Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 85 - CHAPTER 84:Feel The Pain

Chapter 85 - CHAPTER 84:Feel The Pain

ARRIANNE's POV:

Nakita ko yung mukha ni febbie ,yung mga tingin niya sa akin ay parang galit na galit siya ,kaagad kung hinubad yung jacket ni draven at binigay ko na ito sa kanya agad namang kinuha ito ni draven.

Ako:febbie,nagkakamali ka ng iniisip mo !

Nagulat ko ng bigla akong inakbayan ni draven at inilapit niya yung katawan niya sa akin,ramdam ko yung tigas na katawan ni draven.

Draven:girlfriend ko na si arrianne kaya tigilan muna yung paglapit sa akin at pagtawag sa akin na motmot(sabi niya kay febbie)

Nagulat ako sa sinabi ni draven at inalis ko yung pagkaka akbay niya sa akin,nilapitan ko si febbie at hinawakan ko yung dalawang braso niya ,nakita ko siyang tumulo yung luha niya ,di siya makapagsalita.

Ako:feb,wag kang maniwala kay draven,di kami magsyota,wala kaming relasyon,nagsisinungaling

lang siya sayo,please ! maniwala ka sa akin(mahinahon kung sabi kay febbie habang nakatingin siya sa akin )

Febbie:ngayon alam ko na ,tama ang kutob ko sayo arrianne ,mang aagaw ka pala,akala ko kaibigan kita ,akala ko totoo ka sa akin,may pasabi sabi ka pa na di mo aagawin sa akin si draven ,pero wala kang isang salita,mang aagaw ka arrianne,ang sakit ! grabe sobrang sakit !(sabay bumuhos yung luha niya) kanina di ko pinansin yung mga tinginan ninyo ni draven habang kumakanta sa stage si draven kasi akala ko wala lang yun pero ngayon na alam ko na in relationship na pala kayo,sobrang sakit arrianne,huhuhu !(napaluhod siya sa sobrang sakit habang umiiyak)

Itinayo ko si febbie pero tinutulak niya ako ,tumulo na rin yung luha ko ,niyakap ko siya ng mahigpit .

Febbie:bitawan mo ako !! simula ngayon hindi na kita kilala !(sigaw niyang sabi sa akin habang tinulak niya ako)

Hinawakan ako ni draven .

Draven:walang kasalanan dito si arrianne ,at lalong hindi niya ako inagaw mula sayo kasi ni minsan hindi tayo nagkaroon ng relasyon febbie(galit niyang sabi kay febbie)

Nagulat ako ng biglang sampalin ni febbie si draven.

Febbie:tingnan natin kung sino sa atin ang mananalo draven,pag malaman to nila tito jazz at tita sab ,tiyak paghihiwalayin kayo ni arrianne at ikaw naman arrianne(sabay tingin sa akin)nagkamali ako sa pagkilala sayo,totoo nga ang mga sinasabi nila mula sayo,malandi ka nga !!

Sobra akong nasaktan nung sabihin yun ni febbie mula sa akin at nagulat ako ng biglang hawakan ni draven yung braso ni febbie ng mahigpit.

Draven:bawiin mo yung sinabi mo kay arrianne,kung may malandi man dito ,walang iba kundi ikaw !

Febbie:(sinampal na naman niya si draven)sige ipagtanggol mo pa yang babaeng yan draven ,bitawan mo yang kamay mo(sabay tulak kay draven) ,magsama kayong dalawa diyan,tingnan lang natin kung magtatagal kayo,di ako papayag na maging masaya kayo !!

Ayun biglang umalis si febbie habang pinupunasan niya yung luha niya,grabe sobrang nanghina yung katawan ko sa mga sinabi sa akin ni febbie ,biglang hinawakan ni draven yung braso ko pero inalis ko ito.

Draven:pasensya ka na arrianne,kung ginawa ko yun ,nais ko lang kasi na lubayan na ako ni febbie .

