SABRINA MARIE's POV:
Akala ko lord ay pinabayaan muna ako,akala ko na kinalimutan muna ako ,kinalimutan muna lahat ng prayers ko sayo pero salamat ,maraming salamat kasi binuhay mo pa yung pinakamamahal kung lalaki sa buhay ko walang iba si jazz ,akala ko talaga ay kukunin muna siya sa akin ,lubos akong nagpapasalamat sayo kasi sa wakas ay nagising na siya at bumalik na rin si keith sa amin.
Nandito pa rin ako binabantayan ko si jazz ,heto gising na gising na siya ,kumakain na nga siya ng paborito niyang pagkain nandito rin sila keith pati yung nag alaga sa kanya na si shella at yung kapatid niyang si jake,nagpapasalamat ako kay shella kasi hindi siya gumaya sa kanyang papa na si de paz.
Sinabi sa akin ni draven at ni keith na nasa panganib yung buhay ni shella .Kaya kaagad ko siyang tinanong habang nakaupo katabi sila ni keith
Ako:shella ? Sino yung nagtatangka sayong buhay ?
Shella:uhhmm ! wala pong nagtatangka sa buhay ko.
Jazz:sabi nila keith na may nagtatangka raw sayo,sabihin mo para matulungan ka namin,para masuklian naman namin yung kabutihan na binigay mo kay keith.
Keith:pa at ma ,meron kasing obsessed kay shella ,sa tuwing may nananakit kay shella ay yung nanakit sa kanya ay bigla na lang namamatay katulad ng nangyari kay freda,sinaktan niya si shella kaya ayun pinatay siya ng di namin kilalang tao ,pero may hula kami kung sino yung taong yun.
Ako:(kaagad kung tiningnan si keith)anak ,sabihin mo sino yung taong yun,dapat mahuli kaagad siya para wala na siyang mapatay na tao,grabe kailan ba matatapos tong mga patayan sa buhay natin .
Jazz:hangga't nabubuhay ako alien ko (hinawakan niya kamay ko),alam ko na sa akin galit yung taong yun,at walang kinalaman dito si shella ,sabihin mo keith (sabay tumingin kay keith)si freda lang ba yung target na taong yun,sa inyo ni draven ,sinaktan ba kayo ng taong yun.
Keith:si draven po ,muntik na siyang mamatay,buti na lang niligtas siya ni jake.
Kaagad akong tumayo at nilapitan ko si keith,nagulat ako sa sinabi ni keith.
Ako:pambihira buti walang masamang nangyari sa inyo at jake iho (tiningnan ko si jake)maraming salamat sa ginawa mo kay draven.
Jazz:sabi ko na nga ba ,walang kinalaman dito si shella at isa na rin siya dito sa gustong patayin ng taong yun.
Shella:ano po bang ibig niyong sabihin sir ?(tiningnan niya si jazz)
Jazz:shella ,buti pa ,dito ka muna manirahan sa lugar namin,dun ka muna tumira sa bahay hanggang sa mahuli namin yung taong yun,oo malaki ang kasalanan ng tatay mo sa pamilya ko pero alam ko naman na wala kang kasalanan sa ginawa ng tatay mong si de paz,mabait kang bata .
Shella:salamat po sir pero may idea na po kami kung sino yung pumatay kay freda.
Ako:sino yun iha ?(tanong ko kay shella)
Shella:yung kababata ko pong si aethan sebastian capili.
Pagkasabi nun ni shella ay parang kilala ko yung binanggit niyang pangalan parang anak siya ni sofia yung dating ka trabaho namin ni lesther nung nagtuturo pa kami sa laguna.
Ako:(tumayo ako at nilapitan ko si shella)shella ,sino ang mga magulang ng aethan na yan ?
Shella:sila wilfred talisay po at si nancy talisay ,yun po mga magulang nila
Jazz:bakit iba yung apelyido ng aethan na yun sa mga magulang niya ?
