Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 87 - CHAPTER 86:CONCERN ABOUT HER

Chapter 87 - CHAPTER 86:CONCERN ABOUT HER

DRAVEN's POV:

Ano kaya ang gagawin ko ,talagang galit na sa akin yung panget na yun,pahamak talaga tong si febbie kahit kailan ! ng biglang may tumawag sa phone ko at nakita ko na si arrianne ang tumatawag sinagot ko kaagad ito.

Ako:hello ? Panget ,nasaan ka ba ?

Arrianne:nandiyan ka pa ba sa school ,nasa clinic ka pa ba ?

Ako:oo ,pumunta ka na dito. Sige na naman oh !

Arrianne:kung hindi lang kay tito jazz ,di ako babalik diyan ,sige papunta na ako diyan ,maghintay ka !

Ako:kasama mo ba ngayon yung aethan na yun .

Arrianne:oo ,sige na ibababa ko na to .

Ako:sige ,bilisan mo !

Ayun pinutol na niya yung tawag ,buti naman at hindi siya dinala kung saan ng aethan na yun ,pag makapunta sila dito mamaya ay ilalayo ko si arrianne kay aethan ,bahala na lang na magalit si panget sa akin ,kailangan ko siyang protektahan sa aethan na yun,hindi ko pwedeng sabihin sa harap ni panget na isang killer yung aethan na yun at siya ang target nito kasi baka hindi maayos yung plano ni papa na mahuli yung tunay na pumatay kay freda.

Kaagad akong pumunta sa clinic at maya maya ay nandito na ako kaagad na nagulat yung nurse nung makita ako.

Ako:pwede bang mahiga muna ako dito !

Nurse:draven ,bakit ? May nangyari ba sayo ?

Ako:medyo nilalagnat kasi ako ,hintayin ko lang na dumating si arrianne at pwede bang humingi sayo ng favor ?

Nurse:ano yun ?

Ako:may kasama si arrianne na lalaki ,isasama ko si arrianne sa bahay namin ,pero kailangan ko ang tulong mo .

Nurse:ayieehh !! ang sweet mo naman draven,napaka swerte naman ni arrianne ,grabe sana all na lang talaga ako neto ,sige ano yun ?

Ako:pwede mo bang pigilan yung lalaki na kasama ni arrianne,para hindi siya makasunod sa amin ,

Nurse:gwapo ba yung kasamang lalaki ni arrianne,hehehe

Ako:mas gwapo pa sa akin

Nurse:talaga !!(nanlaki yung mga mata niya)okey ,gagawin ko yang favor mo ,matagal pa ba sila,hehehe

Ako:salamat ! ,di ko alam basta mag ready ka na lang

Nurse:okey ,hehehe

Ayun humiga na ako,buti na lang malandi tong nurse na to ,saan ko ba itatago si arrianne ,alam ko na sa rest house na lang nila drake ,oo nga dun na lang kami pupunta .

Kaagad kung tinawagan si drake .

Ring.ring.

Drake:pare ,kamusta ? Long time no chat tayo ngayon ha !

Ako:pare ,pasensya ka na ha ,kung ngayon lang ako ulit napatawag sayo

Drake:ayos lang,lahat naman tayo nalungkot nung nawala sa atin si macky boy ,kulang na yung tropa natin,at dumagdag pa si rocky nung nawala sa kanya si freda ,

Ako:kaya nga pare ,ikaw na lang ang matatakbuhan ko ngayon,lalo pa't nasa panganib ngayon ang buhay ni arrianne

Drake:arrianne ? Teka yung panget na babae na nagbantay sayo sa ospital ,siya ba yun pare ?

Ako:gago ka talaga ! maka panget ka ,oo siya yun .

Drake:naks ! ,akala ko ba si samantha yung mga tipo mong mga chikababes bakit parang nag iba ka na yata ng taste ,hahaha

Ako:tang ina !! tumigil ka nga muna diyan pare ,tutulungan mo ba ako o hindi ,kasi kung hindi kay rocky na lang ako hihingi ng tulong ,para makapaghiganti naman siya sa pagkamatay ng girlfriend niyang si freda

Drake:bakit pare ,iisa lang ba yung taong pumatay kay freda at sa taong gustong saktan si arrianne

Ako:oo pare,kaya sige na tulungan muna ako ,walangya ka !

Drake:paano ? Kita matutulungan gago ka !

Ako:itatago ko muna si arrianne pansamantala hanggang sa mahuli yung dalawang taong yun ,

Drake:sus ! mag lilive in lang kayong dalawa dinadamay niyo pa ako,hahaha ! ,alam ko na gusto mong dun muna kayo magtago sa rest house ng family ko .

