ARRIANNE's POV:
Pambihira talaga tong baliw na draven na to ! sabi niya sa kanya lang ako sasama tapos heto iniwan ako ditong mag isa sa labas ng school ,nakakainis talaga siya ! Hay naku ! kahit kailan talaga ,ewan ko ba kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa baliw na yun.
Bilib na sana ako sa kanya kanina nung pagiging sweet niya at yung bang pinagdadamot niya ako sa iba,umasa na naman ako sa wala ! Tigilan muna yung mga hallucination mo arrianne ,impossibleng magkagusto sayo si draven,kasi nga CHOCOLATE siya samantalang ako naman ay BAGOONG ,CHEESECAKE siya ,ako naman KANGKONG, TURON siya samantalang ako TUYO ,hindi kami swak sa isa't isa ,kaya arrianne tigilan muna yang pagka assuming mo,niyakap ka niya kanina kasi masaya lang siya dahil nagising na si tito jazz yung papa niya pero bakit siya nagseselos kay aethan ,ano yun trip trip lang niya na magselos ! Hay ! kainis talaga yung lalaking yun pareho lang sila ni felvin ,kunwari concern sa umpisa pero ,hayssst !! Tama na nga tong mga iniisip ko baka tuluyan na akong mabaliw !
Heto pumasok na ako sa school nasaan na kaya yung draven na yun di man lang ako hinintay dito sa may guard at nakita ko si febbie na lumalapit sa akin habang malapad ang mga ngiti niya ,bigla niya akong niyakap .
Febbie:saan ka ba nanggaling arrianne,hehehe (sabay yakap sa akin)magsisimula na yung play niyo ,teka !(inalis niya yung pagkakayakap sa akin)nabalitaan muna ba na nagising na si tito jazz (ngiti niyang sabi).
Ako:kaya nga nandito na ako ,60 minutes pa naman bago magsimula yung play at feb (sabay tingin sa kanya) ,nabalitaan ko ,kaya masaya ako kasi nagising na si tito jazz .
Febbie:masaya ? Bakit parang iba yata yung nababasa ko diyan sa mga mata mo,teka parang may sumira yata sa mood mo ngayon,hehehe,sino ba yan ? (kumapit siya sa braso ko)
Ako:wala ! hayaan muna yun ,di ka naman nasanay sa akin,hehehe,yang mga ngiti mo ba dahil yan nagising na si tito jazz or may iba pang nagpapangiti sayo,hehehe
Febbie:uhmmm ! tama ka arrianne ,actually masaya ako ngayon at kinikilig kahit di pa naman niya ginagawa ,hehehe
Ako:sino ?
Febbie:si fafa draven ko ,yung only one motmot ko in my life ,hehehe ! Ayiehhhh !! grabe alam mo ba arrianne ,kakanta siya mamaya bago magsimula yung play niyo,hehehe ! Alam ko para sa akin yung kanta niya mamaya,grabe excited na ako .
Grabe tong babaeng to,ramdam ko yung kasiyahan niya at labis na pagmamahal niya kay draven kahit pa pinagtatabuyan na siya nito.
Ako:marunong pala kumanta yung draven na yun ?(pagtataka kung sabi sa kanya)
Inalis na niya yung pagkakahawak niya sa braso ko at humarap siya sa akin habang nakangiti.
Febbie:oo arrianne ,nakuha niya kasi yung ganda ng boses niya kay tito jazz ,huli kung narinig na kumanta si draven ay noong 10 years old kami,araw yun ng birthday ko ,hehehe ! grabe sa tuwing naalala ko yun arrianne ay kinikilig pa rin ako ,lalo pa't para sa akin yung kantang yun,kaya ngayon na kakanta ulit siya lalo na sa maraming tao ay sobra akong masaya at super excited kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko mamaya baka di ko matiis ang sarili ko na lapitan siya sa stage at yakapin,hahaha ! grabe talaga tong imagination ko,hahaha !