Ako:oo nga shella,bakit hindi talisay yung apelyido niya
Shella:di ko po alam eh ,pero kanina po may nakilala po kami ,nung dumating yung arrianne na kaibigan niyo keith.
Keith:pumunta dito si arrianne kanina bakit di siya pumasok.
Ako:magkasama sila ngayon ni draven,kasi may play sila ngayon,keith ..
Shella:may kasama pong lalaki si arrianne at nung nagpakilala na po ito sa amin ay magkapareho po sila ng pangalan pati po rin apelyido ng pinaghihinalaan namin na pumatay kay freda.
Jazz:ginamit niya yung pangalan ng kaibigan ni arrianne ,nagtatago siya sa kanyang tunay na pangalan .
Ako:pero jazz ,kung ginamit niya yung pangalan ni aethan ,edi ! Simula nung pagkabata niya ay ginagamit na niya yung pangalan at apelyido ni aethan.
Shella:impossible po pero parang totoo po .
Jake:grabe ,ibig sabihin nito na kilala niya si aethan kasi ginamit niya buo nitong pangalan pati apelyido.
Jazz:alam ko na ngayon kung saan natin siya mahahanap .
Ako:talaga jazz ,saan ?
Jazz:magkakilala silang dalawa .
Shella:sino po sir ?
Jazz:yung totoong aethan at yung nagpapanggap na aethan ,hindi ikaw shella ang nasa panganib kundi si arrianne ,alien ko (sabay tumingin sa akin) tawagan mo ngayon na si ramos ,kailangan niyang papuntahin dito yung aethan na yun.
Shella:yung arrianne na lang po yung tawagan niyo maam,kasi po sinundan ng aethan na yun si arrianne dun yata sa school ,inihatid pa nga ni samantha si aethan dun kay arrianne .
Jazz:keith,tawagan mo ngayon na yung samantha na tinutukoy ni shella.
Keith:bakit po ?
Jazz:basta ,sige na ako ang kakausap sa kanya.
Keith:sige po .
Tinawagan na ng anak kung si keith yung samantha na yun,pina loud speak niya ito.
Ring.ring.ring.
Samantha:keith ,tulungan mo ako ,keith !!!!!(sigaw niya habang umiiyak)
Jazz:nasaan ka !! Sino ang kumuha sayo !!(sigaw niya)
Ng may makarinig kaming boses na di namin familiar .
Barry:sinabing tumahimik ka !!(galit niyang sabi kay sam at sumigaw)
Kaagad na pinutol yung linya .
Jazz:tawagan mo ulit keith ..
Sinubukan ulit na tawagan ni keith si samantha pero hindi na niya ito matawagan .
Jazz:si arrianne ,nasa panganib siya ,sabi ko na nga ba ,yung aethan na yun ..alien ko ,akin na yang phone tatawagan ko si draven.
Kaagad kung binigay kay jazz yung phone ko at tinawagan na niya si draven ,pina loud speak ito ni jazz para marinig namin yung pag uusap nila ni draven.
Ring.ring
Draven:hello ma !(malungkot niyang sagot)
Jazz:draven ,anak si papa mo to !
Draven:pa ? ,kamusta na po kayo ,buti naman at okey na kayo (malungkot niyang sagot)
Jazz:bakit parang malungkot ka ? Magkasama ba kayo ngayon ni arrianne.
Draven:kanina po magkasama kami pero ngayon hindi na .
Jazz:nasaan na siya ngayon ?
Draven:kasama na po niya yung kaibigan niya yung aethan na yun ,bakit po pa ?
Jazz:sundan mo sila ,ngayon na !! at magtago kayong dalawa ,wag muna kayong magpapakita sa amin dito hanggang di namin napapa amin yung aethan na yun at yung kasabwat niya na pumatay kay freda.
Draven:ANOOOO !!(gulat niyang sabi)
Jazz:draven,sige na ,bago pa makalayo sila ,si sam yung kaibigan niyo ni keith,kinidnap siya at alam ko na may kinalaman dito yung aethan na yun.
