Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 83 - CHAPTER 82:LUCKIEST KILLER

Chapter 83 - CHAPTER 82:LUCKIEST KILLER

ARRIANNE's POV:

Habang busy ako sa paghahanda para sa gagawing activity mamaya dito sa campus namin ay biglang tumawag sa akin si draven,kailangan pa talaga niyang tumawag ,hindi na nga niya ako sinama dun kung nasaan si keith ,sinagot ko kaagad ito.

Draven:bakit ang tagal mong sumagot !!(galit niyang sabi sa akin)

Ako:pasensya na po mahal na prinsipe,marami kasi akong ginagawa,nakita niyo na ba si keith ?

Draven:hindi man lang tinanong kung okey lang ako,si keith talaga ang una niyang inalala ,tsk !!

Ako:ano sabi mo ?

Grabe nabingi ako dun sa sinabi niya ,kailan pa siya nagka ganun ,baliw talaga tong lalaking to

Draven:wala !! pumunta ka dito sa ospital ,kasama na namin si keith ,hinahanap ka niya .

Ako:talaga ? sig.....

Ayun kaagad niya akong binabaan ng tawag ,napaka antipatiko talaga ng draven na to ,bastos !! Di pa nga ako tapos sa pagsasalita ,haysss !! Nakaka HB siya pero masaya ako kasi sa wakas nahanap na nila si keith,yesss !!

Nagulat ako ng biglang sumugod sila quennie sa akin dito mismo sa department namin,akala ko makikipag usap lang sila ng mahinahon pero nung lumabas ako dito sa college of arts and science department ay bigla nila akong hinatak papunta sa may waiting area kung saan malapit sa entrance ng school ,ewan ko wala akong kakayahang labanan sila kasi kapag nilabanan ko sila baka ako pa ang mapasama,hinayaan ko na lang sila na saktan ako,sinasaktan nila ako dahil nagseselos sila sa akin dahil kay draven,nakuha ko raw yung attention ni draven grabe talaga yung lalaking yun di ko akalain na marami pala siyang tagahanga ,kung alam lang nila na sinasaktan rin ako ng draven na yun,kaya ayun kahit sinabihan ko sila na lalayuan ko na si draven ay di pa rin sila naniniwala,napa upo ako sa semento kasi bigla akong tinulak ni philline at ayun sinabihan na nila ako ng mga masasakit na salita,masakit man pero hindi ko na yun papansinin kasi hindi naman totoo,balak na sana akong sampalin ni quennie pero nagulat ako ng may lalaking humatak sa kamay ni quennie at lalo akong nagulat nung makita ko kung sino ito walang iba kundi si aethan yung childhood friend namin ni felvin ,teka nanaginip ba ako ? siya ba talaga ang nakikita ko ,grabe di ako makapaniwala ,natulala ako nung makita ko siya,malaki na ang pinagbago niya,nilapitan ako ni aethan at itinayo grabe nakatitig lang talaga ako sa maamo niyang mukha habang hinawakan niya kamay ko at paalis dito sa kinatatayuan ko hanggang sa nandito kami sa engineering building pagkatapos ay inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at itinulak ko siya .

Nakakainis siya di man lang nagsabi sa akin na babalik na siya dito ,tsk !! Nakuha pa niya akong ngitian ,pero aaminin ko na namiss ko siya ng sobra kaya di ko napigilan na yakapin siya ng mahigpit .

Nagulat siya nung sinabi ko na naging kami ni felvin ,di ko pala nasabi sa kanya tungkol dun kaya di ko na ineexpect na magugulat siya pero masaya ako na wala na kami ni felvin at friends ulit kami.

Natutuwa ako kay aethan ngayon lalo pa't naging over protective na siya di gaya ng dati na palaging binibwesit yung araw ko at talagang gusto pa niyang makipag kompentensya kay draven ,baliw talaga to ! Dapat silang magsama ng draven na yun parehong may sira sa ulo.

Papunta na kami ngayon sa ospital at naiinis ako sa aethan na to nakapunta lang sa thailand ang arti arti na,bakit wala bang jeep sa thailand,hehehe ! sabagay richkid kasi siya kaya ang arti ng lalaking to ,natatawa tuloy ako sa kanya kasi tinatakpan niya yung bibig niya ,hahaha ! Mukhang bata pa rin si aethan.