Ako:feb ,baka hindi para sayo yung kantang yun.
Febbie:para naman kanino ? Eh ! Ako lang naman ang close niya dito,or else tama ang naririnig kung sabi sabi dito na malapit na kayo sa isa't isa ni draven,higit pa dun ,tama ba arrianne ?
Ako:ano ka ba ! Nagpapaniwala ka sa mga sabi sabi,kung totoo yun bakit di ko ngayon kasama si draven at wag kang mag alala febbie di ko siya aagawin sayo,hehehe !(ngiti kung sabi sa kanya)
Febbie:buti naman arrianne,kaya nga love na love na kita eh ! hehehe (sabay yakap sa akin)basta arrianne kahit anong mangyari wag na wag kang maiinlove kay draven ha ! kasi pag mangyari yun ,di ko alam kung ano ang gagawin ko sayo.
Ako:baliw ka talaga ! hehehe ,sige na punta na tayo sa auditorium ,naghihintay na sila sa atin,
Febbie:oo nga pala,tara na !
Ayun iniwas na niya yung pagkakayakap sa akin at nagholding hands kami papunta sa auditorium ,diba ang sweet namin ni febbie ,pero bakit ganun nung sabihin ko na di ko magugustuhan si draven ay parang labag sa kalooban ko ,haysss !! ,nababaliw na rin ako ,nakakahawa na yung pagkabaliw nila febbie at draven ,pati tuloy ako nababaliw na .
Maya maya ay nandito na kami sa auditorium at lumapit sa akin si jessa yung vice president ng course namin ,si febbie kasi yung president .
Jessa:arrianne ,dito ka muna maupo sa harap .
Febbie:bakit siya dito uupo ,eh ! Siya ang stage director ng play ,dapat nandun siya sa backstage .
Ako:tama ang sinabi ni febbie ,bakit jessa ?
Jessa:yun kasi yung utos sa akin ni mr.mvp .
Febbie:mr.mvp ? teka si draven ang nag utos sayo ?(pagtataka niyang sabi kay jessa)
Jessa:oo feb .
Ako:bakit ko siya susundin ,punta na ako sa backstage !
Aalis na sana ako dito at pupunta na sana ako sa backstage ng biglang hinawakan ni jessa yung kamay ko.
Jessa:arrianne ,sige na pumayag ka na ,baka kung ano ang gawin sa akin ni draven !!(pagmamakaawa niyang sabi sa akin)
Febbie:sige na arrianne,dito ka muna umupo ,tabi na lang tayo .
Ako:kainis ! sige na nga ,sige na jessa bumalik ka na sa backstage ,ready na ba sila dun.
Jessa:thank you ! arrianne ,oo ready na sila,naghahanda na sila ,sige iwan ko na kayo,
Ayun umalis na si jessa heto umupo na kami ni febbie .
Febbie:bakit kaya niya dito ka pina upo ?
Ako:di ko alam sa lalaking yun.
At heto na nga nagsimula na yung activity ,nagsalita na yung classmate namin na si jericho isa siyang gay .
Jericho:bago tumanghal yung course namin ay kakantahan muna kayo ng ating most valuable player ng basketball at mr.hearthrob of the year ,walang iba kundi si Draven Timothy Reyes ,wala ba diyang hiyawan at palakpakan ,hehehe !
Kaagad na nagpalakpakan yung mga tao dito at naghiyawan ..
Dun mas lalong lumakas yung hiyawan nung lumabas na si draven may dala dala siyang gitara at wow ! Ang gwapo ng suot niya ha ! naka jacket siya ,bakit mas lalo siyang gumagwapo lalo ,hay naku ! Arrianne ,tigilan muna nga yan .
"Go fafa draven namin,woaaahhhh !!
"grabe super talented talaga ng MVP namin"
"anakan muna man kami crush "
Grabe yan lang naman ang mga naririnig ko dito at isa pa tong si febbie mas lalong naging hyper nung lumabas na si draven.