Grabe tong asawa ko napaka galing talaga ayaw niya talagang mapahamak yung mahahalagang tao sa kanya,kaya pala hindi pa siya kinuha sa amin ni lord,,kakagising lang niya sa coma at kakagaling lang sa sakit ,parang wala lang nangyari .
Draven:sige po pa ,ngayon mismo susundan ko sila at proprotektahan ko po si arrianne ,bye po !!
Agad na binaba ni draven yung linya at maya maya ay biglang dumating si febbie na umiiyak ,nagulat ako ng bigla niya akong niyakap
Ako:febbie,anak ,anong nangyari bakit ka umiiyak ?
Febbie:tita ,si draven po kasi,sinaktan niya ako ! huhuhu
Jazz:bakit anong ginawa ng anak ko sayo febbie ?
Febbie:tito jazz,kinagagalak ko po na makita kayong gising na (inalis niya yung pagkakayakap sa akin at nilapitan niya si jazz at niyakap)tito kasi si draven ,huhuhu !
Jazz:anong nangyari iha ! sabihin mo anong ginawa ng anak kung si draven sa paborito kung inaanak .
Febbie:girlfriend niya na po si arrianne,huhuhu !
Ako:ano !!(gulat kung sabi )paano ? Eh ! di ko naman nabalitaan na nililigawan ni draven si arrianne,akala ko na galit rin siya kay arrianne.
Shella:may chemistry naman po kasi sila draven at arrianne ,hehehe oppps !!
Febbie:(inalis niya yung pagkakayakap niya kay jazz at tiningnan niya si shella)who are you ?
Ako:siya ang nag alaga kay keith nung nawala si keith ,teka nga febbie paano naging girlfriend ni draven si arrianne baka niloloko ka lang ni draven.
Nakita ko na napangiti si jazz
Jazz:nagmana talaga yung anak kung si draven sa akin,hehehe ,febbie halika ka nga dito .
Lumapit naman si febbie kay jazz at inakbayan ni jazz si febbie.
Jazz:alam mo iha ,hindi totoo ang sinabi sayo ni draven,hindi sila magsyota ni arrianne,ginawa niya lang yun para magselos ka at magbago ka na sa pakikitungo sa kanya,nakukulitan na kasi si draven sayo iha ,kaya ganun na lang ang ginawa niya para magbago ka na ,gusto lang ni draven na baguhin muna yang sarili mo,wag kang mag alala kayo ang ikakasal ni draven ,napagkasunduan na namin yun ng papa mong si kevin.
Pagkasabi nun ni jazz kay febbie ay napangiti si febbie
Febbie:ganun po ba yun tito ,di ko po alam eh,inaway ko pa naman si arrianne,kainis malaki kasalanan ko kay arrianne ,kailangan kung balikan sila sa school.
Jazz:wag na febbie kasi nasa panganib ngayon si arrianne ,kailangan protektahan ni draven si arrianne.
Febbie:(sabay tumingin kay jazz)bakit po tito ?
Ako:may taong obsessed kay arrianne at walang iba kundi yung aethan na bestfriend niya .
Febbie:what !! Is this for real ?? ,sino yang aethan na yan ,teka so ang ending neto ay magtatago sila draven at arrianne sa di natin alam na lugar.
Jazz:dont worry febbie,di naman magtatagal yung pagtatago nilang dalawa,kapag mahuli na yung taong killer na yun ay magpapakita na sila sa atin,madali lang yun kasi nandiyan si aethan,papa aminin natin siya sa ginawa nila ng kasabwat niya.
Febbie:paano na to tito,baka ma fall si draven kay arrianne,baka magka developan sila ,huhuhu !
Shella:grabe inalala pa talaga niya yung pag ibig kesa sa buhay ng kaibigan niya,pambihirang babae.
Febbie:sino ka ba para sumabat sa usapan namin !!(pagtataray niyang sabi kay shella)
Ako:febbie ,wag kang ganyan ,tama naman yung sinabi ni shella.