Ako:alam muna man pala,ang dami mo pang sinasabi ,at gago ka ! di ko siya ililive in siraulo ! ,

Drake:kilala kita pare,sige chat ka na lang kung papunta na kayo dun ,para masabihan ko yung bantay dun

Ako:sige pare,salamat talaga ,da best ka talaga kahit walangya ka !

Drake:HAHAHA ! mana sayo pare.

Nakita ko na dumating na sila aethan at arrianne ,kaagad kung binabaan ng tawag si drake,lumapit si arrianne sa nurse at nakita ko yung mukha ng aethan na to ,kung makatingin sa akin parang papatayin niya ako,pasalamat ka nandito si arrianne kundi kanina pa bumaliktad yang mukha mo ..

Arrianne:nurse ,kamusta na po si draven ?

Aethan:mukhang niloloko ka lang yata ng draven na yan ,arrianne mukhang wala namang nangyari sa kanya(sabay tingin sa akin)

Kaagad akong tumayo at nilapitan ko si arrianne ,

Ako:arrianne ,pwede ba tayong mag usap sa labas

Arrianne:akala ko totoong nasaktan ka draven,grabe pati si tito jazz niloko mo sa kasinungalingan mo ,wala ka na ba talagang pinipiling tao na mapagtritripan ,imbis na puntahan mo yung papa mo dun sa ospital ,naisip mo pa tong walang kwentang bagay na to ha !(galit niyang sabi sa akin)

Ewan ko parang nainis ako sa sinabi ng panget na to,siya na nga tong prinoprotektahan siya pa ang galit ,bwesit !!

Ayun kaagad kung tiningnan yung nurse at parang alam na niya yung gagawin niya ,kaagad siyang tumayo at nilapitan niya si aethan ,ayun kaagad kung hinawakan yung kamay ni arrianne .

Ako:sumama ka sa akin !!

Arrianne:anong ginagawa mo !(gulat niyang sabi sa akin)

Aethan:hoy ! saan mo dadalhin si arrianne.

Nurse:mr.pogi ,gusto mo bang tingnan ko yung pulso mo .

Hinawakan niya yung braso ni aethan ,

Aethan:ano ba !(sabi niya sa nurse)

Ayun hinatak ko na palabas si arrianne,nagpupumiglas siya na makawala sa pagkakahawak ko sa kamay niya pero di ko ito binibitawan ,patulog ko pa rin siya hinahawakan .

Buti na lang at magaling yung nurse na yun di kami nasundan ni aethan ,ano kaya ang ginawa niya kay aethan ,

Habang palabas kami dito sa school ay pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko studyante ,

Arrianne:saan mo ba ako dadalhin draven,bitawan muna yang kamay ko,kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao dito

Ako:isipin mo na lang na tayo lang dalawa ang nandito ,basta malalaman mo mamaya kung bakit ko to ginagawa sayo,dapat mo akong pasalamatan mamaya,sa ngayon ilalayo muna kita sa aethan na yun.

Arrianne:bakit ? Anong kasalanan ni aethan ,

Ako:basta nga !! .

Maya maya ay nandito na kami sa labas ng school kaagad akong pumara ng taxi habang hawak hawak ko ang kamay ni arrianne

Ako:kuya dun lang kami sa villa francisco sa may rest house.

Arrianne:hoy ! draven ang layo dun,anong gagawin natin dun .

Ako:wag kang maingay diyan !(sabay tingin kay arrianne)

Driver:ang bata bata niyo pa ,kawawa naman mga magulang niyo.

Ako:magpapasakay ka ba o hindi !! (galit kung sabi sa driver na to)

Driver:may pambayad ba kayo ?

Kaagad kung kinuha yung wallet ko at kinuha ko yung 2,000 pesos at inihagis ko sa kanya.

Ako:kulang pa ba yan !!

Arrianne:draven,ano Ka ba ! kahit kailan talaga napakasama ng ugali mo !

Ako:malalaman mo mamaya kung sino yang sinasabihan mo na masama baka bawiin mo yang sinabi mo !

Driver:sakay na kayo,ano pang hinihintay niyo ,hehehe

Ayun sumakay na kami ,pinasakay ko muna si arrianne at sumakay na rin ako ,umandar na yung taxi .

Driver:anong gagawin niyo dun sa rest house na yun mga bata (sabay tingin sa akin at salamin)

Ako:wala kang pakialam,gawin mo na lang trabaho mo diyan,magmaneho ka na lang !

Driver:hehehe ,ang tapang natin brad ,oh ! Sige ..

Nakita ko si arrianne na para siyang natetense ,para siyang di mapakali

Ako:ayos ka lang ba ?(tanong ko kay arrianne)

Arrianne:ewan ko sayo !

Ako:bahala ka !!

