ARRIANNE's POV:
Nanggigil na talaga ako sa draven na yun ,namumuro na siya sa akin,palagi na lang akong pinagtritripan.Kung hindi tumawag sa akin si tito jazz at nakiusap na balikan ko si draven sa school at samahan ko siya ay di sana wala ako dito ngayon sa rest house ng tropa niyang si drake ,pero hindi ako pwedeng makahindi kay tito jazz kaya kahit labag sa kalooban ko na sumama kay draven dito sa rest house ay wala akong magagawa lalo pa't sinabi niya na si aethan ay masamang tao at kasabwat siya sa pagpatay kay freda ,napaka imposible naman na kasabwat siya ,eh ! Sinundo nga siya ni tito lesther sa airport at wala akong nakikitang bahid na kasamaan kay aethan ,oo sinaktan ako ni felvin pero alam ko na magkaiba sila ni aethan at lalo akong nagalit kay draven nung sinabi niya na balak akong saktan ni aethan kasi raw si samantha ang next target nila tapos ako ang sunod ,bakit naman ako sasaktan ni aethan ,sa anong dahilan ? naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi ng baliw na draven na to,imbis na matutuwa na sana ako sa mga sweet na mga sinabi niya sa akin at lalo siyang naging cute nung nag english siya ay wala kaagad napalitan ng galit ko sa kanya.
Di ko na matiis tong draven na to ,kanina pa ako pinagtritripan nito di ko alam kung concern ba talaga siya sa akin o wala lang talaga siyang magawa kaya pati ako dinadamay niya sa problema niya .
Ako:wag mo na akong pipigilan draven kasi aalis na ako dito ,kung may problema ka ,wag mo akong idamay at kung may problema ka kay aethan deritsohin mo siya diba matapang ka at palaban ,bakit hindi mo deritsohin si aethan bakit kailangan mo pa talaga akong dalhin dito !!(galit na sabi ko sa kanya)
Draven:(bigla niyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit)di ka ba talaga nakakaintindi ha !!(galit niyang sabi sa akin)kung hindi ako pinagsabihan ni papa na wag ko munang tanungin at komprontahin yung aethan na yun ay baka kanina ko pa binaldado yung pinagtatanggol mong lalaki walang iba kundi yung aethan na yun !! Kaya sige umalis ka ! basta wag na wag kang magsisisi kasi hindi ako nagkulang na pagsabihan ka ! grabe ikaw na nga tong inaalala ,ikaw pa tong galit ,kakaiba ka talagang babae ! (sabay bitaw ng braso ko)sige umalis ka !! Alis !(sigaw niyang sabi habang galit na galit)
Grabe first time kung makitang magalit ng ganito si draven yung bang ramdam mo na totoo lahat ng mga binitawan niyang salita sa akin,yung bang totoo talaga na nag aalala siya sa akin,yung mga maliliit niyang mata ay biglang nanlaki ,parang na speechless ako sa sinabi niya di ako makagalaw ,tinitingnan ko lang yung mukha niyang galit na galit .
Draven:ano ! bakit nakatunganga ka lang diyan,sabi mo aalis ka ! di na kita pipigilan na umalis ,bahala na lang na magalit sa akin si papa pati si tito ramos ,sasabihin ko na lang na matigas yang ulo mo !!
Ako:draven (mahina kung sagot sa kanya)
Draven:(nilagay niya yung dalawang kamay niya sa bewang niya grabe ang hot niya) draven mo mukha mong panget !!
Ng biglang tumawag si papa
Draven:sagutin mo baka hinahanap ka na ng baby aethan mo !!(pagsusungit niyang sambit sa akin)
Ako:si papa yung tumatawag ,
Ayun sinagot ko kaagad yung tawag ni papa
Ako:hello pa ?
Papa:arrianne ,anak ? Magkasama ba kayo ngayon ni draven ?
Ako:opo ,(sabay tingin kay draven)magkasama po kami ,pa totoo ba lahat ng sinabi ni draven
Papa:kung sinabi niya sayo na wag ka munang makikipag kita kay aethan at layuan mo si aethan ay oo totoo yun ,kasi tama ang hinala ng tito jazz mo kay aethan
Oh ! my god ,so totoo palang masamang tao si aethan,grabe nagulat ako dun,paano nagawa yun ni aethan ,di ko to ineexpect ,di ko alam bakit biglang tumulo yung luha ko ,nakatingin lang ako kay draven habang siya ay nakasimangot sa akin ,grabe malaki ang tiwala ko kay aethan tapos malalaman ko na may kinalaman talaga siya sa pagpatay kay freda at bakit naman niya ako sasaktan,anong nagawa kung kasalanan kay aethan.