Maya maya ay nandito na kami sa ospital nakasalubong kaagad namin sila draven at sam at may kasama pa silang bagong recruit ,sila yata yung nakakita kay keith at wow ! siya pa talaga ang galit matapos niya akong babaan ng phone.

Draven:kanina ka pa hinahanap ng tatay mo pati si keith ,sino yang kasama mo !!(galit niyang sabi sa akin as usual)

Nagpakilala kaagad si aethan sa kanila at pagkatapos sabihin ni aethan ang pangalan niya ay nagulat silang apat,teka ano ang nakakagulat sa pangalan ni aethan ,dun ako nagulat nung kwenelyohan ni draven si aethan na galit na galit.

Muntik pang mag away tong dalawang to kaya kaagad akong pumagitna sa kanila ,kaagad akong nagtanong kay draven na

Ako:draven ! ano bang nangyayari sayo ? May atraso ba si aethan sayo ?

Tinanong lang naman niya sa akin kung ano ang buong pangalan ni aethan kaya sinabi ko sa kanya yung full name ni aethan pati kung saan siya nanggaling at ayun gulat na gulat na naman sila kaya sa sobrang pagtataka ko ay nilapitan ko si draven ,tiningnan ko siya sa kanyang mga galit na mga mata at nung titigan ko yung mga mata niya ay kaagad niyang inalis yung tingin niya sa akin.

Ako:draven ? tumingin ka sa akin ? (sabi ko sa kanya at nakita ko na naka tiger look siya aa akin)

Draven:Lumayo ka nga !!(galit niyang sabi sa akin).

Ako:Ano bang nangyayari ? bakit kayo gulat na gulat nung malaman niyo yung buong pangalan ni aethan ?(galit kung sabi sa kanila)

Samantha:Arrianne ,patay na si freda !.pinatay siya .(malungkot na pahayag sa akin ni samantha)

Pagkasabi nun ni samantha ay nagulat ako at tiningnan ko siya .

Ako:Anong sabi mo na pinatay si freda ,eh ! diba siya pa mismo ang nakakita kay keith,anong nangyari ?

Shella:Pinatay siya dahil sa akin ,ang pumatay sa kanya ay kapareho ng pangalan ng kaibigan mong si aethan pati apelyido pareho rin."

Ayun nagulat na naman ako ,kung may sakit lang ako sa puso tiyak kanina pa ako inatake sa sobrang pagkagulat .

Aethan:impossible !! bwesit ! may nagpapanggap pala sa identity ko ,dapat ko siyang ikulong ,ang lakas ng loob niya na gamitin yung pangalan ko pati apelyido ko !(galit niyang sabi)

Draven:talaga bang hindi ikaw yun !!(nilapitan niya si aethan na parang kakatayin niya sa tiger looks niya rito)

Aethan:bakit ko naman gagawin yun ,di ko pinangarap maging killer ! at pare !(sabay tingin kay draven)kung nagdududa ka sa akin ,tanungin mo si tito lesther kasi siya ang kumuha sa akin kanina sa airport alam ko na kilala mo si tito lesther diba ?

Ako:draven,walang kinalaman dito si aethan,tama ang sinabi ni sam na ginamit lang yung pangalan niya pati apelyido para lituhin tayo .

Draven:edi wala !! ,sumama ka sa akin!!(galit niyang sabi sa akin )

Ako:saan ?

Draven:babalik tayo sa school diba may activity dun ,kasali kaya ako dun sa play at ikaw yung stage director

Ako:oo nga pala ,pero kailangan ko munang makita si keith sa loob .

Draven:makikita muna man siya mamaya,tara na !

Nagulat ako nung biglang hinawakan ni draven yung kamay ko pero nagulat na naman ako kasi hinawakan ni aethan yung isang kamay ko

Draven:hoy !! ,bitawan mo yan !(sabi niya kay aethan)

Aethan:bakit kailangan mo pa siyang isama,kailangan talaga magsabay kayo papunta dun,talagang gusto mong mapahamak ulit si arrianne !! kanina muntik na yang makalbo dahil sayo ! Buti na lang dumating ako at pinigilan ko yung mga bully na yun.

Draven:totoo ba yun panget !(pagtataka na sabi niya sa akin)

Ako:bitawan niyo nga muna ako ,(sabay kung iniwas yung mga kamay nila)

Samantha:ang ganda mo talaga girl .hehehe !