Kaagad kung chinat si drake na papunta na kami sa rest house nila at kaagad naman siyang nagreply ng

Drake:sige pare,basta hinay hinay lang sa pagbayo kay arrianne ha !! ,baka dumugo yung perlas niya,hahaha !

Napaka gago talaga ng taong to ,bwesit ! pero natawa ako sa reply niya,hehehe ! tang ina !

Nireplayan ko na siya ng.

Ako:Tang ina ! ka talaga pare,pero salamat talaga ..

Ayun di na siya nagreply ,tinitingnan ko si arrianne na nakatingin siya sa bintana ,hindi naman pala siya sobrang panget kulang lang siya sa ayos ,ewan ko ba bakit nagkaroon ako ng special feelings sa kanya ,di naman siya yung mga tipo kung babae

Kaagad na nagtext sa akin si papa at binasa ko kaagad ito.

Papa:draven ,anak

,nakalayo na ba kayo ni arrianne ?

Kaagad kung nireplayan si papa

Ako:oo pa ,papunta na kami ngayon sa rest house nila drake.

Papa:mabuti yan ,kasi ngayon ay hinahanap na nila ramos si samantha at hinahanap na rin ng tito lesther mo si aethan.

Ako:nandun si aethan sa school namin ,dun sa may clinic.

Papa:sige sige anak,basta ingatan mo diyan si arrianne ,mamaya tatawagan ni ramos yung anak niyang si arrianne.

Ako:sige pa ,sana mahanap na nila si sam at mahuli yung taong kumidnap sa kanya

Papa:sige na anak,.

Ayun di ko na nireplayan si papa .

Arrianne:draven ,ano ba talaga ang nangyayari ?(sabay tingin sa akin)

Ako:mamaya sasabihin ko sayo lahat

Arrianne:pwede naman ngayon mo na lang sabihin,bakit mamaya pa

Ako:eh ! Yun ang gusto ko ! kaya wala kang magagawa !

Arrianne:ewan ko ba kung bakit ako sumama sayo dito,alam mo naiirita na ako diyan sa ugali mo,nakaka highblood ka draven,alam mo yun !

Ako:edi mairita ka ! kasi lalo kitang iinisin at lalo kung itataas yang pagka highblood mo sa akin.

Arrianne:bwesit ka !!

Ako:mas lalong bwesit ka !

Ayun di na nakipag usap si arrianne sa akin ,grabe natutuwa talaga ako kapag naiinis siya sa akin,di ko alam kung bakit ako natutuwa kapag nagagalit siya sa akin,mas lalo ko siyang gagalitin mamaya ,ilalabas ko yung english na mga tinago ko dito sa utak ko ,hahaha ! grabe bakit bigla akong natawa .

Arrianne:nababaliw ka na talaga !!(pagtataray niyang sabi sa akin)

Ako:okey lang mabaliw,atleast hindi panget na kagaya mo !

Arrianne:oo nga panget ako pero bakit ka may special feelings sa akin !!

Napalunok ako sa sinabi ng panget na to ,kasi ako di ko alam kung bakit ako may special feelings sa kanya

Ako:sineryoso muna man yung sinabi ko kanina ,pinagtritripan lang kita,wala akong special feelings sayo ,wag kang magpapaniwala diyan

Arrianne:sabi ko na nga ba ! ,ibang klase ka talaga draven,ikaw na yung nakilala kung napakasamang nilalang sa mundo

Ako:talaga lang ha ! ,tingnan natin kung ano yang sinasabi mo diyan sa bunganga mo !

Arrianne:ewan ko sayo !

At di ko namalayan na nandito na pala kami sa rest house nila drake kaagad akong bumaba at nakita ko si arrianne na nakaupo lang wala yatang planong bumaba tong panget na babaeng to kaya ayun pumasok ako sa loob at hinawakan ko kamay niya nakita ko yung nakakunot niyang mukha

Ako:hoy ! wag mong ganyanin yang mukha mo kasi wala ng pagbabago diyan,tara na bumaba na tayo at pumasok na tayo sa loob

Arrianne:gusto ko ng umuwi draven,

Ako:hindi ka pa pwedeng umuwi,di ka ba nakaka intindi at natatakot ka ba sa akin,dapat ka ngang maging masaya kasi makakasama mo ako ,ang daming nagkakandarapa sa akin diyan na makasama ako at pansinin ko sila tapos ikaw itong di kagandahan nag iinarte

Arrianne:pasensya ka na ha ! Mr .MVP ,di kasi ako katulad ng mga bebe mo,na mahilig sa demonyo at satanas ,

Ako:wow ! double kill yun ha ! Demonyo na nga satanas pa ,edi ! ako na ang masamang tao ,tara na nga !!