Papa:anak ,nandiyan ka pa ba ? Bakit di ka nagsasalita ?
Nagulat ako ng biglang pinahiran ni draven yung luha ko gamit lamang yung kamay niya,teka anong nangyayari sa akin bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung pinahiran ni draven yung luha ko at nakalapit pa siya sa mukha ko ,
Di tuloy ako makapagsalita tinitingnan ko lang si draven ng bigla niyang kunin yung phone ko at nakipag usap siya kay papa
Draven:hello tito ?
-----------
Draven:wag kayong mag alala ,magiging safe sa akin si arrianne kahit napaka tigas yung ulo ,
-----------
Draven:hehehe (sabay ngumiti)okey lang po yun tito ,ang mahalaga ay nalaman na niya yung totoo,di kasi naniniwala sa akin tong anak niyo(sabay tingin sa akin habang napakamot sa ulo)
---------------
Draven:hehehe ,sige po tito ,sana pati yung kasabwat ng aethan na yun ay mahuli na rin ,kasi pag mahuli niyo siya ay bubugbugin ko yun,muntikan pa akong patayin ng demonyong yun .
-------------------
Draven:sige po tito,bukas po uuwi na kami ,dito muna kami matutulog ,bye po !
Ayun kaagad niyang binaba yung linya at binigay na sa akin yung phone ko ,
Draven:nahuli na nila si aethan ,nandun ngayon sa presinto si aethan ,buti umamin yung ungas na yun.
Ako:draven ,sorry kung di ako naniwala sayo ,sana mapatawad mo ako ?
Draven:tsk ! Kanina galit na galit ka sa akin,bakit di mo ipagtanggol ngayon yung aethan na yun diba malaki ang tiwala mo sa kanya ,iiyak iyak ka pa diyan ! Tsk !!
Ako:oo na nagkamali ako ,sana naman matanggap mo yung sorry ko ,sorry kasi nasampal kita kanina ,sorry na draven (pagmamaka awa ko sa kanya)
Draven:maliligo na ako !! Bahala ka diyan !
Ayun kaagad siyang nag walk out ,di man lang ako pinansin,di man lang pinansin yung sorry ko sa kanya ,ano bang nangyayari sa akin,bakit pati si aethan sinaktan ako ,akala ko ba kaibigan ko siya,bakit gumaya siya kay felvin ,di ko na alam ang gagawin ko,parang tama yata yung sinabi sa akin kanina ni draven na yung akala mo mababait ay masamang tao pala .
Di ko na napigilan yung emotion ko ,napaupo na lang ako dito sa sahig habang tumutulo yung luha ko ,gusto ko sanang tawagan si aethan kaso wala pa akong number sa kanya,kakauwi niya lang kasi ngayon,ang saklap naman ng first day niya dito sa pilipinas ,sa kulungan siya matutulog,pero paano kaya nangyari yun na kasabwat siya sa taong pumatay kay freda ,di kaya matagal na siyang nandito sa pilipinas,pero bakit si freda ang una nilang pinatay tapos ngayon si samanthan at ako ang isusunod nila,ano kaya plano nila talaga ! Naguguluhan na talaga ako ..
Di ko alam na matagal na pala akong nakaupo dito sa sahig kasi di ko namalayan na tapos na pala si draven na maligo ,
Draven:hoy ! Panget !(sigaw niya sa akin)tumayo ka na diyan,magluto ka ng uulamin natin !
Nagulat ako sa nakita ko ,kasi nakatapis lang siya ng tuwalya ,bakat na bakat yung alaga niya ,buhay na buhay ito ,may abs pala si draven ,infairness maganda yung katawan niya,di ko alam na nadudumihan ko na pala yung mga inosente kung mga mata sa pagtitig sa katawan ni draven
Lumapit siya sa akin at pinalo niya yung noo ko
Draven:baka matunaw ako sa kakatitig mo ,tumutulo na yang laway mong may rabbies ..
Kaagad kung iniwas yung mga mata ko sa kanya kasi grabe lapit na lapit talaga sa akin yung alaga niya dito sa mukha ko ,kainis talaga tong draven na to ,kaagad akong tumayo at tumalikod ako sa kanya
Draven:wow ha ! Kunwari walang nakita,dapat kang magpasalamat kasi ikaw pala tong nakakita sa katawan ko,
Ako:maliligo muna ako ,pagkatapos ay magluluto na ako ng pagkain natin
Draven:bilisan mo ! ,nagugutom na ako baka ikaw ang kainin ko diyan !