Jake:ate ,magpapanget ka kaya para habulin ka rin ng mga lalaki,hahaha

Shella:tumigil ka diyan jake ,baka marinig ka niya .

Draven:sabihin mo panget ,sino yung nanakit sayo kanina ?

Nakita ko yung mga mata ni draven,teka parang totoo yung pag aalala niya sa akin. Nakakagulat naman at naging concern siya bigla

Ako:wala na yun ,hindi naman nila ako nasaktan ng husto,sige na pupunta na lang ako dun,sabay na lang kami ni aethan

Draven:tang ina !! bahala ka !! di na ako sasali dun,di na ako magpapakita dun sa play ,bahala sila maghanap bilang si florante !!(nagalit na naman tong baliw na to)

Ayun nag walk out siya ,umalis na lang bigla

Samantha:arrianne,sundan mo si draven ,

Ako:bahala siya sam ,para naman siyang bata ! ,

Samantha:eh ! paano yung stage play niyo,tiyak babagsak kayo,malapit na kayong mag graduate .

Ako:oo nga pala,kainis naman tong lalaking to ,malaki na nga ang problema natin ,dumadagdag pa to .

Aethan:samahan na kita !

Ako:wag na aethan,magkita nalang tayo mamaya sa bahay nila felvin,diba dun ka muna titira

Aethan:gusto kung manood sa play niyo

Ako:hindi naman ako kasali dun,stage director lang ako.

Aethan:haysss !!

Samantha:sige na arrianne ,baka nakalayo na yung lalaking yun,kami na bahala kay aethan,

Ako:aethan,maya na lang ha !! alis na ako ..

Ayun buti di ako sinundan ni aethan ,tumakbo ako ng tumakbo para hanapin yung baliw na draven na yun pero di ko siya makita ,saan kaya nagpunta yung baliw na yun ,kainis ! hinihingal na ako sa kakahanap sa kanya ,habang nakasandal ako dito sa may puno ay may biglang tumulak sa akin pero mahina lang kaagad akong tumingin kung sino yung tumulak sa akin,nakita ko yung nakangiting mukha ni draven,grabe first time kung nakita si draven na ngumiti ,ang cute niya pala ,teka arrianne ano ba yang iniisip mo,erase erase !

Ako:ano bang nangyayari sayo ha ! kanina galit na galit ka tapos ngayon nakangiti ka na ,baliw ka talaga !(tinarayan ko siya)

Draven:kamukha mo pala si shrek kapang hinihingal ,hehehe ! ,lalo ka tuloy nasira ,sirang sira na nga yang mukha mo ,sinira mo pa ,hahaha !

Ako:nakakahiya naman sayo mr.PERFECT !! ,bahala ka diyan !!

Tinalikuran ko siya habang galit na galit ako sa kanya pero bigla siyang humarap sa akin at nagulat ako sa mukha niya kasi grabe napaka gwapo ng mukha niya kapag malapitan ,baliw na ba ako !! Di ako makapagsalita !

Draven:gusto mo ba ako ! Bakit namumula yang panget mong mukha ,hahaha !!

Ako:(tinulak ko siya pero mahina lang)draven,di ko na nagugustuhan yang mga sinasabi mo sa akin,okey lang na bumagsak ako sa grades ko pero wag mong idamay yung mga classmates natin

Draven:hindi naman ako magbaback out dun,ipagpapatuloy ko pa rin yun

Ako:(tiningnan ko siya)sabi mo kanina di ka na magpapatuloy ?

Draven:sinabi ko lang yun para sumama ka sa akin tara na bumalik na tayo dun sa school

Ako:baliw ka talaga ! ikaw ba talaga yan draven bakit bigla kang nag iba sa akin iba na yung pakikitungo mo sa akin.

Pagkasabi ko nun ay bigla akong pinalo sa noo ng draven na to pero mahina lang

Draven:ang dami mong sinasabi ,tara na !!

Ako:nga pala draven,paano mo mahahanap yung pumatay kay freda

Draven:alam ko na may kinalaman dito yung kaibigan mo !

Ako:impossible yun draven,di yun magagawa ni aethan,mabait siya

Draven:sigurado ka panget ! si felvin nga sinaktan ka pa rin niya kahit mabait siya sa paningin mo,ano pa kaya si aethan,panget ! Layuan mo na yung aethan na yun,sa akin ka na sasama ,wag na sa kanya.