Febbie:motmot ko ! Nandito lang ako ,makikinig sa kanta mo !!(sigaw niya)
Nakahanda na si febbie para kunan ng video si draven ,grabe pati yung mga studyante dito kinukunan rin nila si draven ng video,parang artista lang ha !
Nagulat ako nung biglang tumingin sa akin si draven at nginitian niya ako at ako'y natulaley ,kaagad yun napansin ni febbie at tumingin siya sa akin.
Febbie:bakit ka niya nginitian ?(pagtataka niyang sabi sa akin)
Ako:di ko alam,nagulat din ako !
Febbie:okey ..
Ayun nagsimula ng magsalita si draven.
Draven:sana magustuhan niyo yung kanta ko,lalo na sa taong gusto kung iparinig to sa kanya ..(sabay tingin sa akin)
Teka para sa akin ba yung kakantahin niya,tumigil ka arrianne ,ayan ka na naman ,wag kang mag assume !
Nagsigawan na naman yung mga tao dito ,nakakarindi naman yung mga hiyawan nila,puro fafa draven yung naririnig ko .
Nakita ko si febbie na masayang masaya siya na kinukunan niya si draven ng video .
Nagsimula na ngang kumanta si draven.
Draven:
"Naiinis na ako sa iyo...
Bakit mo ba ako ginaganito,
Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo.
Ano pa bang dapat na gawin pa
Sa 'king pananamit at pananalita
Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghahanga at pagtingin sa iyo oohhh !
Chorus:
Wag mo na sana akong pahirapan pa
Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita !!
Grabe tumindig yung balahibo ko nung marinig ko yung boses ni draven ,napaka ganda ng boses niya parang boses ni migs haleco yung naririnig ko yung idol ko ,napaka talented pala tong baliw na to kaya pala maraming nagkakagusto sa kanya.
Pero ako ba talaga yung kinakantahan niya ,grabe yung mga hiyawan ng mga tao dito ,binigyan nila ng malakas na palakpak si draven.
Jericho:wow ! ,nakakakilig talaga si mr.mvp ,sana all ganyan ang boses ,hehehe
Nagulat ako nung biglang umakyat sa stage si febbie at niyakap niya si draven,nakita kung nagulat si draven sa ginawa ni febbie parang nagalit yata siya kay febbie pero di niya ito pinahalata kasi maraming makakakita ,kaya ayun tumayo na lang si draven at bigla siyang tumingin sa akin at nginitian niya ako sabay umalis at pumunta sa backstage .
Bigla akong tinawag ni jessa .
Jessa:arrianne ,tara na magsisimula na yung play.
Ako:sige punta na ako dun .
Kaagad akong pumunta sa backstage at nakita ko si draven na nagpapalit ng damit ,hinubad niya yung t shirt niya pati jacket ,timing talaga na makita ko yung paghubad niya,nakita ko tuloy yung katawan niya,
Draven:baka matunaw ako nito sa sobra mong pagtitig !(galit niyang sabi sa akin)
Di ko siya pinansin bagkus lumapit ako sa ibang classmates ko ,
Draven:suplada ang panget !!
Ako:guys ,galingan natin yung pag perform ha ! Para tayo ang maging top sa stage play ,
Quennie:wag munang sabihin yan ,alam na namin ginagawa namin.
Ako:sige mag start na yung play natin,tara na ! Lord please guide us !
Habang papunta ako sa may gilid ay biglang hinawakan ni draven yung kamay ko at nakita ko siyang nakangiti sa akin
Ako:ano bang ginagawa mo ! Bitawan muna nga yang kamay ko !
Draven:sungit naman neto,edi bitawan !(sabay tulak sa akin pero mahina lang)
Diba napaka antipatiko talaga ng lalaking to,palagi na lang akong pinagtritripan ,pangiti ngiti pa ,ano ako kengkoy !