Pagkasabi nun ni draven ay natameme ako,ano raw ? Kakainin niya ako,bakit bigla akong nag blush,teka arrianne tigilan mo yan,ano ka ba ! Pati ikaw nahahawa ka na sa pagiging maharot ni febbie ,dalagang pilipina ka ,okey ! Isa kang maria clara ,
Ayun di ko na lang pinansin yung sinabi niya bagkus ay umalis na ako
Draven:hoy ! Panget ! saan ka pupunta !(sigaw na sabi niya)
Ako:sa banyo ,bakit ba !(di ko pa rin siya hinarap)
Draven:hindi yan ang daanan papunta sa banyo,nandun sa likod ko ,palibhasa nawawala ka sa sarili kasi nakakita ka ng gold ..
Ano bang nangyayari sayo arrianne bakit wala ka sa sarili ,lutang ka girl ? ,kasalanan to ng draven na to ,
Ayun humarap ako sa kanya pero di ko siya tinitingnan ,patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa nadaanan ko na siya,bigla siyang bumulong sa akin na
Draven:okey lang sa akin kung titikman mo ako,di ako magagalit ,hehehe ! ipipikit ko na lang yung mga mata ko para di ko makita yang kapangitan mo ,hehehe
Ako:tumahimik ka diyan baliw ka ! Kundi isusumbong kita kay papa pati kay tito jazz(di ko siya tinitingnan)
Draven:matagal na akong walang kinatatakutan ,lalo pa sa papa ko pati kay tito ramos ,hehehe (ngumiti siya ng nakakaloko)
Arrianne wag mong patulan tong baliw na draven na to kahit nasa kanya na ang lahat,kahit may pa abs pa siya o daks pa siya ,kahit gwapo siya ay wag mo siyang papatulan ,okey !
Di ko na siya pinansin ,nagpatuloy na akong maglakad papunta sa banyo,,at buti di na ako pinagtripan ng baliw na draven na yun,kumuha muna ako ng tuwalya at pumunta na ako ng banyo,so iisa lang pala ang gagamitin namin ngayon na sabon ni draven,okey lang di naman ako maarti .
Ayun naligo na ako at nagsabon ..
After ilang minuto ay tapos na ako,teka anong susuotin ko dito ,wala akong extra ,
Paglabas ko ng pinto ng banyo ay nagulat ako kasi may nakalagay na ditong damit na pantulog hanging shirt at pajama's ,ewan ko bigla akong napangiti sa ginawa ni draven,ang sweet naman niya,sana ganito siya parati yung hindi masungit at suplado ,kung ganito siya parati tiyak magkakasundo talaga kami nito katulad kay keith,
Ayun nagbihis na ako dito sa banyo at sa wakas na tapos na ako,wala pala akong suot na bra kasi hinubad ko na yung suot kung bra kanina ,di ko na susuotin yun kasi nangangati ako pag sinuot ko ulit yung ginamit kung bra ,nahihiya akong magpakita kay draven kasi bakat na bakat yung nipples ko dito sa suot kung shirt ,medyo may kalakihan kasi yung kasi yung boobs ko kaya ganun,ano ba to natatakot akong lumabas baka halayin ako ng baliw na draven na yun ,huhuhu ðŸ˜ðŸ˜
Draven:(kumatok siya ng malakas)hoy ! may plano ka pa bang lumabas diyan,panget ! sabihin mo kung diyan ka na matutulog,nagugutom na ako ,lumabas ka na diyan !!(galit niyang sabi)
Kita mo to ,akala ko tuloy tuloy na yung pagiging sweet niya pero bumalik na naman yung pagka masungit niya,bahala na ! Dahan dahan kung binuksan yung pinto ng banyo at nung pagbukas ko ito ay kaagad kung nakita yung mga mata ni draven na nakatitig sa boobs ko ,ewan ko bigla ko siyang sinampal at tinakpan ko yung boobs ko kahit naka shirt ako .
Draven:hehehe ! Ang sakit naman nun panget,pero bawing bawi ka naman pala sa boobs mo,kahit panget ka ! ,
Ako:bastos ka talaga !!(sigaw ko sa kanya)susumbong kita kay papa
Draven:(di na siya tumingin sa akin bagkus nakatingin siya pinto ng banyo)so pag ikaw ang tumitig sa katawan ko ,ayos lang pero pag ako naman ay bawal,nasaan kaya yung justice dun,pero wag kang mag alala di kita hahalayin,magluto ka na dun ,nagugutom na ako ,bago pa saniban ako ng tukso nito ..hehehe
Ayun umalis na siya at nanood na ng tv sa sala ..
Grabe para kaming bagong kasal ni draven,bwesit !!
Itutuloy.