Pagkasabi nun ni draven ay teka nananaginip ba ako,bakit biglang naging sweet sa akin tong lalaking to lalo na sa last part na sinabi niya,bwesit ! ,kinilig ako ng kunti dun ha !

Draven:oo di maganda yung pakikitungo ko sayo,yung mga pananalita ko sayo ,pero panget kadalasan sa mga ugali kung to ay siya ang tunay na mabait ,yung mga nagbabait baitan ay yun ang tunay na demonyo !!

Ako:so pinaghihinalaan mo pa rin si aethan kahit alam mo na kakauwi lang niya galing sa thailand,pwede naman na biktima rin siya dito.

Draven:bahala ka nga !! pinagtatanggol mo pa talaga yung aethan na yun,diyan ka na !!

Ayun umalis na naman yung baliw kaya sinundan ko siya .

Ako:sumakay na tayo ng taxi .

Draven:dun ka sa aethan mo !!(galit niyang sabi sa akin)

Ako:nagseselos ka ba draven ?

Draven:BAHALA KA !!

Sakto may dumaan na taxi kaagad akong pumara at ayun kaagad na sumakay si draven kaya sumakay na rin ako ,nakita ko yung mukha niya naka simangot ,hahaha ! bakit ba ako natatawa sa mukha niya imbis na papanget siya lalo tuloy siyang gumwapo sa pagiging masungit niya

Driver:saan kayo baba mga iho at iha .

Draven:sa sementeryo !

Driver:wow ! dun kayo magde date ..

Ako:sa ferdinand school kami bababa,wag kang maniwala sa gwapong nilalang na to.

Nakita ko si draven na bigla siyang ngumiti nung sinabihan ko siya na gwapo,baliw talaga tong lalaking to ..

Biglang nag ring yung phone ni draven

Kaagad niya itong sinagot ..

Draven:hello ma ? Bakit po ?

-----------

Draven:talaga !!(nakangiti niyang sabi) salamat naman at nagising na si papa(sabay tingin sa akin)

Napangiti ako sa nalaman kung magandang balita mula kay draven

Draven:sige ma ,mamaya pupunta kami diyan ni panget este ni arrianne,may activity pa kasi kami ngayon.

----------

Draven:sige ma ! Bye !

Ayun binaba na niya yung tawag at nagulat ako ng bigla akong yakapin ni draven .

Draven:yesss !! Thank you lord at nagising na rin si papa ,hehehe(sabay yakap sa akin)

Di ko alam kung yayakapin ko rin siya nagulat ako sa ginawa niya at maya maya ay inalis na niya ito ,di makatingin ng diretso sa akin si draven

Draven:pasensya ka na ! sobra lang akong naging masaya,walang meaning yun ,,

Ako:okey lang ,masaya rin ako kasi nagising na rin si tito jazz ,sobrang tapang niya talaga at nalabanan niya yung lason na ginawa sa kanya ni de paz

Draven:kaya nga !

Driver:ang sweet niyo naman,sana magkasama pa rin kayo sa pagtanda niyo,hehehe (pasimpleng banat ni kuya driver)

Draven:mag drive ka na lang diyan,at hindi ko yan syota !

Driver:asuss ! hindi raw syota pero kung makayakap kanina ,wagas na wagas ,hahaha

Nagulat ako ng bigla niyang sinipa yung upuan ng driver kaya kaagad kung pinigilan si draven

Driver:joke lang sir,heto naman di mabiro,hehehe ..malapit na tayo sa school niyo

Draven:wag kang feeling close diyan baka masapak ko yang mukha mo !

Ako:draven,ano ka ba !! ,respetuhin muna man si kuya mas matanda pa siya sa atin,kuya (sabay abot ng pamasahe kay kuya)pasensya na po sa ginawa ng kasama ko,heto po keep the change .

Kaagad na kinuha ni kuya driver yung bayad

Driver:salamat iha ! ,napaka swerte ng magiging boyfriend mo,hehehe

Nandito na pala kami sa school kaya ayun bumaba na kami .

Hindi man lang ako pinansin ng baliw na draven na yun,iniwan niya lang ako dito,kaagad siyang pumasok sa loob ng school .

Itutuloy.