Ako:(tiningnan ko siya at bigla ko siyang sinampal)bakit ako pa ang ginamit mo draven,bakit ako pa !!(galit kung sabi sa kanya)ano ba ang kasalanan ko sayo ha !! Huhuhu ,alam mo naman na magkaibigan kami ni febbie. (bumuhos yung luha ko)

Ewan ko bigla akong niyakap ni draven pilit kung inaalis yung yakap niya pero di ko maalis kasi hinihigpitan niya ito ,pinagpapapalo ko yung dibdib niya .

Draven:sige saktan mo lang ako arrianne,tatanggapin ko ,pero sana maunawaan kung bakit ko yun ginawa ,alam muna man na gusto kaming ipakasal ng mga magulang namin kasi nagkasundo sila tito kevin at papa nung mga bata pa sila na kapag magka anak sila ay ipapakasal nila ito sa isa't isa ,arrianne wala akong nararamdaman kay febbie,di ko siya gusto at lalong kinasusuklamaan ko siya,patawad kung pati kita dinamay sa kalokohan ko ,ginawa ko lang to para tigilan na ako ni febbie at hindi na kami magpakasal .

Ako:bakit nga ako ang ginamit mo draven,bakit ako pa !! Huhuhu palagi mo na lang akong sinasaktan ,ngayon ng dahil sayo nagalit sa akin si febbie ,huhuhu !

Draven:di ko alam ,arrianne !!

Di ko na napigil yung sarili ko talagang binuhos ko yung lakas ko para maalis ako sa pagkakayakap ko kay draven at ayun na nga tinulak ko siya at sinampal na naman.

Ako:simula ngayon,wag na wag ka ng magpapakita sa akin,pupuntahan ko ngayon si febbie at ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat .

Draven:arrianne wag mo naman gawin to sa akin ! ,di ko pa alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko sayo pero masaya ako kapag nakikita ka at iniinis ka ,yung kanta ko kanina para sayo yun ,after ilang years ,kumanta ulit ako dahil sayo !! sorry kung palagi kitang nasasaktan,sinusungitan at binibitawan ng mga masasamang salita,arrianne ,please ! wag muna man akong layuan !(sabay hawak ng kamay ko at nakita ko yung mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo )

Nagulat ako sa sinabi ni draven,totoo bang para sa akin yung kantang yun pero mali arrianne ,di ka pwedeng magkagusto kay draven kasi ikakasal sila ni febbie sila ang nakatadhana ,wag kang magpapalinlang kay draven ,nangyari na to sayo dati ,nung kay felvin sinaktan ka lang ni felvin ,ewan ko tumulo na naman yung luha ko .

Draven:arrianne ,simula palang na makita kita,dun sa classroom ,nung tumabi ka sa akin ,parang iba na yung pagtingin ko sayo ,mas lalong lumalim yun nung sa ospital nung binantayan mo ako magdamag ,natatandaan mo ba nung sinapak ko sa mukha si felvin kasi niloko ka niya,nasaktan ako nun ,okey lang na ako lang ang tumawag sayo ng panget pero bawal kang tawagin na panget ng iba ,nung nabalitaan ko na sinaktan ka ulit ng grupo nila quennie ay tinakot ko sila na kapag gawin nila ulit yung ginawa nila sayo ay matatanggal sila sa school at hindi sila makaka graduate,arrianne masungit lang ako sayo pero prinoprotektahan kita sa mga taong nananakit sayo,si aethan wala akong tiwala sa kanya .

Ewan ko bigla kung sinigawan si draven

Ako:TAMA NA !!wag ka ng magsalita !! Pwede ba !! Huhuhu ! ayokong maniwala sayo !! Ayoko draven !! Please lang tama na ,huhuhu !

Draven:sumama ka sa akin,pumunta tayo sa ospital ,sasabihin ko kay mama na tayo na !!

Ako:(tiningnan ko siya ng masama)nagpapatawa ka ba ha ! lalo mo talaga akong nilalapit sa panganib ,akala mo ba maniniwala ako sa mga lahat ng sinabi mo ,pasensya ka na draven kasi hindi kapani paniwala yang mga sinasabi mo ! At humihingi ako sayo ng pabor na wag na wag muna akong susundan at kakausapin ,ako ang aayos sa gulong ginawa mo !!(galit kung sabi sa kanya)wag mo akong susundan !