Ayun ayaw makausap sa matinong usapan tong panget na to kaya hinatak ko yung kamay niya at ayun lumabas rin sa taxi ,buti di nakialam tong driver na to at umalis na yung taxi ,

Arrianne:bitawan mo nga ako draven !(galit niyang sabi sa akin)

Di ko siya pinansin bagkus hinawakan ko lang yung kamay niya at pumasok na kami sa loob ng rest house .

Arrianne:kuya tulungan mo ako,kinidnap ako ng taong to(sabi niya sa guard dito)

Guard:nawa'y maging masaya kayong dalawa sir at maam.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni guard

Arrianne:kuya,di ako nagbibiro ..(sigaw niya habang papalayo kami sa guard)

Ako:nag aaksaya ka lang ng laway mo .

Nagpupumiglas siya na makawala hanggang sa nandito na kami sa isang maliit na bahay kaagad ko siyang sinandal sa pader at tinitigan ko yung mga mata niya ,grabe ang haba pala ng mga pilikmata niya ,oo may kundi siyang mga pimples pero ngayon ko lang napansin na ang cute pala ng panget na to ,nakita ko yung reaction ni panget di siya makatingin sa akin ng deritso

Arrianne:What are you doing draven ?

Ako:You tell me.Don't you wanna leave me ? Don't wanna make a clean break with me ? Then i'll imprison you here ? You have no where to go !!

Walangya ! Saan ko napupulot tong mga sinasabi ko .

Ako:draven,ano bang nangyayari sayo ha ! ,pwede bang tigilan muna to ,di na ako natutuwa sa mga sinasabi at pinaggagawa mo !

Nakatitig pa rin ako kay panget pero siya hindi pa rin makatingin sa akin kaya hinawakan ko yung mukha niya para tumingin sa akin

Ako:Don't scold me ! just hear me out,you can scold me after that ! I don't have a lofty image in your heart anyway ,Tang ina ! napapa english na ako ,

Bigla akong tinulak ni arrianne at sinampal niya ako .

Ako:you're still angry at me ?

Arrianne:nasisiraan ka na ba talaga ng ulo draven !! Bakit mo ba ako dinala dito ha !(galit niyang sabi sa akin) aalis na ako ,wag muna akong pipigilan pa kundi isusumbong na talaga kita kay papa !

Ako:(kaagad kung hinawakan yung kamay ni panget at kaagad ko siyang pinahiga sa kama grabe ang wild ko naman ,hahaha ! ano bang nangyayari sa akin,hinawakan ko yung dalawang kamay ni arrianne at itinaas ko ito ,nagulat siya sa ginawa ko sa kanya,nakatingin lang siya sa akin

Ako:Saan ka pupunta ?

Arrianne:it's none of your business(pagtataray niyang sabi sa akin)

Ako:hindi pa tayo tapos mag usap ! Saan ka pupunta ?

Arrianne:We have nothing to talk about ! Would you stop behaving like a crazy person ?

Pagkasabi niya nun ay kaagad niya na naman akong tinulak at pinagpapalo dito sa katawan ko ,kaya tiningnan ko na naman siya habang gulong gulo na yung buhok niya

Ako:im not crazy !! I'm telling you the truth !!

Arrianne:get out of my way ! I'm going home ! What exactly do you want !

Ako:alright then ! I'll lock you in this room ,I will not let you leave hangga't hindi nawawala yung aethan na yun sa buhay mo !

Arrianne:ano ba talaga ang totoo draven,bakit ayaw mo akong deritsohin ha !! ,sabihin mo nga ! May kinalaman ba dito si aethan kaya mo ako dinala dito !

Ako:oo ,dahil yung aethan na yun ay masamang tao !

Arrianne:grabe ,masamang tao ? Baka ikaw yung masamang tao hindi siya !!

Ako:sige ipagtanggol mo pa yung taong yun,alam mo ba na may kinalaman siya kung bakit namatay si freda at ngayon naman si sam ang target nila tapos ikaw ang isusunod nila arrianne

Di ko alam kung bakit ako biglang sinampal ni arrianne

Arrianne:hindi na talaga kita maintindihan draven,pati si aethan dinadamay mo !

Ako:(tumingin ako sa kanya ng masama)sabihin mo nga,bakit ba ,malaki yung tiwala mo sa lalaking yun kumpara sa akin.

Arrianne:kasi kilala ko siya simula bata pa lang kami kaya alam ko na di yun magagawa ni aethan .

Ako:sigurado ka !! arrianne lahat ng tao nagbabago lalo na't hindi mo nakita si aethan ng ilang years,si felvin nga na nakasama mo paglaki mo at naging boyfriend mo pa ay nagawa ka pa rin niyang saktan,si aethan pa kaya ,sa una lang siya mabait pero kapag mahulog na yung loob mo sa kanya ay dun na niya ipapakita kung sino talaga siya

Itutuloy..