Febbie:sorry po tita sab,kasi nakaka irita na yang babaeng yan,feeling close ..
Shella:broken hearted ka lang nandadamay ka pa !
Ako:shella,keep quiet ka na rin,okey !!(sabi ko kay shella)
Shella:pasensya na po !
Jake:ate umalis na tayo dito,eh ! Wala naman pala tayong kwenta dito,
Jazz:wag kayong aalis, dito lang kayo hangga't di nahuhuli yung taong yun ,tatawagan ko ngayon na si kevin at si general .
Ako:sige jazz ,pero magpahinga ka muna,wag mo munang pilitin yang katawan mo,
Jazz:opo alien ko !!(sabay ngiti sa akin)
Grabe tong asawa ko parang hindi tumatanda ,43 years old na pero mukhang 25 years old pa rin ,hehehe,ang hot pa rin ,hot daddy , yung pagka astigin niya at pagka fierceful ng mukha niya ay nakuha ni draven ,samantalang yung side naman na pagka maginoo niya at madaling makapag isip ay nakuha naman ni keith,sa akin kaya ano ang nakuha nila keith at draven mula sa akin,hehehe yung pagka amazona ko rin ba o yung pagiging good looks rin,hahahaha ..namiss kung tumawa ulit,masaya lang ako kasi okey na ulit ang lahat,oo nga pala meron pa palang panibagong kalaban ,yung mga anak ko naman yung pinopunterya nila ,ang totoo niyan ay di ako pumapayag sa pagsusumpaan nila jazz at kevin na ipakasal sila febbie at draven,kasi nakokonsensya ako sa anak kung si draven,kung sino ang gusto niyang babae o kung sino yung mahal niya ay susuportahan ko yun,alam ko na wala siyang nararamdaman kay febbie kaya ginawa niya yun kay febbie na magpanggap sila na magsyota sila ni arrianne ,at alam din yun ni jazz ,nagsinungaling lang siya kay febbie para gumaan nito ang pakiramdam ni febbie.
-------
DRAVEN's POV:
Di ko talaga maintindihan mga pag uugali ng mga babae TANG INA !! Kaya ayokong may natitipuhan akong babae !! ,oo inaamin ko may special feelings ako sa panget na arrianne na yun,di ko alam nung una ko siyang nakita dun sa classroom ,iba na yung naramdaman ko,kaya para di ako mahalata ay sinipa ko yung upuan niya nun pero naaawa naman ako sa kanya nun kaya pinaupo ko siya at pinatabi sa akin,masaya ako kasi yung papa niya ay si tito romeo ramos ,ang liit talaga ng mundo,lalo ko siyang iniinis at nagiging suplado ako sa kanya at binibitawan ko siya ng masasamang salita ,strategy ko lang yun para lalo niya akong hindi makalimutan ,pero hindi naman araw araw na binibwesit ko siya ,may times na sweet ako sa kanya at caring ,ewan ko ba dun sa panget na yun bakit may special feelings ako sa kanya ,di naman siya yung tipo kung babae,
Fast Forward ....
Nagselos ako nung makita kung may kasama siyang ibang lalaki at unang tingin ko palang sa aethan na yun ay parang hindi na siya makapagkakatiwalaan ,
kahit maamo yung mukha niya nasa loob naman yung pagka demonyo niya.
Kaya nag isip ako ng paraan kung paano ko mapapangiti muli si panget,baduy na kung baduy ,pero kakanta ako sa harap ng stage at nagpapasalamat ako kasi success yung ginawa ko nakita ko si panget na nakangiti siya habang kumakanta ako,siguro nag iisip siya na para sa kanya yung kantang yun ,at sobra akong nababadtrip sa febbie na to,daig pa yung pokpok ,bigla lang naman akong niyakap at muntikan pang halikan dito sa harap ng maraming tao ,balak ko na sana siyang itulak pero naisip ko na marami ang nakatingin sa amin kaya ang ginawa ko ay iniwan ko na lang siya at sinundan ko si arrianne sa backstage .