Ayun nagsimula na yung play namin ,florante at laura yung title ng play ,si draven at si quennie sila ang gumanap na florante at laura .
Mukhang maayos naman yung pagdedeliver nila ng mga lines pati yung mga actingan nila,mukhang pwedeng mag artista talaga tong si draven ,magaling sa lahat ng bagay ,sumayaw kaya marunong kaya siya ..
After ilang oras na pagtatanghal namin ay natapos na yung play ,naghiyawan na naman yung mga tao dito grabe marami ang kumuha ng video ng play namin,tiyak viral to sa social media,hehehe ! Proud director here .
Nag bow na kami ng sabay sabay at sa wakas natapos na rin yung play ,kaagad na kaming bumaba at nagbihis na sila ng damit ..
Ako:congratulations guys ,hehehe ! Nakita ko si miss de ocampo,sobra siyang natuwa sa ginawa natin,hehehe
Ryan:syempre arrianne ,magagaling kaya tayo,lalo ka na ikaw yata yung director namin,hahaha !
Draven:hoy ! ryan ,pwede bang wag mong pagtripan si arrianne !
Ryan:di ko siya pinagtritripan,binibigyan ko lang siya ng compliment,kailan ka pa naging concern kay arrianne,hahaha
Balak na sanang sapakin ni draven si ryan pero pinigilan ko siya
Ako:ano ka ba draven !
Draven:mag usap nga tayo !
Sabay hila ng kamay ko at umalis kami dito sa kinatatayuan namin at ayun hatak hatak niya yung kamay ko habang palabas kami ng auditorium,nakita ko si febbie na gulat na gulat na magkasama kami ni draven di niya kami sinundan,maya maya ay nandito na kami sa labas ng auditorium ,kaagad akong tinulak ni draven pero mahina lang ito.
Ako:ano bang problema mo ha !(galit kung sabi sa kanya)
Draven:bakit ka ganyan ! bakit kanina mo pa ako ginaganito ha !
Ako:wow ! Coming from you talaga ha ! ewan ko sayo,aalis na ako ..
Ewan ko ba talaga bang nakikisama sa amin yung panahon,bigla lang namang umulan ng malakas kaya kaagad kaming sumilong ni draven dito sa science building .
Ako:ano ba yan !!(pagpahid ko sa damit kung nabasa)
Draven:okey ka lang ba ?(pag aalala niyang sabi sa akin)
Ako:oo !
Draven:Mukhang lalakas na naman yung ulan ngayon ha !(sabay tingin sa itaas ng langit)
Ako:Oo nga ! Hay naku ! Dadami na naman ako !(sabay punas ko ng noo ko)
Draven:Dadami ? Paano ka dadami ?(natatawa niyang sabi)
Ako:Di mo alam yun !!(sabay tingin sa kanya)ang tanda na nga ng joke na yun ee ! diba yung green limbs dumadami kapag nababasa hahaha !(ewan ko ba bakit bigla akong natawa)pwede din namang bacteria o fungi .
Nakita kung hinubad ni draven yung jacket niya at isinuot niya ito sa akin.
Draven:Ikaw talaga ! Suotin mo lang to ! Suotin mo lang !(galit niyang sabi sa akin)
Ako:Grabe ka naman ,nakakababae naman tong ginagawa mo .
Draven:gaya ng sabi ko sayo diba ? Ayoko ng giniginaw ka ! Di baleng ako na lang !
Bwesit ! Naman tong lalaking to,ang sweet na naman niya,totoo ba tong pinapakita niya sa akin,hindi ba to nangtritrip sa akin,pero as in kinikilig ako sa ginagawa niya,,cross my heart !
Habang nagkakatinginan kami ni draven ay biglang dumating si febbie
Febbie:ano to ?
Kaagad kung tiningnan si febbie,nakita ko na galit na galit yung mukha niya ,parang iba yata yung iniisip ni febbie,tiyak magagalit to sa akin.
Itutuloy.