Aalis na sana ako ng biglang hinawakan ni draven yung kamay ko.

Ako:bitawan mo yan !!

Draven:sino ka ! Para utusan ako ng ganyan,wala kang karapatan na controlin yung buhay ko ,ayaw mo akong kausapin at makita ,sige ! Umalis ka !! wala ka palang kwentang babae ,mas masahol ka pa kay febbie ! nagkamali pala ako ng pagkilala sayo,akala ko iba ka sa kanila,pero katulad ka rin pala ng iba,duwag at madamot !! sige di na kita guguluhin !

Sabay bitaw ng kamay ko at itinulak niya ako .

Ewan ko ba bigla na namang tumulo yung luha ko ,gusto ko sanang harapin ulit si draven pero nagpatuloy lang ako ng paglakad at iniwan ko na siya ,bakit ba ang sakit sakit ,huhuhu ! sana naging robot na lang ako para wala na akong maramdaman na sakit dito sa puso ko,huhuhu !

Habang naglalakad ako papunta sa labas ng school ay biglang dumating si aethan .

Aethan:arrianne,anong nangyari ?bakit ka umiiyak ?sino nagpa iyak sayo ?(sabay lumapit sa akin at pinahiran niya luha ko)

Ako:(tiningnan ko siya)aethan,pwede mo ba akong samahan ,gusto ko ng umuwi at magpahinga ,please !

Aethan:sige ,mamaya na lang kita tatanungin .

Ayun hinawakan ni aethan yung kamay ko at umalis na kami dito sa school at sumakay na kami ng taxi .Ewan ko di ko na kinausap si aethan ,di rin niya ako kinulit sa pagtatanong ,bagkus binigyan niya ako ng panyo .

Aethan:wag mong sayangin yang mga precious tears mo sa walang kwentang tao ,di sila kawalan arrianne ,alam ko na si draven yung nagpaiyak sayo .

Ako:(sabay kuha ng panyo niya at pinahiran ko na yung luha ko at tiningnan ko si aethan)ang sakit aethan,sobrang sakit,huhuhu !

Aethan:buti na lang pinuntahan kita,tahan na ! nandito lang ako,bestfriend tayo eh ! gusto mo bang upakan ko yung draven na yun ha !

Ako:wag na aethan,di na niya ako guguluhin at kakausapin,salamat at nandiyan ka !(sabay ngiti kay aethan)

Biglang tumawag sa akin si papa kaagad kung itong sinagot .

Ako:hello pa ?

Papa:nasaan ka !!

Ako:pauwi na po ako,kasama ko po ngayon si aethan,bakit po ?

Papa:totoo bang boyfriend mo si draven ?(pagtataka niyang sabi sa akin)

Grabe ang bilis namang mag update ni febbie sa kanila.

Ako:naniniwala ka talaga sa sinabi ni febbie ,

Papa:sabi niya na si draven na mismo yung nagsabi na kayo na raw,arrianne bawal kayong magkatuluyan ni draven,alam mo naman na pinagkasundo na sila febbie at draven na mga magulang nila ,alam mo naman na magbestfriend sila kevin at jazz hindi ba ? Makipaghiwalay ka na kay draven ,ayokong magalit sa akin sila jazz at kevin,ayos lang sa akin na magkaroon ka ng boyfriend pero wag lang kay draven .

Ako:pa ,relax ka lang ! okey ! Kasi wala kaming relasyon ni draven,at hinding hindi ko siya magiging boyfriend ,imbis na pumunta ako sa bahay ngayon ay pupunta muna ako sa ospital dun kina tito jazz at tita sab para ipaliwanag sa kanila yung lahat.

Papa:salamat anak ,akala ko talaga totoo yung sinabi ni febbie ,sige ipaliwanag mo sa kanila ang lahat ,basta anak wag si draven okey ! ,

Ako:opo pa ,sige ibababa ko na to ,bye !(malungkot sabi sa kanya)

Ayun binaba ko na yung tawag ,grabe ang sakit ,huhuhu !

Itutuloy.