Di ko alam kung bakit nagiging suplada na sa akin tong panget na arrianne na to,ano kaya ang nangyayari sa babaeng to,di naman to ganito nung sinusungitan ko siya at minumura,kaya hinawakan ko kamay niya at pumunta kami dito sa labas na audi at kinompronta ko siya at wow !ako pa raw yung may mali ,sakto umulan ng malakas ,hinubad ko yung jacket ko at isinuot ko ito sa kanya,nakita ko yung reaction niya,kinilig siya sa ginawa ko ,grabe draven di ko alam na magagawa mo tong kababuyan mo ,walangya ka talaga !!
Okey na sana yung moment namin dito ni arrianne ng biglang dumating tong bwesit na febbie na to at dahil sa kanya nagalit sa akin si arrianne ,di ko alam kung bakit ko biglang nasambit na mag syota na kami ni arrianne sa harap ni febbie ,kaya ayun galit na galit sa akin si arrianne,pinagsasampal niya ako tinanggap ko lang ito kasi kasalanan ko naman to,at hindi totoo na ginamit ko si arrianne para iwasan ako ni febbie ,ginawa ko yun kasi yun ang gusto ko ..
Mahirap man sa akin na di ko sinundan si arrianne bagkus ay hinayaan ko siyang umalis at sumama sa aethan na yun ay wala na akong laban kasi galit na galit na sa akin si arrianne bukas ko na lang siya kakausapin,ayoko talaga ng malayo siya sa akin.
Nagulat ako ng biglang tumawag si mama ,at sinagot ko kaagad ito habang nakatayo ako dito sa waiting area ,si papa pala ang tumawag sa akin ,sa phone lang ni mama yung ginamit niya .
Masaya ako nung marinig ko muli ang boses ni papa at napalitan kaagad ito ng pagkabahala at pagka alala ko nung malaman kung nasa panganib si arrianne ,magkasama pa naman sila ng aethan na yun ,,sabi ko na nga ba na di makapagkakatiwalaan yung aethan na yun kaya binabaan ko na kaagad ng linya si papa at tinawagan ko kaagad si arrianne.
Ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring
Tang ina !!sagutin mo yung tawag ko sayo panget ka !! ikaw na nga tong inaalala ,ayaw mo pang sagutin ..bwesit ka !!
Sinubukan ko ulit na tawagan si panget pero di pa rin niya ito sinasagot at naka receive kaagad ako ng message mula sa kanya .
"Don't call me !! wala na tayong dapat pag usapan pa "
Yan ang message niya sa akin at kaagad ko siyang nireplayan.
"nandito ako ngayon sa clinic ,sinugutan ko yung braso ko pati balikat ko ,pumunta ka dito please !! kung ayaw mong ikaw ang sisisihin ko na sinaktan mo ako""
Yan ang nireply ko sa kanya ,naghihintay ako ng reply niya pero nagulat ako ng tumawag siya sa akin,sinagot ko kaagad ito.
Arrianne:wala akong pakialam kung anong mangyari sayo,daplis lang yan di ka niyan kaagad kukunin ng tito kung si san pedro. Matapang ka diba !! edi ipakita mo yang tapang at kakapalan ng mukha mo !!(galit niyang sabi sa akin)
Ako:arrianne,please !! Last favor ko na to to ,bumalik ka dito sa school nasa clinic ako,sorry na !! Pleasee !
Bwesit !! Nahahawa na ako kay keith,sa pagiging malumanay at pagmamakaawa sa iba,si arrianne lang talaga ang nakapag pagawa nito sa akin,mahirap na kung sabihin ko na layuan niya yung aethan na yun kasi baka lumaki yung problema .
Arrianne:bahala ka diyan draven ,bye !!
Grabe ang harsh naman ng panget na yun ..
Itutuloy.