa
Ako:bastos ka talaga !! Umalis ka nga diyan !!(pagtataray kung sabi sa kanya)
Draven:hahaha !! Panget ka ba ?
Ako:tse !!
Draven:sabihin mong bakit ?
Ako:lumayo ka diyan habang maliwanag pa tong paningin ko sayo,kapag magdilim to,humanda ka !!
Draven:heto naman ,sige na sabihin mo BAKIT ?(pagpapacute niyang sabi sa akin)
Ako:BAKIT !!(sabay tingin sa kanya ng masama)
Draven:hala ! Di mo alam ,hahaha !
Ako:so happy ka na ngayon ? Tulungan mo kaya ako dito ,buti may kanin pa dun ,maglagay ka ng kanin sa plato para kumain na tayo.
Draven:pasalamat ka good mood ako ngayon ,nasaan na ang plato ?(sabay tingin sa akin)
Ako:try mo kayang maghanap dun sa banyo baka nandun yung mga plato,nasa harapan muna nga ,nagtatanong ka pa !!(inis kung sabi)
Draven:(sabay pisil sa pisngi ko)lalo kang pumapanget dahil parati kang naka busangot .
Ako:bahala ka sa buhay !!
Ayun natapos na rin akong magluto at naglagay na ng kanin sa plato si draven di ko na siya pinansin,pero nakita ko siya na malapad yung ngiti niya,masayang masaya talaga siyang pinagtritripan ako ,haysttt !! Kakainis siya !
Heto nandito na kami sa dining area ,nilapag ko na yung ulam at nilapag na rin niya yung kanin .
Draven:magtimpla ka dun ng orange juice at nakita ko na may saging dun sa ref kunin muna rin .
Ako:wow ! Maka utos ,parang yaya mo lang ha ! May pinapa sweldo ka sa akin mahal na prinsipe(inis kung sabi sa kanya)
Draven:(kaagad tumingin sa akin at kinindatan ako)PLEASEEE !!(pagpapacute niyang sabi sa akin)
Ako:nakakainis ka talaga kahit kailan ,tsk !!
Ayun di ko alam kung bakit ko siya sinunod ,nakakaloko kasi yung mga titig niya sinabayan pa niya sa pagpapacute,kainis ,kanina pa ako naiinis sa sarili ko !!
Nung matapos na akong magtimpla ng juice ay ayun bumalik na ako sa dining area ,nakita ko si draven na sarap na sarap sa pagkain ng hotdog at longganisa ,grabe parang bata naman kumain tong baliw na draven na to ,
Draven:hoy ! Panget kumain ka na ,baka matumba ka diyan ,(sambit niya sa akin habang puno ng pagkain yung bibig niya)
Ako:(umupo na ako at nagsimula ng kumain)pwede ba don't talk if your mouth is full !
Draven:pasensya ka na manang !
Diba nakakainis talaga siya,tinawag pa akong manang ,di na siya nakontento na tawagin akong panget ,ang sarap talagang pakuluan ng tubig tong gwapong lalaking nasa harap ko .
Relax ka lang arrianne,kalmahin mo yang self mo ,dapat masanay ka na kay draven kasi palagi ka na lang bwebwesitin ,ayun kumain na lang ako,di ko na lang siya pinansin .
After ilang minuto ay tapos na kaming kumain ,kaagad siyang tumayo
Draven:ikaw maghugas ng mga yan
Ako:ano pa nga ba ,eh ! Tamad yung kasama ko ngayon,puro papogi lang ang alam .
Draven:para naman magkaroon ng silbi yang magagaspang mong mga kamay,hahaha ! manonood lang ako ng tv .
Ayun sabay umalis,grabe napaka malas ng magiging asawa ni draven,malas talaga ,sobrang tamad ng lalaking to ,sana hindi siya ang maging asawa ko kundi palagi lang kaming mag aaway .
Niligpit ko na yung pinagkainan namin at ayun hinugasan ko na yung mga ginamit naming utensils at nilinis ko na rin yung kusina dito .
Grabe pinagpawisan ako dito ha !.
Kaagad akong pumunta sa sala,aakyat na sana ako sa taas para humiga ng bigla akong tinawag ni draven na busy sa panonood ng mtv .
Draven:panget halika dito !(sigaw niya sa akin)
Ako:aakyat na ako sa taas,inaantok na ako
Draven:heto naman ,napaka kj ,halika muna dito !(tingin niya sa akin)
Ayun lumapit ako sa kanya .
Ako:ano na naman ba draven,magpapahinga na ako !
Draven:kantahan muna man ako,please !
Ako:alam mo ,baliw ka na talaga,kung ano ano na yang naiisip mo,draven pwede ba maging matured ka na ,hindi ka na bata para mag gaganyan !(galit kung sabi sa kanya)
Draven:eh ! Baby pa ako ,paano ako magiging matured,hehehe (sabay labas ng dimple niya)
Grabe ang cute niya !
Ako:ewan ko sayo,bahala ka diyan !
Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan kamay ko
Ako:bitawan mo yan !(humarap ako sa kanya)
Draven:ang daya mo naman,ako nga kinantahan kita kanina tapos ikaw di mo ako kakantahan,unfair yun !
Ako:bakit inutusan ba kita na kumanta para sa akin,mas lalo mo pa nga akong pinahamak ,dahil sayo nagalit sa akin si febbie
Draven:pwede ba panget,wag mong babanggitin yang pangalan na yan kasi kinikilabutan ako,sige na kahit kunti lang,gusto ko lang marinig yung boses mo,kung kagaya ng mukha mo na panget rin,hahaha
Ako:(inalis ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko)sige gagawin ko yun pero in one condition !
Draven:sige ,ano yun ?
Ako:pagkatapos nitong gabing to ,bukas at sa maraming pang bukas ay wag na wag muna akong kakausapin at pagtritripan ,maliwanag ba !
Draven:uhhmm ! Okey ,hehehe,sige na kumanta ka na !
Grabe agad agad ,pero okey mabuti naman at pumayag siya sa condition ko .
Ako:ano bang kanta gusto mo ?
Draven:kahit ano,basta accoustic lang,
Ako:sige .
Heto magsisimula na akong kumanta,mr dreamboy yung kakantahin ko,hindi ito para kay draven di siya ang dreamboy ko .
Ako:Ang isip ko'y litong-lito
Di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli nang 'yong pansin
Kapag nasasalubong ka
Dibdib ko'y kakaba-kaba
Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na rin
Hayan na nga't sumulyap na ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala?
Ha, ha, ha?
Chorus:
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo
Mr. Dreamboy, Mr. Dreamboy
Lagi kang nasa panaginip ko
Doo'y kinakausap ka
At sweet na sweet kang talaga
Medyo may holding hands pa nga
Parang ayoko nang magising paaaaaa ...
Habang feel na feel ko na yung pagkanta at nakita ko si draven na nagagandahan sa kanta ko ay biglang may kumatok kaya kaagad akong napatigil .
Ako:sino yun ?(pagtataka kung sabi kay draven)
Tumayo kaagad si draven
Draven:diyan ka lang,wag kang susunod sa akin,impossibleng pumunta dito si drake ,sino kaya to !
Ayun pumunta na si draven sa pinto ,sinundan ko siya at nung dahan dahan niyang binuksan yung pinto at nung pagbukas niya ay nagulat ako sa nakita ko kung sino yung kumatok ,walang iba kundi si ..
Itutuloy ..